You are on page 1of 9

Live-In: Tama Ba o Maling Gawin Ito?

(LOVE TIPS)
Isang malaking hakbang para sa relasyon ang magsama sa iisang bubong
o ang mag-live-in. Ito ay commitment sa inyong dalawa na kayo ay
magsasama kahit hindi pa kayo kasal. Ang epekto o mga kahaharapin ng
ganitong uri ng pagsasama ay mahirap tukuyin sapagkat bawat sitwasyon
ng isang relasyon ay magkakaiba. Ang kasagutan kung may dulot bang
maganda ito para sa inyong relasyon ay nakadepende kung hanggang
saan ang kaya mong isakripisyo at kung handa ka bang kaharapin ang
mga pagsubok ng inyong relasyon.
Good Side Of Living-in Together
magandang dulot ng pagli-live-in
Ang ilan sa magandang idudulot ng pagli-live-in ay paghahanda sa
hinaharap. Malalaman mo kung karapat-dapat ba siyang pakasalan o
hindi. Sa pagli-live-in ay matutuklasan ninyo pareho ang inyong
pagkakaiba at kung hanggang saan ang kaya ninyong baguhin para
mapatatag ang inyong relasyon. Kung tanggap mo na siya at sanay ka na
sa kanyang pag-uugali sa tagal ng inyong pagli-live in ay pwede mo ng
masabing karapat-dapat ng pakasalan ang taong ito.
Ang pagli-live-in ay isang magandang opurtunidad para mas lalo ninyong
makilala ang isat isa lalot iyong bad habits o mga hindi magandang
katangian ng iyong kinakasama. Hindi bat mas maiging ngayon pa lang ay
matuklasan mo na ito kaysa magsisi ka sa huli na nagpakasal ka kaagad
sa taong hindi mo pala kayang tanggapin ang kanyang hindi magandang
karakter.
BAD SIDE Of Living-In Together
hindi magandang dulot ng pagli-live-in
May ilan mang mabuting dulot ang pagli-live-in, nawawalan naman ng
saysay ang kahulugan ng kasal kung saan sana iyon ang unang hakbang
para makilala ninyo ang isat isa bilang mag-asawa. Kumbaga, wala ng
excitement pa sapagkat nakilala ninyo na ang isat-isa sa pagli-live-in
ninyo together.
Isa pang masamang kahihinatnan ng ganito ay iyung isa aasa na lamang
kung darating pa ba ang oras na yayayain pa ba siyang magpakasal o
hindi na. Sapagkat sa pagli-live-in ninyo pa lang ay komportable na kayo.
At aminin na natin na ang pagli-live in ay hindi tanggap ng anumang
relihiyon sapagkat ito ay sumasaliwa sa aralin ng simbahan na dapat ay
kasal muna ang dalawang tao bago sila magsama sa iisang bubong.

NG pagsasama nang di-kasal ng dalawang taong di-magkasekso ay nagiging


pangkaraniwan na lamang sa industriyalisadong mga lipunan sa buong daigdig, ang
sabi ng Journal of Marriage and Family. At mga kalahati sa nagsasamang mga
indibiduwal ang nag-aakala na ang gayong pagsasama ay isang paraan upang matiyak
kung magkabagay sila bago magpakasal. Kung gayon nga, aasahan sana na ang
kaayusang ito ay dapat mag-alis ng hindi magkabagay na mga pares at higit na
magpatatag sa pag-aasawa, ang sabi ng Journal.
Gayunman, ipinahihiwatig ng mga katibayan na kabaligtaran ang
nangyayari, ang patuloy pa ng Journal. Sa mga mag-asawa, ang
pagsasama muna bago ikasal ay iniuugnay sa di-gaanong kasiya-siyang
pag-aasawa, paggugol ng mas kaunting panahon nang magkasama sa mga
gawain, mas matitinding di-pagkakasundo, mas mahinang pagsuporta ng
kabiyak, di-gaanong matagumpay na paglutas sa mga suliranin, [at] mas
maraming iniulat na mga problemang pangmag-asawa . . . Bukod dito,
kung ihahambing sa mga magkasintahang nagpakasal muna bago
magsama, ang mga magkasintahang nagsama muna ay mas malamang na
maghiwalay [magdiborsiyo].
Gaya ng ipinakikita ng pag-aaral na ito, ang waring matalinong pananaw
ng tao ay maaaring hindi talaga isang katalinuhan. Idiniriin ng bagay na
ito ang katotohanan ng mga salita sa Jeremias 10:23: Hindi sa taong
lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang. Mas
matalino ngang umasa sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, na naglalaan ng
mainam na payo tungkol sa pag-aasawa! (2 Timoteo 3:16) Halimbawa, may
kinalaman sa ugnayan ng mag-asawa, sinasabi ng Bibliya: Iiwan ng lalaki
ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan siya sa kaniyang asawa
at sila ay magiging isang laman.Genesis 2:24; Mateo 19:5.
Lumalaki ang pag-asang magkaroon ng tunay na maligaya at nagtatagal
na pag-aasawa kapag binibigyang-pansin ang patnubay na iyan ng Diyos,
sa halip na sundin ang mali at kadalasang pabagu-bagong
pangangatuwiran ng tao.
2.pre marital sex
Pagtatalik na premarital
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Ang pagtatalik na premarital, pagtatalik bago ikasal, pagtatalik bago ang kasal,
o pagtatalik bago ang kasalan(Ingles: premarital sex o pre-marital sex) ay isang gawaing
seksuwal na isinasagawa ng mga taong hindi kasal. Pangkasaysayang itinuturing ito na

