You are on page 1of 4

Ang Kasalukuyang Kaguluhan sa Syria

Panimula
Ang karahasan sa Syria ay nagsimula ng Marso 2011. Simula noon, sinasabi na mahigit
100,000 katao ang namatay dahil sa tunggalian na nagaganap sa gitna ng gobyerno ni
Presidente Bashar al-Assad at ang mga rebelde na gusto siyang ipatalsik. Noong July 2013,
sinabi ng Internation Red Cross, na ang karahasan sa Syria ay mas lumawak at kasalukuyang
na sa kalagayan ng bansa ang isang civil war.
Paglalahad ng Suliranin
Ang kaguluhan ay nagsimula noong 2011, sa isang lungsod ng Syria na Deraa.
Nagsagawa ang mga mamamayan sa Syria ng pagpoprotesta laban sa gobyerno, pagkatapos
nito mabalitaan na may labinlimang batang estudyante ang naaresto at tinortyur, dahil sa
pagsusulat sa pader ng "anti-government." Mapayapang pagporprotesta ang isinigawa at
nananawagan ang mga tao sa Syria, na pakawalan ang mga bata. Sa madaling salita, gusto
nila ng demokrasya at mas higit na kalayaan para sa bansa. Pagalit naman na tumugon ang
gobyerno sa nangyaring ito, at Marso 18 2011, ng naglunsad ng apoy ang hukbo ng gobyerno
sa mga nag poprotesta, at may apat na tao ang namatay. Maraming tao ang nagulat at
nagalit sa pangyayari na naging sanhi ng pagkabagabag sa ibang parte ng bansa. Sa una,
kalayaan lamang ang hangad ng mga mamamayan ngunit, dahil sa pangyayaring iyon,
hinihiling nila na magtapos na sa panunungkulan si Presidente Bashar al-Assad. Ito naman ay
hindi tinanggap ng presidente at habang patuloy ang nagaganap na karahasan, nagbigay ng
ideya ang presidente na baguhin ang ilang bagay sa pagpapatakbo ng Syria, na siya namang
hindi sinang-ayunan ng mga tao.
Noong Agosto 2013, nagkaroon ng pag-atake ng kemikal na armas sa Damascus, Syria.
Ito ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon sa Amerika, Britanya, at Pransya. Nang nakita ng buong
mundo kung gaano nakapipinsala ang mga kemikal na armas na ito, nagkaroon ng mahabang
diskusyon tungkol sa dapat gawin ng buong mundo. Ang kemikal na armas ay isang
pormuladong kemikal tulad ng tear gas, pepper gas, at nerve gas, na malaking pinsala ang
dulot sa tao. Kinompirma ng UN ang paggamit ng Syria ng kemikal na armas ngunit, hindi
matukoy kung sino ang responsable dito. Sa kabilang banda, itinanggi ng Syria ang paggamit
ng kemikal na armas na na-ban dahil, kasuklam-suklam ang naging epekto nito. Kaya naman,
noong Setyembre 2013, nagbigay ang Rusya ng suhestiyon para mahinto ang papalawak na
salungatan. Sinabi ng Syria na dapat isuko ng gobyerno ang paggamit ng mga kemikal na
armas at dapat sirain ang mga ito para hindi na ulit magamit. Nagsimula noong Oktubre ang
pagsisira sa mga ito, at ang mga taong kasali sa proyekto na ito ay nabigyan ng parangal na
"Nobel Peace Prize" pagkatapos ng isang buwan.

Para makaiwas ang mga sibilyan sa kaguluhan, halos araw-araw ay may lumilipat sa
ibang bansa. Noong Agosto 2013, sinabi ng UN na ang bilang ng mga bata na napipilitang

