You are on page 1of 20

Mga Kontribusyon at Epekto ng Turismo Tungo sa Patuloy na

Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansang Pilipinas at ang mga


Pinagdadaanang Suliranin ng Nasabing Industriya

Isang Konseptong Papel


na ipinasa Kay Bb. Ligaya O. Bron
AMV Kolehiyo ng Accountancy
Unibersidad ng Santo Tomas, Espaa, Manila

Bilang Bahagi ng
Pagtupad sa Asignaturang
Filipino 2: Pananaliksik at Kritikal na Pagsusulat

PASASALAMAT
Pinasasalamatan ng mga estudyanteng mananaliksik na gumawa ng Konseptong Papel na
ito ang kanilang guro na si Bb. Ligaya O. Bron para sa kanyang ibinahaging kaalaman sa amin
ukol sa pagsasaliksik, tesis, mga akademikong papel at madami pang iba.
Sunod ay ang aming mga magulang at kaibigan na walang sawang nagbigay sa amin ng
suporta, hindi lang sa aspektong pinansyal kundi sa aspektong emosyonal at espiritwal din.
Huli, ngunit ang pinakaimportante sa lahat, ay pinapasalamatan naming ang Panginoon
para sa kanyang paggabay sa aming bawat gawain at paghintulot sa amin na matapos sa tamang
oras ang iniatas sa aming gawain ng aming guro.

ii

PAGHAHANDOG
Inihahandog ng mga mananaliksik ang kanilang pinaghirapang Konseptong Papel na ito
sa kanilang mga propesor na nakasama nila sa bawat araw ng nakalipas na taong ito lalo na kay
Ginang Ligaya M. Bron dahil sa kanyang walang sawang pagsuporta, pag-gabay at
paniniguradong matatapos ng mga mananaliksik ang Konseptong Papel na ito sa itinakdang oras.
Ito ay para rin sa mga magulang ng mga mananaliksik na sumustento sa dahan-dahan na
pagkabuo ng Konseptong Papel na ito na dumaan sa ibat ibang proseso katulad ng pag-iimprinta
sa papel at pagpapagapos sa libro. Ang kanilang pagmamahal at gabay ay nagsilbi bilang isang
malakas na motibasyon para sa mga mananaliksik.
Maluwalhati ding inihahandog ang papel na ito sa mga kaklase nilang kapwa
mananaliksik sa ibang paksa. Magkakasabay nilang pinagdaanan at tinahak ang daan tungo sa
karagdagang kaalaman upang matapos ng wasto ang kursong ito.
At panghuli, iniaalay ito ng mga mananaliksik sa Panginoon, na laging nariyan upang
magbigay ng lakas ng loob sa mga oras na tila ay masarap nang sumuko at magpakatamad sa
pag-tapos ng proyektong ito.

TALAAN NG NILALAMAN
I.
Titulo.............................................................................................................................i
II.
Pasasalamat..................................................................................................................ii
III.
Paghahandog...............................................................................................................iii
IV.
KABANATA1...........................................................................................................1
A. Panimula.........................................................................................................1
B. Rasyunal..........................................................................................................1
C. KabuluhanngPagaaral...................................................................................3
D. KahalagahanngPagaaral..............................................................................3
V.
KABANATA2...........................................................................................................4
VI.
KABANATA3.........................................................................................................10
VII. KABANATA4.........................................................................................................11
A. Lagom...........................................................................................................11
B. Kongklusyon.................................................................................................13
C. Rekomendasyon............................................................................................13
VIII. Talasanggunian.........................................................................................................14
IX.
Apendises...................................................................................................................15

KABANATA 1
PANIMULA:
Ang Turismo ay maaaring itukoy bilang isang pansamantala o madaliang pagbisita o
pagpunta ng isang tao sa ibang lugar na di niya normal na pinupuntahan. Maaaring ang isang
turista ay dumayo sa ibang bansa o kaya namay sa ibang probinsiya lamang. Ang Turismo ay
kinikilala din ng karamihan bilang isang mahalagang sektor na nakakatulong sa ekonomiya ng
bansa dahil sa patuloy na pagbabayad ng mga dayuhan upang makapaglakbay.

