You are on page 1of 26

PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG IMPORMASYONG

ICT Aralin 10
GAMIT ANG ICT

Paggamit ng Advanced Features ng Isang Search Engine sa Pangangalap ng


Impormasyon

NILALAMAN

Sa araling ito, ay tatalakayin ang paggamit ng advanced features ng isang


search engine sa pangangalap ng impormasyon. Magiging madali ang ating
paghahanap sa internet ng mga impormasyong nais natin makuha sa pamamagitan ng
paggamit ng advanced feature ng search engine. Bilang isang mag-aaral, mahalagang
aralin natin ito sapagkat maaari natin itong magamit kapag tayo ay gagawa ng takdang
aralin o proyekto.

LAYUNIN

1. Nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa pangangalap ng


impormasyon.

KAYA MO NA BA?

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na mga kaalaman o kasanayan?


Tsekan ( ) ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung
hindi pa.

KAALAMAN/KASANAYAN

1. Nakikilala ang mga bahagi ng computer


2. Nakagagamit ng internet sa pangangalap ng mga
impormasyon
3. Nalalaman ang paggamit ng mga search engine sa
pagkuha ng mga datos
4. Nakikilala ang ibat ibang kapakinabangan ng ICT

5. Natutukoy ang mga paraan ng pangongolekta ng ibat


ibang impormasyon

ALAMIN NATIN

Gawain A: MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

Iwasto ang pagkakasulat ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang


gawing gabay ang mga kahulugan ng mga salitang ito.

________1.pmoretcu - isang mekanismong kagamitan na nakapagsasagawa ng


ibat ibang gawain tulad ng pag-iimbak at pagpoproseso ng mga
datos.

________2. tienrten - sa pamamagitan nito nagkakaroon tayo ng malawakang


ugnayan sa buong mundo.
________3. CTI - ito ay tumutukoy sa ibat ibang uri ng teknolohiya na ginagamit
sa komunikasyon upang magproseso, mag-imbak, lumikha, at
magbahagi ng impormasyon.
_________4. ogoleg - ito ay napagkukunan ng ibat ibang datos o impormasyong nais
nating makalap o makuha.
_________5. csaehr - ito ay ang pangangalap o pananaliksik ng mga datos at
impormasyon.
Sagutin ang mga tanong na ito:
Sa iyong palagay, mahalaga bang matutuhan ang paggamit ng
makabagong teknolohiya? Bakit?
Sa tingin mo ba maiiwasan pa natin ang paggamit ng ICT tools sa
kasalukuyang panahon?Bakit?
Nasubukan mo na bang magsaliksik gamit ang computer at internet?
Gusto mo ba itong masubukan?
Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa pangangalap ng
impormasyon gamit ang computer at internet sa tulong ng mga
search engines?
Pag-aralan Natin!

Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang maghanap ng


dokumento gamit ang isang keyword o salita. May ibat ibang search engine na
ginagamit sa internet. At ayon sa mga ilang pag-aaral pinaka-kilala ang Google, Yahoo
at Bing.

Ngayon, pag-aaralin natin ang advanced feature ng Google.