bawal sa maraming mga kultura at itinuturing na isang kasalanan sa maraming mga


relihiyon, subalit naging mas karaniwang katanggap-tanggap sa loob ng huling ilang
mga dekada.
Kahulugan[baguhin | baguhin ang batayan]
Hanggang sa pagsapit ng dekada 1950,[1] ang katagang "pagtatalik na premarital" ay
tumutukoy sa ugnayang seksuwal sa pagitan ng dalawang mga tao bago sila ikasal sa
isa't isa.[2] Noong panahong iyon, ang mga lipunang Kanluranin ay umaasa na ang
kalalakihan at kababaihan ay magpapakasal sa pagdating ng gulang 21 o 22; bilang
ganyan, walang konsiderasyon na ang isang tao na nakipagtalik na ay hindi
magpapakasal. Ang kataga ay ginamit sa halip na ang salitangpornikasyon, dahil sa
negatibo o masamang konotasyon o pahiwatig ng panghuling salita.[1]
Magmula noon ay nagbago na ang kahulugan nito, na tumutukoy na sa lahat ng mga
relasyong may pagtatalik na nagkaroon ang isang tao bago ang kasal; inalis nito ang
pagbibigay ng diin sa kung kanino naganap o nangyari ang ganitong mga relasyon.
[2]
Ang kahulugan ay mayroong antas ng kalabuan o kawalan ng kalinawan. Hindi
malinaw kung ang pagtatalik sa pagitan ng mga indibiduwal na legal na
pinagbabawalang magpakasal, o mga relasyong seksuwal ng isang hindi nagnanais na
magpakasal ay maituturing na premarital.[1]
Ang panghaliling mga kataga para sa seks na premarital ay naimungkahi, katulad
ng pagtatalik na walang kasalan (na sumasalabat sa pangangalunya, pagtatalik na
mapangkabataan, patatalik ng adolesente, at pagtatalik ng kabataang adulto. Ang mga
katagang ito ay nakakaranas din ng antas ng pagkamalabo, dahil sa ang kahulugan
ng pakikipagtalik ay nagkakaiba-iba mula sa isang tao papunta sa isa pang tao.[1]
Mga depinisyon sa premarital sex
1. Ano ang pre-marital sex para sa iyo?
Ang pre-marital sex ay pagtatalik ng dalawang tao na kung saan wala silang basbas
galing sa Panginoon.
2. Sa inyo pong palagay ano ang dahilan kung bakit sinusubukang maranasan ng mga
kabataan ang pre-marital sex?
Sa aking palagay ay dahil na rin kakulangan ng gabay, pagmamahal, at pagbibigay ng
atensyon ang mga magulang o pamilya. Maaari din na sa problema nila sa eskuwela na
iyon lang pakikipagtalik ang nagiging paraan nila para makalimot sa problema
nila.Maaari din na impluwensya ng mga kaibigan o mga taong nakapaligid sa kanya.
3. Bakit ipinagbabawal ang pre-marital sex ng simbahan?
Ipinagbabawal ng simbahan ang pre-marital sex dahil ito ay immoral, hindi man sa mata
ng tao kung hindi sa mata ng Diyos. Ayon nga sa biblia 1 corinthians 6:13 -sasabihin
naman ng iba "Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay sa pagkain" totoo. Ngunit
pareho itong sisirain ng Diyos ang katawan ay hindi para sa pakikiapid kundi para sa