RASYUNAL:
Katulad na lamang ng ibang modernong industriya na sikat ngayon, maibabakas natin
ang kasaysayan ng turismo pabalik sa Lumang Tipan o Old Testament. Nagsimula ito sa
simpleng paglalakbay para sa kabuhayan at paghahanap ng pangangailangan sa buhay ng mga
mamamayan. Maraming nabanggit sa Bibliya ukol sa mga gawaing katulad nito. Ngunit ating
isa-isip na iba ang paglalakbay sa Turismo, isa lamang ito sa mga pinakamahalagang elemento
ng nasabing industriya.
Lalong sumikat ang paglalakbay noong naimbento ng mga Sumerian sa Babylonia ang
pera at ang bilog na gulong. Ito ang higit pang nag-udyok sa mga tao upang maglakbay,
makipagkalakal at makabisita ng mga bagong lugar. Sinasabi at mababasa sa ibang libro na ang
mga Phoenician ang mga tunay na unang manlalakbay.
Ang mga malawakan at enggrandeng kompetisyon o pagdiriwang, katulad na lamang ng
pinakaunang Olympic Games sa Mount Olympus noong 776 BC na madalas pinupuntahan ng
napakadaming tao, ay nagbigay daan para sa konstruksyon ng mga bahay-tanggapan o mga
hotel. Ang ideyang ito ay inialok ni Xenophon, sinabi niyang dito daw dapat gamitin ang perang
pampubliko. Kumalat ang pagpapagawa ng mga hotal sa Europa noong ika-18 na siglo. Sa
kabilang bahagi naman ng mundo, sinasabing ang Japan ang mayroong pinakamatandang hotal
na pinangalanang Hoshi Ryokan sa Komatsu, Japan na itinayo noong 718 AD.

Ang kasaysayan ng turismo ay maaari rin mabakas mula sa sibilisasyon ng mga Romano.
Sa laki ng kanilang nasasakupan, kinailangan nilang gumawa ng mga kalsada upang makapunta
sa ibat ibang parte ng kanilang imperyo. Ang mga kalsadang ito ay ginawa para daanan ng mga
administrador at militar, ngunit nagbigay din ito ng oportunidad para sa mga karaniwang
mamamayan upang makapaglakbay.
Mahalaga ang panahon ng Renasimyento sa kasaysayan ng Turismo. Ang mga paglalayag
na naganap noong ikaw-15 at ika-16 na siglo ang siyang nagbigay daan para sa pagkadiskubre ng
iba pang lupain.
Iba-iba din ang dahilang ng paglalakbay ng mga tao, ang iba ay para sa komersyo at
pakikipagkalakalan, ang iba ay para sa paghahanap ng kaaliwan, ang iba ay para sa edukasyon
(lalo na sa mga nagbibinatang lalaki), mayroon ding para sa relihiyon, at marami pang iba.
Ang Turismo ay lalo pang umusbong noong Rebolusyong Industriyal dahil sa
pagkaimbento ng mga de-motor at de-makinang sasakyan. Pinadali nito ang paglalakbay kahit na
sa una nitong paglabas ay hindi ito agad tinangkilik ng karamihan.
Noong ika-19 na siglo, sinundan ang de-motor na sasakyan ng pagbubukas ng mga unang
istasyon ng tren sa Inglatera. Ito ay ang mga riles ng Liverpol at Manchester Railway noong
Setyembre 15, 1830. Sinundan ito ng pagpapagawa ng mga Steamship noong 1838 pati na rin ng
mga eroplano. Ang pag-unlad at pagdebelop ng sistema ng transportasyon ay naging adbentahe
para sa turismo.
Dahil din sa pagtatapos ng Digmaang Pandaigdig, naging mas mapayapa at bukas ang
mga bansa sa isat isa. Mas naging maayos ang kanilang mga relasyon at ito ang nagbigay daan
para sa Turismo. Kasama na dito ang Pilipinas kung saan umunlad ang Turismo sa pagitan ng
mga taong 1970s hanggang 1980s. Kinilala ng League of Nations ang Turismo sa pamamagitan
ng panghihikayat ng sistema tulad ng pag=aplay para sa mga pasaporte, visa at ilan pang
dokumentong kinakailangan.
Ang patuloy na pag-unlad ng turismo ay kasalukuyang ipinapatakbo ng ibat ibang
industriya sa buong mundo na kinabibilangan ng mga ahensya, mga kompanya ng
transportasyon, mga hotel, mga oraganisasyong pampubliko at mga samahang pangkalakalan.
2

