You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Filipino-5

Hunyo 22, 2015


Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a
b
c

Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ibibigay


Nakapagpapahayag ng damdamin sa katanungang ibinigay
Nasasagot ang mahahalagang detalye sa kwentong binabasa

Pagpapahalagang Pangkatauhan: Pagiging matibay sa lahat ng pagsubok.


(Excellence)
Paksang Aralin:
a Kwentong Ang Tibay ng Pagkakaisa
b Pagtukoy sa mga detalye ng kwento
Kagamitang Pampagtuturo:, manila paper, pentel pen, plas istrip at laptop,DLP
Sanggunian: Hulip 5, pp.25-30
Pamamaraan:

Pang-araw-araw na Gawain:
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangungulo sa pagdarasal
Susuriin ng guro ang mga mag-aaral na liban at nahuhuli sa klase
Susuriin ng guro ang uniporme at kaayusan ng mga upuan

Introduksyon:
Pagganyak (APK)

Itatanong:
Anu-ano ang mga paraan ninyo sa bahay na nagpapakita ng pagtutulungan?
Anu-anong mga okasyon o pagkakataon ang mga ito?

Paglalahad ng Leksyong tatalakayin


. Sasabihin ng guro ang tatalakaying leksyon: Pagtukoy sa tauhan ng kwento

Presentasyon ng mga layunin

Interaksyon
Mag-aaral sa Materyal: Paghahawan ng Balakid

Ibibigay ng guro ang mga salita sa plas istrip, ipapabasa ang mga ito at
pabibigyang ng kasingkahulugan ng bawat matatawag na mga mag-aaral.
Ipaisa-isa ng guro ang mga pamantayan sa pagbasa (tahimik/malakas)
Ibibigay at gawing pamatnubay na tanong habang bumabasa ang Anong
uri ng pamilya mayroon si Mang Gustin
Ipabasa ang kwento na nasa pahina 25-26

Mag-aaral sa Mag-aaral: Isulat at Iulat mo

Mamimili ang bawat pangkat ng tagapagsulat at tagapag-ulat


Ipapangkat sa apat na grupo ang mga mag-aaral at bibigyan ng tig-iisang
manila paper at pentel pen
Gamit ang istratehiya isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga
kasagutan,

Mag-aaral sa Guro

Tatawag ng piling mag-aaral ang guro na magbibigay ng kanilang ideya at


bibigyang puna ang bawat kasagutan

Integrasyon:
Mastery of the Skill
Ipapasagot ng guro ang sumusunod na katanungan:

Ilirawan ang kanilang kapaligiran?


Papaano nabubuay ang mag-anak?
Bakit nagkaroon ng bayarin ang mag-anak?

Pag-uugnay sa dati at bagong natutunan

Tatawag ng piling mag-aaral na mayroong bagong natutunan sa kwento ng


pamilya ni Mang Gustin.

Pag-uugnay sa iba pang leksyon sa ibang asignatura

Pagkukunekta ng guro sa leksyon ng mga mag-aaral sa Makabayan,


Bayanihan

Integration sa Pampahalagang Pangkatauhan


Gabay na Katanungan:

Mahalaga ba ang pagtutulungan ng bawat mag-aaral?

Ebalwasyon: Maikling Pagsusulit


Panuto: Isulat ang tamang kasagutan:
1
2

Sino ang bida ng kwento?


Paano nalampasan ng pamilya ang kanilang problema?

Hunyo 23, 2015


Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a
b
c

Nasasagutan ang mga pagsasanay sa aklat tungkol ayon sa ibinigay na


gawain
Naipahihiwatig ang damdaming mapagmalasakit at matatag
Nakasusulat ng isang maikling talata na nagpapahiwatig ng pagkakaisa

Pagpapahalagang Pangkatauhan: Pagiging matibay sa lahat ng pagsubok.


(Excellence).
Paksang Aralin:
a Pagtukoy sa mga detalye ng kwento
b Pagiging matibay sa lahat ng pagsubok
Kagamitang Pampagtuturo: manila paper, pentel pen, aklat, laptop at DLP
Sanggunian: Hulip 5, pp.28-30
Pamamaraan:

Pang-araw-araw na Gawain:
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangungulo sa pagdarasal
Susuriin ng guro ang mga mag-aaral na liban at nahuhuli sa klase
Susuriin ng guro ang uniporme at kaayusan ng mga upuan

Intoduksyon:

Pagganyak:

Tatawag ang guro ng mga mag-aaral at itatanong ang sumusunod:


Papaano mo ipaliliwanag ang pahayag na Kaya matibay ang walis dahi itoy
nabibigkis?