Panginoon, at ang Panginoon naman ay sa katawan. Ibig sabihin lamang nito na ibigay
muna natin ang ating sarili bago natin ibigay sa iba, dahil utang natin ang lahat sa Kanya.
4. Paano matutulunganng simbahan ang mga kabataang nakaranas na ng pre-marital
sex?
Matutulungan ng simbahan na maiwasan ang pre-marital sex sa pamamagitan ng
pagmulat ng kanilang isipan sa mga aral at salita ng Diyos at hikayatin sila na sumali sa
mga youth organization upang sila ay makaiwas sa tukso at ng malaman nila ang tama.
5. Ano po ang maipapayo niyo sa mga kabataan?
Ang aking maipapayo sa mga kabataang tulad niyo ay ituon n'yo ang mga atensyon una
sa ating Panginoon, dahilan sila ang gagabay sa inyo sa tamang daan. Pangalawa, sa
pamilya na nagbibigay ng pagmamahal, importansiya, kalinga, at walang sawang
pagsuporta sa atin, At ang huli ay sa pag-aara, dahil mahalaga ang edukasyon ito ang
magiging susi para sa inyong kinabukasan at sana makapagsimba kayo linggo-linggo o
kahit sabado upang mas mahigpit kayo sa Panginoon.

Mga bagay na makakamit sa pag-iwas sa maaang pakikipagtalik


1. Malinis na konsensya.
2. Kapayapaan ng isip sa iyong buhay sa mga darating pang relasyon at sa iyong
magiging kabiyak.
3. Laging tandaan na sa isang malusog na relasyon, nauuna ang respeto kaysa pag-ibig.
At ang pre-marital sex nakapag-aalis ng iyong respeto sa sarili at kasintahan.
4. May malaking pagkakataon sa pagkakaroon ng higit na matatag na pagsasama.
5. Higit na respeto sa sarili sa isa't isa at respeto mula sa ibang tao.
6. Tumatagal na relasyon - Higit na nakakasira ng relasyon ang pre-marital sex kaysa iba
pang dahilan.
7. Walang pag-aalala ukol sa pagbubuntis at STD's.
8. Hindi ka mag-aalala sa pagkakaroon ng masamang reputasyon.
9 Ang Premarital ang nagtutulak sa isang tao na magpakasal sa taong hindi karapdapat.
10. Isiping mayroong malaking pagkakataon na hindi mo makakaisang dibdib ang iyong
kasintahan ngayon kaya mas mabuting panatilihing malinis ang sarili para sa magiging
kabiyak.
SEX SYMBOL
Apoy o Baga simbolo ng kapusukan dala ng pagnanasa o init ng kaawan
na makipagtalik na hindi iniisip king ano ang manyayarin resulta sa
kanyang sarili o kapareha.

Langit Maraming nahuhmaling sa sex dahil sa sarap na naidudulot nito.

Laman ito ay nagsisimula sa pisikal na pagnanasa hanggang sa mapunta


sa pakikipagtalik dahil sa ibang pakiramdam ay nakaka adik tulad ng sa
droga.

Kamachohan Para sa kalalakihan, ang sex ay pride dahil pinaniniwalaan


nila na ito ay paraan upang mapatunayan na sila ay tunay na lalaki.

Pag-ibig? Kalimitang naibibigay ng babae ang kanyang virginity sa


kanyang karelasyon dahil sa sobrang pagmamahal
4.homosexuality
Homoseksuwalidad
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Watawat na sagisag ng pamayanan (komunidad) ng homoseksuwal. Ang iba ibang kulay ng


bahaghari (rainbow) ay sumasagigsag sa pagkakaiba-iba o dibersidad sa homoseksuwal na
komunidad.
Ang homoseksuwalidad[1] o homosekswalidad ay romantikong atraksiyon, atraksiyong
seksuwal o gawaing seksuwal sa mga kasapi ng magkatulad nakasarian. Ito ay bahagi ng
katangian o katauhan ng isang tao. Bilang isangseksuwal na orientasyon, tumutukoy ang
homoseksuwalidad sa "permanenteng pagnanais na makaranas ng seksuwal, magiliw, o
romantikong atraksiyon" pangunahin o natatangi sa mga taong katulad na kasarian. "Tumutukoy
din ito sa pagkakakilanlang pampersonal o panlipunan batay sa mga nabanggit na atraksiyon,
mga kilos na ipinapakita nila, at sa pagsanib sa komunidad kung saan sila kabahagi."[2][3]
Isa ang homoseksuwalidad sa tatlong pangunahing kaurian ng oryentasyong seksuwal, kasama
nang biseksuwalidad at heteroseksuwalidad. Ayon sa mga siyentipiko at sa pagkakaunawang

