You are on page 1of 21

Persepsyon ng mga sa mag-aaral ng accountancy ng DLSU-D sa pag record ng kita

Ipinasa nina:

Miranda, Royette B.

Ayala, Jose Gabriel Sevilla

Bretzlaff, Kenneth

BSA11

Ipinasa kay:

G. Nathaniel S. Golla

1
Introduksyon (MOVE 1)

Ang kabuhayang pandaigdigan o ekonomiks na pandaigdigan o world economics ay

nakatuon sa mga epekto ng gawaing pang-ekonomiya ng mga pagkakaibang pandaigdigan sa

mga napagkukunang pamproduksiyon at mga kagustuhan ng tagakonsumo at ng mga institusyon

na nakakaapekto sa kanila. Nilalayon nitong maipaliwanag ang mga gawi at mga kinahihinatnan

ng mga transaksiyon at mga interaksiyon sa pagitan ng mga naninirahan sa iba't ibang mga

bansa, kabilang na ang pangangalakal, pamumuhunan, at migrasyon. Ayon kay Chrisee Dela Paz

(2016) Ang ekonomik rate ng Pilipinas ay tumaas ng galing sa 0.2% ng taong 2016 at ito ay

inaasahan pang tumaas dahil sa mga lumalagong business process outsourcing (BPO) industry.

Hindi maitatanggi na sa panahon ngayon marami ang mga tao na nagne-negosyo. Dahil

dito ang kanilang mga pag record ng kita ay isang mahalagang bagay na dapat pag-aralan at

tutukan. Ayon kay John Freedman (1998, p1) Measuring revenue is key to being able to

understand the profitability of your business.

Lahat ng negosyante ay mayroong iisang pakay at yun ang kumita ng pera mula sa

kanilang mga negosyo. Sa pag rekord ng kita/benta ng kompanya nagkakaroon ng problema ang

kanilang mga accountant dahil ang pag rekord ng kita ay nahahati sa dalawa. Ayon sa Accrual

Assumption ng Generally Accepted Accounting Principles(GAAP) Revenues should be

recognized based on the period they relate or based on the occurrence of the transaction or

event rather than based on cash received. Pinapaliwanag dito na dapat ang kita ay nirerekord

na kaagad kahit na hindi pa natatanggap ang pera. Ngunit ang mga tao ay natatakot na gumamit

ng Accrual Assumption dahil sa paraan ng pag rekord na ito, ang negosyo ay mayroong

malaking posibilidad na malugi kaya naman mas gusto nila na gumamit ng Cash basis, kung

saan ang kita/benta ay nirerekord pag natanggap mo na ang pera mula sa iyong

2
serbisyo/produktong binenta. Kaya naman itong pag rekord ng kita ay malaking problema ng

mga accountant at negosyante sa kasalukuyang panahon. Ayon kay Cameron McCool (2017) ang

cash basis ay benepisyal sapagkat madali na nalalaman ng negosyante kung ilan na ang nailabas

na pera at kinita ng kompanya.

Ayon sa Association of Chartered Certified Accountants(ACCA) (2014) mas madali ang

paraan ng Cash Basis dahil hindi na kailangan mag adyast ng mga dokumentong pinansyal

sapagkat hindi ito tumatanggap ng utang at ito rin ay mas siguradong paraan upang hindi malugi

ang kompanya. Sa pahayag naman ni Jacob Soll(2016) pag ang negosyo ay gumamit ng Accrual

Basis ito raw may mas madaling maloko at malugi dahil nga ito ay nag rerecord ng kita kahit na

ito ay utang.

MOVE 2

STEP 1 A.

Pinapahayag ni Raj Gnanarajah sa kanyang pananaliksik ukol sa Cash Versus Accrual

Basis of Accounting (2014) Accrual basis accounting leads to a better understanding of the

financial condition of a business compared to the results under Cash Accounting. Ngunit sa

panahon ngayon maraming mga tao na mas gusto na nakukuha nila kaagad ang pera/kita mula sa

kanilang mga serbisyo/produkto. Sa kanyang pananaliksik hindi nya masyadong naisip na ang

mga susunod na henerasyon ay mas gugustuhin na gumamit ng Cash Basis hindi lang sa

kadahilanang ito ay mas simple kumpara sa Accrual Assumption ngunit ito rin ay mas sigurado

at kakaunti lamang ang posibilidad sa pagkalugi ng negosyo.