Paglalahad ng Leksyong tatalakayin


. Sasabihin ng guro ang tatalakaying leksyon: Pagiging matibay sa lahat ng
pagsubok.
Interaksyon:
Mag-aaral sa Materyal:

Pasasagutan ang mga pagsasanay sa pahina 28-30

Mag-aaral sa Mag-aaral:

Ipapares ng guro ang mga mag-aaral


Bawat pares ay magpapalitan ng kanilag mga sinagutang pagsasanay.

Mag-aaral sa Guro

Tutulungangang halawin g guro ang mga kasagutan ng bawat mag-aaral at


ipapaliwanag ang mga bawat kasagutan.

Integrasyon:
Mastery of the Skill

Uulitin ang pagtatanong sa mga mahahalagang detalyeng magpapaintindi sa


bawat mag-aaral kung gaanon kahalaga ang pagtutulungan at pagiging
matatag.

Pag-uugnay sa dati at bagong natutunan

Tatawag ng piling mag-aaral na magbibigay ng napagtanto mga sa kwentong


binasa.

Ebalwasyon:

Pasasagutan ang pagsasanay sa pahina 30 (Karagdagang Gawain)

Hunyo 24,2015
Layunin: Pagkatapos ng aralin, 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a
b
c

Nakabibigay ng halimbawang pangungusap


Nasasabi ang ayos ng pangungusap
Nakababago ng ayos ng pangungusap

Pagpapahalagang Pangkatauhan:

Pagiging matibay sa lahat ng pagsubok. (Excellence)

Paksang Aralin: Pagkilala sa Ayos ng pangungusap


Integrasyon sa Asignatrang Makabayan: Bayanihan
Kagamitang Pampagtuturo: manila paper, pentel pen, binilot na papel, laptop at
DLP
Sanggunian: Hulip 5, pp.279-283

Pamamaraan:

Pang-araw-araw na Gawain:
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangungulo sa pagdarasal
Susuriin ng guro ang mga mag-aaral na liban at nahuhuli sa klase
Susuriin ng guro ang uniporme at kaayusan ng mga upuan

Introduksyon
Pagganyak:APK
Magbibigay ng dalawang halimbawang pangungusap ang guro na kung saan
tutukuyin ng matatawag na mga mag-aaral ang napapansin niyang
pagkakaiba sa dalawa.
Hal.
Ang kumuha ng lapis ko ay si Mia.
Si Mia ang kumuha ng lapis ko.
Paglalahad ng Leksyong tatalakayin
. Sasabihin ng guro ang tatalakaying leksyon: Pagkilala sa Ayos ng Pangungusap

Presentasyon ng mga layunin

Interaksyon:
Pangkatang Gawain:
Mag-aaral sa Materyal:

Magbibigay ng isang manila paper na may dalawang hanay na nakasulat


(karaniwan at di-karaniwang ayos) at pentel pen ang guro sa bawat pangkat

Mag-aaral sa Mag-aaral

Ipapangkat ng guro sa apat ang mga mag-aaral


Mamimili ang bawat pangkat ng isang tagapagsulat at tagapag-ulat
Magsusulat ang bawat miyembro ng pangkat ng tigdadalawang pangungusap
Pagkatapos, ihahanay nila sa dalawa ang mga nagawa ayon sa ayos nito
Pag-uulat ng napiling tagapag-ulat ng bawat grupo
Tutukuyin ng ibang grupo kung tama ba o may mali sa nagawang
presentasyon

Mag-aaral sa Guro

Tutulungan ng gurong maunawaan pa ng mga mag-aaral ang paksang


Ayos ng Pangungusap sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga ginawa ng
bawat pangkat
Pagbibigay ng ilang halimbawa ng pangungusap at ayos nito

Integrasyon:
Mastery of the Skill: Oral na Resitasyon
Itatanong ng guro:

Tatawag ng piling ag-aaral na magbabago sa ayos ng ibinigay na pangugusap

Integrasyong
Iuugnay ito sa leksyon ng mga mag-aaral sa asignaturang: English
Itatanong:

Papaano nagkakahawig ang mga leksyon sa Filipino at English?


