You are on page 1of 7

LETS TALK ABOUT THE S WORD We are part of a generation that thends to undermine sexual purity.

Having sex before marriage is no longer considered a sin by many. Pinagtatawanan paminsan ang mga virgins. It seems that if you havent gotten involved in sexual relationships yet, you have never really lived. Hindi na masyadong isyu ngayon kung virgin ka pa o hindi. It is no longer a big deal if one of your friends engaged in premarital sex (PMS) and became a teenage mom/dad. Dahil sa lagi nang nagaganap ang PMS, normal na daw yun at kailangan tanggapin. May mga libto pa na nag-i-endorso ng 4-month rule para sa mga girls: ok nang makipag-sex after four months of dating. They call that SEXY time. Kasi, by that time daw , may idea na ang girl kung seryoso ang guy sa kanya. We live in a sex saturated environment. Maagang nag ieksperimento sa ssex ang maramning kabataan bunga ng mga mensaheng nasasagap nila sa kanilang paligid, lalo na sa media at internet. Idagdag pa ang maagang pakikipagrelasyon at peer pressure. Maraming pelikula ang nagpapakita na bahagi ng anumang relasyon ang sex. Merong ngang commercials ng scented condoms, na mas lalong um;eeengganyo sa mga may partner na makipag sex. Punung puno rin ng mga sensual na tugtog ang radio at MTVs. kahit ang kantang pambata ay nababahiran ng malalaswang kahulugan dahil inaawi at sinasayaw pa ng mga kilalang sex symbols. GOD HAS ORDAINED RULES ABOUT SEX I am not afraid to talk about sex. Isa itong paksa na alam ng marami pero hindi pinag uusapan. Dahil hindi pinag uusapan sa bahay at sa church, kung saan saan nakukuha ng inpormasyon ang mga kabataan. Spreading lies about sex is one of the greatest weapons of satan to destroy the younger generation. But what should we believe about sex? God is the author of sex God made us a sexual beings. Just read the Song of Solomon for yo to really appreaciate what sex can do to lovers. Nagging marumi lang ang pananaw ditto nang bumagsak sa pagkakasala ng mga unang magulang natin sina Adan at Eva. Satan compromised the use of sex. Ginagamit niya ito para sirain ang relasyon ng isang tao sa Diyos at sa kanyang kapwa. Sex has a three-fold purpose Una ay ang pagpaparami ng tao sa daigdig o procreation. Kung wala nito , hindi kailanman lalago ang populasyon ng mundo. Hindi tayo mga bulaklak na kahit sa hangin ay pwedeng mag-pollinate at dumami Pangalawa, it unites two persons. Sex is more that physical. It has emotional and spiritual significance. When you have sex with a person, you identify yourself with him/her and you become one. Pangatlo, it was created for the pleasure of married couples take note: MARRIED COUPLES. Ang sex ay isang magandang pagpapahayag ng pagmamahal mo sa asawa mo. Parang sinasabi mo sa kanya:para sa iyo lang ang katawan ko dahil labs na labs kita. Mans out of control sexual desire need to be subjected to Gods rules

