You are on page 1of 2

Mga Salitang Slang sa Wikang Filipino

Dedma(pandiwa) na ang ibig sabihin ay walang pakialam. Nanggaling sa dalawang


salitang ingles na dead(patay) at malice(malisya).
Halimbawa:

Ang korapsyon ay isang problemang hindi maaring dedmahin.


Pedro: Galit ka ba sa akin?
Juanita: Hindi ah. Bakit mo naman nasabi?
Pedro: Kasi lagi mo na lang akong dinededma eh.
*Dinededma natin ang isang tao kapag tayo ay nagtatampo o
umiiwas dito.

Syota(pangngalan) na ang ibig sabihin ay nobya, kasintahan o karelasyon na


karaniwan ay hindi tumatagal. Ito ay nagmula sa ekspresyong ingles na short
time na ang ibig sabihin ay maikling panahon at hindi matagal.
Halimbawa:

Ipakilala mo naman sa akin ang syota mo.


Pedro: Oh pare, saan nanggaling yang sugat mo sa mukha?
Juan: Ah ito ba? Eh di bigay sa sakin ng dati kong siyota.

Peg(pangngalan)- tema o pagkukumpara ayon sa gusto nating ipakita o nakikita ng


ibang tao.
Halimbawa:

Ang galing ng mga mananayaw ka kanina. Jabbawokeez ang peg!


Pedro: Bakit ka nakabarong pare?
Juan: Pupunta kasi ako sa kasal pare. Bakit, ang gandang lalaki ko ba?
Pedro: Oo pare, bangkay lang ang peg.

Tangent(naglalarawan) na orihinal na termino sa matematika na ginagamit sa


pagsukat ng ng isang tatsulok(trigonometry). Sa Pilipinas ang ibig sabihin din nito
ay tanga o walang alam.
Halimbawa:

Pedro: Juan, 5+4?


Juan: Madali lang yan, 9!
Pedro: 4+5?
Juan: Ang hirap naman pare. Hindi ko na alam yan eh.
Pedro: Ang tangent mo naman. Ehh binaliktad ko lang yung 5+4 eh. Eh di 6!
Juan: Oo nga noh.. ang tangent ko talaga.

Dawn Zulueta (pandiwa)- Salitang pinasikat ng komidyanteng si Vice ganda na nag


mula sa aktres na si Dawn Zulueta at sa kanyang mga eksena sa pelikula at soap
opera. Ang ibig sabihin nito ay buhatin ang minamahal- upang ipakita ang
pagkasabik dito.
Halimbawa:

I-Dawn Zulueta mo ako ( Buhatin mo nang may paglalambing)


Pedro: Juan, I-Dawn Zulueta mo ako!
Juan: Lasing ka na pare.

Mga Reperens:
Uy, Willie. THE NEW FILIPINO SLANG Understanding Taglish when in the
Philippines.
philippineasiannewstoday.com, Nakalap noong ika- 31 ng Mayo, 2014,
http://www.
philippineasiannewstoday.com/willie-j-uy/4482-the-new-filipino-slangunderstandingtaglish-when-in-the-philippines

You might also like