You are on page 1of 1

Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa kagipitan. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare.

May pakpak ang balita, may tainga ang lupa. Ang ibinabait ng bata sa matanda nagmula. Ang magandang asal ay kaban ng bayan. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising. Ang maniwala sa sabi-sabiy walang bait sa sarili. Kaya matibay ang walis palibhasay nabibigkis. Sa larangan ng digmaan nakikilala ang tapang. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan.

Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha. Kapag ang taoy matipid, maraming maililigpit. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin. Madali maging tao, mahirap magpakatao. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Matabang man ang paninda, matamis naman ang paanyaya. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan. Ang taong walang pilak, parang ibong walang pakpak. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan.

You might also like