You are on page 1of 1

Ang mga Muslim na Maranao

Ang mga Muslim sa Mindanao ay binubuo ng ibat-ibang pangkat o tribo. Isa na dito ang pinakapopular at
pinakamalaking tribo ng mga Muslim ang mga Maranao.

Pangunahing naninirahan ang mga Maranao sa lawa ng Lanao, ang ikalawang pinakamalaking lawa sa
pilipinas. Ang salitang Maranao ay nangangahulugang mga tao ng lawa at galing ito sa wikang
Austronesian. Tinatayang aabot sa 90% ang bilang ng mga ito na naninirahan sa Lanao del Sur, ang ibang
natira ay matatagpuan sa Lanao del sa bahagi ng Lanao del Norte, Cotabato, Zamboanga, at Bukidnon.
Ang sentro ng pangangalakal, pangkultura, at pang-edukasyon ng mga Maranao ay sa Marawi City o
dating tinatawag na Dansalan. Ito ang kabisera ng Lanao del Sur.

Ang mga Maranao ay unang naninirahan sa kabundukan, pero ang impluwensya nito ngayon ay kumalat
na hanggang sa mga tao sa baybaying lugar. Sa mga malalalaking pangkat ng mga Muslim sa Mindanao,
ang mga ito ang pinakahuling naging Islam. Sila ang takbuhan ng mga Muslim kung may aktibidad laban
sa mga Espanyol, Amerikano , at hapon, at kahit na ang Republika ng Pilipinas sa panahon ng batas
militar. Maraming mga Maranao ang mahigpit na tumutol sa isang sentralisadong pang-gobyerno ng
Pilipinas at may ibang lantaran na nagrerebelde laban dito. Gusto nila ang pederal na uri ng pamahalaan,
na may maraming rehiyonal na pagsasarili. Bilang kahalili, gusto nitong humiwalay at makapagtatag ng
pansariling pamahalaan bilang isang malayang Muslim na bansa.

Maraming nayon ng mga Maranao na may iilang pamilya ang naninirahan sa iisang bubong. Isang tipikal
na tahanan ng mga Maranao ang bahay na walang dibisyon sa loob. Sa magkabilang dulo ng pader ng
bahay ay mga higaan na may pasilyo pababa sa gitna. Sa bawat higaan ng bahay ay may isang pamilyang
sumasakop. Sa likuran ng tirahan ay isang kusinang para sa lahat ng pamilyang nasasakop ng bahay.

Ang mga Maranao ay karaniwang mga magsasaka at may iilang mangingisda. Ang silangang bahagi ng
lawa ng Lanao ay mayabong para sa paglilinang ng bigas. Ang mayabong na lupa ang nagdadala ng ibat-
ibang uri ng mais, mani, kamote, kape, kalamansi, at klase-klasing uri ng tropikal na prutas. Magaling din
silang maghabi ng tela at banig, paglililok ng kahoy, tanso, pilak, at ginto. Kilala din sila para sa
pagbebenta ng banig na dayami, ibat-ibang gamit sa bakuran, kumot, at ilang uri ng produktong metal.

Ang ranggo at pribilehiyo ay natutukoy sa pamamagitan ng personal na mga kasanayan sa isang


indibidwal na Maranao (halimbawa, bilang mananalumpati, Quran reader, o kapangyarihan sa batas), at
pagtatangi bilang isang lider. Ang Maranao bersyon ng Islam ay nagsasama ng maraming mga elemento
ng pre-Islamic na paniniwala at ritwal, lalo na ang mga konektado sa agrikultura, espiritwal na mundo, at
ang mga cycle ng kalikasan. Ang Islamic na paniniwala ay matinding sumasalamin sa impluwensiyang
Sufi, lalo na sa bokabularyo at mga pagsambit sa ritwal.

You might also like