You are on page 1of 2

PAMUMUHAY

palaois "luma" at lithic "na bato"


Ang mga Sinaunang tao rito ay umaasa lamang sa kanilang kapaligiran.
Mahalagang matuklasan nila ang apoy
natututong silang magluto at paano gamitin ang apoy sa iba'i ibang paraan.
mula rito napaunlad ito mula sa apoy hanggang sa mga ilaw at kalan.
ang mga mga sinaunag tao sa paleolitiko ay matalino sa larangang ispiritwal.
sa kanilang panahon ang paglilibing ng mga namatay ay mababw lang parang binaon lang dahil naniniwala sila na
mabubuhay pa ito at ipagpapatuoy nila ang kanilang buhay kahit sila ay namatay na.
pagngangaso ang kanilang ikinabubuhay.
sila ay nomads o walang permanenteng bahay.

meso "gitna" at lithic "bato"

Ang mga sinaunang tao rito ay may kauntin nang kalinawan ang kanilang mga pagiisip

mahalaga na kanilang natukalasan ay ang paggawa ng dugout o canoe

gumamit sila ng bato para makagawa ng mga kagamitan o kasangkapan.

ang kanilang pamamaraan ng pamumuhay ay NOMADIC o walang permanenteng bahay.

pagaalaga ng hayop ang kanilang ikinabubuhay.

KULTURA

Iba-iba ang naging tirahan ng mga sinaunang Pilipino. Ibinabagay nila ang kanilang mga tirahan sa kanilang
kapaligiran. Ang mga katutubong nasa kabundukan ay karaniwang nakatira sa mga kuweba.

Gumawa naman ang mga katutubo ng kanilang mga bahay sa matitibay at malalaking puno sa kagubatan ng ating
lupain. Ipinatayo nila ang mga ito upang matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa mababangis na hayop sa gubat.

Ang mga ganitong bahay ay tinirahan ng mga Gaddang at Kalinga ng Luzon, Manobo at Mandaya ng Mindanao,
Bagobo ng Davao, Moro ng Lawa ng Lanao, at Bukidnon ng Hilaga at Gitnang Mindanao.

Gumawa rin ng mga bahay na bangka ang mga katutubong malapit sa dagat o lawa. Nang kalaunan, natutuhan ng
ibang katutubo na manirahan sa kapatagan o mababang lugar.

Nagtayo sila rito ng mga bahay-kubo gamit ang mga puno at halaman sa kanilang kapaligiran, tulad ng kahoy,
kawayan, kugon, nipa, at sawali.

Ang mga katutubong lalaki ay nagsusuot ng kangan , isang kasuotang walang kuwelyo at may maiikling
manggas. Maliban dito, nagsusuot din sila ng putong (inilalagay sa ulo) Ang kanilang pang-ibabang kasuotan
naman ay tinatawag na bahag . Ito ay maaaring yari sa kapirasong tela o balat ng kahoy na itinatali sa kanilang
mga baywang.

Nagsusuot din ang mga kalalakihan noon ng mga pulseras na kalumbiga na gawa sa ginto. Naglalagay rin sila ng
mga tattoo sa katawan bialng sagisag ng kanilang katapangan. Ang mga sinaunang mga kababaihan ay nakasuot

lamang ng tapis , isang malapad at makulay na tela na ibinabalot sa baywang at nakaladlad hanggang paa ang
haba nito. Natatakpan lamang ng mahahabang buhok ang itaas na bahagi ng kanilang katawan.

Di nagtagal, ang kababaihan ay nagsuot na ng baro, ang pang-itaas na kasuotan na may maluwag na manggas
hanggang siko.

You might also like