Matatagpuan ang advanced feature ng Google sa Mga Setting na makikita sa


bandang ibaba ng pahina.
I-click lamang ang Mga Setting at may lalabas na isang box kung saan makikita
ang ibat ibang pamimilian. Piliin ang Advanced na Paghahanap.
Pagkatapos pindutin ang Advanced na Paghahanap, dadalhin kayo nito sa
susunod na pahina.
Sa unang kahon o box dapat ilagay ang mga salita o salitang nais hanapin sa
internet.
Sa sumunod na kahon naman dapat ilagay ang salitang nais hanapin sa loob ng
quote (). Ito ay nangangahulugan na ang salitang nakasulat sa loob ng box na
ito ang eksaktong salitang iyong hinahanap.
Samantalang sa ikatlong kahon naman dapat ilagay ang mga salitang nais
hanapin. Kailangang ilagay ang or sa pagitan ng mga salita upang ipakita na
alinman sa mga salitang ito ay maaaring hanapin ng Google.
Ang pangalawa sa huling pahina naman ay ginagamit upang tukuyin alin sa mga
salita ang ayaw o hindi kasama sa mga hahanapin sa internet. Ginagamitan ito
ng simbolo na ().
Ang sumunod na bahagi ng Advanced Feature ng Google ay matatagpuan o
maaaring piliin ang lengwahe o wika ng dokumento o impormasyong hinahanap,
rehiyon, huling update, site o domain, mga terminong lumilitaw, Safe Search, uri
ng file, at karapatan sa paggamit.
Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang na maaring gawin kapag gagamitin ang
sunod na bahagi ng Advanced Feature ng search engine.

1. Una, pumili ng lengwahe o wika na nais hanapin.


2. Pangalawa, piliin ang particular na rehiyong nais pagmulan ng impormasyon.
Makikita ang mga rehiyon kapag pinindot and arrow na paibaba.
3. Pangatlo, ang huling pag-update. Katulad ng nasa ikalawang hakbang pindutin
lamang ang arrow na paibaba upang pumili. Maaaring pumili kung: kahit kailan,
nakaraang 24 oras at iba.
4. Pang-apat ay ang domain o site, maaaring maglagay dito ng isang site or domain
kung saan gustong hanapin ang iyong hinahanap. Maaaring ito ay .edu, .com.org
or youtube.com or upd.edu at iba pa.
5. Panglima ang mga terminong lumilitaw, katulad ng iba pang mga naunang
hakbang maaaring pindutin lamang ang arrow na pababa upang hanapin ang
isang partikular na pahina.

MGA HALIMBAWA NG MGA SEARCH ENGINES

LINANGIN NATIN

Gawain B
- Gamit ang meta cards bubunot ang bawat lider ng grupo ng isang
katanungan at sasagutin nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang search engine
gamit ang internet .
1.Pangkatang Gawain: Aksyon!

Itala ang unang limang bansa na may malalaking populasyon.

Sino ang pinakamayamang tao sa ating bansa? Patunayan.

Pumili ng limang bansa sa Asya at ibigay ang mga capital ng bawat isa.

Pumili ng tatlong historical places sa Pilipinas at magkaroon ng pahapyaw na

paglalarawan sa mga ito.

2. Iuulat ng bawat grupo ang kanilang mga naging kasagutan batay sa kanilang nakalap
na impormasyon.

3. Pagkakaroon ng malayang tanungan/talakayan.

TANDAAN NATIN

Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang maghanap ng


dokumento gamit ang isang keyword o salita. Isang mahalagang kasanayan ang
pangangalap ng impormasyon gamit ang web browsers at search engines.Sa
pamamagitan ng computer at internet,maaari tayong makapagsaliksik at mangalap ng
makabuluhang impormayon sa mabilis na paraan.

Ang nasa itaas na mga hakbang ay pagpapakita lamang ng ilang paraan upang
gamitin ang Advanced Features ng search engine na Google. Bagaman may ganitong
feature ang search engine, marapat pa ring mag-ingat sa mga kukuning mga
impormasyon o datos mula sa internet upang ipakita ang pagiging responsable sa
paggamit nito.
GAWIN NATIN

Magsagawa ng matalinong pagsasaliksik tungkol sa mga sumusunod na mga


paksa.Ibigay ang keywords na ginamit upang makita ang mga ito. Isulat sa table o
talaan sa ibaba ang keywords na ginamit.

PAKSA KEYWORDS

1. Talambuhay ni Marcelo H. Del Pilar


2. Mga ahensya ng gobyerno na
tumutulong
sa mga magsasaka.
3. Mga negosyong patok na pagkakitaan

4.Pangunahing Tourist spot sa bansa

Bisitahin ang links sa websites na inilabas ng search engine.Suriin itong mabuti.

