You are on page 1of 1

PAGBABALANGKAS

-Ang balangkas ay banghay ng isang gawaing pasulat. Ito ay tumutulong sa pagbubuo ng mga ideya, katunayan, at
impormasyon na naipon.

TATLONG URI NG PAGBABALANGKAS


1. Balangkas na Papaksa- Gumagamit ang balangkas na papaksa ng mga salita o parirala para sa ulo o heading.
2. Balangkas na Pangungusap - Gumagamit ang balangkas pangungusap ng isang buong pahayag o pangungusap
sa ulo
3. Balangkas na Patalata - Gumagamit ang balangkas na patalata ng pariralang may maikling buod upang
ipaliwanag ang bawat paksa.

TATLONG PARAAN SA PAGSASAAYOS NG PAKSA SA ALINMANG


URI NG BALANGKAS

1. Kaayusan ayon sa panahon. Inaayos ang paksa sa paraang ito ayon sa panahon ng pangyayari.
2. Kaayusang lohikal. Inaayos ang paksa ayon sa kahalagahan nito na kaugnay ng pangunahing
ideya o paksa.
3. Kaayusan ayon sa sariling paraan. Inaayos ang paksa ayon sa pangunahing pangangailangan.

LAYUNIN NG PAGBABALANGKAS

1. Upang malaman kung naunawaang mabuti ang aralin.


2. Upang maisaayos nang mabuti ang mga ideya.
3. Upang makatulong sa pagtuklas ng mga kailangan pang impormasyon / tala
4. Upang maging patnubay sa pag-aaral.
5. Upang makatulong sa paghahanda at pagbibigay ng mga ulat.

PARAAN NG PAGBABALANGKAS

1. Isulat ang pamagat o pangunahing ideya.


2. Gumagamit ng isang uro ng pamamaraan sa pagbabalangkas.
3. Gamitan ng mga roman numeral I, II, III, atb. Ang mga pangunahing paksa; ng malalaking titik
A,B,C, ang mahahalagang paksa; ng malilit na titik a,b,c, ang hindi gaanong mahalagang paksa.
Ang kaayusan ay lagging bilang, titik, bilang, at titik. Salisihan ang gamit nito.
4. Ang mga nasabing titik o bilang ay kailangang isulat nang inihahanay pababa (vertical column).
5. Isulat sa malaking titik ang unang salita ng bawat paksa.
6. Lagyan ng tuldok ang katapusan ng bawat paksang bilang o titik at ang katapusan ng isang
pangungusap.
7. Ang bawat pangunahing paksa ay dapat buod ng paksang susunod dito o subtopic.
8. Ang mga pangunahing paksa ay dapat maging bahagi ng mga subtopic nito.

You might also like