You are on page 1of 2

Mga SALAWIKain

Ni: Julie Ann C. Berin

Sapat na ang isa.


ang dalaway sobra na,
makatlo ay siyang malala

Ang kabutihang-asal
Hindi man maisanglay
Katumbas ay kayamanan

Ang dilang matalim


kung makahiway malalim

Ang tuso pagtinusoy


Nagagalit man din

Ang pakitang-gilas
Dinaramdam ang bulalas

Kung tuwinay bukambibig ang pagdarahop


Ano pa kaya ang biyayang iyong masasalok

Kung iyong ibig


Kuyugin mo nang mabatid

Ang ahas,gaano man kaganday


Hayop pa ring maituturing
ANEKDOTA
Ni: JULIE ANN C. BERIN

Lunes ng umaga biglang nagpatawag ng isang pagpupulong ang

Punong Guro.Huli na nang mabasa ni France ang sulat na nagsasabing ang

pagpupulong ay gaganapin sa Computer Laboratory sa ganap na ika-8:00 ng

umaga.Dahil huli na nang makarating sa kanya ang komunikasyon, kaya

nagmadali siyang nagtungo sa lugar na pagdarausan ng pagpupulong.

Nabigla siya nang pagdating niya ay wala nang mga guro, kinabahan siya

sapagkat ang akala niyang mali ang nabasa niya sa komunikasyon,kaya

nanlumo siya.Biglang dumating ang punong guro at nagbigay-galang siya at

sinabi nitong siya ang pinakaunang dumating kaya siya ang unang pinagtala

ng pangalan sa listahan para sa pagpupulong na iyon.Tahimik na tumawa na

lamang si France dahil sa pag-aakalang siya ay nahuli, iyon pala siya ang

nauna.

You might also like