You are on page 1of 7

FILIPINO 6

Lourdes School of Mandaluyong


Pagsasanay Para sa Unang Katlong Taong Pagsusulit

MAGKASINGKAHULUGAN at MAGKASALUNGAT: Isulat ang MK kung ang mga salitang


may salungguhit ay magkasinghulugan at MS naman kung ang pares ng salita ay
magkasalungat.

_______ 1. Ang komedor sa bahay ng aking lola ay napakalaki hindi katulad ng


aming silid-kainan dito sa condominium.
_______ 2. Si Ramon, ang representante ng aming klase sa talumpatian, ang
siya ring kinatawan ng paaralan sa Tagisan ng Talino sa Pagbasa ng
lungsod.
_______ 3. Binilin ni Nanay kay Ate na umuwi ito ng maaga para siyay hindi
balisa sa gabi. Panatag na ang loob ni Nanay kapag kaming lahat
ay nasa bahay na.
_______ 4. Magalang ang batang Pinoy hindi katulad ng ibang lahi na kayang
maging lapastangan sa matatanda.
_______ 5. Tila aking naririnig ang panaghoy ng Inang Kalikasan. Daing niya ang
patuloy na pagsira ng tao sa mundo.

KLINO: Ayusin ang mga sumusunod na listahan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugang ipinapahayag nito. Isulat ang mga bilang 1-3 sa ibabaw ng bawat salita
(1 pinaka-mahina)

6. nahuhumaling nababaliw nalulugod

7. malambot mahina marupok

8. makitid makipot masikip

9. humahagulhol umiiyak lumuluha

10. maalinsangan mabanas mainit

DENOTASYON/KONOTASYON: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang


kahulugang ipinapahiwatig ay isang denotasyon o konotasyon at ibigay ang
kahulugan ng salita ayon sa iyong pagkakaintindi.

Tandaan:

Denotasyon Literal na kahulugan ng salita.

Konotasyon Malalim na kahulugan ng salita; maaring positibo o negatibo


ang ihinahatid na mensahe.

Halimbawa: Ang mga ama ang haligi ng tahanan.


Konotasyon Pinagkukuhan ng lakas ng pamilya.
Inaanay na ang haligi ng aming bahay.
Denotasyon - Poste ng bahay.

11. Ang kapal ng librong pinapabasa sa amin sa Filipino.


___________________ - _______________________________________________

Filipino 6 1 Inihanda ni: Mauie Flores


LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com
12. Ang kapal ng mukha ng magnanakaw na iyan!
___________________ - _______________________________________________

13. Hindi siya tiwala sa kanyang mga tao. Pakiramdam niyay may ahas dito.
___________________ - _______________________________________________
14. Maraming ahas sa masukal na gubat.
___________________ - _______________________________________________

15. Makitid ang eskinita patungo sa aming bahay.


___________________ - _______________________________________________
16. Makitid ang utak ni Pedro at ayaw na niyang makinig pa sa iba.
___________________ - _______________________________________________

ANALOHIYA: Piliin ang pares na makakabuo sa analohiya. Isulat ang sagot sa patlang.

17. Ang dahon ay sa halaman at ang _____.


a. damo ay sa lupa
b. buto ay sa kalansay

18. Ang itaas ay sa ibaba at ang _____.


a. loob ay sa labas
b. Hilaga ay sa Silangan

19. Ang burol ay sa bundok at ang _____.


a. ilog ay sa karagatan
b. dagat ay sa tsunami

20. Ang kotse ay sa gasoline at ang _____.


a. tubig ay sa yelo
b. katawan ay sa pagkain

OPINYON o KATOTOHANAN: Isulat ang O kung ang pangungusap ay nagpapahayag


ng opinyon at K kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan.

_______ 21. Nagtatanim ang mga magsasaka sa ilalim ng init ng araw.


_______ 22. Para sa akin, ang mga basurero ay mahalagang katulong ng
pamayanan.
_______ 23. Pinakanakakatawa ang mga pelikula ni Dolphy.
_______ 24. Masaya ang magkaroon ng maraming kapatid.
_______ 25. Ginagamit ang lapis sa pagguhit.

SANHI at BUNGA: Kumpletuhin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat


ng sanhi o bunga nito. Pagkatapos, tukuyin kung ang iyong isinulat ay sanhi o bunga.
Isulat ang sagot sa patlang.

__________ 26. _________________________ kaya pinagalitan siya ng kanyang mga


magulang.
__________ 27. Tahimik ang buong klase ni Bb. Tan kaya _________________________.
__________ 28. _________________________dahil binisita siya ng kanyang mga apo.
__________ 29. Nagpasalamat si Mang Tony sa kanyang mga kapitbahay
_________________________.

