You are on page 1of 4

Kabanata I

Pagliban sa klase isang malaking suliraning kinakaharap ng mga kabataang mag-aaral

ng kolehiyo sa kasalukuyan. Ngunit paano nga ba natin ito masusulusyunan? Ano ang

masasamang epekto nito sa ating mga mag aaral? Ano ang mga sanhi at bunga nito? Papaano ito

maiiwasan? Sa papaanong paraan ito masusulusyunan ng mga ahensya ng pamahalaan?

Maraming masasamang epekto ang nakikita ko sa suliraning ito. Una sa lahat, pag madalas na

ang pagliban ng mag-aaral sa klase ay maaaring ibagsak ito ng kanyang tagapayo. Sumunod dito

ang tuluyan ng paghinto nito sa kanyang nasimulang pag-aaral. Liliit ang pagkakataon nitong

magkaroon ng maayos at marangal na pamumuhay sa hinaharap. Maaari pa silang maging

tambay lang sa tabi-tabi at malulong sa mga krimen. Dahil naniniwala ako na ang pagkakaroon

ng edukasyon pa rin ang ating magiging gabay sa pag-unlad at ito lamang ang pamanang

mananatiling taglay natin sa pagtahak natin sa panibagong yugto ng ating buhay. Bilang isang

mag-aaral, dapat siguro na ipagbigay-alam sa mga magulang kung ano ang dahilan ng pagliban

ng anak sa klase. Nararapat din na intindihin ng guro ang kalagayan ng mag-aaral kung may

kinakaharap man itong problema. Dapat din nating kausapin ito ng maayos upang mailantad ng

mga mag-aaral ang mga problemang kinakaharap nito. Sa aking palagay, nararapat siguro na

magbigay ng mga scholarships ang pamahalaan para sa mga deserving students. Sa ganitong

paraan, maiiwasan na ang pagliban ng mga mag-aaral sa klase. Pero para sa akin, ang

pagmamahal at pag gabay pa rin ng mga magulang ang mabisang paraan upang malunasan ito.

Dahil kung pupunan ng mga magulang ng pagmamahal ang kanilang mga anak ay hindi na nila

maiisip na magbulakbol sa pag-aaral, sa halip ay pagbutihin pa ito.


SARBEY

Pangalan:
Paaralan:

1. nagcucuting classes ka ba?

o OO
o HINDI
o MINSAN

2. Ano ang dahilan ng hindi mo pag pasok sa klase ng mga mag aaral?

o Problema sa pamilya
o Impluwensya ng barkada
o Dahil sa guro
o dahil sa internet cafe
o Iba pang sagot:_____________________

3. May malaking maiitulong ba ang pamilya sa hindi pagliban sa klase ng mga mag aaral?

o OO
o HINDI

4. May malaking epekto ba para sa mag aaral ang hindi pag pasok sa klase?

o OO
o HINDI

5. Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa bilang 4.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Kabanata II

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa isang suliranin na may kinalaman sa epekto ng mga
hindi pagpasok ng mga magaaral sa kanilang klase. Naglalayon ang pag-aaral na ito na sagutin
ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga bagay na nagbubunsod o nagiging dahilan sa hindi pagpasok ng mga
mag aaral sa kanilang klase?
2. Paano nakaaapekto ito sa kanilang pang araw araw na gawain?
3. Paano maiiwasan ang pagliban ng mga mag aaral sa klase?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Dahil sa modernisasyon natin ngayon maraminng mga mag aaral ang naiing ganyo na hindi

pumasok sa kanilang klase. Kasama rin dito ang makabagong teknolohiya kaya tinatamad ang

estudyante na pumasok dahil mas napagtutuunan nila ng pansin ang paglalaro ng mga computer

games na kung minsan ay nagiging sanhi ng paghinto nila sa pag aaral o pagbagsak ng kanilang

grado. Ganun din ang impluwensya ng barkada mas bibibigyan p nila ito ng pansin kaysa pag

aaral.. Mahalagang malaman natin ang mga sanhi at ang mga posibleng maging bunga ng hindi

pag pasok ng mga mag aaral sa kanilng klase at ano ang mga posibleng gawin para maiwasan

ang hindi pag pasok sa kanilang klase.


Saklaw at Limitasyon

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

1. Ang mga bagay na nakaaapekto sa pagliban ng klase ng mga mag aaral sa kolehiyo.
2. Ang mga bunga ng pagliban ng klase ng mga mag aaral sa kolehiyo.

Sa kabilang dako, limitado naman ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

1. Ang opinyon ng mga guro ukol sa isyung ito.


2.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. Edukasyon- ito ang nagiging daan para makamit ang ninanasang trabaho o pangarap,dito
rin matutotunan ang pagbasa at pagsulat ito rin ang paraan para mapaunlad ang sarili..
2. Internet cafe- isang lugar kung saan inuupahan ng isang indibidwal ang mga kompyuter
upang gamitin sa nais na paraan sa partikular na oras.
3. Yosi-isang pabalbal sa salita ng salitang sigarilyo.
4. Dota- Isang computer game na lubos na kinahuhumalingan ng mga kabataan sa ngayon.
5. Cutting class- Pagliban sa klase ng walang valid na dahilan.

You might also like