KABULUHAN NG PAG-AARAL
Maituturing isang mahalagang pantaong aktibidad ang turismo sapagkat hindi lamang
importante sa aspektong pang-ekonomiko, kundi pati na rin sa mga aspektong pampulitiko,
panlipunan, pangkultural at pang-edukasyon. Iilan sa mga kahalagahan nito ay ang pagtatag ng
samahan sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman na bansa, pagdami ng oportunidad para sa
trabaho ng mga mamamayan, pagtaas ng interes ng mga dayuhan sa lokal na industriya, at iba
pa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Napili namin ang paksang ito bilang mga mag-aaral na mananaliksik sapagkat sa tingin
namin ay isa itong asignaturang na kawili-wili at kapaki-pakinabang. Sa aming pananaliksik na
gagawin ukol sa Turismo ay madadagdagan ang aming kaalaman ukol sa importansya nito sa
ekonomiya at lipunan, at maibabahagi pa namin ito sa mga makakabas ng aming konseptong
papel. Sa amin ding pananaliksik upang mapalawak ang aming paksa ay mapag-aaralan at
maitatalakay din namin ang ganda ng Bansang Pilipinas na siyang pangunahing kinagigiliwan ng
mga turista at ng mga lokal na mamamayan.

KABANATA 2
Ang pagsisimula ng Turismo sa bansang Pilipinas ay noon pang Panahon ng Kastila sa
pagdating ni Ferdinand Magellan. Sa pagdaan ng panahon at pag-unlad ng transportasyon ay
kasamang umusbong ang Turismo ng Pilipinas. Dahil na din sa kadahilanang matatagpuan ang
Pilipinas sa Puso ng Asya ay naging patok ito sa mga dayuhan sa ibang bansa. Dati pa man ay
naghahanap na ng oportunidad ang mga lokal na mamamayan upang makapaghanapbuhay, ilegal
na nag-aalok ng mga pribadong pamamasyal ang mga Pilipino, pinaparentahan nila ang kanilang
mga pribadong sasakyan at nagsisilbi bilang mga tour guides. Dati ay hinahayaan lamang ito
ng gobyerno kahit labag sa batas. Dito din nabuo ang salitang colorum na ang ibigsabihin ay
ang ilegal na gawain ukol sa pamamasyal.
Walang isatistik rekords na makukuha ukol sa turismo noong bago pa magsimula ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagtatapos ng gyera ay nagsimulang maging mas
organisado ang Turismo. Sa pagitan ng mga taong 1960s hanggang 1970s ay nakaranas ang
Pilipinas ng eco-social crisis, bumagsak ang ekonomiya ng Turismo at muli lamang napaunlad
noong pinatupad ang Martial Law. Sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos ay
nabawasan ang pananakot mula sa mga terorista at ibang mamamayan, at natawag muling isang
ligtas na lugar ang Pilipinas, lalo na ang Maynila na talagang kinagigiliwan di lamang ng mga
dayuhan ngunit pati na rin ng mga lokal na mamamayan. Noong 1974, bumuo ang pamahalaan
ng mga ahensyang mamamahala at kokontrol dito tulad ng Philippine Tourist and Travel
Association at Board of Travel and Tourist Industry. Kahit na ganito ay masasabi ng mga
eksperto na normal lamang ang naging pag-unlad ng Pilipinas at hindi ito kagila-gilalas. Ang
Departamento ng Turismo ay naorganisa sa pamamamgitan ng pagpapatupad ng Presidential
Decree No. 1 noong 1972.
Isa sa mga nagpapatuloy ng positibong pag-unlad ay ang Domestikong Turismo. Ang
Domestikong Turismo ay lumalaki ng 18% bawat taon (Ace Durano, Tourism Secretary, 2009)
dahil na din sa patuloy na pagdating ng mga turista mula sa mga bansang katulad ng Amerika,
Tsina, Russia, Japan at Pransya.

