You are on page 1of 7

FORWARD THIS TO 14 PERSON IF YOU DONT WANT TO DIE ETC.

Yan ang kadalasang mababasa sa mga chain letters or chain messages. Ngayon dapat
ba natin itong paniwalaan? ang sagot ay HINDI. Matindi itong tinututulan ng Biblia at ng
Simbahang Katoliko.
PARA SA MGA NAKAKATANGGAP NG MGA CHAIN TEXT MESSAGE.
Huwag po kayong maniwala na may masamang mangyayari sa inyo kapag hindi ninyo
naiforward ang mga messages na inyong natatanggap.
Have you heard something? Let it die with you, remain calm; you will not burst with
it.(Sirach 19:10)
PARA NAMAN SA MGA TAONG MAY PAKANA NITO.
1. MALAKING KASALANAN ANG GINAGAWA NINYO SA DIYOS PARA GAMITIN
NINYO ANG PANGALAN NIYA PARA SA INYONG GINAGAWANG KALOKOHAN.
You shall not take the name of the Lord your God in vain, for the Lord will not leave him
unpunished who takes His name in vain. (Exodus 20:7)
2. PANANAGUTAN NINYO ANG MGA WALANG KABULUHANG MGA BAGAY NA
INYONG PINAGSASABI SA TEXT MESSAGES.
I tell you this; on the judgment day people will have to give an account of any unjustified
word they have spoken.(Matthew 12:36)
3. BAKA KAYO ANG MAMAMATAY PATI NA ANG BUONG PAMILYA NINYO DAHIL SA
GINAGAWA NINYONG PAGSASABI NG MGA BAGAY NA GALING LAMANG SA
KATHANG-ISIP NINYO AT HINDI MULA DIYOS PERO GINAGAMIT NYO ANG
PANGALAN NG DIYOS SA INYONG MGA GINAGAWA, KAGAYA NG MGA
PROPETANG GUMAGAWA NG MGA KATHANG-ISIP NA HULA AT PANGITAIN.
But The Lord said,These prophets have proclaimed untruths in my name. I did not
send them, nor did I command them or speak to them. False visions, worthless
divinations and delusions of their own imagination that is what they prophesy And The

Lord added, These prophets whom I did not send and who prophesy in my name,
saying that the sword and famine will not touch this land these same prophets will
perish by the sword andfamine.As for the people listening to them, their corpses will be
thrown into the streets of Jerusalem. There will be no one to bury them or their wives,
their sons or daughters, when they die of famine and by the sword. For I shall make
their own malice fall upon them. (Jeremiah 14:14 -16)
Nawa po ay mailayo na natin sa ating pamumuhay bilang isang Katoliko ang mga
paniniwalang ito.
Maging Tunay na Katoliko! Una ang Dios!
Dahil sa napatunayang kahalagahan ng komunikasyon, ang sangkatauhan ay
nakapagpaunlad ng mga pamamaraan sa pagsisiwalat ng impormasyon kasabay ng
pagtakbo ng panahon, at pagbabago sa teknolohiya at kultura. Ganunpaman, kahit pa
ilang ulit na inobasyon ang naganap sa kasaysayan ng pakikipagtalastasan , may isang
uri ng mensahe ang sumabay at patuloy na dumadaloy sa maraming nananalig dito - Ito
ang mga Chain Messages.
Hindi ko alam kung kailan, paano o bakit nagkaroon ng mga ganitong klaseng
mensahe. Kahit gusto ko, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makakilala ng isang tao
hanggang ngayon na pinagmulan ng mga mensaheng ganito upang malaman kung ano
pa ang kaniyang hangarin sa pagpapakalat nito. Pero isa lamang ang alam ko tungkol sa
mga chain messages - Nakakabwisit ito.
Ang mga uri ng mensaheng ito ay may layuning makapang-insulto ng karunungan ng
isang tao. Binibigyan nito ng oportunidad na maging bobo maging ang isang matalinong
tao. Nilalagay nito ang isang may mababaw na pag-iisip sa malalabong pag-asa o
inilulugmok sa duda. Maliwanag sa akin ang lahat na ang mga ganitong sulat ay tunay
na makapaminsala ng iyong katinuan at mapangnakaw ng mga sandali ng katiwasayan
mula sa iyong sarili, hanggang sa lipunan dahil maaaring pagmulan ito ng gulo. Ito rin
ay isang gawaing mapang-aksaya ng oras at ng sikap na ilalaan ng bawat utu-utong tao
na makakabasa at sasampalataya dito.
Binibigyan ng chansa ng may-akda ng isang chain message na maging panginoon ang
sarili sa ganitong kababaw na pamamaraan, bobo man sya o matalino, baliw man siya o
matino, dahil pihadong siya'y makakapang-uuto sa laki ng porsiyento ng mga uto-utong
tao sa mundo, lalo na sa bansang tulad ng Pilipinas na umunlad sa pananakop ng mga
dayuhan. At sa sandaling siya'y may mapasunod, maitatalaga ng may-akda ang sarili
bilang isang ganap na panginoong gago.
Kasaysayan
Bata pa ako noon ng una akong makakita ng isang chain letter, hindi ko alam kung
noong mga panahong hindi pa ako pinanganganak kung nagkaroon na ng ibang
kasangkapang pamapakalat ng mga mensahe maliban sa sulat pero palagay ko ito na