Kung wala sigurong nilagay na pamantayan ang Bible pagdating sa sex, kayang kayan punuin ng isang lalaki ang isang barangay ng kanyang mga anak o kaya naman ay kumalat ang ibat ibang sexually-transmitted disease sa buong mundo. Dahil mahal tayo ng Diyos, naglagay Siya ng mga boundaries hindi dahil sa ky siya kundi dahil ayaw Niya tayong mapahamak. Hindi kailanman kinalugdan ng panginoon ang mga sumusunod. Fornication o pakikipagtalik ng hindi pa kasal Homosexuality o pakikipagtalik sa kaparehong kasarian Adultery of pakikipagtalik sa taong hindi mo asawa Incest o pakikipagtalik sa malapit na kapamilya Bestiality o pakikipagtalik sa anumang hayop Rape o pakikipagtalik sa isang tao sa marahas, illegal at pwersahang paraan Prostitution o pagbebenta ng katawan Ayon sa isang survey, 5 milyon o 23 porsyento ng kabataang Filipino edad 15 hanggang 24 ang nakibahagi na sa premarital sex (PMS). On average, boys and girlshave their sexual encounter at the age of 18 and 18.3, respectively Tatlumput limang porsyento ng nag PMS ay mga out-of school youth o non working youths. Two out of 10 said they had sex for the first time out of curiosity, while 14 percent engaged in it to relieve sexual tension. Ang mga sumusunod ang mga nadiskubreng katangian ng mga kabataan gumagawa ng PMS: Lives away from parents and started living away from them at an early age Exposure to X-rated movies Goes to discos, massage parlors and clubs Does not attend religious services Addited to drugs, smoking and alcohol Meron naming mga bagay na pipigil sa kanila para gawin ang PMS. Kabilang ditto ang mga sumusunod: Regular participation in religious actgivity Being employed Staying longer in school Receiving sex education in school Living with parents Sex without real commitment is dangerous. In the eyes of God, only the commitment a man and a woman make in the ceremony of marriage counts and qualifies them to have sex. Before marriage, everything is reversible! Mahal mo siya ngayon pero puwedeng mabago iyon bukas o sa isang lingo. Mapapatunayan mo lamang ng atalagang handa ka nang ibigay ang buhay mo sa iyong minamahal sa sandalingsambitin mo ang mga katagang I do at till death do us part sa harap ng diyos at ng mga saksi sa kasal ninyo. Kapag nasanay ka sa pakikipagtlik na walang tunay na commitment, mahihirapan kang maunawaan ang kahalagahan ng pagbibigay ng iyong buhay para sa isang tao. Lahat kasi ng relasyong pinapasukan ay mababaw (dahil nakadepende sa sex) at walang intensyong palalimin. WHAT ARE THE CONSEQUENCES OF HAVING PMS? The bible declares that we must flee from sexual immorality. Sexual sin s can lead us into physical emotionl psychological and spiritual troubles. Hindi makakabutisa mga kabataan

ang makipag sex sa maling panahon at maling dahilan. Whenever we commit fornication, we are destroying our body because we are sinning against it. Choosing to postpone sex until marriage may not be an easy or the most popular decision but it is definitely the choice that deserve the highest consideration. Physical Although sex can give you physical pleasure, pwede ka rin nitong bigyan ng sakit. Gaya ng mga Sexually transmitted disease o STD. marami ding teenage girls angpwedeng mabuntis ng mas maaga at mas delikado ito sa mga bata dahil madalas ay poor health ang mga ito Psychological and Emotional Sex and emotions are tied together. Hindi ka pwedeng makipag sex ng walang emotional attachment. In many ways, premarital sex is a form of emotional abuse because partner use each other out of the context of a lifetime commitment. May mga lalaki na matapos makuha ng dapat makuha sa babae ay nawawalan na ng interes ssa relasyon. The loss of wonder / loss of challenge causes boys to abandon the relationship. Nakuha na ang dapat makuha, kaya wala nang bagay na hihintayin pa sa hinaharap. Psychological damage can also be caused by guilt and self-hatred. Sa mga batang namulat sa kaisipan na ok lang ang premarital sex, malabong maguilty sila sa kanilang ginawa. Pero sa mga kabataan pinalaki sa kagandahang asal, talagang big deal ang first time sexual experience. Moreover PMS can lead t despair when teen couples part ways because of unwanted pregnancy and other concerns. May mga iba naman na maiiwasan lang ang kahihiyan ay napipilitang magpa abogt. Grabeng depression din ang kasunod nito. JUST SAY NO TO SEX FOR NOW Kung ayaw mong mapaso, huwag kang maglaro ng apoy. Abstinence is the only 100 percent effective means of preventing pregnancy and the spread of STDs. Abstinence means not doing all sexual activities, which includes oral sex anal sex ad mutual masturbation.. The following are tried and tested principles that can help you overcome the temptation of having PMS. Keep your focus Develop godly relationship Flee from temptation Born again virgins, anyone? Pero ano ang gagawin mo kung bago mo nabasa ang librong ito ay nagawa mo na ang PMS? Tandaan mo ito, Kayang ayusin muli ng panginoon ang iyohg buhay. You can be a virgin again in His sight. If you feel guilty about what you did, remember that God is the God of many chances. Mapagpatawad Siya sa laha ng nagpapakumbaba at gusting tumalikod sa kasalanan. He is always ready to forgive our sins. You can lose your physical virginity just once. Hindi mo n amaibabalik yun. But you can have a clean slate again, spiritually and emotionally. Spiritual revirth will transform your soul, heart and mind. Viriign ka na muli sa panigin ng Panginoon dalhil pinatawad ka na Niya sa iyog mga nagawan kasalanan. Whats important is you are starting to live the life God wants you to live. You can now have peace with God. Sa john 8 mababasa natin ang kwento ng babaeng nagcommit ng adulter at kung apaano siya pinatawad ng Panginoon. May sapat na dahilang ang mga hudyo na batuhin siya hanggang mamatay dahil ito ang sinasabi sa kanilang batas. Pero ano ang sinabi sa kanya ng Panginooon? Hindi kita huhusgahan