Filipino 6 2 Inihanda ni: Mauie Flores


LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com
__________ 30. Dali-daling hinabol ni Ana ang kanyang maliit na kapatid
_________________________.

PANGUNAHING DIWA: Basahin ang tula sa ibaba at ibigay ang pangunahing diwa ng
bawat saknong nito

31. ________________________________

32. ________________________________

33. ________________________________

34. ________________________________

35. ________________________________

SANGKAP NG KWENTO: Basahin ang kwento sa ibaba at kumpletuhin ang talaan ng


mga sangkap ng kwentong ito. (36-45)

Ang Alamat ng Makopa

Noong unang panahon, namumuhay ng tahimik at masaya ang mga mamayan


sa isang malayong bayan sa Laguna. Ang lugar na ito ay kilala sa pagkakaroon ng
mga mamamayang masisipag at madasalin. Walang away sa kanilang lugar at ang
lahat ay nagkakasundo.

Sa simbahan ng bayang ito ay may malaking gintong kampana. Itinuturing


itong kayamanan ng mga mamamayan. Iniingatan nila ito at inaalagaan upang
hindi mawala ang taglay nitong kinang. Nagsisilbi itong inspirasyon sa kanilang
buhay. Gayon na lamang ang pagkainggit ng ibang bayan sa kanilang lugar.
Naniniwala ang mga ito na ang gintong kampana ang dahilan kung bakit ang
bayang iyon ay napakasagana.

Isang araw, may mga masasamang loob na nagbalak nakawin ang gintong

Filipino 6 3 Inihanda ni: Mauie Flores


LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com
kampanang ito. Sa kabutihang palad ay nalaman nila ito agad at ibinaon sa lupa sa
likod ng simbahan. Nang dumating ang mga masasamang loob ay wala silang
dinatnang gitnong kampana. Sa galit ng mga ito ay pinatay nila ang mga taong
nasa loob ng simbahan.

Tuluyan nang hindi nalaman ng ibang tao kung saan naitago ang gintong
kampana. Hanggang isang araw ay bigla na lamang may tumubong puno sa likod
ng simbahan. Ang balat ng bunga nito ay mapula habang ang loob naman ay
parang bulak sa puti. Hugis kopa ng alak ang bunga! sambit ng ilan. At magmula
noon ay tinawag na ang punong ito na makopa.

Pamagat: _____________________________________________________________

Tauhan: _____________________________________________________________

Tagpuan: _____________________________________________________________

Suliranin: _____________________________________________________________

Kasukdulan

Pataas na Aksyon Pababang Aksyon

Pangunahing Wakas
Pangyayari

Aral: _____________________________________________________________

Filipino 6 4 Inihanda ni: Mauie Flores


LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com
KAYARIAN NG SALITA: Ano ang kayarian ng mga salita sa ibaba? Isulat sa patlang
kung payak, maylapi, inuulit, o tambalan.

________________46. ituloy ________________ 51. okra


________________47. minsan-minsan ________________ 52. kapanalig
________________48. sinaing ________________ 53. lutu-lutuan
________________49. agaw-buhay ________________ 54. hawak-kamay
________________50. bundok ________________ 55. gugupitin

Isulat sa patlang kung ang nababanggit ay pangungusap, parirala, o sugnay.

Tandaan:

Pangungusap Grupo ng mga salitang may buong diwa. Ito ay may simuno
at panaguri at maaaring mabuo ng dalawang sugnay.

Parirala Grupo ng mga salitang walang buong diwa.

Sugnay Grupo ng mga salitang may buong diwa ngunit parte ng


isang pangungusap. Mayroon din itong simuno at panaguri.
May mga sugnay na maaaring ihiwalay sa pangungusap na
pinagmulan (sugnay makapag-iisa). Mayroon namang may
simuno at panaguri ngunit hindi buo ang diwa (di-makapag-
iisa).

____________________56. sila ang nagsabi


____________________57. ang kumain
____________________58. ang mga tao sa simbahan ay nagsiluhod
____________________59. suklayin ang buhok
____________________60. napakalamig naman dito
____________________61. kapag bumibili ng bigas si Ate
____________________62. mabilis natapos ang palabas kagabi
____________________63. natulog siya
____________________64. sampung mga daliri
____________________65. si Kuya Kim

66. Pumili ng isang sugnay na makapag-iisa mula sa mga nakalista sa itaas.


________________________________________________
67. Pumili ng isang sugnay na di-makapag-iisa mula sa mga nakalista sa itaas.
________________________________________________

Filipino 6 5 Inihanda ni: Mauie Flores


LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com
BANTAS: Tukuyin ang bantas na inilalarawan ng bawat pangungusap. Piliin ang sagot
mula sa nakalista sa ibaba. Isulat ang bantas lamang.

