You are on page 1of 10

23

PAGSASALITA

Sa apat na makrong kasanayan, ang pagsasalita ang kauna-unahang natututnan ng tao.


Ang isang bata ay natututo ng limanlibong (500) salita bawat taon o labintatlong salita
bawat araw. Mula sa isang salita hanggang sa maging dalawa, patungo sa telegrapiko,
hanggang sa makadebelop ng proseso sa ponolohiya at pagsasatinig ng mga salita,
lumilikha ang mga bata ng mga salita na nagiging kagamitan niya sa pagpapahayag.

HAKBANG SA PAGSASALITA

Pag-iyak
Cooing
Babling
Intonasyon
Isang salita
Dalawang salita
Salita (word inflection)
Tanong negatibo
Matyur na salita

kapanganakan
6 na lingo
6 na buwan
8 na buwan
1 taon
18 buwan
2 taon (3 taon 3 buwan)
5 taon
10 taon

MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA


A. Kaalaman you cannot say what you do not know. Kaya kailangan ang kaalaman sa
mga sumusunod:
1. paksa ng usapan
2. bokabularyo
3. gramatika
4. kulturang pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura at
kultura ng iyong kausap
B. Kasanayan kailangang linangin ang mga sumusunod na kasanayan
1. kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamabilis na panahon
2. kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pananalita
3. kasanayan sa pagpapahayag sa ibat ibang genre
C. Tiwala sa sarili ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa sarili
1. kimi o hindo palakibo
2. mahina ang tinig
3. garalgal ang boses
4. mabagal magsalita
5. pautal-utal na pagbigkas
6. panginginig, paninigas o pag-iwas sa tingin
7. labis na pagpapawis
8. kabado
MGA KASANGKAPAN NG ISANG NAGSASALITA
A. Tinig
1. angkop sa sitwasyon at damdamin ng nagsasalita
2. angkop ang himig o tono sa mensahe ng kaisipan
B. Bigkas
1.
2.
3.
4.

lakas
bilis
linaw
hinto

24
C. Tindig
1.
2.
3.
4.
5.
6.

tumindig nang maginhawa at maluwag


maging anyong kagalang-galang at maginoo sa pagtayo
tuwid ang katawan at ulo sa paglakad sa entablado
huwag tindig military o tindig marino
huwag idukot ang mga kamay sa bulsa
ipatong ang bigat ng katawan sa isang paa para maging handa na gumalaw
nang paurong at pasulong
7. pagpalitin sa mga paa ang pagpapatong ng bigat ng katawan sa bawat
pagpapalit ng paksang tinatalakay
8. huwag mamaywang na paraang lilipad na ibon

D. Galaw panawag-pansin sa mga nakikinig at paghahatid ng kaisipan


1. galaw ng buong katawan (paurong-pasulong, paglipat sa entablado)
2. galaw ng mga bahagi ng katawan
E. Kumpas
1. gawing natural
2. ibagay sa sinasabi
Halimbawa ng kumpas
1. kumpas na gamit ang hintuturo panawag-pansin
2. palad na nakatihaya pagbibigay o pagtanggap
3. palad na nakataob at ayos patulak pagtanggi
4. mapuwersang kumpas pagpalakpak, pagpadyak, pag-iling, pagdagok
5. kumpas na mapaglarawan pagpapakita ng korte, laki, haba o kinalaglagyan ng
isang bagay
MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA
A. Pagtatalumpati sining ng pasalitang pagpapahayag na may layuning makaakit at
makahikayat sa mga nakikinig.

Layunin
1.
2.
3.
4.
5.

magbigay ng katuwaan
magdulot ng impormasyon
magpahayag ng katuwiran
magbigay ng paliwanag
mang-akit sa isang kilusan

Paraan ng Pagbigkas
1. pagbasa sa isinulat na talumpati
2. pagbigkas mula sa balangkas ng talumpati
3. pagbigkas sa isinaulong talumpati
4. pagbigkas nang hindi pinaghandaan

Bahagi
1. Pambungad inihahanda ang kaisipan ng mga nakikinig. Layuning
kawilihan ang mga nakikinig
2. Paglalahad katawan o pinakakaluluwa ng talumpati. May kawastuhan,
kalinawan, pang-akit
3. Panindigan pagpapatunay sa talumpati. Layuning mapaniwala at
mahikayat ang mga nakikinig

