You are on page 1of 5

Pagsusuring Semantik at Lingguwistik sa Salin sa Filipino ng mga Piling Indie Film

Leader: Ramos, Maria Melanichole


Members:
Layug, Arielle Fritz
Melgar, Jose Lou
Rufo, Cyrene
Solis, Julian Mae
Tamayo, Patricia
Villegas, Rexanne Leila

SUSING SALITA
Semantik, Lingguwistik, Indie film, Pagsasalin, Subtitles

DESKRIPSYON NG PROBLEMA
Ano-ano ang mga salik at paanong naiiba ang kahulugan ng orihinal na teksto kapag
isinasalin na sa wikang ingles ang mga piling Filipino indie films?

RASYONALE
Napili naming gawan ito ng pagsusuri dahil sa tatlong kadahilanan. Una ay upang
mabigyan ito ng pansin dahil binabalewala na lamang ito kung saan hindi namamalayan na ito ay
nagbibigay na ng maling impormasyon para sa ating lahat. Ikalawa ay upang malaman ang mga
pagkakamali at mabigyang solusyon ang ilan sa mga ito. Ikatlo ay upang imulat ang bawat
mamamayan sa tamang paggamit ng mga salita at tamang pagsasalin para dito. Ang pagsusuri
dito ay napakalaking tulong dahil mas magiging akma ang mga salitang isinalin sa Filipino at
mas maiintindihan ito nang maayos ng mga manonood ng Indie film.

LAYUNIN

Tiyak:
-upang malaman kung iba ang kahulugan ng salin kumpara sa orihinal na wika
-upang matukoy kung maiiba ang impak ng pelikula kung ito ay naisalin sa ibang lengguwahe
-upang malaman kung tama ang pagsalin ng wika
-upang malaman kung maiiba ang mensahe ng pelikulang naisalin sa wikang ginamit sa pelikula

Pangkalahatan:
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay umiikot sa semantik at lingguwistik na pagsusuri sa salin
ng wikang Filipino sa mga piling Indie Film. Semantik, sapagkat mahalagang malapatan ng
tamang kasingkahulugan ang o ang mga salitang isasalin. Lingguwistik naman, dahil
importanteng tama ang paggamit o istruktura ng salin na bersyon.
Ang tamang pagsasalin ay mahalaga sa mga pelikula dahil ito ay magbibigay ng tamang
mensahe sa mga manonood. Kung tama ang pagsasalin, ang mensaheng ipinapaabot ng pelikula
ay hindi maiiba sa orihinal na mensaheng nais ipaabot ng direktor. Nilalayon ng pag-aaral na ito
na malaman kung tugma ba sa tunay na kahulugan ng pelikula ang kahulugang mababatid sa
pelikulang may salin.

BASEHANG TEORETIKAL

Tunay nga namang isang napakahirap at napakamatrabahong gawain ang pagsasalin sa


ibang wika ng mga dayalogo ng mga banyagang pelikula. May mga teorya at prinsipyong
sinusunod ang mga tagapagsalin upang sa gayon ay maiparating nito ng tama ang mensaheng
nais ipahatid ng pelikula at maging ang emosyong nais nitong iparamdam sa mga manonood na
may iba't-ibang pinanggalingan at kultural na pinagmulan.

Isa sa mga teoryag lingguwistikang ginagamit sa pagsasalin ang Skopos Theory. Ang
salitang Griyegong skopos ay nangangahulugang purpose. Sinasabi nito na ang purpose ng
pagsasalin ang siyang magdedetermina kung ano ang estilo o estratehiyang gagamitin sa
pagsasalin, depende sa konteksto at sa mga manonood nito.

Ilan sa mga prinsipyong sinusunod ng teoryang ito ay ang coherence rule, na nagsasabing
dapat bigyang pansin ang kaalaman at sitwasyon kung saan nabibilang ang mga target audience
(Devi at Panda 282; Lv et al. 902). Bukod pa rito, mayroon ding tinatawag na fidelity rule, kung
saan kailangang magkaroon ng :intertextual coherence sa pagitan ng orihinal at isinaling teksto.
Ayon pa kay Lv et al. (2014), translated subtitles should not only express the intended meaning,
but also convey the most coded implications in a fluent and accurate way (p. 903).

Base sa isinagawang pananaliksik ni Lv et al. ng North China Electric Power University


sa Beijing, China, ang mga prinsipyo ng pagsasalin ay nagisilbing tulay upang mas maunawaan
at maintindihan ng mga Tsino ang mga banyagang kulturang sinasalamin ng mga pelikulang
isinalin (Devi at Panda 282).