Talahanayan 1.1 Bilang ng mga turistang dumating sa bansa noong mga taong 2008 at
2009 (sanggunian: www.dot.gov.ph)
Ang Pilipinas ay naranko bilang ika-81 sa mga pinaka-aktibo at kompetitiv na bansa sa
Turismo noong taong 2008 ngunit sa pagdating ng 2009 ay naging ika-86 na lamang. Kinikilala
din ang Pilipinas bilang pinakapopular na destinasyon ng mga dayuhang nais bumisita sa Asia
Pacific. Narito ang iba pang naging kasalukuyang ranko ng Pilipinas na nakaaapekto sa nasabing

industriya (World News, 2009):


Ika-3 Pinakakaunting kinakailangang papeles upang makapasok sa bansa.
Ika-28 Pinakabukas sa mga kasunduan sa mga serbisyong pang-ere.
Ika-23 Pinakamaraming World Heritage Sites.
Ika-40 Pinakamaraming kilalang hayop o specie.
Ika-16 Pinakamabababa at pinakakompetitibong presyo sa mga serbisyong iniaalay ng

industriya ng Turismo.
Ika-113 Kaligtasan at Seguridad.
Ika-87 Kalusugan at Kalinisan/Kaayusan

Ang sumusunod ang talaan ng bilang ng mga turistang dumayo sa Pilipinas noong mga
nakaraang taon (Department of Tourism, 2009):
Tourism
Statistics

Year
199
9
200
0
200
1
200
2
200
3
200
4
200
5
200
6
200
7
200
8

Foreign
Tourists
762,704
869,665
1,495,33
9
2,106,46
8
1,067,21
9
1,285,62
3
1,413,88
3
1,993,36
4
2,911,2
54
2,944,13
5

* Excluding Filipinos from


Abroad

Ang Turismo bilang isang pangunahing aktibidad sa ekonomiya ay mayroong 5% bahagi


sa kabuuang gastusin ng mga konsyumer. Nagbibigay ito ng mapagkukunan ng kita, mga
trabaho, mga pag-unlad at pagbabago sa mga imprastruktura at tumutulong sa pagsulong ng
kabuhayan sa mga rehiyon. Mayroon tayong tinatawag na mulitplier effect, ito ay ang epekto
ng pagkonsumo ng mga kostumer gamit ang kanilang mga pera. Ang pera na ipinambabayad
bilang kapalit sa mga serbisyo o bilihin ay naipapasa-pasa at nagagamit ng iilang beses kaya
mahirap maging sigurado kung anong porsyento ang naitutulong nito ukol sa pambansang kita.
Mayroong dalawang klase ng epekto ang Turismo; ang direkta at indirekta. Kasama sa
mga direktang epekto ang pagdami pa ng mga pamumuhunan sa kalakal, pagdami ng trabaho at
6

ng empleyadong mamamayan, at ang pagiging balanse ng ginagastos at binabayad ng bansa sa