3
STEP 1 B.

Ang pananaliksik na ito ay susubukang alamin at tuklasin na ang Cash Basis ay mas

nagagamit kumpara sa Accrual Assumption. Ayon kay Tim Ord(2014) ang cash basis ay mas

nakakasigurado na ang negosyo ay mayroong istaybol na daloy ng pera.

STEP 2.

Ayon kay David Andrus (2006) na ang cash basis ay mas ginagamit ng mga maliliit na

negosyo sa kadahilanang mas simple ang paraan ng pagtala ng kita nito kumpara sa Accrual

Assumption at ang mga ibang maliliit na negosyo ay hindi na sinusunod ang mga patakaran ng

tamang accounting system dahil ang pakay lamang ng kanilang mga negosyo ay ang kumita ng

pera mula sakanilang benta ng serbisyo at produkto.

Move 3

STEP 1

Bilang tugon sa pangangailangan na malaman ang pag rekord ng kita ng mga mag-aaral

ng accountancy ng DLSU-D, ang pananaliksik na ito ay magtatangkang sukatin ang persepsyon

ng mga nasabing respondents.

STEP 2

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang pananaw/persepsyon ng mga respondents sa prinsipyo ng Accrual Assumption?

2. Ano ang pananaw/persepsyon ng mga respondents sa mga prinsipyo ng cash basis?

4
B. Teoryang Pangsuporta

Ayon sa Instant Gratification Theory, ang mga tao ay mas gusto na nakukuha nila kaagad

ang kanilang mga kagustuhan, ayaw nila ng sila ay pinaghihintay dahil sila ay nahihirapan at

gusto rin nila mapunan ang kanilang satispaksyon sa kanilang mga sarili. (Patel, 2014). Ito

marahil ang paliwanag kung bakit mas ginugusto ng mga tao ngayon na gamitin ang cash basis

kumpara sa accrual assumption

METHODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pag-aaral:

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib na

pananaliksik. Ayon kay Best and Kahn (2007), "Ang terminong deskriptiv na pananaliksik ay

madalas na ginagamit nang mali upang ilarawan ang tatlong uri ng imbestigasyon na magkaiba.

Marahil ang kanilang mababaw na pagkakatulad ay matatakpan ang kanilang mga pagkakaiba.

Ang bawat isa sa mga ito ay proseso ng disiplinadong pagtatanong sa pamamagitan ng pagtitipon

at pagtatasa ng mga impirical data, at ang bawat pagtatangka upang bumuo ng kaalaman. Upang

gawin ito ng maayos, ang bawat isa ay nangangailangan ng kadalubhasaan ng maingat at may

sistema imbestigador. Ang isang maikling paliwanag ay maaaring magsilbi upang ilagay ang

bawat isa sa tamang pananaw. "

A. Mga kalahok (Participants)

Ang respondents ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Accountancy ng CBAA na

may kabuoang bilang na 400. Gagamit ng slovins formula upang makuha ang dami ng sampol.

5
Gagamitin din ang cluster random sampling upang makakuha ng angkop na sampol upang

kumatawan sa buong populasyon. Sa paraang ito, bawat kurso ay may kinatawan sa sampol.

B. Mga Teknik at Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos:

Gagamit ang mga mananaliksik ng sarbey upang kanilang maging instrumento sa

pagkalap ng mga datos mula sa kanilang napiling sampol. Sila ay bubuo ng talatanungan na may

sampung tanong. Ang unang bahagi ng talatanungan ay nagsasaad ng lebel ng kaalaman at ang

pangalawang bahagi ay ang lebel ng pagsunod sa patakaran.

C. Pagsusuri ng mga Datos

Bilang pagsusuri ng mga datos, maingat na ita-tally ng mga mananaliksik sa

pamamagitan ng pagtatara ang mga resulta ng sarbey at gagawa ng teybol para ma-organisa

ang mga resulta. Isasaayos ang mga datos batay sa mga suliranin ng pananaliksik.