medikal, ang oryentasyong seksuwal ay hindi pinipili, bagkus ay isang komplikadong


pagsasama ng mga dahilangbiolohikal at pangkapaligiran.[2][4] Bagamat mayroon pa rin
naniniwala na ang mga gawaing homoseksuwal ay "hindi natural" o "dispunksiyunal",[5]
[6]
ipinapakita ng mga pagsasaliksik na ang homoseksuwalidad ay isang halimbawa ng normal at
natural na kaurian ng seksuwalidad ng tao at hindi ng isang epekto ng negatibong pag-iisip.[2]
[7]
Ang panghuhusga at diskriminasyon laban sa mga taong homoseksuwal at biseksuwal
(homophobia) gayunman ay nagpapakita ng isang malaking epekto pang-silohikal, at mas
lalong nakasisira sa mga batang homoseksuwal at biseksuwal.[7][8]
Pinakatalamak na salitang ginagamit sa mga taong homoseksuwal ang lesbyan otomboy para
sa mga babae at bakla o beki para sa mga lalaki. Ang bilang ng tao na nagsasabi na sila ay
bakla o lesbyan at ang bilang ng taong may karanasang seksuwal sa katulad na kasarian ay
mahirap sukatin para sa mga mananaliksik dahil sa iba't ibang mga kadahilanan, kabilang na
ang maraming mga bakla ang hindi bukas sa paglaladlad dahil sa resulta ng homophobia at
diskriminasyongheteroseksismo.[9] Ang mga kilos homoseksuwal ay naidokumento at naitala rin
sa maraming espesye ng hayop.[10][11][12][13][14]
Maraming mga bakla at lesbiyana ang tapat sa mga ugnayan ng magkatulad na kasarian,
subalit kamakailan lamang nagkaroon ng mga uri ng senso at kaisipang pampolitika na
magsasagawa upang ipakita ang kanilang hanay.[

Transexualism

Sex Change[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang SEX CHANGE ay ang proseso kung saan ang isang tao o isang hayop ay nagpapalit kasarian
sa kalagayang ipinapalit ang pambabaing katangian sa isang lalaki o ang kabaligtaran nito. May
pagpapalit ng kasarian na nagaganap sa natural na paraan, katulad ng mga naoobserbahan sa
ibang uri ng nilalang na tinatawag na sequential hermaphroditism. Tinatawag na sex reassignment
therapy kasama na ang sex reassignment surgery ang pagpapalit ng kasarian, na karaniwang
ginagawa sa mga tao. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga kasanayang medikal na isinasagawa sa
mgaintersexual na tao. Ito rin ay maaaring gamitin sa mas malawakang proseso ng pagbabago ng
kaugalian batay sa sekswalidad (pamumuhay bilang babae kaysa mamuhay bilang lalaki, o
anumang kabaligtaran nito), kung saan ay maaaring isama o hindi ang pagpapaopera.

Sa mga tao[baguhin | baguhin ang batayan]


May mangilan-ngilang kaso ng kondisyong medikal ang nagreresulta sa pagpapalit ng kasarian ng
tao. Ang kasarian ng isang tao sa kanyang pagkapanganak ay maaaring mabago sa kanyang
pagtanda. Ang pinakamaraming kaso ay ang pagpapalit ng kasarian ng mga ipinanganak na babae
patungong lalaki pagdating sa panahon ng kanyang pagdadalaga/pagbibinata, na maaaring dahilan
ng 5-alpha-reductase deficiency (5alpha-RD-2) o 17-beta-hydroxysteroid dehydrogenase
deficiency(17beta-HSD-3). May mangilan-ngilang kaso ng pagbabago kung saan ang ipinanganak
bilang lalaki ay magpapalit ng kasarian bilang babae, subalit ang mga maaaring sanhi o pinagmulan
nito ay hindi pa gaanong napag-aaralan at naiintindihan.
Ang mga ipinanganak bilang babae (may dalawang X Chromosome) na mayroong congenital
adrenal hyperplasia ay nagkakaroon ng pagkukulang sa mga enzymes na lumilikha ng mga
hormones na cortisol at aldosterone. Bilang resulta, ang katawan nila ay gumagawa ng mas
madaming androgens, na siyang nagpapakita ng mga katangiang panlalaki ng mas maaga na hindi
kinakailangan ng babae.
Sa kabilang banda, ang mga ipinanganak bilang lalaki (may tig-isang X at Y chromosome) na
mayroong androgen insensitivity syndrome (AIS) ay hindi naaapektuhan ng androgens. Bilang
resulta, nagkakaroon ang lalaki ng mga katangiang pambabae kahit na siya ay mayroong genes na
pang lalaki. Ang pagbabagong ito ay nagaganap kapag ang isang lalaki ay mayroong incomplete AI,
tulad ng pagkakaroon ng Reifenstein Syndrome, kung saan nagkakaroon ng dibdib na pang babae
ang mga lalaki.

