You are on page 1of 1

Ang Pamilya ang Sentro sa Plano ng Diyos

Walang ibang tagumpay na makahahalili sa kabiguan sa tahanan. David O. McKay


Hindi mahirap sabihin na ang isang tao ay mas makasusulong sa buhay kung nagmula
siya sa tahanang may pagmamahalan at suporta. Maraming tao ang nagtatagumpay pa
rin bagamat di-gaanong-maganda ang sitwasyon ng pamilyang kanilang pinagmulan,
ngunit ang matugunan ang ating mga pangunahing pangangailangan, mabatid na mahal
tayo ng ating mga magulang at matuto ng mga aral sa buhay sa tahanan ang mas
nagpapadali sa pagharap natin sa mga hamon sa araw-araw nating buhay. Maaaring
kapag nasa hustong gulang ka na ay nais mo ng masayang tahanan para sa iyong
pamilya.
Hindi ito nagkataon lamang. Binuo tayo ng Diyos sa mga pamilya nang sa gayon lumaki
tayo nang maligaya at ligtas, at upang matuto tayong lubos na mahalin ang ibaang susi
sa tunay na kagalakan. Sa pamilya pinakamabisang natututuhan ang pagmamahal na
gaya ng pagmamahal ng Ama sa Langit sa bawat isa sa atin.
Narito ang Simbahan ng Diyos upang tulungan ang mga pamilya na magtamo ng mga
walang-hanggang pagpapala. Naniniwala kami na ang pinakadakilang pagpapalang
ibinigay Niya sa atin ay ang kakayahang makabalik sa piling Niya sa langit kasama ang
ating pamilya. Sinusunod namin ang kalooban ng ating Ama sa Langit dahil sa ganyan
namin natatamo ang pagpapalang ito.

You might also like