You are on page 1of 5

Jojo M.

Lucion
II-BSED

Filipino 2

Ms. Panlilio

Ang Paggamit ng Tayutay


A. Hiwatig ng pananalita
Kung minsan ang makata ay may nais ipahayag nang hindi lantad sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng pamamagitan ng pagbibigay ng mga
pahiwatig, maaring mga tanda o matatalinhagang pananalita, ay nasasabi
niya nang mahusay ang nais niyang sabihin.
B. Ang mga Tayutay
Ang tayutay ay mga pahayag na ginagamit ng makata o manunulat
man upang sadyang ilayo sa karaniwang paggamit ang mga salita nang sa
gayon ay nagkakaroon ito ng hindi lantad o nakatagong kahulugan.
Natutulungan nitong maging masining, maganda at malalim ang kahulugan
ng isang akda.
MATATALINHAGANG PANANALITA O TAYUTAY GAMIT SA PAG-UUGNAY
O PAGHAHAMBING
1. Simili o Pagtutulad (Simile) Ito ay simple at lantad na paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay (tao sa hayop, tao sa bagay, kalagayan sa
bagay. atbp. Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng mga
sumusunod:
a. tulad ng
b. tila
c. anakiy
d. mala

mistulang
parang
gaya ng

kamukha ng
tulad ng
kawangis

Halimbawa: Mala-porselana ang kutis ng mga gumagamit ng sabon na


ito. (porselana at kutis)

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) Naghahambing ng dalawang


magkaibang bagay sa tuwirang paraan paraan. Hindi na ito gumagamit ng
mga salitang pantulad.

Halimbawa: Ang galit ay ang apoy na sumusunog sa aking puso. (galit


at apoy)

3. Alusyon Ito ay ang paggamit ng mga sanggunian mula sa kasaysayan,


panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa: Ikaw ang aking Romeo at ako naman ang Julieta mo.
(Romeo at Julieta mga tanyag na tauhan sa isang dula ni
Shakespeare tungkol sa kapwa nasawing magsing-irog.)

4. Analohiya o Paghahalintulad (Analogy) Ito ay tambalang paghahambing


at nagpapakita ng ugnayan ng kaisipan sa kapwa kaisipan.

Halimbawa: Ang mga dalaga ay bulaklak at ang mga binata naman


ay bubuyog.

4. Metonomiya o Pagpapalit-tawag (Metonymy) Gumagamit ito ng salita o


mga salitang sa pagtawag o pagtukoy sa bagay o tao na pinatutungkulan.

Halimbawa: Nagdiwang ang Malacaang sanhi ng pagpapalaya ng


mga Pilipinong bihag ng mga pirata sa Somalia. (Malacaang Pangulo
at kanyang mga opisyal)

5. Sinekdoke o Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) Bumabanggit ito ng isang


bahagi upang sakupin o tukuyin ang kabuuan o ng kabuuan upang tukuyin
ang isang bahagi.

Halimbawa: Handa kong ibigay ang puso ko upang makasal na tayo.


(puso - buong katauhan)
GAMIT SA PAGLALARAWAN

6. Hayperbole o Pagmamalabis (Hyperbole) Ito ay lampas-lampasang


pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa: Bumaha ng dugo at umulan ng pera noong panahon ng


eleksyon.

7. Apostrope o Panawagan (Apostrophe) Ito ay isang madamdaming


pakikipag-usap sa isang tauhan na malayo o patay na na tila ba parang
kaharap lamang. Maaari ring gamitin ito para sa mga konseptong abstrakto.

Halimbawa: O, Pag-ibig na makapangyarihan, pag ikaw ay nasok


sa puso ninuman. Hahamaking lahat masunod ka lamang.

8. Ekslamasyon o Padamdam damdamin o hinaing ng puso.

Isang

pagpapahayag

Halimbawa: Ibig kong sumigaw, ibig kong umimik!