SUBUKIN MO

Kilalanin ang mga sumusunod. Ilagay ang sagot sa bawat patlang

________1. Isang programang ginagamit upang maghanap ng dokumento gamit ang


isang keyword o salita. Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap
ng impormasyon
________2. Pinakakilalang search engine sa kasalukuyang panahon.
________3. Maaaring gamitin bilang imbakan ng mahahalagang dokumento na nasa
anyong elektroniko o soft copy.
________4. Dito matatagpuan ang advanced features ng google
________5. Ang bantas na ginagamit upang ipaloob ang mga tiyak na paksa.
KAYA MO NA BA?

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na kaalaman o kasanayan?


Maglagay ng sa bawat kolum kung taglay mo na ito at kung hindi.

KASANAYAN / KAALAMAN

1. Nakagagamit ng search engine sa pagkalap ng mga datos.

2. Nakapagsasaliksik gamit ang internet.


3. Nakagagamit ng angkop na keywords sa pagsasaliksik.

4. Nauunawaan ang kahalagahan ng mga search engine upang


mapadali ang pagsasaliksik

PAGYAMANIN NATIN

Mga Bansa sa Asya

Gamit ang iyong kasanayan sa pagsasaliksik o pangangalap ng


impormasyon gamit ang search engine, punan ang sumusunod na talaan:

BANSA KAPITAL WIKA KASALUKUYANG


PANGULO
1. Indonesia
2. China
3. Singapore
4. Thailand
5.Taiwan

KARAGDAGANG SANGGUNIAN

QUIPPERSCHOOL.COM
PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG IMPORMASYONG
ICT ARALIN 11 GAMIT ANG ICT

Pagtukoy ng Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng


Impormasyon
NILALAMAN

Sa araling ito matutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng


impormasyon. Maraming mga search engine ang maaaring gamitin kung nais mangalap
ng mga impormasyon o datos mula sa internet. Ganun pa man, may ibat-ibang
kakayahan ang mga search engine na ito na dapat nating alamin.

LAYUNIN

1. Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng impormasyon

KAYA MO NA BA?

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na mga kaalaman o kasanayan?


Tsekan ( ) ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung
hindi pa.

KAALAMAN/KASANAYAN

1. Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng


impormasyon
2.Nakikilala ang katangian ng isang mabuting websites
3. Nasusuri ang mga kakayahan ng isang search engine sa datos na
kailangan malaman
4. Nakukuha ng makabuluhang impormasyon sa nabibisitang
websites.

ALAMIN NATIN

Gawain A: TAYO NANG MAG-EXPLORE !

1.Pangkatin ang klase sa apat

2. Pagtukoy ng bawat pangkat sa mga angkop na search engine na maaari nilang


gamitin sa pagkalap ng mga impormasyong hinihingi sa ibaba.

- Pangkat 1: Makapag-download ng mga bagong video clippings tungkol sa


pagpaparami ng halaman.
- Pangkat 2: Makapag-send ng email
- Pangkat 3: Makakuha ng mga datos tungkol sa mga mahahalagang
pangyayari sa bansa.
- Pangkat 4: Makapangalap ng mga pictures o illustrations ng mga ibat ibang
bahagi ng katawan ng tao

3. Pag-uulat ng bawat lider sa isinagawang pangkatang gawain batay sa mga


sumusunod na gabay na mga tanong:

a. Anu-anong mga search engine ang karaniwang ginagamit sa


pagkalap ng mga kinakailangan nating mga impormasyon?
b. Paano natin masasabi na angkop ang mga ito sa atin?
PAANO NATIN MALALAMAN NA ANGKOP ANG SEARCH
ENGINE SA PAGKALAP NG MGA IMPORMASYON?

Pag-aralan Natin!