ibat ibang aspektong internasyunal. Kasama naman sa mga indirektang epekto ang kita mula sa
pagbabayad ng mga dayuhan para sa mga akomodasyon, pagkain, paglalakbay, pamamasyal, at
iba pa dito sa ating bansa at ang iba pang pamumuhunan na nakukuha ng gobyerno mula sa mga
dayuhan katulad ng buwis na makakatulong sa pagpapaunlad ng ibang sektor ng nasabing
industriya na nangangailangan ng mas malaking pokus sa kasalukuyan. Nababalanse din nito ang
ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng eksport-import at patuloy na pagpasok ng pera mula sa
ibang bansa.
Hindi lamang mga positibong epekto ang naidudulot ng Turismo. Ilang organisasyon na
rin ang nagpalabas at nagprotesta ukol sa mga negatibong epekto nito. Isa na dito ay ang ginawa
ng mga indibidwal at miyembro mula sa Peace for Life at ECOT, kataguyod ang National
Council of Churches in the Philippines, CONTAK Philippines at IBON foundation noong taong
2008 bilang di-pagsang-ayon sa Tourism Act ng Administrasyon ng nakaraang Presidente na si
Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi sila sang-ayon sa pagpapatakbo ng gobyerno sa Turismo.
Naririto ang ilan sa kanilang mga inihaing dahilan (Peace for Life organization, 2008):
Ang paggamit ng pambansang lupa at mga likas na yaman hindi para sa mga pilipino, kundi para
sa ikalalago ang mga negosyo ng mga dayuhan
May parte at interes na kinukuha ang gobyerno mula sa kabuuang kinikita ng pagkadami-daming
ahensya, hotel, airport, at iba pang ahensya ng konektado sa industriya ng Turismo.
Ginagawang priyoridad ang kalusugan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng pagbubukas sa kanila
ng mga ospital na may mga pinakamagagandang pasilidad, at dahil dito at sa taas ng bayaran sa mga
ospital na ito ay naipagdadamot ito sa karamihan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.

Ang direktang pag-gamit ng kultura ng bansa bilang isa sa mga serbisyo ng Turismo ng bansa.

Ginagamit ang mga tradisyonal at kultural na pamumuhay/kaugalian ng mga mamamayan o


katutubo bilang atraksyon sa mga dayuhan, ngunit sa gawaing ito ay naaabala ang kanilang tahimik na
pamumuhay at privacy.
Patuloy na pagpapagawa ng mga imprastruktura nang hindi man lamang inaaalala ang magiging
epekto nito sa mga mamamayan na maaaring mawalan ng tirahan pati na rin ang kalagayan ng kalikasan.
Paggamit sa imahe ng mga kababaihan upang hikayatin ang mga dayuhan at ang pagbebenta ng
aliw ng mga babaeng ito.

Ginagawang mas malaki ang posibilidad ng pang-aabuso at pambabastos sa mga kabataan.


7

Ang mga problema at balakid na siyang pumipigil sa pag-unlad ng Turismo ay


kinabibilangan ng iba-ibang bagay. Una, ang terorismo, dahil na din sa di pagkakaunawaan sa
mga mamamayan sa Mindanao at sa mga gyerang nagaganap ay nagdadalawang isip ang mga
turista kung talaga nga bang ligtas ang magiging kalagayan nila sa pagbisita sa Pilipinas.
Maihahalintulad ito sa kalagayan ng Turismo ng bansa bago mahalal si Pangulong Ferdinand
Marcos at maipatupad ang Martial Law. Isang halimbawa na kasalukuyan lamang ay ang
nakakapagpabagabag na pangyayari kung saan nadamay ang mga dayuhan ay ang naganap na
Hostage Taking noong nakaraang taon sa may Quirino Grandstand.
Pangalawa ay basura, polusyon at iba pang nakakapagpadumi sa paligid. Kilala ang ating
bansa bilang isang maganda at kaakit-akit na lugar, ngunit dahil sa patuloy na pagdami pa ng
basura na pakalat-kalat ay bumabaho at pumapangit ang itsura ng ating bansa sa paningin ng
ibang dayuhan. Isama mo pa dito ang dami ng nagkalat na squatter area at dump sites.
Pangatlo ay ang kakulangan ng atensyon at pondo mula sa gobyerno upang lalo pang
mapabuti ang turismo sa bansa. Sinasabing hindi ito sapat lalo na sa mga panahon ng kalamidad
at krisis. May mga iilang programa ng Turismo na hindi napatupad katulad na lamang ng World
Exposition 2002. Isa pang programa ay ang internasyunal na di nagtagumpay ay ang
pangangampanyang ginawa ng Department of Tourism noong kakatapos pa lamang ng Quirino
Bus Hostage Crisis. Maraming indibidwal, pati na mga mamamayang Pilipino, ang di sumangayon sa ginawang ito ng administrasyon sa gitna ng kaguluhan. Ang ilan sa mga dahilan kung
bakit hindi ito naging matagumpay maliban sa maling panahon ay sa kadahilanang ang
advertisement o logo ay nasa wikang Filipino samantalang nakadirekta ito sa mga dayuhan, isa
pa ay ang halos pagiging parehas ng website URL ng pangangampanyang ito sa isang porn site.
May mga nagsabi ding halos kapareho ng logo ng pangangampanyang ito ang logo ng Turismo
sa bansang Poland.
Ika-apat ay ang pangit at maling imahe na ipinapakita ng mga internasyunal na
broadcasting network (BBC, CNN, Aljazeera, etc.) tungkol sa Pilipinas. Dahil na din sa
kadahilanang mas pinaniniwalaan ang mga ibinabalita dito ng karamihan ay hindi masyadong
naeengganyo ang ibang bansang mamasyal sa Pilipinas. Karamihan ng mga turistang dumadayo
sa bansa ay ang mga mamamayan ng mga kalapit na bansa ng Pilipinas at ibang pamilyar na sa