25
4. Pamimitawan huling bahagi ng talumpati. Nag-iiwan ng kakintalan sa
isipan ng nakikinig

Uri
1. Panlibang naririnig sa mga piging at salusalo
2. Pampasigla naririnig sa mga anibersaryo, pagtatapos, pagtatalaga sa
tungkulin, seminar at kumbensyon
3. Panghikayat naririnig sa mga kampanya sa panahon ng eleksyon
4. Pangkabatiran naririnig sa mga panayam at pagbibigay ng ulat
5. Pagbibigay-galang pagsalubong sa mga bagong kasapi ng isang samahan
o pagtanggap sa isang bagong natalaga sa isang tungkulin
6. Papuri pagbibigay ng parangal ang layunin nito
a. parangal papuri sa isang namatay
b. pagtatalaga binubuksang isang paaralan, gusali, aklatan, atbp
c. pamamaalam aalis sa isang tanggapan at ililipat sa iba o ng isang
magreretiro sa tungkulin
d. paghahandog pagpahanga sa isang punong papaalis na sa
tungkulin, paggawad ng medalya, katibayan ng pagkilala dahil sa
mabuting paglilingkod

B. Pakikipanayam pag-uusap ng dalawang tao o grupo ang kumakapanayam at ang


kinakapanayam

Layunin

Makakukuha ng mapanghahawakang mahalagang impormasyon o kabatiran


hinggil sa kinakapanayam, sa ibang tao, sa mga bagay-bagay, Gawain, sa mga
pangyayari o pangkalahatang kalagayan sa lipunan.

Uri
1. Ayon sa paksa
a. aktwal ang mga tanong ay sumasaklaw sa mga
impormasyon, kuru-kuro o reaksyong nais malaman
b. Nagtatampok kinapapalooban ito ng paglalarawan at
pagpapahalaga sa mga taong kilala
c. Patalambuhay nahihinggil sa pinagdaanang buhay ng
isang taong maaaring makapagbigay ng kawilihan o
kaalaman sa mga tao
2. Ayon sa pamamaraan
a. Pormal karaniwang isinasagawa ito sa larangan ng
pangangalakal, sa pagpasok sa trabaho, sa mga
awtoridad, mga dalubhasa, mga artista at iba pang
kilalang tao na kailangang pagtakdaan ng panahon
b. Personal/impersonal kadalasan ay tanong at sago
tang ginagawa ditto. Kahit saan magkita, madali ang
pakikipag-usap, hindi na kailangang itakda pa
3. Ayon sa layunin
a. Karaniwan sa daigdig ng balita, ito ang tinatawag na
balitang pakikipanayam, isang uri ng pagkuha ng balita
na karaniwang pormal sa paraan

26
b. Kinaugalian itoy madalas na pinagbabatayan ng mga
nasusulat na mga natatanging lathalain o artikulo sa
mga pang-araw-araw na mga babasahin
c. Pangkatan nababatay sa bilang ng kumakapanayan at
kinakapanayam

Hakbang
1. Tiyakin ang layunin ng pakikipanayam
2. Pumili at magtakda ng taong kakapanayamin
3. Alamin ang oras, lugar at tagpuan ng panayam
4. Sikaping may sapat na kaalaman tungkol sa paksa
5. Siguruhing may sapat na kabatiran tungkol sa kakapanayamin
6. Planuhing mabuti ang mga panimulang pahayag na napapaloob sa
introduksyon
7. Makipagkasundo tungkol sa pagrerekord ng impormasyon

Paglikha ng mga Katanungan


1. Oo o hindi (yes-no question
2. Open-ended
a. mga tanong na humihingi ng maikling kasagutan
b. mga tanong na humihingi ng mahabang kasagutan
3. Follow-up
a. elaboration question
b. clarification question
4. Pagbubuod (summary question)
5. Karagdagang katanungan (continuation question)

Balangkas sa Pagsasagawa ng panayam


1. Introduksyon
2. Katawan
3. Kongklusyon

Mga Dapat Tandaan Habang Nakikipanayam


1. Panatilihin ang kaaya-ayang atitud
2. Maging sensitibo sa mga non-verbal cues
a. eye contact
b. ekspresyon ng mukha
c. postura
d. muwestra
e. espasyo
3. Tiyakin na nauunawaan ng kinakapanayam ang mga follow-up na katanungan

C. Pagdedebate binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na


nagkakatuwiran sa isang proposisyon na napagkasunduan nilang pagtalunan.
Proposisyon isang paninindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay na
makatotohanan.