humayo ka at huwag na magkasala muli. Dalawang punto ang dapat nating maiintindihan ditto. Una mapagpatawad ang Diyos sa mga nagsisis at lumalapit sa kanya. Pangalawa, hindi natin dapat inaabuso ang kanyang kapatawaran at kabaitan. Kapag pinatawad tayo ng Diyos, hindina tao dapat nagpapatuloy sa buhay na puno ng kasalanan. Start afrest. Ask Christ for strength to resist sexual tembtation int the future. Your Virginity is a Gift to Yourself Isa sa mga namanan natin pananw na ang virginity ng isabn babae ay regalo para sa lalaking kanyang mapapangasawa. Kalimitang nakatuon sa mga girls ang responsibilidad ng pagiging virgin. Ayusin natin ito. Ang virginity ng isang babae ay regalo hindi para sa kanyang pakakasalan, kundi para sa kanyang sarili. Dapat ding pangatawanan ng mga kalalakihan ang kanilang responsibilidad na maging virgin. Tanggalin natin ag kultura ng machismo at double standards na naniniwala sa kasabihang boys will always be boys at may karapatan silang maging sexually activwe. SINGLE MINDED Marami ang hate na hate ang kanilang sarili dahil feeling nila lifetime member na sila ng NBSB/NGSB group (No BF/GF since birth). Ang valentines day para sakanila ay lagging SAD Singles Awareness Day. Pero tama bang maging malungkot kung wala kang significant other? Of course not! Singlehood is an exciting time to enjoy life and give glory to God. Ituon ang iyong atensyon sa kung paano ka magiging isang Mr/Ms Right sa halip na hanapin si Mr/Ms Right. Be the Mr/Ms Right person. This way to being Mr/Ms Right Do the Fathers business Use your singlehood as a period to love and seve the Lord . Be focused on God. Jesus set the example for us to follow.l heaccomplished what His Father wanted Him to do when H was still a teenager. Labintatlong taong gulang pa lamang Siya, nangangaral na Siya sa templo. Teenaage years should not be years of carefree living, irresponsibility and self gratification. Commit to having a godly and clean lifestyle. Develop you worth and identity in Christ. Preserve emotional purity Paboritong-paborito ng marami ang quote na ito ni Alfred Lord Tennyson: It is better to have loved and lost, than not to have loved at all. But it is more desireable to have loved and never lost at all. Preserve your heart. Hanggat walang go signal si Lord, guard your heart. Ayaw ng Panginoon na nassaktan tayo bunga ng pagpasok sa relasyong sa maling panahon, maling dahilan at maling kapartner. Gusto mo bang bago ka ikasal ay maraming guys/girls ka nang pinaiyak? O ikaw mismo ang umiyak? Ang bawat break up ay may residual effects sa buhay mo. Kapag lagging nasasaktan ang puso, nagkakaroon din ito ng peklat at kalyo. Ang mga kalyong ito ay nakikita sa kanilang pananaw sa pag-ibig. Ang ibay ingat na ingat nanng umibig. Nagiging woman/man hater ang ilan. Marami ang ayaw dumalo sa mga reunions dahil baka Makita nila ang kanilang mga ex-BF/GF. Hindi pa sila makapagmove on sa mga relasyong natapos. Learn to control sexual urges