kalagayan ng bansa tulad ng mga Amerikano at Pranses. Ang mga datos na ibinabalita ng mga
internasyunal na network ay iyong mga nagdaan nang mga taon at hindi ang pangkasalukuyan.
Madalas ding ipinapakita ang Pilipinas bilang isang mahirap na bansa na mabagal ang pag-unlad
at puno ng terorista.
Panglima, at ang panghuli, ay ang negatibong tingin ng gobyerno at mga mamamayang
Pilipino ukol sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Di makakailang mabagal ang pag-unlad
ng ekonomiya ng Pilipinas, hindi lamang sa Turismo kundi sa ibang aspekto din. Maraming
Pilipino ang nawalan na ng pag-asa at hinahayaan na lang ang mga bagay-bagay kung an ang
kalagayan nito ngayon. Kilala na ang mga Pilipino sa ganitong klase ng pag-uugali o pag-iisip at
madalas itong marinig bilang Bahala na attitude.

KABANATA 3
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang metodolohiyang ginamit ng mga mananaliksik ay ang pagsusuri at paghahanap ng
mga sangguniang libro at pahina mula sa internet na sigurado, wasto, malinaw at tama ang mga
impormasyon nilalaman upang magsilbing gabay sa kanilang pagtugon sa layunin ng papel na
ito.. Ginamit ng mga mananaliksik ang mga sangguniang libro at mga pahina mula sa internet
upang mapagtibay ang mga impormasyon na kanilang ipinahayag sa Konspetong Papel na ito.
Isinigurado at ipinagtibay ng mga mananaliksik na makatotohanan ang mga impormasyong
kanilang nakita at nasuri sa pamamagitan ng pagkukumpara sa mga nilalaman ng kanilang mga
sangguniang nakuha. Kinikilala ng mga mananaliksik ang mga awtor ng mga sangguniang libro
at ang mga address ng pahina sa web sa bibliograpiya ng Konseptong Papel na ito.

TEKNIK
Paulit-ulit na binasa at binalikan ng mga mananaliksik ang mga kanilang mga sanggunian
upang makasigurado sila na walang mali sa impormasyon kanilang ipahahayag. Sinuri nila ang
bawat instrumentong pangaral na dumaan sa kanilang mga kamay at sinikap na maibigay ang
pinaka-latest na datos at impormasyon ukol sa paksa.

