You are on page 1of 7

Mga bantog na manunulat

1. SEVERINO REYES Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong


Pebrero 12, 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at
Andrea Rivero. Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad
ng Santo Tomas. Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang
pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang.
Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi
ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay
pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang Moromoro at komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa
mga manunuod. Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad
ang dulang Tagalog. . Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin
ang Moro-moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela sa unang
pagtatarighal ng sarsuelangSalamin ng Pagibig ni Roman Reyes; Mga Karaniwang
Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de
Dios, El Dinero ni Hermogenes Ilagan.
2. SEVERINO REYES Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksyon ng mga manunuod sa
pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran Compana de
Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang mga
sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ngWalang Sugat ay sunud-sunod nang
itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba.
Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong bihis
na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang palitan ng sarsuela ang Moromoro na dating kinalokohan ng mga manunuod. Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat
ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido,
Mga Pusong Dakila,RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang RIP ay isang sarsuelang sinulat ni
Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa pagkamatay nito. Si Severino Reyes ay
nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang mga dula ang
suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don
Binoy ay naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.
3. FRANCISCO BALTAZAR Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksyon ng mga
manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran
Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa
pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ngWalang Sugat
ay sunud-sunod nang itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin
na sinundan pa ng iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes
dahil sa pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang
palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga manunuod. Ang
ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling Pati,
Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila,RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang
RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa
pagkamatay nito. Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula.
Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at

pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang


magasing Liwayway.
4. FRANCISCO BALTAZAR Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa
nayon ng Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina
Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga
ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko. Nabibilang lamang sa
maralitang angkan ang mag anak na Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday
at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa
kumbento ng kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura paroko at
ditto ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo. Ang pandayan
ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni
Kiko ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki
ang nagawa nito sa kanyang murang isipan. Palibhasay may ambisyon sa buhay,
inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan
kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag aaral.
Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag anak na mayaman, na
naninirahan sa Tundo at maaari siyang pumasok dito bilang utusan. Nagustuhan
naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag
aral. Nagpatala siya sa Colegio de San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga
Hesuwitas. Ditoy natutuhan niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at
Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag aaral sa
Colegio de San Juan de Letran at ditoy natapos niya ang mga karunungang
Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang
may akda ng Pasyong Mahal.
5. FRANCISCO BALTAZAR Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat
sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na makata. Sa Gagalangin, Tundo
ay nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang Magdalena Ana Ramos at itoy
napagukulan niya ng paghanga. Noong panahong iyon ay may isang tagaayos ng
tula, si Jose dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung
walang dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag uukulan ng pansin ang tulang
ipinaaayos ng sinuman. Isang araw ay may dala dalang tula si Kiko upang ipaayos
kay Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang sisiw ay hindi ito inayos ni Jose.
Umuwi si Kikong masamang masama ang loob kayat simula noon ay hindi na siya
humingi ng tulong sa makata ng Tundo. Noong taong 1853, lumipat siya sa
Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala
at payo ng mga kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang
pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang
mayaman at makapangyarihan sa pook na iyon, subalit winalang bahala ang mga
paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang palad si Maria at
hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa. Palibhasay mayaman
ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay
naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng
mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag uukulan niya ng wagas na pag ibig at si
Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan niya isinulat ang walang
kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog kay Selya.