Uri ng Proposisyon
1. Pangyayari naninindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay
na makatotohanan.
Hal. Marami ang nawawalan ng tiwala sa administrasyong Arroyo.

27
2. Kahalagahan paninindigan sa kahalagahan ng isang bagay, palakad
o pagkilos
Hal. Ang isang wikang pambansa ay lubhang mahalaga sa pagbuwag
Ng makaaliping diwa.
3. Patakaran naghahanap ng isang paraan ng pagkilos o isang binalak
na solusyon sa isang suliranin. Ginagamit ang salitang dapat sa
pagsulat ng proposisyong ito.
Hal. Dapat magkaroon ng damit na uniporme ang mga mag-aaral sa
kolehiyo.

Katangian ng Paraang Oregon-Oxford


1. Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa o tatlong kasapi.
2. Walo o sampung minuto ang pagtatalumpati.
3. Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa, mayroon munang tatlong minutong
pagtatanungan.
Paalala sa Pagtatanong
a. Magtanong lamang ng mga tanong na nasasagot ng oo o hindi.
b. Huwag payagang magtanong ang kalaban kung ikaw ang
nagtatanong.
c. Kung lumalabag sa alintuntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila,
dapat ipaalam iyon sa tagapangasiwa ng pagdedebate.
4. Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon
naming tatlong sandali ng pagtuligsa ang mga kasapi. Limang minuto
naman ang pagtuligsa at pagbubuklod ng puno ng bawat koponan.
Mga Dapat Tandaan sa Panunuligsa (rebuttal)
a. Ilahad ang mga mali sa katuwiran ng kalaban.
b. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
c. Ipaliwnang ang kahinaan ng katibayan ng kalaban.
d. Magtapos sa pagbubuod ng sariling katuwiran at katibayan.

D. Pakikipag-usap pagpapalitan ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga


salita.

Kahalagahan
1. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap, ang isang taoy maaaring
a. magkaroon ng mga kaibigan
b. makipagpalitan ng kuru-kuro
c. matuto ng bagong kaisipan
d. makabuo ng paniniwala
e. makabuo o makasira ng mabuting pagsasamahan
f. maaari naming makayamot at makapagpagalit sa kausap
2. Ang karanasan sa pakikipag-usap ay nakatutulong sa isang tao upang
Maging matalas ang pakiramdam.
3. Nagagamit ito sa pakikisalamuha sa lipunan.

Katangian ng Mabisa at Malayang Pakikipag-usap


1. May layunin
2. Pagtutugunan ng dalawang panig
3. Maaaring iwasto ang usapan
4. May pokus at may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-uusap
5. Tiyak at tuwid ang usapn

28
6.
7.
8.
9.
10.

Kakitaan ng paggalang sa isat isa


Likas, bukal at kusang-loob
Mapanlikha
May tiwla sa sarili
Nakakapagpaluwag ng loob

Mga Hindi Dapat Ugaliin sa Pakikipag-usap


1. Ugaling lituhin ang kausap
2. Pagiging labis na palatawa
3. Ang panghihina
4. Ang hindi pakikinig
5. Ang kawalang interes sa kausap
6. Pagiging palapintasin
7. Ang pagiging atrasado sa pagbibigay kahulugan sa mga sinasabi ng kausap

Mga Dapat Tandaan sa Pakikipag-usap sa Telepono


1. Huwag kalimutan ang pagbibigay-galang o pagbati. Kasunod nito ang
pagbanggit ng tanggapan o tahanan.
2. Magsalita nang malinaw, kagiliw-giliw at natural na tinig.
3. Kung ikaw ang tumatawag at naramdaman mong iniangat ang awditibo sa
kabilang dulo subalit walang nagsasalita, ikaw ang magsimulang magsalita.
4. Sakaling naroon ang iyong hinahanap at tinawag ng iyong kausap, huwag
mong kalimutang magpasalamat.
5. Matanda man o bata at maging katulong man ang kausap sa telepono ay
dapat na isaalang-alang ang kagandahang.

E. Pagkukuwento
Kwento isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring totoo o
kaya ay kathang-isip lamang.
Maikling kwento isang uri ng panitikan na may katamtamang habang salaysay ng isang
Natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay na karaniwang may elemento
ng drama.