Ang search engine ay isang programa sa computer na tumutulong upang


maghanap ng mga dokumento, musika, video, imahe o larawan sa pamamagitan nang
paglalagay ng mga salitang hahanapin o keyword. Ayon sa pag-aaral, may tatlong
nangungunang search engine, ito ay ang Google, Yahoo Search at Bing.
Narito ang ibat-ibang kakayahan at katangian ng tatlong nabanggit na search engine na
maaaring makatulong sa mas mabilis at mabisang pangangalap ng impormasyon.

Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine.


May kakayahan ang search engine na ito na magsagawa ng advanced search.
Ito ay may espesyal na feature para sa paghahanap ng mga pang-akademiko at
mas siyentipikong akda gamit ang Google Scholars.
Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa pinaka-popular o pinaka-madalas
dalawin na websites.
Ito ay maaaring magsalin-wika ng mga pahina batay sa atomatikong wika na
itinakda sa setting.
May kakayahan din itong maghanap ng mga video dahil isa rin sa kanilang
produkto ang Youtube
Ang Yahoo Search kilalang dating yellow page directory
Mas kilala ito bilang isang email provider site.
Ang mga resultang inilalabas nito ay ayon sa relevance o kahalagahan ng nais
hanapin.
Wala itong kakayahang magsalin-wika ng mga pahina.
Isa sa mga tampok na puna dito ay ang hindi organisadong ayos nito at ang mga
pop-up ads na lumalabas gamit ang search engine na ito.
Ang mga ginamit na salita bilang keywords sa paghahanap ay makikita sa titulo
ng artikulo.
Ito ay may kakayahang maghanap ng mga lokal na resulta dahil mayroong mga
lokalisadong bersyon
Ang search engine na ito bunga ng kolaborasyon ng Microsoft at Yahoo.
Ang mga resulta ay nakabatay sa mga pinagkakatiwalaang mga website.
Ang mga resultang inilalabas nito ay nakabatay sa kalidad ng artikulo o website.
Ang paghahanap ay nakabatay sa titulo ng artikulo.
Nakapaghahanap ito ng mga produkto, balita , music, video at iba pa.
LINANGIN NATIN

GAWAIN B

Basahin ang isang sitwasyon sa ibaba pagkatapos ay tukuyin ang


search engine na angkop gamitin.

Si Obet ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang sya ay naatasan ng


kanyang guro na mag-ulat tungkol sa ibat ibang Gawaing Pang-industriya. Ano
kaya ang maaari niyang gawin upang mas mapadali ang pagkuha niya ng mga
datos na kanyang kailangan? Ano kayang mas angkop na search engine ang
maaari niyang
gamitin?
TANDAAN NATIN

Bawat website ay may layunin. Maaari itong magbigay ng mga


impormasyon,makatulong sa iyong pagkatuto,maging daan sa mas mabilis na
komunikasyon. Bagaman may iba-ibang mga feature ang mga search engine.
makakatulong pa rin ang pagkuha ng impormasyon gamit ang isa o dalawang
search engine upang masala at mahusay na makapangalap ng mga datos na
kakailanganin.

Marami pa ring mga search engine na pamimilian tulad ng Ask.com,


Dogpile, Mahalo at iba pa. Ngunit hindi lahat ng search engine ay may
kakayahang kalapin ang mga datos na kailangan kaya kailangan ang masinop at
matiyagang paghahanap.

GAWIN NATIN

1. Pumili ng isang isang topic na mas interesado kang malaman gamit ang isang
search engine.
2. Pagsagot sa mga tanong sa ibaba:
a. Ano ang napili mong search engine?
b. Nakuha mo ba ang mga impormasyong nais mong malaman?
c. Angkop ba itong gamitin ng lahat ng mga mag-aaral? Bakit?
SUBUKIN MO

Gamit ang alin sa mga sumusunod na search engine mangalap ng mga


impormasyong hinihingi sa ibaba.

google chrome internet explorer Mozilla Firefox

1. Pagpili ng educational videos na makatutulong sa inyong pag-aaral ng aralin sa


paghahalaman.
2. Makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga paraan ng pagpaplano ng
pamilya.
3. Makapagsaliksik tungkol sa mga napapanahong isyu sa bansa.
4. Makapili ng mga lugar na maaaring pagbakasyunan ng pamilya.
5.Madagdagan ang kaalaman sa mga negosyong patok sa kasalukuyan.

