You are on page 1of 19

Ang Kultura sa Pilipinas

Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na


ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa ibat
ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa
ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya itoy ating
ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling
buhayin.
Mga Kultura sa Pilipinas:
1.
Wika
2.

Paniniwala

3.

Tradisyon o Kauglian

4.

Pagkain

5.

Sining

6.

asuotan

7.

Relihiyon

Wika- Ang Pilipinas ay isa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong

daigdig. Maliban sa pambansang wika na Filipino kasama nang mahigit sa isangdaang(100) katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang
banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Koreano, Kastila o
Espanyol, at Arabe.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga
wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo (Austronesian Languages).
Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula
sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga watak watak na
pulo ng teritoryong Polynesia sa karagatang pasipiko.

Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig.
Ngunit mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang
bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ay tanyag
at malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa;
Paniniwala-

Kultura ng pilipinas
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong
impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga
unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng
mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng
mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng
Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang
Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa
mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano,
Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat
taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking
Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay,
o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa
katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan.
Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang
nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na
karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga
tradisyon at nakagawian.
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga
mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon
ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang
Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong
paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang
mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika
sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang

mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay


pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin,
hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay
minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura
ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian,
tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Lipunang Pilipino
Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at
marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo
pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa
pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan
ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at
tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.

Kaugaliang Pilipino

Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man

Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang

Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.

kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga
taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang
nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga
bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang
kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.

kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit
sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang
bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng
iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.

Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung

Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o

ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na
ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang
pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila
ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.\

pan

Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.


Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay
kumilos sa tama at nasa lugar.
Utang na Loob : Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa
taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang
dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan

Mga Pambansang
Pagdiriwang
Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong
napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa
mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong
pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o
walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang
pagdiriwang.

Bagong Taon

Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon.


Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31.
Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga
kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila
nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family
reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.

Araw ng Rebolusyong EDSA


Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng
Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan
ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang
nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 2225, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame.
Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong
EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power
Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng
Pebrero.

Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita
hinggil sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga
Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng
Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang
Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito
ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.

Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa.
Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga
paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa
ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may
pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba
pang bagay.

Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga
Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa Espaa. May parada at pagaalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga
bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa
ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang
programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Samasama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.

Araw ng mga Bayani


Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 tauntaon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila.
May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga
nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.

Mga pansibikong
pagdiriwang
May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga
pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang
buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang
kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang
na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang
ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan
sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang
walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng
pakakatatag nito tuwing Agosto 19.

Araw ng mga Puso


Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal
sa buhay kung gaano natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang
kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita
ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng
pagdiriwang na ito. Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa
araw na ito.

Linggo ng Pag-iwas sa Sunog


Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo.
Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa

sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa


natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa
ating lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga
programa pa ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng
pag-iwas sa sunog

Araw ng mga Ina/mga Ama


Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga
Ama. Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga
ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita
natin sa mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina at ama.

Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga
patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa
wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto.
Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng
Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa
okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika.
Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga
Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa
talakayan.

Araw ng mga Nagkakaisang Bansa

Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga


Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang
pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo.
Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga
Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan
at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito.
May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan
kundi pati na sa telebisyon at radyo.

Linggo ng Mag-anak
Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng maganak at ang pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi nito.

Araw ng mga Guro


Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang nito. Dito naman
pinahahalagahan ang kabutihan ginagawa sa atin ng mga guro.

Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon


Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan.
Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa ayon sa bayani o natatanging
Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila. Ika
-19 naman ng Agosto ang Araw ng Lungsod Quezon.

Mga pagdiriwang na panrelihiyon

Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito


sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian

at katangiang Pilipino

Pasko
Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng
Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa
pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de
gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang
magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang
araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito.
Marami ang dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang
mag-anak dito.
Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin
tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa
buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga
kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng
kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong
mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay
pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga
mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga
kasapi ng mag-anak.
Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng
makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga.
Dinarayo ng mga turista ang paradang ito.

Ati-atihan
Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at
pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng uling o anumang itim na
pangkulay sa buong katawan ang mga sumasali sa parada. Nagsusuot
pa sila ng makukulay na kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng
tugtog ng mga tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Nio
ng isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa
kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang
viva.