10

KABANATA 4
LAGOM:
Ang mga sumusunod ang mga pangunahing natuklasan ng mga mananaliksik sa kanilang
paghahanap ng sagot tugon sa mga katanungang inilahad sa layunin ng konseptong papel na ito.
a.) Ano ang progreso ng pag-unlad ng Turismo sa Pilipinas?
Napag-alaman ng mga mananaliksik ang pagsisimula ng Turismo sa bansang
Pilipinas ay noong Panahon ng Kastila sa pagdating ni Ferdinand Magellan at patuloy
itong umusbong kasabay ng pag-unlad ng mga moda ng transportasyon. Dati pa man
ay kumikita na ang mga Pilipino sa katulad ng pagpaparenta nila sa kanilang mga
pribadong sasakyan at pagsisilbi bilang mga tour guides. Dito nabuo ang salitang
colorum na ang ibigsabihin ay ang ilegal na gawain ukol sa pamamasyal/turismo. Sa
pagitan ng mga taong 1960s hanggang 1970s ay nakaranas ang Pilipinas ng ecosocial crisis, bumagsak ang ekonomiya ng Turismo at muli lamang napaunlad noong
pinatupad ang Martial Law. Noong 1974, bumuo ang pamahalaan ng mga ahensyang
mamamahala at kokontrol dito tulad ng Philippine Tourist and Travel Association at
Board of Travel and Tourist Industry. Ayon sa mga pag-aaral, ang Domestikong
Turismo ay lumalaki ng 18% bawat taon (Ace Durano, Tourism Secretary, 2009)
dahil na din sa patuloy na pagdating ng mga turista mula sa mga bansang katulad ng
Amerika, Tsina, Russia, Japan at Pransya. Kasalukuyang rumaranko din ang Pilipinas
sa ibat ibang aspekto ukol sa Turismo ayon sa pag-aaral na isinagawa ng World
News (2009).
b.) Ano ang kontribusyon at kahalagahan ng Turismo sa Ekonomiya ng ating bansa?
Ang Turismo bilang isang pangunahing aktibidad sa ekonomiya ay mayroong 5%
bahagi sa kabuuang gastusin ng mga konsyumer. Nagbibigay ito ng mapagkukunan
ng kita, mga trabaho, mga pag-unlad at pagbabago sa mga imprastruktura at
tumutulong sa pagsulong ng kabuhayan sa mga rehiyon. Mayroon tayong tinatawag
na mulitplier effect, ito ay ang epekto ng pagkonsumo ng mga kostumer gamit ang
kanilang mga pera at ang pagpapalipat-lipat nito dahil sa patuloy na transaksyon.
Mayroong dalawang klase ng epekto ang Turismo; ang direkta at indirekta. Kasama
11

sa mga direktang epekto ang pagdami pa ng mga pamumuhunan sa kalakal, pagdami


ng trabaho at ng empleyadong mamamayan, at ang pagiging balanse ng ginagastos at
binabayad ng bansa sa ibat ibang aspektong internasyunal. Kasama naman sa mga
indirektang epekto ang kita mula sa pagbabayad ng mga dayuhan para sa mga
akomodasyon, pagkain, paglalakbay, pamamasyal, buwis, at iba pa. Nababalanse din
nito ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng eksport-import at patuloy na
pagpasok ng pera mula sa ibang bansa. May naidudulot ding masamang epekto ang
Turismo katulad na lamang ng pagkawala at pagkagamit ng lupa na dapat ay para sa
mga Pilipino at ang pagkasira ng kalikasan dahil sa pagpapatayo ng mga
imprastruktura.
c.) Ano ang mga problemang napagdaanan at kasalukuyang pinagdadaanan ng Turismo
ng Pilipinas?
Ayon sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang mga problema at
balakid na siyang pumipigil sa pag-unlad ng Turismo ay: una, ang terorismo,
nagdadalawang isip ang mga turista kung talaga nga bang ligtas ang magiging
kalagayan nila sa pagbisita sa Pilipinas. Pangalawa ay basura, polusyon at iba pang
nakakapagpadumi sa paligid, dahil sa patuloy na pagdami pa ng basura na pakalatkalat ay bumabaho at pumapangit ang itsura ng ating bansa sa paningin ng ibang
dayuhan, kasama na dito ang madaming nagkalat na squatters area at dump sites lalo
na sa kamaynilaan. Pangatlo ay ang kakulangan ng atensyon at pondo mula sa
gobyerno/administrasyon upang lalo pang mapabuti ang turismo sa bansa, na madalas
nagkukulang lalo na sa mga panahon ng kalamidad at krisis. Ika-apat ay ang pangit at
maling imahe na ipinapakita ng mga internasyunal na broadcasting tungkol sa
Pilipinas. Panglima, at ang panghuli, ay ang negatibong tingin ng gobyerno at mga
mamamayang Pilipino ukol sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