KAYA MO NA BA?

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na mga kaalaman o kasanayan?


Tsekan ( ) ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung
hindi pa.

KAALAMAN/KASANAYAN

1. Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng


impormasyon
2.Nakakakilala ng ibat ibang search engine
3. Nasusuri ang mga kakayahan ng isang search engine sa datos na
kailangan malaman
4. Nakukuha ng makabuluhang impormasyon gamit ang angkop na
search engine

PAGYAMANIN NATIN

Magsagawa ng panayam sa limang mag-aaral sa kolehiyo kung anong


search engine ang madalas nilang gamitin sa pagkuha ng mga makabuluhang
impormasyon. Gamitin ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Anong search engine ang kadalasan niyong ginagamit upang makapangalap ng


mga kinakailangang impormasyon? Bakit?
2. Naging angkop ba ang mga ito sa pagkuha ng mga mkabuluhang
impormasyon? Patunayan.
3. Bakit kailangang angkop ang search engine na gagamitin mo sa pagkuha ng
ibat ibang impormasyon?

KARAGDAGANG SANGGUNIAN

QUIPPERSCHOOL.COM
PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG IMPORMASYONG
ICT Aralin 12 GAMIT ANG ICT

Pagtiyak sa Kalidad ng Impormasyong Nakalap at ng mga Website na


Pinanggalingan Nito

NILALAMAN

Sa araling ito malalaman natin kung paano matitiyak ang kalidad ng


impormasyong nakalap at ng mga website na pinanggalingan nito. Maraming mga
website ang maaaring puntahan sa internet. Nariyan ang mga website na tungkol sa
mga laro, mga larawan, mga video at mga website na naglalaman ng mga artikulo at
impormasyon na nagpapataas ng ating kaalaman. Ngunit hindi lahat ng makikita nating
impormasyon sa internet ay mapagkakatiwalaan. Hindi lahat ay de-kalidad na
impormasyon o nagsasaad ng katotohanan. Kung kaya kailangan nating malaman kung
paano matitiyak na may kalidad ang nakalap nating impormasyon.

LAYUNIN

Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga website na


pinaggalingan nito.

KAYA MO NA BA?

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na mga kaalaman o kasanayan?


Tsekan ( ) ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung
hindi pa.

KAALAMAN/KASANAYAN

1. Nakikilala ang mga katangian ng isang mabuting website


2. Nakatitiyak sa kalidad ng mga impormasyong nakuha

3. Nakagagamit ng website sa pangangalap ng mga impormasyon

4.Nakakukuha ng mga makabuluhang impormasyon sa napiling


search engine

ALAMIN NATIN

Pangkatang Gawain A: VISIT AND SEE!

1. Pangkatin ang klase s apat.Pumili ng lider ng bawat pangkat.


2. Bisitahin ang mga sumusunod na websites sa bawat pangkat.
Pangkat 1: http://www.landbak.com
Pangkat 2: www.dfa.gov.ph
Pangkat 3: http//vine.co
Pangkat 4: http://disneycom/?intoverride=true

3. Ang bawat lider ng pangkat ay magsasagawa ng maikling pag-uulat batay sa


mga sumusunod na gabay na tanong:

- Ano ang mga pamantayang ginamit ng inyong grupo upang


masabing ang website ay de-kalidad o hndi.
- Ano ang gamit ng mga websites? Makatutulong ba ang mga ito sa
inyong
pag-aaral para sa mas malawak na kaalaman?
- Alin sa mga nabisita nyo nang website ang mas nagbigay sa inyo ng
mga de-kalidad na mga impormasyon?
PAANO NATIN MATITIYAK NA MAY KALIDAD ANG
IMPORMASYONG NAKALAP?