Mahal na Araw
Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong
Pilipino. Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito. Karaniwang
makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan
na ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya naman ang tawag
sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o namamanata tuwing
Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang
sarili sa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga
katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo
ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing
Biyernes Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng
lahat ng simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang ipabando o
ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon.
May isa pang gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang

Moriones ng Marinduque. Isang makulay na kaugalian pang-Mahal na


Araw ito. Nagsusuot ng damit ng mga Romanong sundalo at
makukulay na maskara ang mga namamanata.

Pahiyas
Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga
magsasaka na si San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit
ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong
pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.
Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga
kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-kanilang mga
kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala
sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at
aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na
kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

Santakrusan
Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung
Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang
paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming
naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay
Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga
akadang kaugnay nito.

Pista ng Peafrancia
Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng
Naga, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng
mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peafrancia ang dinarayo sa
pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga
at kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan ng
palamuti ang trono ng birhen na nasa isang kasko.

Araw ng mga Patay o Todos los Santos


Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at
pinararangalan ang mga namatay na kamag-anak sa araw na ito.
Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo upang
magsindi ng mga kandila, mag-alay ng mga bulaklak at pagkain, at
magdasal para sa namatay na mga mahal sa buhay. Nagkakaisa rin
ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang ito.

Ramadan
Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa
Timog tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin
sila sa pagdiriwang ng okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa
kanila. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod
ng Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang
mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang
mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga
pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang

Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran


kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng
Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

Hari Raya Puasa


Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating
Muslim ang Hari Raya Puasa. Isa itong pasasalamat nila.
Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas na ingay ng mga tambol.
Agad silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at
nagtutungo sa mosque. Nagdarasal sila ng isang oras. Imam ang
tawag sa kanilang pari.

Ang Kultura ng Pilipinas


Posted on July 7, 2008 by Ullessis Abaya

Ang kultura o kalinangn sa pangkalahatan ay


tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Ibat iba
ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa ibat
ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa
pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan.
Ang Kultura ng Pilipinas ay pinaghalong
impluwensya ng mga mananakop nito noon at ang
katutubong asal na nakagisnan. Ang papanakop ng
mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko,
na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking
kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang
Pilipino, na kadalasang kilala sa tawag na Tagalog,
ay maraming hiniram na salita galing sa Kastila.
Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon
ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang
lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon,
ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng
malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong

Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito.


Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa
katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon
pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay
ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga
Kastila. Sa Katimugang bahagi ng bansa na
karamihan ay mananalig-Islam ay nagdiriwang din
ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang
tanging pambansang pagkakilanlang pangkultura
ang nahubog. Sa isang bahagi, ito marahil ay sa
napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan
na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga dialekto
nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga
magkakaratig na barangay o mga pulo ay
nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa
identida.
Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga
misyonerong Katoliko ng mga katutubo para maging
tagasalin, nakapaglikha ng bilinggwal na uri, ang

mga Latino. Ang mga ito, tulad ng tanyag na


makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng
mga tula ng kabanalan na sinulat sa titik Romano,
kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang
pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling
pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni de Belen.
Umusbong din ang mga panitikang sekular (hindirelihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang
Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o
ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pangrehiyon para sa mga mayoriyang di nakakabasa o
nakakasulat. Naisulat din ang mga ito sa alpabetong
Romano ng mga pangunahing wika at kumalat. Sa
karagdagan, ang literatura o panitikang klasikal ay
naisulat sa Espanyol, na hindi na opisyal na wika
ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni
Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa
wikang Espanyol hanggang 1946.
Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani.
Sinasabing si Lapu-Lapu ng isla ng Mactan ang
unang pumigil sa agresyong kanluranin at ang

pumatay kay Fernando Magallanes, na lalong kilala


sa pangalang Ferdidand Magellan. Si Jose Rizal ay
ipinagmamalaki ng Lahing Malay, at Pambansang
Bayani ng Pilipinas. Ang unang Asian Secretary
General ng United Nations ay isang Pilipino si
Carlos P. Romulo.
Itinuturing na Pandaigdigang Pook na Pamana
(World Heritage Sites) ang mga Barokeng Simbahan
ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan.
Kabilang sana dito ang Intramuros ngunit nawasak
ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Isa ring Pandaigdigang Pook na Pamana (World
Heritage Site) ang Hagdang-hagdang Palayan (rice
terraces) o Pay-yo ng Cordillera, na kinikilala ring
pang-walong nakakahangang-yaman ng mundo.

You might also like