Pagpapalit ng kasarian gamit ang mga


operasyon[baguhin | baguhin ang batayan]
Karaniwang nagpapalit ang mga tao ng kanilang kasarian kapag sila ay dumaan sa isang ''sex
reassignment therapy'' kung saan papalitan ang katangiang sekswal ng isang babae ng sa lalaki o
isang lalaki patungong babae. Maaari din itong isama sa ''sex reassignment surgery'' na kung saan
ang ari lamang ang ooperahan.
Kadalasang ginagamit din ang sex change sa pagpapalit ng pamumuhay ng isang tao (tulad ng
pamumuhay ng isang lalaki bilang babae), kung saan hindi na ang operasyon. Ang pagbabagong ito
ay karaniwang mas mahalaga sa mga transgenderkaysa sa pagpapaopera, subalit ang
pagpapaopera ay sinasabing maaaring magamit upang mabago ang mga posibleng role ng isang
transgender, socially at legally; o hindi kaya ay mahalagang pagbabago sa ugali ng isang tao.

Ang pananaw ng maraming tao tungkol sa sex change ay maituturing na hindi tama. Ang sex sa
mga tao ay nakikita sa pamamagitan ng apat (4) na bagay:

Chromosomes

Gonads (Ovaries at/o Testicles)

Kalagayan ng Hormones

Pangunahing pangkasariang katangian, o minsan kasama ang pangalawang pangkasariang


katangian.

May mga parte dito ang maaari at hindi maaaring baguhin, tulad ng:

Hindi maaaring baguhin ang mga chromosomes

Ang mga Gonads ay maaaring tanggalin, subalit hindi maaaring palitan

Madaling baguhin ang kalagayan ng hormones

Ang secondary sex trait ay maaaring palitan: ang iba ay sa pamamagitan ng operasyon at ang iba
ay sa pagtuturok ng mga hormones. Halimbawa, ang isang komplikadong bagay tulad ng pagpapalit
ng kasarian ng isang lalaki patungong babae kung saan gumagana ang bawat parte ng kanyang ari,
ay posibleng magawa, samantalang ang pagpapalit ng ari ng babae sa isang lalaki ay isang napaka
komplikadong bagay, na kung minsan ay hindi nagiging matagumpay ang operasyon (ang ibang
parte ng inilalagay na ari ay hindi gumagana).
Ang pagpapalit ng kasarian ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng hormone replacement
therapy, kung saan ang mga nagnanais maging babae ay binibigyan ng mga gamot na mayaman
sa estrogen, antiandrogens at minsan ayprogesterone. Ang pagpapalit naman patungong lalaki ay
binibigyan ng mga gamot na mayaman sa androgens. Ang karaniwang tagal ng paghihintay bago
ang operasyon sa pagpapalit ng kasarian ay dalawang taon, na itinakda ngStandards of Care for the
Health of Transsexual, Transgender and Gender Conforming People. Ang operasyon sa pagpapalit
ng kasarian ay sinisimulan matapos ang isang counselling o ang pamumuhay sa piniling kasarian sa
panahon ng humigit kumulang anim na buwan, subalit ang mga kondisyong ito ay maaaring
mabaliwala dipende sa batas na ipinapatupad sa lugar na tinitirhan. Karaniwan sa mga trans
people ay nagiging mga medical tourist, sapagkat mas makakatipid at mas makakakuha sila ng
magagaling na doktor tulad sa Thailand.

You might also like