You are on page 1of 4

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Binubuo ang kabanatang ito ng mga isinagawang pag-aaral ukol sa pagkabagabag at ng


mga salik nito sa mga mag-aaral sa antas kolehiyo.

Bagaman marami nang naisagawang pananaliksik tungkol sa paksang ito, nais pa rin ng
mga mananaliksik na makakalap ng karagdagang impormasyon na tumatalakay sa pagkabagabag
ng mga mag-aaral sa unang taon ng Medical Technology. Bilang mga mag-aaral sa Unibersidad
ng Sto. Tomas, nais ng mga mananaliksik na mabatid ang mga salik ng pagkabagabag ng
kanilang mga kapwa Tomasinong mag-aaral nang sa gayon ay makatulong na maibsan o
mapababa ang napapanahong suliranin sa paaralang ito.

Kaugnay na Pag-aaral

Hindi na bago ang pagkabagabag at marami nang nananaliksik dito gaya na lamang nina
Hong Ji at Lei Zhang (2011) ng Chuangchun, China. Tinatayang mayroong apat (4) na salik ang
pagkabagabag na siyang mga sumusunod: kalagayang propesyunal, kalagayan ng pag-aaral,
personal na salik, at pang-ekonomikong kalagayan. Ayon sa pitongdaat tatlumput apat (734) na
mag-aaral sa unang taon ng kolehiyong sumagot sa talatanungan, may positibong ugnayan ang
kalagayang propesyunal at pagkabagabag ng mga mag-aaral. May positibong ugnayan din sa
pagitan ng kalagayan ng pag-aaral at pagkabagabag ng mga mag-aaral. Datapwat may positibong
ugnayan ang pang-ekonomikong ugnayan, personal na salik at pagkabagabag ng mga mag-aaral,
ang mga pagkakaiba nito ay bakas sa bawat indibidwal.

17

Ang pananaliksik nina Sharma at Kaur (2011) ng Khanna, India ay kinalahukan ng


tatlumput pitong (37) mag-aaral ng programang Narsing kung saan siyamnaput siyam na
porsyento (97%) ang nakaranas ng katamtamang lebel ng pagkabagabag habang tatlong
porsyento (3%) ang nakaranas ng matinding pagkabagabag. Sa apat (4) na salik ng
pagkabagabag, pangkapaligirang sanhi ang nakakuha ng pinakamataas na may apatnapung
porsyento (40%), sumunod ang interpersonal na sanhi na may tatlumpung porsyento (30%),
labing-siyam na porsyento (19%) ang sanhi ng pag-aaral, at pinakamababa ang pangsariling
sanhi na may labing-isang porsyento (11%).

Gayundin, nagsagawa sina Bamuhair et al. (2015) ng pag-aaral upang siyasatin ang mga
salik ng pagkabagabag at ang mga paraan upang maibsan ito sa mga mag-aaral na kabilang sa
programang medisina. Tatlongdaat pitumput walong (378) mag-aaral ang lumahok sa pag-aaral,
at mula sa kanilay halos limamput tatlong porsyento (53%) ang nakaramdam ng pagkabagabag.
Higit sa walumput dalawang porsyento (82%) naman ang tinatayang nabagabag sa pag-aaral at
animnaput apat punto tatlong porsyento (64.3%) ang hindi nakatulog nang maayos. Dagdag pa
rito, kalahati sa mga mag-aaral ay nakitaan ng mababang kakayahang pangalagaan ang sarili.
Ipinahihiwatig ng mga resultang ito na ang pagkabagabag ay karaniwan sa mga mag-aaral ng
kursong medisina at karamihan sa mga salik ng pagkabagabag ay ang mga gawaing pangakademiko at relasyong interpersonal.