Halimbawa nalang kung ang naisalin na palabas ay intensyon na ipamahagi sa mga bata,
ngunit kung ang mga naisalin na salita ay nasa pananalita ng mga nasa edad na ito ay maari
magbigay ng iba't ibang pagtanggap ng mga bata. Dito nga naipapakita ang iba't ibang
panuntunan ng mga tao sa likod nito upang iparating sa mga target na manonood nito.
PAMAMARAAN

Sa mga palabas gaya ng mga Filipino Independent Films ay nagkakaroon ng international


screening. Upang maintindihan ito ay nilalagyan subtitles batay sa lengguwaheng nauunawaan at
sinasalita ng mga banyagang manonood. Kadalasan, ang mga Indie Films na ipinapalabas sa
ibang bansa ay isinasalin sa wikang Ingles, sa kadahilanang ito ang universal language, o ang
wikang naiintindihan ng nakararami.

Sa pananaliksik na ito
May mga bagay tayong ikinokonsidera pagdadating sa pagsasalin ng mga salita. Una ay
mamimili tayo ng isang palabas na may subtitles. Upang malaman kung nasalin ito ng maayos ay
titignan natin ang tamang paggamit ng grammar. Kung tama ang mga pagbabaybay ng mga
salita, tamang pagkakasusunod-sunod ng mga salita at pangungusap, maging ang pagkakabuo sa
mga pangungusap at ang mga bantas na ginamit. Titignan din kung angkop ang mga ginamit na
salita ayon sa konteksto at susuriin din kung nagpahayag ito ng malinaw na interpretasyon ng
gustong iparating sa palabas.

Pat - Napili ko ang artikulong ito dahil masusing pagsasaliksik ang ginawa tungkol sa
adaptasyon ng film. Ipinaliwanag dito ang kalagayan ng film sa bansang Pilipinas. Ipinahayag
din ang ilang kasaysayan ukol sa film upang mas maintindihan natin ang pinagmulan at
pagkakaiba nito sa kasalukuyan.

Layug - Ito ay ang artikulo na aking napili dahil sa pagpapakita kung paano ang wikang Ingles
ay isang mahalagang pagaralan at sanayin ng bawat Pilipino. Dito naipamahagi na ang pagiging
magaling sa pananalita ng wikang banyaga na ito ay magbibigay ng pagdagdag ng pagkatao
natin. Ito rin ay dhailan kung paano tayo matutulungan maiangat sa ating antas sa buhay ngayon.
Tulad na lamang sa topic na aming pagaaralan dito naipapakita ang kahalagahan ng tamang
angkop na pagsaslain mula sa wikang ingles. Ang pagkakaroon ng profiencency sa wikang ingles
ay magbibigay ng mas malinaw na pagsasalin at magbibigay ng mas angkop na salitang
magagamit.

RESEARCH

Parametric - has a hypothesis, proving it


Nonparametric no hypothesis
Skopos - purpose of the translation action determines the target text; reflects a general shift from
linguistic and formal translation theories to a more functionally and socio-culturally oriented concept of
translation
what the function of translation text is, what the target readers demand is and even what communicative
situation is. corresponding subtitles is mainly referring to the most in words at present, making the
audience feel the humor and relaxation while watching the show. (liangqiu)
purpose refers to the communicative purpose of the target text, which is the communicative function
the target text imposes to the target audience in the target environment. As a result, translators get to
define their specific purpose in the given translation context, and decide the translation method, including
literal translation, free translation and the one caught in between in accordance with the purpose. So it is
totally understandable for translators to try different translation approaches when it comes to different
types of TV series to achieve their particular goal.
translators are doing their best to make the target audience feel the same way the foreign audiences do

Gutts Relevance theory looks at translation from communicative point of view. Target readers
expectation and needs became important for relevance theory. It argues that an utterance has a number of
implications and the target reader or listener has to infer the right relevant implication and stop there.

PINALAWAK NA BIBLIOGRAPIYA

Lv, Liangqiu, Zhu, Hongye, & Ning, Puyu. Subtitle Translation of Foreign Movies and TV

Series under Skopos Theory*. Journal of Language Teaching and Research JLTR 5. 4

(2014): 901-905. Web.

Devi, Renuga, & Panda, Aditya K. The Skopos Theory: A Heterogeneous Approach to

Translation. American International Journal of Research in Humanities, Arts, and Social

Sciences. (2015): 281-283. Web.

You might also like