You are on page 1of 4

VR INTEGRATION LESSON PLAN

I. Topic: Alamat Alamat ng Saging


II. Objectives:
Matapos ang ilang gawain, ang mga mag-aaral sa ika-7 baitang ng LNU ILS ay
inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod nang may 75% na kawastuhan:
a. natutukoy ang mga pangunahing tauhan sa alamat;
b. naiuugnay ang mga pangyayari sa nabasang alamat sa totoong buhay; at
c. naihahayag ang nakitang mensahe sa napanood na alamat.

III. Presentation:
I. Motivation
Bago magsimula ang talakayan ay maglalaro muna ang mga mag-aaral ng
larong Benjie Bananas sa ipapahiram na mga smartphones. Kung sino man
magkakamit ng pinakamataas na score sa laro ay bibigyan ng karagdagang
puntos.
Pagkatapos ng laro ay magtatanong ang guro gamit ang mga sumusunod:
1) Ano ang napansin niyo sa laro?
2) Nahirapan ba kayo? Challenging ba?
3) Nasiyahan ba kayo?
4) Anong klaseng prutas ang kinukuha ng karakter sa laro?
5) Mula sa larong ito ano sa tingin niyo ang tatalakayin natin ngayong araw na
__ito?

II. Virtual Reality Presentation


Gamit ang mga smartphones at ang virtual reality box,sa loob ng limang
minuto (5) may ipapakitang kwento/alamat ang guro kung saan ito ay
pinamagatang Ang Alamat ng Saging.
III. Generalization
Pagkatapos mapanood ng mga mag-aaral ang kwento/alamat, itatanong
ng guro ang mga sumusunod:
1) Ano ang masasabi niyo sa alamat na napanood?
2) Sino ang mga tauhan sa alamat na napanood?
3) Tama ba ang ginawa ng kanyang ama na tanggalan siya ng kalayaan?
4) Nangyayari pa ba sa totoong buhay ang kaugaliang pagpili ng mga
magulang sa mapapangasawa ng kanilang anak katulad sa alamat na
napanood?
5) Ano ang nais ipabatid ng alamat na pinamagatang Alamat ng Saging sa
mga mambabasa/manonood?

IV. Assessement
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at bilugan ang tamang sagot.
1. Sino ang nagligtas kay Juana sa kanyang selda?
A. Aging B. Agung C. Aguilos D. Angelo
2. Ano ang pinakaimportanteng bahagi ng kanyang katawan para kay
____________Aging?
A. Paa B. Braso C. Kamay D. Puso
3. Ang mga sumusunod ay mga kayang gawin ng may mahikang kamay
ni Aging, MALIBAN sa isa.
A. magmahal B. manakit C. magsilbi D. magtanggol
4. Ano ang pangarap ng ama ni Juana para sa kanya?
A. Maging prinsesa siya.
B. Maging tagapagmana ni Don Felipe.
C. Maging alkalde siya ng kanilang bayan.
D. Wala sa mga nabanggit.
5. Bakit pinutol ang kamay ni Aging?
A. Dahil nagnakaw si Aging ng pera.
B. Dahil ninakaw ni Aging ang puso ni Juana.
C. Dahil itinakas ni Aging si Juana sa mansyon.
D. Dahil pinatay ni Aging si Don Felipe sa kanyang silid.
6. Anong halaman ang tumubo sa pinaglibingan ni Juana ng kamay ni
Aging?
A. atis B. bayabas C. saging D. santol
7. Kung ikaw ang ama ni Juana, hahadlangan mo rin ba ng pag-ibig ng
iyong anak?
A. Hindi, dahil wala akong pakialam kung ano ang gusto at gawin ng aking
anak.
B. Hindi, dahil nais kung maging malaya at masaya ang aking anak.
C. Oo, dahil ako ang ama at ako ang magdidikta sa kanyang buhay.
D. Oo, dahil ito ay para sa kanyang kinabukasan.
8. Makatwiran ba ang dahilan ng ama ni Juana sa pagputol sa kamay ni
Aging?
A. Oo, dahil mahirap siya.
B. Hindi, dahil wala siyang kasalanan.
C. Oo, dahil siya ay nagkasala at nararapat lang na parusahan.
D. Hindi, dahil malinis ang intensyon at pag-ibig ni Aging para kay Juana.
9. Ano ang aral na napulot sa kwento?
A. Maging mapagmataas.
B. Huwag maging mamamatay tao.
C. Maging madaya para makaangat.
D. Huwag diktahan ang puso ng anak.
10. Kung ikaw si Juana, susundin mo ba ang nais ng iyong ama na
______magpakasal sa mayaman?
A. Oo, dahil ama ko pa rin siya.
B. Oo, dahil nais kong yumaman siya.
C. Hindi, dahil wala akong ama na ganid.
D. Hindi, dahil wala siya pagmamahal sa akin.
11. Pinya: Mata, Saging: ________.
A. kamay B. mukha C. tiyan D. wala sa nabanggit
12. Ilang kamay ang pintuol kay Aging?
A. dalawa B. isa C. lima D. walo
13. Ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Juana, Sa kanya ang aking puso?
A. Ibinenta niya ang kanyang puso.
B. Hiniram niya ang puso ni Aging.
C. Ninakaw ang kanyang puso.
D. Mahal niya si Aging.
14. Ano ang ginawa ni Juana sa kamay ni Aging?
A. Itinapon niya sa ilog.
B. Inilibing niya sa hukay.
C. Ibinenta niya sa mayaman.
D. Pinakain niya sa alagang aso.
15. Ano ang pangalan ng ama ni Juana?
A. Basilio B. Julio C. Kardo D. Tado

You might also like