6. FRANCISCO BALTAZAR Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti


niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang
alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling
tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na
mayaman na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing isang supling, limang
lalaki at anim na babae sa loob ng labing siyam na taong pagsasama nila. Pito ang
namatay noong mga bata pa at sa apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay
Balagtas. Dahil sa may mataas na pinag aralan si Kiko kaya humawak siya ng
mataas na tungkulin sa Bataan naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes
mayor de Semantera. Mainam inam na sana ang buhay ng mag anak ngunit
nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa
isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito, namayani
na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan
at pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa
Udyong at dito nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng
dulang Moro moro na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya. Noong ika 20 ng
Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.
7. PASCUAL POBLETE Si Pascual H. Poblete ay kinilalang mandudulang may maapoy
na pagmamahal sa kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang kanyang panulat upang
gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Siya ay isinilang sa Naic,
Cavite noong Mayo 17, 1858. Siya ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Liceo de
Manila. Dahil sa pagtatanghal ng kanyang dulang Amor Patria, siya at ang mayari
ng tanghalang ginamit sa pagtatanghal ay nabilanggo, bagamat sila ay nakalaya
rin. Siya ang nagtatag at naging patnugot ng pahayagang El Resumen. Ginamit niya
ito upang tuligsain ang mga katiwalian at pang-aaping ginagawa ng mga
makapangyarihang kastila na siyang naging dahilan upang siya ay mausig at
ipatapon sa Africa. Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal.
Siya rin ang nagtatag ng mga pahayagang El Grito del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan),
noong panahon ng mga Americano. Si Poblete rin ang sumulat ng dulang Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa na naging dahilan din ng kanyang pagkakakulong. Taong 1879 nang
maging katulong siyang mamamahayag sa pahayagang La Oceana Espanola.
Naging kolumnista siya ng Diariong Tagalog ni Marcelo H. del Pilar na
pinamatnugutan din niya nang si Del Pilar ay umalis patungong Espanya. Kasama
din siya ni Del Pilar sa pahayagang Revista Popular na naglathala ng mga artikulong
ibaiba ang paksa na naglayong imulat ang isipan ng mga Pilipino. Ang itinuring na
Ama ng Pahayagan ay bawian ng buhay sa taong 1921 sa gulang na 63.
8. JOSE RIZAL Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya
ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga
magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina
ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian, Laguna. Nakapag tapos siya ng
Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na
karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad
ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng
sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat
ng ibat ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng

kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela Noli Me


Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa
mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay
umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na La
Liga Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
9. MARCELO H. DEL PILAR Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, San
Nicholas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung
magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang
gobernadorcillo at Doa Blasa Gatmaytan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya
niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isinaKastila bilang pagsunod sa kautusan ng
Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre
Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872.
Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A.
Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad
ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos
din sa kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang
Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang
unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pangaabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang
pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas,
Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Toksohan, Sagot ng Espanya sa
Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La
Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina.nakipag tulungan si
marcelo sa kaniyang mga kakampi upang mapatalsik nila ang mga kalaban. Noong
1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa
Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at
iniharap sa Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni Jos
Rizal kagaya ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang
pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya
sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa Dominikanong Arsobispo Pedro P.
Payo.
10. MARCELO H. DEL PILAR Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat
pampulitika ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino)
noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong
propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa
pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano
Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang
pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang
nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at
progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas. Labis na
naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi
kumakain at may panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang makalimutan
ang gutom, may panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga
daan. Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking
suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas. Ito

ang dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre
15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya,
nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas. Namatay siya sa
sakit na tuberkulosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo
4, 1896 sa gulang na 46.
11. LOPE K. SANTOS Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal bilang Lope C.
Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga
katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang
kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging
makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa
Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal
Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela
de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan,
isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan.
Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing
nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang atSampaguita. Siya ang
tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon,
naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng wikang pambansa. Kabilang
sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika,
Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa
karaniwang palayaw na Mang Openg.
12. DEOGRACIAS ROSARIO Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila
noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya.
Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba. Naging Pangulo siya ng
Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga
Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling
Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa
maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga
akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling
kuwento. Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista
sa mga akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi: "Kadalasang
ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mga alagad
ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan
niyang gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa
kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik
sa tinubuang lupa ay nagiging makawika at makabayan". Ang ilan sa kanyang mga
akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo,
Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario
ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang
Kwentista. Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong
Nobyembre 26, 1936.
13. EPIFANO DELOS SANTOS Si Epifanio de los Santos ay isang manananggol,
mamamahayag, mananalaysay (historian), musikero, pintor, kritiko, manunulat,
pilosopo ("philosopher") at masugid na kolektor ng mga antique. Isinilang siya sa
bayan ng Malabon noong Abril 7, 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero

na si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay


tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng
pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng
pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay
nag-aral din siya ng musika at pagpipinta na nanguna sa mga gantimpala. Tinapos
niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas na parangal na summa
cum laude at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt. Hukuman. Masugid siyang mambabasa ng iba't
ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng mga nobelang sinulat ni Juan
Valera, isang manunulat na Kastila at may-akda ng isang nobela ng pag-ibig na
kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa,
nagkaroon siya ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa
katunayan, ang unang palapag ng kanyang tirahan sa Magallanes, Intramuros ay
nagmistulang laybrari at museo na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na
may hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol,Fernando Ma.
Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin siyang
dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng Latin, Griyego, Kastila
at Pranses. Siya ang naging unang Pilipinong naging kasapi ng Spanish Royal
Academia sa Madrid at nakilalang unang Academician ng bansa.
14. EPIFANO DELOS SANTOS Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng
kanyang kaibigang si Clemente Zulueta ang pahayagang La Libertad sa Malabon.
Naging editor din siya ng unang rebolusyonarong pahayagang La Independencia. Sa
pagsusulat sa pahayagang ito ay ginamit niya ang sagisag na G. Solon. Naging
District Attorney siya ng San Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim
Panlalawigan. Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija at naulit ng
1904 . Pagkatapos ng dalawang taon ay hinirang siyang miyembro ng Philippine
Commission para sa St. Louis Exposition. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa tulad
ng Pransya, Inglatera, Espanya, Italya at iba pang mga bansa sa Europa upang
bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng mga aklat para sa kanyang
koleksyon sa sariling aklatan. Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang
lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral
Francis Burton Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong Mayo
16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng
Kawanihan ng Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na
binawian ng buhay. Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis
Burton Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925
itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan
ng Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng
buhay.
15. EPIFANO DELOS SANTOS Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang
kanyang unang asawa ay si Donya Ursula Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si
Margarita Toralba ng Malolos. Ang isa niyang anak sa kanyang unang asawa ang
nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik. Nakilala siya bilang
mahusay na manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don
Panyong. Kung si Don Panyong ay di nakilalang tagapagsalita (speaker) siya naman

ay nakakitaan ng kagalingan sa panunulat na umani pa ng papuri sa ibang bansa.


Ang unang nalathalang sinulat ni Don Panyong ay ang Algo de Prosa (1909) isang
koleksiyonng mga sanaysay at maikling kuwento. Ilan pa sa kanyang mga sinulat ay
Literatura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911), Nuestra Literatura (1913), El
Proceso del Dr. Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas (1920). Sinulat din
niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del Pilar,
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila
mula sa Tagalog ng Florante at Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa
panitikang Pilipino. Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang
tumugtog ng piyano at gitara. Sa kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang
mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong Pilipinas -isa si Don Panyong at ang
dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang rebolusyonaryo, at si
Guillermo Tolentino, kilalang iskultor. Inihambing siya ng musikong editor na si
Griffith kay Segovia ng Espanya sa natatanging talento niya sa paggitara. Mahusay
din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang ang
kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin.Binawian ng buhay si
Don Panyong noong Abril 28, 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil sa atake sa utak
(cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura,
ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng
Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.
16. FERNANDO GUERRERO Si Fernando Mara Guerrero (1873-1929) ay isa sa
pinakamagiting na mga Pilipinong makata, tagapamahayag, politiko, abogado,
poliglota at guro sa ginintuang panahon ng panitikang Kastila sa Pilipinas, isang
panahong mula 1890 magpahanggang sa pagsabog ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Nagsulat si Guerro noong mga taon ng 1898 hanggang 1900. Bilang
abogado at guro, nagturo siya ng abogasya (natural law), kriminolohiya at
oratoryong forensik (forensic oratory). Nagsilbi siya bilang tagapamahala (chairman)
ng lupon ng mga tagapagsubok (board of examiners) sa paaralan ng abogasyang La
Jurisprudencia. Naging konsehal siya ng Maynila, Sekretaryo ng Senado at
Sekretaryo ng Komisyon sa Kalayaan ng Pilipinas. Naging direktor din siya ng
Academia de Leyes (Akademya ng mga Batas). Bukod sa wikang Kastila,
nakapagsasalita rin si Guerrero ng Latin at Griyego. Minsan siyang naging editor ng
El Renacimiento, La Vanguardia at La Opinion (Ang Opinyon). Naging miyembro siya
ng Unang Asemblea ng Pilipinas, ng Academia Filipina at napili para Lupon ng
Munisipyo ng Maynila (Municipal Board of Manila). Naging tagapagbalita rin siya
para samahang Real Espaola de Madrid. Ang kaniyang mga aklat ng mga tula sa
wikang Kastila, na pinamagatang Crisalidas, ay nailathala noong 1914, na
ibinibilang ng Enciclopedia Filipinas sa isa sa sampung pinakamahuhusay na aklat
na nasusulat hinggil sa Pilipinas. Ang iba niyang mga tula na isinulat matapos ang
1914 ay lumabas sa isang kompilasyong pinamagatang Aves y Flores (Mga Ibon at
Mga Bulaklak). Namatay si Guerrero noong Hunyo 12, 1929, kasabay ng anibersayo
ng Republika ng Pilipinas nang taong yaon. Bilang parangal, ipinangalan kay
Guerrero ang isang paaralan sa Malate, Maynila.

You might also like