Layunin ng Pagkukuwento
1. Malibang
2. Masanay sa pagsasalita sa harapan ng ibang tao

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagkukuwento


1. Hanggat maaari, piliin ang paksang napapanahon dahil magiging kawili-wili
ito sa mga tagapakinig lalo na kung bago ang paksa, lalo pat itoy naiuugnay
sa kasalukuyang pangyayari.
2. Gumamit ng nga salitang nauunawaan ng mga tagapakinig. Iwasang
gumamit ng mga malalalim na salitang hindi kayang abutin ng
komprehensyon ng mga tagapakinig.
3. Iangkop ang paksa sa kinagigiliwan ng mga tagapakinig.
4. Gawing malinaw at tiyak ang aral na nais iparating ng kuwento sa mga
tagapakinig.
5. Bigyang buhay ang kilos, gawi at pananalita ng mga tauhang inilahad sa
pagkukuwento. Ang paggamit ng ibat ibang istilo sa pagsasalaysay ay

29
nakapagdaragdag ng lalong pagkalugod ng mga tgapakinig.
6. Gumamit ng mga kagamitang pantanghalan at lumikha ng ibat ibang tunog,
tulad ng isang tunog ng nasusunog na bundok, ulan, putok ng baril, at iba pa.

Pamantayan sa Pagkukuwentong Pasalita


1. Tiyaking alam na alam ang kwentong isasalaysay.
2. Balangkasin sa isip ang kwento bago isalaysay.
3. Iwasang banggitin ang mga di-mahahalagang bagay.
4. Gumamit ng mga angkop na salita sa pagkukuwento.
5. Isalaysay ang kwento na parang nakikipag-usap.
6. Sikaping maging masigla sa pagkukuwento.
7. Bigkasing malinaw ang mga salita.
8. Huwag magmadali sa pagsasalaysay.
9. Gawing katamtaman ang lakas ng boses
10. Tumindig nang matuwid.
11. Tumingin sa mga nakikinig.
12. Iwasan ang paggamit ng mga pangatnig na: at, saka, tapos, noong kuwan.

Mga Uri ng Maikling Kwento


1. Katutubong kulay naglalarawan ng pinangyarihan, ang ayos ng
pamumuhay at pag-uugali ng mga naninirahan, ang kanilang pananamit,
hanapbuhay, pagsasalita o ang kabuuan ng nasabing kapaligiran.
2. Pag-ibig binibigyang-diin ditto ang mga pagtatangi hayag man o hindi, ng
dalawang pusong umiibig, ang pagliligawan, ang tampuhan at
pagmamahalan.
3. Katatkutan naghahayag ng mga pangyayaring kagimbal-gimbal,
nakatatakot at nagdudulot ng lagim.
4. Kababalaghan paksa nito ang mga pangyayaring di kayang ipaliwanag ng
isip. Taliwas sa karaniwang takbo ng kalikasan ang mga pangyayari.
5. Katatawanan nagpapatawa at nagdudulot ng kasiyahan sa mga nakikinig.
6. Talino humahamon sa katalinuhan ng mga mambabasa. Puno ng suliranin
ang mga pangyayari.
7. Pampagkakataon lumalabas lamang tuwing may pagdiriwang o okasyon.
8. Tagpuan binibigyang-diin ditto ang kahalagahan at kabuluhan ng pook na
pinangyarihan ng kwento.
9. Tauhan higit na pinahahalagahan ditto ang pangunahing tauhan.
10. Mabanghay ipinakikita sa kwentong ito kung paanong ang pangyayariy
nakapagdulot ng pagbabago sa pangunahing tauhan. Ang madulang tagpo
ay siyang bumubuo ng kalagayan ng pangyayari.

F. Pangkatang Talakayan maayos na paraan ng masusing pagpapalitan ng kuru-kuro o


opinion na ang layunin ay makatipon ng mga kaalaman at magbigay-halaga sa mga
mabisang opinion ukol sa isang paksa o kayay ihanap ng solusyon ang isang problema.

Kabutihan ng Pangkatang TalaKayan

30
Ang mga kalahok ay nagtutulong-tulong upang maisakatuparan ang isng tiyak na
layunin sapagkat ito ay nababatay sa matino at makabuluhang pagpapasya ng lahat
ng mga kalahok.