Narito ang ilang paraan upang matiyak natin na de-kalidad ang mga impormasyon
na maaari nating makuha sa internet.

1. Hanapin ang mga website na mayroong .edu at .gov sa address. Ang mga
impormasyon na makukuha sa mga website na mayroong .edu ay tiyak na
mapagkakatiwalaan at tiyak na de-kalidad. Ang mga gumagamit ng site na
mayroong .edu sa address ay mga eskwelahan o di kaya ay mga institusyon na
may kinalaman sa edukasyon. Madalas na mayroong publikasyon at journal sa
loob ng website ng mga eskwelahan. Ang mga impormasyon na nakalagay rito
ay dumaan sa masinop at malalim na pag-aaral kung kaya tunay na
mapagkakatiwalaan ang nakapaskil sa kanilang website.

Samantalang ang mga website na may .gov sa address ay mga opisyal na


website ng ahensya ng gobyerno. Dito ipinapaskil ang mga anunsyo o di kayay mga
bagong programa ng gobyerno.

Halimbawa:

www.upd.edu.ph ang opisyal na website ng Unibersidad ng Pilipinas


www.nha.gov.ph- ang opisyal na website ng National Housing Authority ng
Pilipinas. Ito ang nangangalaga sa pabahay ng bansa.

1. Kilalanin ang awtor. Upang makatiyak sa kalidad ng impormasyon na makukuha


sa internet, maaaring magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa awtor.
Maaaring alamin ang kanyang pinag-aralan, hanap-buhay, mga artikulong
nailathala na ng awtor, at iba pang impormasyon na makapagpapatunay na siya
ay dalubhasa tungkol sa paksa na nais malaman.

2. Tignan ang pagiging obhetibo ng impormasyon. Ang pagiging obhetibo ay


tumutukoy sa impormasyong walang kinikilingan o pinapanigan na kahit sino.
Tanging katotohanan lamang ang nais na ihatid sa mambabasa. Mapapansin ito
kung ipinapakita ng impormasyon ang kahinaan at kalakasan ng bawat panig ng
paksang tinatalakay.
3. Alamin kung napapanahon ang impormasyon. Alamin kung kailan naisulat ang
impormasyon na nakuha. May kinalaman ang petsa sa kalidad ng impormasyon
lalo na kung ang paksa ay madaling maapektuhan ng panahon tulad ng
teknolohiya o kayay ekonomiya. Dahil patuloy ang pag-unlad ng lipunan,
umuunlad din ang pag-aaral na nakapaloob dito.
4. Maaaring wala nang halaga ang isang impormasyon na matagal na panahon
nang naisulat dahil may mga bago nang impormasyong nakalap hinggil dito.
Hindi rin dapat agad na pagkatiwalaan ang mga artikulo na hindi nakalagay ang
petsa ng pagkakagawa nito.
5. Alamin ang kahalagahan ng impormasyon. Ang kahalagahan ng impormasyon
ay nakasalalay sa kung anong uri ng impormasyon ang nais hanapin. Kung
maghahanap ng de-kalidad na impormasyon sa internet, kailangan matiyak
muna natin ang halaga nito sa ating inaaral o sinasaliksik. Alamin kung mayroon
ba itong sinasabing bago hinggil sa bagay na ating inaaral. Kinakailangan ba
itong malaman ng mga tao dahil makakaapekto ito sa kanilang buhay? Ilan
lamang iyan sa mga kailangang isaalang-alang upang malaman ang
kahalagahan ng impormasyon

LINANGIN NATIN

Gawain B : Mga Katangian ng Isang Mabuting Websites

Muling balikan ang napag-aralang katangian ng mga websites at


punan ang sumusunod na graphic organizer.