Tuldok (.) Tandang padamdam (!)


Kuwit (,) Panipi ( )
Tutuldok (:) Gitling ( - )
Tandang pananong (?)

______ 68. Ginagamit upang maipakita ang matinding damdamin.


______ 69. Ginagamit pagkatapos ng bating panimula sa liham-pangalakal at sa
unahan ng isang listahan o serye ng mga salita.
______ 70. Ginagamit pagkatapos ng pangungusap na pasalaysay, pautos, daglat,
inisyal, bilang na Romano at Arabiko, malaki at maliit na titik sa balangkas,
o pagbibigay ng talaan.
______ 71. Ginagamit upang ihiwalay ang serye, pagkatpos ng oo o hindi sa simula
ng pangungusap, pagkatapos ng bating panimula at bating pangwakas
sa liham-pangkaibigan, pagsulat ng tirahan at petsa, at sa hugnayang
pangungusap.
______ 72. Ginagamit sa pagkukulong sa isang pahayag, sa pagsusulat ng pamagat
ng mga artikulo, sanaysay, panayam, kabanata, at maikling kwento.
______ 73. Ginagamit sa pagitan ng unlaping nagtatapos sa katinig at sa salitang
ugat na nagsisimula sa patinig, sa pagitan ng unlapi at pangngalang
pantangi, sa pagitan ng ika- at tambilang, at sa pagitan ng tambalang
salita.
______ 74. Ginagamit pagkatapos ng isang tuwirang tanong.

PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA: Magbigay ng pangungusap na walang paksa


ayon sa uring hinihingi.

Halimbawa: Padamdam
Patanong

75. Eksistensyal - Nagsasaad ng pagkamayroon.


______________________________________________________________________________
76. Penominal Nagsasaad ng kalagayan ng panahon o tiyak na kondisyong
panglipunan.
______________________________________________________________________________
77. Pormulasyong Panlipunan Nagsasaad ng pakikipagkapwa.
______________________________________________________________________________
78. Patanong Kung nagtatanong.
______________________________________________________________________________
79. Padamdam Nagpapahayag ng matinding damdamin.
______________________________________________________________________________

Filipino 6 6 Inihanda ni: Mauie Flores


LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com
Isulat sa patlang kung payak, tambalan, hugnayan, o langkapan ang mga
pangungusap sa ibaba.

Tandaan:

Payak Pangungusap na isang diwa lang ang tinatalakay. Ito ay


maaaring payak o tambalang aksa o tambalang panaguri.

Tambalan Pangungusap na nagtataglay ng dalawang kaisipan o higit pa.


Binubuo ito ng dalawa o higit pang payak na pangungusap.
Ginagamitan ito ng pangatnig na magkatimbang.

Hugnayan Pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at


sugnay na di-makapag-iisa at nagpapakita ng relasyong sanhi
at bunga. Ginagamitan ito ng kung, nang, bago, upang,
kapag, dahil, at sapagkat.

Langkapan Pangungusap na binubuo ng dalawang sugnay na makapag-


iisa at sugnay na di makapag-iisa.

_______________ 80. Nanalo si Jamie sa eleksyon at natuwa ang buong klase sa


kanyang pagkapanalo.
_______________ 81. Ang pagiging madasalin ay mahalaga upang tayo ay mapalapit
sa Diyos dahil Siya ang dakilang lumikha.
_______________ 82. Gaganda ang iyong buhay kung susundin mo ang payo ng iyong
mga magulang.
_______________ 83. Masakit ang aking lalalamunan.
_______________ 84. Liliban sa trabaho si Papa ngayong araw at ang buong pamilya
ay dadalaw kay Lolo sa ospital.
_______________ 85. Pinatawad ni Jose ang mga kaibigan at silay sama-samang
naglakad upang pumasok sa paaralan.
_______________ 86. Napuyat ako kagabi dahil sa pagsusulit na ito.
_______________ 87. Ang mga mag-aaral ay sasayaw ng tinikling at ang mga guro ay
aawit ng Bayan Ko.
_______________ 88. Nakakain na kami bago pa sila dumating.
_______________ 89. Dumating ang panahon ng tag-gutom at ang kanilang ama ay
nabahala kung saan sila kukuha ng pagkain.
_______________ 90. Si Manuel Quezon ang Ama ng Wikang Filipino.

Filipino 6 7 Inihanda ni: Mauie Flores


LSM 2012-2013 www.the24hourmommy.com

You might also like