Ebalwasyon:
Panuto: Salungguhitan ang buong paksa o simuno ng bawat pangungusap.
Pagkatapos, isulat sa patlang ang titik K kung ang ayos ng pangungusap ay
karaniwan o tuwid. Isulat ang mga titik DK kung ang ayos ng pangungusap ay dikaraniwan o kabalikan.
1. Itatayo sa lupaing ito ang bagong paaralan.
2. Ang bawat aksyon ay may katapat na konsekwensiya.
3. Binubuo ng malalaki at maliliit na pulo ang bansang Pilipinas.
4. Ang pangarap ng Mang Tony ay makatayo ng sarili niyang talyer
. 5. Si Vilma ay nakaipon na ng sapat na pera para sa kanyang bagong negosyo.

Hunyo 25, 2015


Layunin: Pagkatapos ng aralin, 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a
b
c

Nakagagawa ng isang komposisyon gamit ang dalawang ayos ng


pangungusap
Nakapagpapaliwanag ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng isang
talata o komposisyon
Nakapagpapahayag ng damdamin sa naturang aralin

Pagpapahalagang Pangkatauhan:

Pagiging matibay sa lahat ng pagsubok. (Excellence)

Paksang Aralin:

Pagkilala sa Ayos ng Pangungusap


Paraan ng Pagsulat ng isang komposisyon

Integrasyon sa Asignaturang Inglis: Composition


Kagamitang Pampagtuturo: aklat, komposisyon, laptop at DLP
Sanggunian: Bagong Likha 5
Pamamaraan:
Pang-araw-araw na Gawain:
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangungulo sa pagdarasal
Susuriin ng guro ang mga mag-aaral na liban at nahuhuli sa klase
Susuriin ng guro ang uniporme at kaayusan ng mga upuan
Introduksyon:
Pagganyak/APK:
Itatanong:
Sinu-sino ang may alam kung ano ang Feature writing?
Papaano ito isinusulat?
Paglalahad ng Leksyong tatalakayin
. Ipagpapatuloy ang leksyong Pagkilala sa ayos ng pangungusap at ang wastong
paraan ng pagsulat ng isang komposisyon.

Presentasyon ng mga layunin

Interaksyon:
Journal Writing
Mag-aaral sa Mag-aaral: Pagsulat ng isang Tula

Mamimili ng kapareha ang mga mag-aaral


Bawat pares ay mamimili g tagapag-ulat at tagapagsulat
Bawat pares ay magbibigay ng ideya ng wastong pagsulat ng isang tula
Pag-uulat ng napiling tagapag-ulat sa naturang gawain

Mag-aaral sa Guro

Tutulungan ng gurong maunawaan pa ng mga mag-aaral ang paggawa ng


isang tula
gamit ang ipapakitang halimbawa.

Mag-aaral sa Materyal:

Ipapalabas ng guro ang pinadalang kwadernong magsisilbing jornal ng mga


mag-aaral
Sa loob ng labinlimang minuto, ipapasulat ng guro ang maikling tula ng mga
mag-aaral ayon sa ibibigay na paksa. (Gamit parin ang dalawang ayos ng
pangungusap)

Integrasyon:
Mastery of the Skill at Pag-uugnay sa dati at bagong natutunan

Tatawag ang guro ng piling mag-aaral na siyang magbibigay ng ideya sa


proseso ng paggawa ng tula sa Inglis at kung papaano ito maiuugnay sa
paggawa nito sa Filipino.
Pagbibigay ng iilang ideyang natutunan dati at pangkasalukuyan at
pagkakaiba nito (kung mayroon).

Pag-uugnay sa iba pang leksyon sa ibang asignatura

Iuugnay ang paksa sa aralin ng mga mag-aaral sa Inglis- Journalism(poem)

Ebalwasyon:
Pagsulat ng tula:
Paksa: Pagiging matatag

Hunyo 25, 2015

Pista ng Sacred Heart

You might also like