Normal sa singles ang dumaan sa sexual frustrations. Matindi ang sexual temptations kapag nagtatalunan ang hormones mosa katawan. Moreover, our culture often expects us to be sexually active. Pero hindi dahil single ka ay ok lng magkaroon ng sexual adventures. Learn how to control your sexual urges by using your energy to do worthwhile activities. Get rid of thing (magazines, movies, pocketbooks) that can tempt you to become sexually active. Do not feed your lust. Go public with your commitment to remain abstinent. To help you cope, share your struggles and victories with a friend of the same sex. Have an accountability group Many singles struggle with loneliness. But they can also eself centered if they only care about themselves. To combat these, widen your network of friends. Mas maraming kaibigan, mas Masaya, dib a? huwag mong hayaang lagi kang nag-iisa. Lalo ka lang madedepress. Let your Christian friends be accountable to you and let yourself be accountable to them. Accountability is being willing to have others hold you answereable and responsible for your actions. It should never end. We need people to constantly guid e us and offer good advice. Marami ang nakakagawa ng maling desisyon dahl walang nagpapayo, lalo na sa larangan ng pag-ibig. Nangunguna sa listahan ang mga magulang. Kung wala na sila, maghanap tayong mga tao na mamaaring makapagbigay ng makadiyos at makatuwirang mga payo. SO KELAN NA PWEDENG MAKIPAG DATE? Ang kahandaan sa pakikipagrelasyon ay hindi usapin ng edad o tagal ng paghihintay bilang single. Mas mahalagang malaman kungnasa tamangkundisyon ang pagkatao, puso at isip mo. Here are some things to consider: When the time is ripe Kung tama ang emosyon at motibo ng puso, pero kung mali ang pagkakataon at panahon, hindi pa rin tama. Maaaring nakita mo na ang love of your life kahit bata ka pa. pero ang tanong, dapat nab a kayong tumalon sa isang malalim na relasyon? Of course not. Lalo na sa mga elementary at high school students an parang magugunaw ang mundo kung hindi magkakaroon ng BF/GF. Kalooban ng Diyo na maghanda muna tayo para sa kinabukasan. Magtapos muna ng pag-aaral para makahanap ng maayoos na trabaho at maihanda ang sarili sa pag-aasawa. When youve already learned how t delight in the Lord Kailangan matutunan mong makuntento sa pagmamahal sa Panginoon. Love God above all else. Kahit ilang partner pa ang ibigay sa iyo, kung hindi maayos ang relasyon mo sa Panginoon, you can never be complete. Only God can satisfy you. When you are already comfortable with your individuality You need to understand what it means to be unique and whole. Single is not spelled A-L-O-N-E. maraming magagawa ang mga singles na hindi magagawa ng may ka-relasyon. Get involved in ministry, school organizations, and socio-civic projects. Malaki ang ngagawa ng pagtulong sa kapwa. When you are willing to wait Hindi nauuna at nahuhuli ang Panginoon. Daratinang tamang tao para sa iyo kung ito ang kalooban Niya sa iyongbuhay. Hindi dapat magmadali. Everything is made perfect in Gods time. At the sam;e time, pray fervently. Talking and bodnding with God helps you

