Professional Documents
Culture Documents
Nobela
Nobela
Pinaglahuan isang nobela ni Faustino Aguilar na may temang pag-ibig at iniluwal noong
1907. Ngunit piksyonal man, ang nobelang ito ay mayroong makatotohanan na pagsusuri sa
lipunang Pilipino noong panahon iyon.
Sa kasalukuyan, mahigit isandaang taon na ang nakalipas ngunit patuloy pa rin na sinasalamin ng
nobela ang kalagayan ng batayang masa at ang kinahaharap nila sa ilalim ng imperyalismo. May
tatlong matingkad na puntos akong napuna sa nobelang ito.
Una, ay ang pagpapakita ng nobela ng pagka-unawa sa kalagayan ng bayan sa ilalim ng
imperyalismo. Ipinakita dito kung paano ang mga tauhan (na representante ng mga uri sa
lipunan) ay nagtutunggalian sa ilalim ng iskemang ng imperyalismo.
Ikalawa, ipinakita ng awtor sa nobela na may mga ideolohikal na aparato ang estado na siyang
nagbubunsod sa mga tauhan na manatiling docile na lamang. Ang mga institusyong ito rin ang
nagpapanatili sa moda ng produksyon ng mga ideolohiya ng naghaharing uri sa pamamagitan ng
pagrereprodyus nito.
Ang huli, napansin ko sa nobela na mayroon na itong abanteng pagsusuri sa kalagayan ng mga
kababaihan sa lipunan, at buhat dito ay ipinakita ang sitwasyon na dinadanas din ng Inang
Bayan.
Ngunit, mayroong uri sa lipunan na maaaring isawalambahala ang panawagang ito. Gaya ng
puna ni Luis Gat-Buhay doon sa nagmamay-ari ng tanghalan na ayaw ipahiram ang kanyang
lugar sa pagpupulong.
Ayon kay Luis: Kung walang nilit sa kanyay [ang nagmamay-ari ng tanghalan] di
tatalikwas. Palibhasa ay nagdadalawang isip sa takot na maapektuhan ang kanilang kalagayang
nakaaangat sa lipunan.
Ito ay sapagkat silang mga masalapi ay walang interes na dumulog sa pulong na pag-uusapan
ang pagsasarili ng bayan sapagkat ayon sa nobela: Manapay nagsisipangambang makisama sa
bayan at baka mangapahamak. Sila ay nariyan lamang tuwing may tagumpay ang bayan. Sa
ganitong pagkakataon ay sila pa ang nagkukumahog na manguna.
Samantala, ipinakita sa mga nais ni Luis ang hinahangad din ng kabuuan ng masang Pilipino na
binanggit sa ika-anim na kabanata ng nobela.
Ang anim na pinaka-aasam ni Luis ay ang una, panahon na walang panginoon at walang alipin.
Ikalawa, na ang kawanggawa ay hindi na mabibili.
Ikatlo, na ang bawat isa ay magkasya sa kaniyang kailangan na lamang.
Ikaapat, na ang kagalingan ng lahat ang siyang mag-udyok sa tao sa pagdaraos ng ano mang
akala.
Ikalima, ang kapangyarihan sa pamamahala ay maging kahulugan ng kalooban ng lahat at huwag
ng iilan.
At ang ikaanim, ay ang pagkakaroon ng isang panahon na ikatutupad ng mga aral at haka-hakang
ngayon ay inaring panaginip lamang.
Ito ay ang mga adhika ni Luis na siyang nais niyang makamit ng bayan. Ngunit siya namang
hindi hinahayaan ng interes ng imperyalismo at mga kaalyado nito na maisakatuparan. Ito ay
dulot ng pagnanais na magkamal pa ng maraming kayamanan at kapangyarihan.