ang unang ideya ng isang chain message. Nanggaling ito sa isang kalaro na aniya ay
kanya itong napulot kung saan. At dahil sa natakot siya ibinigay niya ito sa akin. Sa
puntong ito hindi napagtagumpayan ng pakana ng chain letter ang batang iyon dahil
gago din iyon.
Hindi ko na gaanong maalala kung ano ang eksaktong nilalaman ng sulat ngunit
malinaw pa sa akin na iyon ay isang pangkaraniwang chain letter - na nanakot, nagutos, nanumpa at nagpatunay na mapapahamak ang sinumang hindi magpapakalat ng
kanyang sulat. Bilang bata ako ay nagimbal ngunit masaya paring alalahanin na
kahit ako man ay natakot hindi parin nagtagumpay ang may-akda ng sulat dahil
nangibabaw ang aking katamaran sa pagsusulat noon kaysa sa takot na maaksidente
ng gaya sa sinaad sa sulat. Isipin mo nalang, dalawampung sulat pa yata ang gusto
niyang
ipagawa???
"Maglalaro
nalang
ako
ng
Sailormoon
Paperdolls!"
Sa pagdami ng mga cellphone at computer, at pagkauso ng e-mail at text
messaging noong pumasok ang bagong milenyo, ipinanganak muli ang chain messages
sa anyo ng chain mail at chain text. Ang pagpasok ng panahong ito ay naging isang
malaking hakbang sa lalong pag-unlad ng mga chain messages dahil ang mensahe sa
text ay maikli at mas lalong naging mabilis ang pagkakalat ng mensahe. Dito kinakitaan
ng potensyal ang chain message na ito'y maaaring makasabay sa mga pagbabago ng
teknolohiya.
Sa chain text nagsimulang nauso ang mga pinapasang mensahe tulad ng mga dasal,
sumpa,
at
mga
pananakot
gaya
nito:
Im
Long
No
Im
If
this
I
at

Jenna
black

7
hair,

you
message
will

years
No

fail
to
appear

to
15
by

your

old
eyes,
ears...
dead.
Send
persons
bed
3am.

Sa panahong ding ito nauso ang paniniwala sa himala at sumpang hatid ng pag-usal ng
mga dasal tulad ng "Jesus is my savior I shall not want" depende sa pagsunod o
pagsuway sa pagkakalat ng mga ganitong dasal gamit ang text. Mas naging matitindi
na ang mga sumpang binibitiwan ng mga chain messages sa pagkakataong ito dahil
dito kana maaaring mamatayan ng magulang o kaanak sa sandaling hindi mo maipasa
ang message sa 30 tao. At dahil hindi pa uso ang unlimited text noon kawawa talaga
ang
mga
napasunod
sa
mga
gimik
na
ito.
Ganunpaman hindi ko parin masasabing hindi ko pinatulan ang lahat ng chain text dahil
mayroon
akong pinatulan
tulad
ng
message
na
ito:

Go
Go
Mighty
Power
Send
at
Totoo
Sige

Go
Go

This
magiging
ito!
na,

Power
Power

to
Power
Power
may

15
Ranger
Ranger
na
tutulungan

Rangers!!!
Rangers!!!
Morphin
Rangers!!!
people
Ka!
ako!
pako...

IT'S MORPHIN TIME!