Sa kabilang dako, napag-alaman nina Chen et al. (2013) sa animnalibot apatnaput apat
(6,044) na mag-aaral ng Inner Mongolia Medical College na may apatnaput pito punto limang

18

porsyento (47.5%) ang naitalang nakaranas ng pang-akademikong pagkabagabag. Higit na


malaki ang posibilidad na makaramdam ng pagkabagabag ang kababaihan kung ihahambing sa
kalalakihan.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Bataineh (2013) sa tulong ng dalawangdaa't tatlumpu't


dalawang mag-aaral ng King Saud University, natuklasan na ilan sa mga pinagmulan ng
pagkabagabag sa mga mag-aaral ay ang maraming pang-akademikong gawain, kakaunting oras
na nilaan sa pag-aaral, mga pagsusulit, mababang motibasyon at mataas na ekspektasyon mula sa
kanilang mga pamilya. Dagdag pa rito, natuklasan na ang pagkatakot na bumagsak sa pag-aaral
ang higit na nagdudulot ng pagkabagabag sa mga mag-aaral sa unibersidad.

Ayon naman sa pananaliksik nina Thawabieh at Qaisy (2012) na nilahukan ng apatnaraat


pitumput isang (471) mag-aaral sa Tafila Technical University, nakaranas ng katamtamang lebel
ng pagkabagabag ang mga mag-aaral at ang pangunahing salik nito ay ang sanhing sosyal.
Nabatid nilang dulot ng ibat ibang lugar na pinagmulan ng mga mag-aaral, ito'y nag-udyok
upang sila'y bumuo ng bagong relasyon sa kanilang kapwa mag-aaral. Maliban dito, nabahala
ang mga mag-aaral sa kanilang pang-akademikong pag-unlad at ito ay naging sanhi ng mga
pisikal na suliranin tulad ng kahirapan sa pagtulog at pagkaramdam ng pagod at sakit ng
katawan. Panghuli, nang dahil sa malaking pagbabago mula sa ikalawang antas ng pag-aaral
patungo sa ikatlong antas o pag-aaral sa unibersidad, nakaranas ng malaking pagkabagabag ang
mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo.

19

Nabanggit sa pag-aaral nina Waghachavare, Dhumale, Kadam at Gore (2013) mula sa


sanlibot dalawandaat dalawamput apat (1,224) na tagatugon, kung saan dalawamput pito
punto pitong porsyento (27.7%) ang kababaihan at dalawampu punto apat na porsyento (20.4%)
ang kalalakihan, na ang pangunahing salik ng pagkabagabag ay ang salik pang-akademiko.

Binigyang-tuon naman nina Geng at Midford (2015) ang mga mag-aaral sa unang taon ng
kolehiyo kung saan isinagawa ang pananaliksik sa tulong ng sandaat apatnaput pitong (147)
mag-aaral mula sa unang taon at sandaat apatnaput tatlong (143) mag-aaral mula sa ibang taon
ng kolehiyo. Batay sa resulta, nakitang higit na mataas na lebel ng pagkabagabag ang nadarama
ng mga kabilang sa unang taon sa kolehiyo kung ihahambing sa mga mag-aaral ng mga ibang
taon, at ito ay dahil sa mga pang-akademikong gawain.

Sintesis
Inilahad sa kabanatang ito ang mga pag-aaral na may kaugnayan sa gagawing
pananaliksik ayon sa mga sumusunod na pagkakakilanlan: (1) ang mga pag-aaral ay tumatalakay
sa pagkabagabag at sa mga salik nito (2) ang mga naunang pag-aaral ay patungkol sa mga magaaral sa kolehiyo o unibersidad (3) ilan sa mga nabanggit na pag-aaral ay kaugnay sa mga magaaral ng programang medisina. Lahat ng mga pag-aaral na nabanggit ay makatutulong sa
pagpapaunlad ng pananaliksik ukol sa mga salik ng pagkabagabag sa unang taon ng Medical
Technology taong pampaaralan 2015-2016 sa Unibersidad ng Santo Tomas.

You might also like