umalis sa kanilang mga tahanan ay umabot na ng milyon. Nahihirapan naman ang mga
ahensya magbigay ng tulong sa Syria dahil masyadong mapanganib. Hindi masabi kung kailan
matatapos ang labanan doon dahil walang magawa ang magkabilang pangkat: hindi matalo ng
pwersa ng gobyerno ang mga grupo ng rebelde at vice versa.
Ang namumunong grupo ng rebelde sa Syria ay suporatado ng bansang Britanya at
Amerika ngunit, sinabi ng dalawang bansang ito na hindi nila bibigyan ang grupo ng mga armas
dahil ayaw nilang mapunta ito sa hindi magandang sitwasyon. Maraming naniniwala na ang
paggamit ng armas ng 'Free Syrian Army', ang kailangan ng armas para depensahan at
ipaglaban ang kanilang sarili. Noong Disyembre 2013, sinabi ng US at Britanya na titigil na sila
sa pagbibigay ng pagkain, medisina, mga sasakyan, at gamit sa kominukasyon dahil, natakot
sila na baka kunin ito ng ibang rebeldeng grupo na hindi nila suportado.
Sa ngayon, patuloy ang diskusyon sa pagitan ng mga malalakas na bansa: Amerika,
Rusya, Britanya, at Pransya kung may maiisip na ibang paraan para makatulong sa Syria na
maibalik ang kapayapaan. [1]
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay layunin na maipaalam sa mga mambabasa ang kaguluhan sa
pagitan ng Presidente ng Syria na si Bashar al-Assad, at ang mga taong ayaw ang
pamamalakad ng nasabing Presidente.Dito makikita ang hindi makatarungang paghuli at
pagtortyur sa labinglimang estudyante.
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay mas malalaman ng mambabasa ang mga
tensyon sa pagitan ng mga bansa.Dito rin malalaman kung ano ang nasa likod ng planong
pambobomba ng U.S sa Syria at ang tunay na motibo nila kung bakit sila nanghihimasok sa
kaguluhang nagaganap sa nasabing bansa.
Teoretikal na Balangkas

Ayon sa Anakbayan Organization, idinadahilan ni Barack Obama ang isang chemical


attack (nakakalason na gas) sa siyudad ng Damascus, kapitolyo ng Syria, kung saan mahigit
1,400 na mga sibilyan ang nasawi. Isinisisi niya ito sa kasalukuyang gobyerno ng bansa.
Pero ayon sa mga balita laban sa mainstream/corporate media, mismong mga rebelde
na pinopondohan at sinasanay ng U.S ang nasa likod ng chemical attack. Nilunsad ito para
palabasin na kagagawan ito ng gobyerno ni al-Assad at magamit na katwiran ng U.S para
bombahin ang Syria.

Hindi na bago ang pagkakaroon ng mga rebeldeng grupo na pinopondohan ng U.S.


Binuo, sinanay, at pinondohan rin ng U.S ang Al-Qaeda para labanan ang Unyon Sobyet sa
bansang Afghanistan noong Dekada 80.
Hindi rin bago ang paggamit ng U.S ng mga huwad na katwiran para sakupin ang isang
bansa. Inakusahan nito ang dating lider ng bansang Iraq na si Saddam Hussein na gumagawa
ng mga WMDs (sandata ng malawak na pagkasira) para lusubin ang Iraq noong 2001. Subalit
hanggang ngayon, wala ni-isang WMD ang nadiskubre.
Ayon sa ilang mga ulat, 2007 palang ay binabalak na ng mga alyado ng Estados Unidos
(Ingglatera at Pranses) ang pambobomba at paglusob sa Syria. Pagkatapos ng ilang taon,
sinamantala ng Estados Unidos ang diskuntento sa loob ng Syria para magbuo ng mga
rebeldeng grupo laban sa kasalukuyang gobyerno ni Bashar al-Assad.
Ito ay may tatlong dahilan: Una, para sa kontrol ng langis kung saan mayaman ang
rehiyong kinabibilangan ng Syria, ang Gitnang Silangan. Pangalawa, ito ay dahil kontra-Estados
Unidos ang kasalukuyang gobyerno ni Bashar al-Assad. Pangatlo, ang Syria ay mahigpit na
alyado ng Iran, ang isa pang bansa sa Gitnang Silangan na nilalabanan ang panghihimasok ng
U.S sa kanilang rehiyon.[2]
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng panghihimasok ng ibang bansa sa digmaan ng
Syria.Makikita rin sa pag-aaral ang tunay na motibo ng U.S sa yamang likas ng Syria.Tinalakay
din sa pag-aaral na ito ang mga kadahilanan digmaang naganap sa bansang Syria.
Kahulugan
Motibo.Ito ay nangangahulugan ng tunay na saloobin ng isang tao o ng isang bansa
Panghimamasok.Ito ay nangangahulugan na pagngingiilam sa mga bagay-bagay
Digmaan.Ito ay labanan na nagaganap sa hindi nagkakasundong bansa
Kapitalismo. Itoy isang sistema pang-ekonomiya kung saan kalakalan, industriya at ang
paraan ng produksyon ay kinokontrol sa pamamagitan ng mga pribadong may-ari na may
layunin ng paggawa ng mga kita sa isang merkado ekonomiya.

Inakusahan. Siya ang taong inakusahan dahil sa kasalanang nagawa (maaaring totoo, maaari
rin namang napagbintangan lang)
Tala
http://strawberryliciousblog.blogspot.com/
http://www.anakbayan.org/tungkol-sa-nakaambang-pambobomba-ng-u-s-sa-syria/

You might also like