Hindi man ako naging power ranger matapos kong ipagkalat ang message na iyon, ang
chain
text
hanggang
ngayon
ay
nagpapatuloy
parin.
Sa panahon ng social networking naman tulad ng facebook ay mas lalong naging
matindi ang kapangyarihan ng chain messages sa anyo ng chain posts. Ang mga chain
posts na ito ay kadalasang nasa anyo ng larawan na nagpapakita ng mga usaping
maaaring suportahan sa pamamagitan ng pag-share ng isang post. Kadalasan ang mga
post ay naglalaman ng iba't ibang kwento ukol sa larawan mula sa pinaka mataas na
antas ng usaping panlipunan, pampulitikal, makabagong teorya, relihiyon, hanggang sa
pinaka mabababaw tulad nito:

Ang mga ganitong posts ay maaari na ding magamit upang masuportahan ang mga
kung anu-anong pinaglalaban ng iba't-ibang isyu tulad ng RH Bill, Prostitusyon, Krimen,
Korapsyon, Kalamidad at marami pang iba. Maaari nitong maipakita maging ang mga
dapat na ay pribado at maseselang usaping naglalarawan ng mga sumusunod na
halimbawa:
1. Mga larawan ng taong may malulubhang karamdaman gaya ng kanser, ketong o
hydrocephalus
2.
Mga
larawan
ng
mga
biktima
ng
panghahalay
3.
Mga
larawan
ng
mga kriminal
4. Mga larawan ng taong nagtataglay ng mga di-pangkaraniwang nakakadiring sakit
6.
Mga
larawan
ng
mga
biktima
ng
karahasan
7.
Mga
larawan
ng
mga
biktima
ng
aksidente
at
mga
kalamidad
8.
Mga
larawan
ng
mga batang
biktima ng
aborsyon
9.
Mga
larawan
ng
mga
kung
anu-anong
shet
Mga
Bahagi
ng
Chain
Message
Ayon sa aking mga karanasan sa pagtanggap ng mga kagaguhang ganito, ang
nilalaman ng isang chain message o posts ay mayroong mga essential na bahagi tulad
ng sumusunod:
1. Isang walang kwentang entidad
Ito ay kadalasang nasa uri ng isang kwento, panalangin, larawan o salaysayin.
2. Kautusan
Isang takda na sapilitang ipagagawa sa mambabasa o sa isang kaawaawang utu-utong
makakatanggap ng mensahe: ang maisulat ang ang buong liham ng ilang
karampatang beses depende sa lebel ng kagaguhan ng akda, maswerte kana kung
ipauulit lamang ito sa iyo ng isang beses, o depende sa kasangkapan tulad sa panahon
ng facebook na maaaring ipa-share sayo ang isang message na magagawa mo lamang
ng isang beses sa iyong wall. Malas mo naman kapag binigyan ka ng akda ng maikling
panahon upang magawa ang kanyang kautusan.
3. Isang Sumpa o Pangakong Hindi Totoo

Ito ay maaring isang kaparusahang hindi magaganap, isang pagpapatunay na walang


katibayan, o biyayang hindi mo kailanman makakamtan na, oo, hinding hindi mo nga
makakamtan dahil ang mga pangako ngang ito ay hindi totoo.
4. Pagpapatunay na Hindi rin Totoo
Ang bahagi namang ito ay maaari ng hindi maisama sa mensahe kaya't hindi na ito
maituturing na essential, ngunit karamihan sa mga chain messages ay gumagamit parin
ng ganitong pagpapatunay upang masuportahan ang kahibangan ng mga pangako ng
may akda.

Pagbubulaybulay
Kapag nagshare kaba ng picture ng isang biktima ng panggagahasa, pokpok o mga
babaeng kinukundina sa pagiging malaswa sa palagay mo ba nakatulong ka sa
pagbibigay
ng
proteksyon
sa
kanila?
Igagaling ba ng mga may karamdaman kapag nagpost kaba ng picture ng mga pictures
tulad ng mga batang buto't-balat sa Africa, mga matatandang naghihingalo, mga may
malalaking bukol sa mukha o kung saan, mga may kanser stage 9?
Kapag nagshare
matatahimik

kaba ng picture ng mga namatay sa aksidente palagay mo


kaya
mga
kaluluwa
nila?

Sa pag-share mo ba ng picture ng batang inabort, mabibigyan mo kaya ng justice ang


kalunos-lunos na kinahinatnan niya? Maiiwas mo man lang ba ang biktima ng abortion
sa kahihiyan sa pagkalat ng larawan nito habang siya ay nasa basurahan at mapagsisisi
mo ba ang mga walang kunsensyang magulang na kinakaya na ngang pumatay sa
sariling
anak?
Ano kaya ang mararamdaman ng isang tao kapag nakita nito o nalaman na kumalat
pagpopost ang kanyang di kanais-nais na karanasan tulad ng abortion?
At kailangan mo paba talagang gawin ang mga bagay na tulad nito? NAKAKATULONG
NGA

BA

ITO?

Share this post if you love Jesus.

You might also like