Ngunit ang Puso koy masakit, masakit!

ng

masidhing

GAMIT SA PAGSASALUNGATAN
9. Ironya o Balintunay Gumagamit ito ng pag-uyam sa pamamagitan ng
mga salitang parang pumupuri o dumadakila. Subalit ang tunay na layunin
nito ay mangutya ayon sa himig o paraan ng pagkakasabi. Maaaring ang
ironya ay sa isang pahayag o sa kabuuan ng tula.

Halimbawa: Pagkat bakit di kakain ang nagtanim?


Ang naglitson ng malutong patay-gutom.
Ang nagbihis sa makisig walang damit.

11. Paradoks o Salantunay pahayag na nagsasabi ng katotohanan sa


pamamagitan ng paggamit ng mga salitang akala moy hindi totoo sa
biglang dinig o basa.

Halimbawa: Ang kalakasan ng isang babae ay nasa kanyang


kahinaan. (Sino nga bang lalaki mababagbag ang puso kapag umiiyak
na ang isang babae?)

12. Oksimoron Ito ay pagsasama ng isang salita o lipon ng mga salita na


nagsasalungatan.

Halimbawa: tunay na peke, batang matanda.

13. Eupemismo o Paglumanay Pumipili ito ng piling-piling mga salita na


ginangamit sa pagsasabi ng mahinahon. Ang mga salitang masakit sa
damdamin ay naiiwasan.

Halimbawa:
nasa piling na ng Diyos, kumain na ng alikabok, (namatay na)
kulang sa lambing (malupit)

14. Pagtanggi (Litotes) Gumagamit ito ng salitang hindi o di upang


magpahayag ng hindi pagsang-ayon sa sinasabi. Nagbibigay-diin din ito sa
makahulugang pagpanig sa katotohanan ng sinasabi.
-

Halimbawa: Hindi ko sinasabing madamot, ayaw mo lang talagang


mamigay ng nakuha mong biyaya.

GAMIT SA PAGSASALIN NG KATANGIAN


15. Personipikasyon o Padiwan-tao (Personification) Ito ay nagsasalin ng
katangian ng tao sa mga bagay na abstrakto o mga walang buhay.
Gumagamit ito ng pandiwa.

Halimbawa: Nagngitngit ang langit at naghagis ng matatalim na


kidlat.

16. Paglilipat-wika (Transferred Epithets) Ito ay nagsasalin ng katangian ng


tao sa mga bagay na abstrakto o mga walang buhay subalit sa halip na
pandiwa ay gumagamit ng pang-uri.

Halimbawa:
Mukhang
aking nakangiting sapatos.

hindi

na

magtatagal

ang

GAMIT SA PAGSASATUNOG
17. Onomatopeya o Pasintunog Ito ay ang paggamit ng mga salitang ang
tunog ay taglay ang kaisipan at kahulugan nito.

Halimbawa: pakpak na pumapagaspas, ulang lumalagaslas, manok na


tumitilaok.

18. Aliterasyon - paggamit ng mga salitang magkakatulad ang mga katinig sa


unahan ng salita.

Halimbawa: Gumagalang gutay-gutay na gagamba

19. Asonansya ito ay ang pag-uulit ng magkakatulad na tunog ng patinig na


magkakasunod at magkakalapit na salita.

Halimbawa: Bababa ka ba? Oo, bababa.


IBA PANG TAYUTAY

20. Tanong Retorikal o Pasagusay Nagpapahayag ito ng katanungan na


pumupukas ng isip at umaantig ng damdamin. Hindi ito naghihintay ng
katugunan.
-

Halimbawa: Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa kanya?

21. Pagsusukdol o Klaymaks Pinagsusunud-sunod nito ang mga mahahalagang


kaisipan mula sa pinamababang antas hangang sa pinakamataas o
pinakamasidhi.

Halimbawa: (Aklasan ni Amado V. Hernandez)


Pagkat ito ay simbuyong sumusubo.
Pagkat ningas na nagliyab at sumiklab
Pagbabangon ng ginutom at inulol.
Himagsikan ng nilinlang at pinatay.

22. Antiklaymaks Kabaligtaran ito ng klaymaks (Cliamx). Sa halip na papataas


ay pababa naman ang pagpapasidhi. O kaya ay mula sa panlahat hanggang
sa tiyak.

You might also like