KONGKLUSYON:
Sa katapusan ng konseptong papel na ito ay ipinagtitibay ng mga mananaliksik na ang
industriya ng Turismo ay hindi lamang para sa gobyerno at malalaking kompanya, ngunit para
12

din sa mga simpleng mamamayan tulad ng mga estudyante na maaaring naapektuhan ng


nasabing industriya, direkta man o indirekta. Ang Turismo ay hindi lamang isang simpleng
pagbisita o pagpunta sa ibang lugar, bagkus ay marami pa itong komponents at pag-aaral ding
isinasagawa tungo sa pagpapabuti at pagpapaunlad nito na makatutulong hindi lamang para sa
kalagayan at imahe ng bansa, bagkus ay para rin sa bawat indibidwal na naninirahan dito.
.
REKOMENDASYON:
Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa kanilang mga mambabasa na lalo pang pagaralan ang mga kahalagahan ng Turismo at ang iba pang aspekto nito kahit na ito ay hindi nila
pangunahing asignatura sa kanilang mga kurso sapagkat ito ay nagbibigay rin ng karagdagang
kaalaman ukol sa kabuuang kalagayan ng Pilipinas at ang relasyon pa nito sa ibang bansa.
Inihihikayat ng mga mananaliksik ang mga estudyante at ang iba pang mga makakabasa ng
Konseptong Papel na ito na subukan ituon ang kanilang oras sa ganda ng Pilipinas na minsan
nang pinag-agawan ng mga dayuhan upang lalo pang makilala ang kanilang lupang tinubuan.
Maari nilang madiskubre ang ibat ibang interesanteng kultura, pasyalan o panitikan na
matatagpuan sa bawat rehiyon ng bansa.

13

TALASANGGUNIAN
MGA LIBRO
Alampay, Ramon Benedicto A. (editor). Sustainable Tourism: Challenges for the Philippines.
Makati City: Philippine APEC Study Center Network, 2005
Cruz, Reil G. Principles of Travel and Tourism: Focus on the Philippines, Ver. 2. Quwzon City:
Tourism Research Philippines, 2000.
Department of Tourism. Where Asia wears a smile. Manila: Department of Tourism, 1976
Cruz, Zenaida L. Tourism: An Introduction. Manila: Rex Book Store, 1982
Quesada, Francisco. The Mechanics and Economics of Tourism. Manila: Social Communication
Center, c1976

MGA PAHINA MULA SA INTERNET

http://wikisource.org/wiki/Saligang_Batas_ng_Pilipinas_(1987)#Artikulo_XII:_Pambans
ang_Ekonomiya_at_Patrimonya
http://en.wikipedia.org/wiki/Tourism_in_the_Philippines
http://www.tourism.gov.ph/Pages/IndustryPerformance.aspx
http://www.senate.gov.ph/republic_acts/ra%209593.pdf
http://www.rmnnews.com/beta/index.php/news/national/7537-panibagong-problema-saturismo-nakikita-ngayong-holiday-season
http://article.wn.com/view/2009/03/04/Philippines_rank_in_tourism/
http://www.rncos.com/Blog/2009/05/Domestic-Tourism-Boosting-Philippines-TourismIndustry.html
http://www.peaceforlife.org/resources/liferesources/2008/08-1024-tourism_unitystt.html
http://countrystudies.us/philippines/57.htm
http://www.philippinestoday.net/index.php?
module=fatcat&fatcat[user]=viewCategory&fatcat_id=4&module_title=article

14

APENDISES

15

16

You might also like