Uri
1. Impormal na Talakayan (round table)
- binubuo ng 5 10 tao
- pinamumunuan ng isang tagapangulo subalit aktibong lahat sa
Pakikilahok
2. Talakayan ng isang hanay na itinakda (panel discussion)
- binubuo ng isang puno at mga kalahok
- nagpapalitan ng kuru-kuro o opinion tungkol sa isang suliranin
ang hanay sa jarapan ng pormal na tagapakinig
- may bukas na talakayan
3. Simposyum
- may 3 0 4 na tagapagsalita na ang bawat isa ay nagbibigay ng
talumpati na tatagal ng 5-7 na minuto
- layunin ng mga tagapagsalita na magbigay ng impormasyon
tungkol sa isang isyu
- may bukas na talakayan
4. Lektyur Porum
- isang tagapagsalita lamang ang nagbibigay ng impormasyon o
panayam sa isang isyu.
- may bukas na talakayan at pinamamahalaan ng isang
Tagapamagitan
5. Talakayan ng Lupon
- may takdang oras ang talakayan
- gamitin ito sa mga organisasyon o samahan kung gumagawa
Ng isang plano upang maisakatuparan ang isang proyekto

Katangian ng Makabuluhang Talakayan


1. Ang talakayan ay nauukol sa isang kapaki-pakinabang na paksa na
inilalahad bilang isang katanungan.
a. Lumilikom ng mga karagdagang kaalaman
b. Humanap ng lunas sa suliranin
c. Magbigay ng halaga
2.
3.
4.
5.

May kaayusan gumagamit ng panggabay na katanungan


Ang bawat kalahok ay gagamit ng masusing pag-iisip.
Ang mga kalahok ay gagamit ng wika, tinig at kumpas.
Ang lahat ng mga kalahok ay masiglang nakikilahok.

Istilo ng Pagpapalitang-kuro sa Isang Pangkatang Talakayan


1. Gulong Ang sentral na kalahok ay ang tagapangulo ng talakayan. Malaya
siyang makikipagtalakayan sa lahat ng kalahok ngunit ang mga kalahok ay
hindi nakikipagtalakayan sa kapwa kalahok.
2. Tanikala ang tatlong sulok na magkakalapit sa gitna ay malayang
nakapagtatalakayan sa bawat isa at ang dalawang nasa ibaba ay maaari
lamang makipagtalakayan sa katabi nila.
3. Pabilog ang bawat kalahok ay maaaring makipagtalakayan sa dalawang
magkabilang tabi niya kaya higit ang pagkakataon ng bawat isang lumalahok
sa talakayan.

31
4. Talakayang Panlahat ang lahat ay malayang makipagtalakayan sa bawat
kalahok
G. Pagbabalita
- Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa ating lipunan.
- Laglalayong ipabatid sa mamamayan ang mga huling kaganapan sa larangan ng
ekonomiya, pulitika at kultura.
H. Pag-uulat
- Isang anyo ng paglalahad na nagbibigay ng isang mahalagang impormasyon sa isang
paksang tatalakayin.
- Halimbawa: pag-uulat sa bagong tuklas na gamut sa larangan ng medisina
Ang resulta ng isang pagsusulit ay ipinapaalam ng guro sa mga magaaral.
I. Sabayang Pagbigkas
- Isang masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan
sa pamamagitan ng sabayang pagbasa o pagbigkas nang malakas ng isang pangkat.
- Isang matimbang at maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng iang uri ng
kaisipang masining at madamdamin.
Mga Uri ng Sabayang Pagbigkas
1.
2.
3.
4.

Payak na anyo
Sabayang pagbigkas na walang kilos
Sabayang pagbigkas na may maliliit at angkop na kilos
Madulang sabayang pagbigkas a ang dulang patula tinaguriang ganap na dulaan o
total theater

Mga Sanggunian
Bernales, R. et al. (2002). Komunikasyon sa makabagong panahon. Valenzuela City: Mutya
Publishing House, Inc.
Garcia, L. et al. (2010). Tinig: Komunikasyon sa akademikong Filipino. (ika-3 ed). Cabanutuan
City: Jimcy Publishing House.
Pagkalinawan, et al. (2004). Filipinno I: komunikasyon sa akademikong Filipino. Valenzuela
City: Mutya Publishing House, Inc.
Tanawan, et al. (2004). Sining ng mabisang komunikasyon. Bulacan: Trinitas Publishing, Inc.

Inihanda ni:
gemmamperey

32

You might also like