discern His will. If you have the Holy Spirit in you heart, you can know where He is leading you. How to know if you are really ready to enter a RELATIONSHIP? The big word and the big step is COMMITMENT. It should be the core element of any relationship. Being commited is deciding to love the person for a lifetime. Hindi ito nakabase sa emosyo kundi sa isipan. It is an act of the will. Hindi mo kayang mahalin nang panghabang buhay ang isang tao kung ito ay nakagatay lamang sa damdamin na nagbabago sa ibatt ibang sitwasyon. Hanggatt walang tunay na commitment, huwag umasang magiging matibay at tatagal ang relasyon. Basahin natin ang lagging sinasabi sa ng mga taong ikinakasal. I take you to be my (wife/husband), to have and to hold from this day forward, for better of for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part. Sa palagay ninyo kaya nab a itong ipangako ng maraming kabataan ngayon na pumapasok sa relasyon? Malamang hindi rin ang sagot niyo. Dahil sa hindi pa nga sila handing magpakasal. Ang kasal ay hindi lamang sumpaan sa pagitan ng dalawang tao. Ito ay panunumpa rin sa harap ng Diyos at ng mga taong saksi. Sila ay pinagsama ng Diyos. Ang tapat na umiibig ay nagmamahal kahit sa kahirapan, karamdaman o anumang trahedya sa buhay. Hindi ito sumusuko kahit anong mangyari. Kahit parang pasas na ang dating ubas na mukha ng iyong asawa, tatanggapin mo pa rin siya dahil sumumpa ka na mamamahalin siya habang buhay. Kamatayan lang ang makapahihiwalay sa inyong dalawa. The Real LoveStruck Kadalasan imbes na preventive o maagap na pag-iwas sa problema ang iniisip natin, mas pinipili pa nating maging reactive-kikilos na lamang kung nabiktima na tayo ng sitwasyon. Hangarin ko na maglagay ng mga harang sa bangin at isang malaking banner sign para maiwasan ang mga aksidenteng kalimitang nararanasan ng mga teenage lovers. Pwede naming hindi daanan ang sakit na bunga ng paghihiwalay, alitan sa mga magulang, at masamang epekto ng premarital sex. Maraming nassaktan dahil sa kakulangan sa kaalaman sa pamantayan ng Diyos pagdating sa buhay pag-ibig Wise people learn from the mistakes of others. Napakarami nang nakaranas ng mapait na bunga ng maling relasyon at natuto mula sa kanilang pagkakamali. Huwag na nating hayaaang tayo mismo ang makaranas ng pagkakamali bao tayo magising sa mga katotohanan ng buhay. May normal na pattern ang buhay ng tao. Ipapanganak tayo, magiging musmos, dadaan sa pagiging kabataan, magtatapos ng pagaaral, mag-aasawa, magtataguyos ngpamilya, hanggang sa dumating an gating kamatayan. Kapag hndi nagging maayosang lovelife natin, puwedeng masira ang pattern na ito. Maraming mabubuntis ng wala sa panahon, kaya hindi nakatapos sa pag-aaral, hindi nakakuha ng maayos na trabaho. Tayo rin ang mahihirapan sa banding huli. Hindi ito ang kalooban ng Diyos sa iyo bilang isang single. Always seek Gods direction. Kapag alam mo ang timing ng Diyos, hindi stressed-out ang buhay mo. Rest assured that everything wil be perfect in Gods time. He is the only one who can see the BIG P icture. Siya rin ang nakakaalam ng CONCLUSION ng buhay natin. Dont ever doubt that God is working in your life. Marahil kaya wala tayong sagot na natatanggap sa panginoon ay dahil alam Niya na ang pagbibigay ng mga kahilingan natin ay hindi makakabuti sa ating sitwasyon. Pwede din naming hinihintay niya tayo na lumago dahil

hindi pa tayo handa sa sagot Niya. Habang ikaw ay anghihintay, gawin ang dapat gawin. Enjoyu your single hood. If you want your lovelife to be truly good and worry-free, you must find yourself LOVESTRUCK with the Lord. Siya dapat ang FIRST AND ENDLESS LOVE mo. Always read his love letter-the Bible. There you can find His perfect will and plan for you. Kapag si lord ang karelasyon mo, you have the greatest LOVE AFFAIR. May he continue to bless you all the days of your life.

QUESTIONS AND ANSWERS Nagkaroon din ng pagtatalakay sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kaisipan ng mga estudyante ng UMAK. Mga katanungan na may kinalaman sa usaping pag-ibig. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. OK lang ba sa isang babae ang manligaw sa lalaki? Marami sa mga estudyante ang sumagot muna sa katanungang ito para malaman din ang kanilang opinyon sa paksang ito. Sagot 1. Hindi ok, dahil alam nating hindi magandang tingnan sa isang babae ang nanliligaw sa isang lalaki, lalo pa sa ating kultura. Sagot 2. Ok lang sa akin, lahat tayo ay nilikha ng may pantay na karapatan. Kaya kung pwedeng gawin ng mga lalaki, bakit hindi pwedeng gawin ng mga babae. Sagot ni Mommy Remy: Para sa akin ok lang, kasi nangyari sa akin. Ako ang nanligaw sa asawa ko. Kasi ang tahimik nya, so ako na ang gumawa ng paraan. Tinanong ko siya kung papakasalan niya ba ako o hindi? Ayun pinakasalan niya naman ako. Hehehe. Sagot ni Kuya Ronald: Kung handa ka sa culturally stigmatizing view ng ibang tao, bakit hindi. Minsan kasi kailangang babae ang kumilos dahil meron talagang mga torpe na lalaki. Kung ganito ang klase ng lalaki na sa tingin mo ang minamahal mo, sige ikaw na ang manligaw. 2. Its really painful to say goodbye to someone you dont want to let go. But its more painful to ask that person to stay even when you know you can never make it work out the way it should be. Ano nga ba ang dapat gawin? 3. Ano ang sasabihin mo sa GF mo na nagpupumilit makipag-sex sa iyo?

You might also like