You are on page 1of 2

Isang pagbabaklas sa Karsel bilang mundo kay Mang Selo: Pagbasang Dekonstruksyon sa Maikling Kwentong Bilanggo ni Wilfredo Virtusio

Tatalakayin ng papel na ito ang tatlong mukha ng karsel sa mundo ni Mang Selo. Isinasalaysay sa unang bahagi ng maikling kwento amg pisikal na larawan ng isang bilangguan. Sa pambansang piitan, sinaplutan si Mang Selo ng unipormeng kulay kahel, at ipinasok sa isang mabaho, mainit, masikip na selda Nakakasulasok ang singaw na nagmumula sa nadaraang palikuran (buyon ang palasak na tawag doon ng mga bilanggo) at idagdag pa rito ang malibag at magalis na katawan ng mga preso. Ipinakita sa bahaging ito ng maikling kwento ang mukhang kahirapan sa loob ng bilangguan. Kapansinpansin din ang kulay kahel sa bilangguan dulot ng kanilang uniporme na nagbibigay marka sa kanilang pagkatao bilang isang bayolente at taong nagkasala sa batas ng lipunan. Nagbibigay-kahulugan din ito ng pagkagutom sa pisikal at dinadamdam na kalayaan. Sa muling pagbubusisi ng akda, matutuklasang hindi lamang ito piitan ng mga nagkasala sa lipunan. Bagkus, sinasalamin mismo ng lipunan ang bilangguan bilang isang patriarkal o maka-lalaking pamayanan. Isang pamayanang nagbibigay ng konstruksyong panlipunan kung saan ang lalaki ay dapat malakas, maalam ipagtanggol ang sarili, walang bahid ng pagiging mahina at mataas na pagtingin sa kanilang pagkalalaki, sa aspektong sexual, pisikal at pagiging dominante sa lipunan. Marami kaagad nakilala si Mang Selo sa mga bilanggo si Hitler, ang bastunero ng selda na nakabilanggo sa pandurukot, panghahalay, pagpatay Sa maikling kwento, matutuklasan din na hindi lamang sa pisikal na katayuan nakakulong si Mang Selo, kundi bilanggo din siya sa sariling pagkatao na pilit niyang ikinukubli at ikinukulong sa kanyang sarili. Dahil lumaki siya sa maka-lalaking panlipunan na siya ring ipinakikita ng kulungan kanyang kinasasadlakan, hindi niya mabigyan ng espasyo ang kanyang tunay na pagkatao bilang isang lalaking nagkakaroon ng pagtingin sa kapwa lalaki. Alalay lang ang trabaho Tata paalala ni Lucio kay Mang Selo. Baka mabinat kayo Nakadarama ng pagkainis matunog na halakhak ni Lucio. Sa kotasyong ito, nakadama ng pagkainis si Mang Selo dahil hindi niya mailabas ang kanyang nadarama dahil alam niyang walang puwang sa karsel na kanyang mundo ang pag-ibig na walang kasarian. Sa seldang, nang gabing iyon, mayat mayay pinupukaw ang mga bilanggo waring nanlilibak na mukha ni Kristo sa dibidib ni Lucio. Kapansin-pansin sa bahaging ito ng maikling kwento ang kakaibang pagmamalasakit sa isat-isa nina Lucio at Mang Selo. Gayundin, makikita rin sa bahaging ito na sa kabila ng matinding pisikal na hirap na nadarama ni Mang Selo dulot ng pagkabugbog sa kanya, nakuha paring maglaro sa kanyang isipan

ang dibdib ni Lucio na mayroong humahalakhak sa imahen ni Kristo na tila sa kanya hinuhugot ang natitira niyang lakas. Sa kabuuan, makikita sa akda ang tatlong kulungang ikinasasadlakan ni Mang Selo na bumibigkis sa kanya sa walang hanggang kalungkutan. Iminulat niya ang ang duguan paninginkapilas ng lagit. Sa huli, patuloy parin siyang nakakulong sa tatlong mukha ng karsel at hindi niya nakikita ang pag-asa.

You might also like