Mga Katangian ng Isang De-Kalidad na Website

Iti
TANDAAN NATIN

Malaki ang tulong ng mga website a pangangalap ng mga


impormasyon.Siguradugin lamang na pasado ang napiling website sa pamantayan ng
may kalidad na website.
Bawat website ay may layunin. Maaaring magbigay ang mga ito ng
makabuluhang impormasyon, makatulong sa iyong pagkatuto, maging daan sa mas
mabilis na komunikasyon, magbenta o di kaya ay makapaglibang. Mahalagang nagging
mapanuri sa pagpili ng website na pagkukunan ng impormasyon. Dapat din tandaan na
maging responsable at mapanuri sa mga impormasyong makukuha sa Internet dahil
hindi lahat ng mga ito ay tunay at may basehan. Upang maiwasan ang pagkuha ng
maling impormasyon, pumunta lamang sa mga website na kilala at mapagkakatiwalaan

GAWIN NATIN

Gawain C: PAGKILALA SA GAMIT NG WEBSITE

Bisitahin ang mga sumusunod na websites. Kilalanin at suriin kung anong uri
ng impormasyon ang maaring makuha rito. Itiman ang bilog ng bilang na tumutukoy sa
gamit ng website.

WEBSITE 1 2 3 4 5

1. http://www.abcya.com

2. www.multiplication.com

3. http://www.scholasticas.com/kids/stacks/games/

4. http://www.facebook.com

5. www.ayosdito.com
Mga Gamit ng Website:
1- Makapagbigay ng impormasyon
2- Makatulong sa pagkatutosa aralin
3- Maging daan sa mas mabilis na komunikasyon sa ibang tao
4- Makapagbenta o makabili ng produkto
5- Makapaglibang at makapagbigay katuwaan

SUBUKIN MO

TAMA O MALI: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pahayag.

______1. Ang mga gumagamit ng site na mayroong .edu sa address ay mga


eskwelahan o di kaya ay mga institusyon na may kinalaman sa edukasyon.
______2. May kinalaman ang petsa sa kalidad ng impormasyon lalo na kung ang paksa
ay madaling maapektuhan ng panahon tulad ng teknolohiya o kayay
ekonomiya.
______3. Upang makatiyak sa kalidad ng impormasyon na makukuha sa internet,
maaaring magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa awtor
______4. Hindi na importanteng malaman kung saan nakalap ang mga impormasyon.
______5. Alamin kung napapanahon ang impormasyon.

KAYA MO NA BA?

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na mga kaalaman o kasanayan?


Tsekan ( ) ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung
hindi pa.

KAALAMAN/KASANAYAN

1. Nakikilala ang mga katangian ng isang mabuting website

2. Nakatitiyak sa kalidad ng mga impormasyong nakuha


3. Nakapagbibigay ng kaalaman tungkol sa impormasyong may
kalidad
4.Nakakukuha ng mga makabuluhang impormasyon sa napiling
search engine.

PAGYAMANIN NATIN

SURIIN ANG WEBSITE!

Bisitahin ang website na ibibigay ng guro. Suriin itong mabuti at husgahan


gamit ang inihanay na pamantayan ng isang mabuting website. Para sa bawat batayan,

iguhit ang masayang mukha kung pasado ang site at malungkot na

mukha

Pangalan ng Website:
URL Address:

MAG-AARAL: HATOL

1. Malinaw ang mga impormasyong nakasulat.

2. Nailahad ng malinaw ang layunin ng website.

3. May malinaw na paliwanag ang mga larawan.

4. Naiinitindihan ang font na ginamit.

5. Hindi nakaaabala sa pagbabasa ang mga kulay at disenyong ginamit.

6. Gumagana lahat ng links.

7. Mabilis ang pagkarga ng website.

8. Makabuluhan ang mga impormasyong makukuha sa website.

9. Madaling malaman kung sino ang gumawa ng website.

10. Tiyak na babalik ang sinumang bumisita sa website na ito.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN

QUIPPERSHOOL.COM

You might also like