You are on page 1of 2

Pinaka Epektibo :

Modelo ni Aristotle ng Pag- eencode ng Mensahe ang para sa akin ay


ang pinakaepektibong modelo sa paglalarawan ng komunikasyon sapagkat
ang mga sangkap ng komunikasyon na nakapaloob ditto ay nakaayos sa
malinaw at klaradong proseso. Nasa ayos sapagkat ito rin ay ginamitan ng
arrow bilang simbulo ng pagkakasunod sunod ng proseso. Mayroon ding
transliterasyon sa Ingles ang bawat sangkap. At bawat isang sangkap sa loob
ng proseso ay nagtataglay ng kani- kaniyang kahulugan o paglilinaw na
naglalarawan dito.

Epektibo :
Interaktib na Modelo ng Komunikasyon ang para sa akin ay ang
pinakaepektibong modelo sa paglalarawan ng komunikasyon sapagkat
maayos na ipinakikita rito ang mga sangkap sa komunikasyon sa maayos at
klaradong proseso. Nakatutulong ang mga simbolong ginamit dito kung saan
ay ang bawat isa nito ay kinapapalooban ng kanya kanyang kahulugan. Tulad
na lamang ng Arrow na nagsilbing daloy ng komunikasyon, Pa- zigzag na
linya bilang sagabal at ang ilustrasyon ng mukha ng pinanggalingan at
tagatanggap ng mensahe.
At ipinakikita rin dito ang malinaw na daloy ng pagpapalitan ng mensahe ng
dalawang magkausap kung saan ay dahil ito sa mga simbolong nagtataglay
ng kahulugan.

Di Epektibo
Ang Helical Model of Communication ang sa aking palagay ay hndi
epektibo sa paglalarawan ng komunikasyon sapagkat sa unang tingin ay
aakalain mong itoy isang Spring lamang na walang nirereprensentang
kahulugan. Ito ay mahirap intindihin at maunawaan sa isang tingin sapagkat
wala itong taglay na salita o sangkap ng komunikasyon kundi isang daloy
lamang na walng laman. Kayat kung iisipin itoy walang kwenta.

Karaniwan

Karaniwan para sa akin ang INteraktib na modelo ng Komunikasyon


sapagkat lahat ng sangkap at proseso na nakapaloob rito ay ang kalimitan
ding ginagawa sa totoong buhay sa larangan ng komunikasyon.

Konklusyon
Bilang paglalahat, ang modelo ng komunikasyon o ang
representasyong biswal ang pinakamadaling paraan ng paglalarawan ng
komunikasyon sapagkat nagagawa nitong simple ang isang komplikadong
proseso komunikasyon. At bilang karagdagan ay madali nitong naipaiintindi
sa mga nakakakita ang proseso at sangkap na gusto nitong iparating.

You might also like