6
Bibliyografi

Chrisee Dela Paz (2016) http://www.rappler.com/business/159457-philippines-gdp-

growth-forecast-standard-chartered

John Freedman (1998) http://smallbusiness.chron.com/importance-measuring-revenue-

67227.html

Generally Accepted Accounting Principles

( GAAP)http://www.investopedia.com/ask/answers/011315/why-does-gaap-require-accrual-

basis-rather-cash-accounting.asp

Cameron Mccool (2017) https://bench.co/syllabus/accounting/cash-accounting-vs-

accrual-accounting/

Association of Chartered Certified Accountants (2014)

http://www.accaglobal.com/gb/en/technical-activities/technical-resources-

search/2013/july/cash-accounting.html

Jacob Soll (2016)

https://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=2&cad=rja&uact

=8&ved=0ahUKEwiJ4f-

c0ufTAhUBgrwKHZ0dBHcQFggnMAE&url=http%3A%2F%2Fsearch.proquest.com%2Fop

enview%2F5bb876700532b98db9b560c5303a3eeb%2F1.pdf%3Fporigsite%3Dgscholar%26

cbl%3D26015&usg=AFQjCNEfjZnbGcMPgzn4uXVcu2v5zWUnHQ

Raj Gnanarajah (2014) https://fas.org/sgp/crs/misc/R43811.pdf

Tim Ord (2014) http://www.mysmp.com/fundamental-analysis/cash-accounting.html

7
David Andrus (2006)

http://scholarsarchive.byu.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=2027&context=etd

Neil Patel (2014) https://www.entrepreneur.com/article/235088

Best and Kahn (2007)

http://ijtbm.com/images/short_pdf/Apr_2012_NEERU%20SALARIA%202.pdf

Biswas at Rahman (2015) file:///C:/Users/Acer/Downloads/51%20(1).pdf

Maurits Brandon (2007) http://dare.uva.nl/cgi/arno/show.cgi?fid=93949

Danescu at Rus (2013) http://www.oeconomica.uab.ro/upload/lucrari/1520132/07.pdf

Porntip Chotkunakitti (2005)

http://epubs.scu.edu.au/cgi/viewcontent.cgi?article=1018&context=theses

Carmen Joosten (2012) http://arno.uvt.nl/show.cgi?fid=127248

8
Teybol 1. Higit na nakakatulong ang cash basis kesa sa accrual assumption sa pagtatala ng kita
ng kompanya.
SAGOT BILANG BAHAGDAN
Lubos na sumasangayon 0 0%

Sang ayon 186 62%

Hindi sang ayon 43 14.33%

Lubos na di-sumasang ayon 9 3%

Neutral 62 20.67%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 1 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Higit na


nakakatulong ang cash basis kesa sa accrual assumption sa pagtatala ng kita ng kompanya..
Pinapakita dito na karamihan sa mga sumagot ay sumasang ayon na may bilang na 186 o 62% ng
kabuoang bilang ng respondents na 300. Pinapakita din dito na walang lubos na sumasang ayon
sa tanong na ito.

9
Teybol 2. Sa Cash Basis nakikita agad ang tunay na kalagayang finansyal ng kompanya.

SAGOT BILANG BAHAGDAN


Lubos na sumasangayon 132 44%

Sang ayon 87 29%

Hindi sang ayon 23 7.6%

Lubos na di-sumasang ayon 52 17.3%

Neutral 6 2%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 2 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Sa Cash Basis


nakikita agad ang tunay na kalagayang finansyal ng kompanya.. Pinapakita dito na karamihan
sa mga sumagot ay lubos na sumasang ayon na may bilang na 132 o 44% ng kabuoang bilang ng
respondents na 300. Sumunod naman sa bilang ng nakakarami ay ang mga sang ayon na may
bilang na 87 o 29% ng kabuoang bilang ng respondents na 300.

10
Teybol 3. Mabilis na nalulugi ang negosyo pag ito ay gumamit ng accrual assumption.
SAGOT BILANG BAHAGDAN
Lubos na sumasangayon 0 0%

Sang ayon 0 0%

Hindi sang ayon 208 69.33%

Lubos na di-sumasang ayon 78 26%

Neutral 14 4.67%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 3 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Mabilis na


nalulugi ang negosyo pag ito ay gumamit ng accrual assumption. Pinapakita dito na karamihan
sa mga sumagot ay hindi sang ayon na may bilang na 208 o 69.33% ng kabuoang bilang ng
respondents na 300. Sumunod naman sa bilang ng nakakarami ay ang mga lubos na di sumasang
ayon na may bilang na 78 o 26% ng kabuoang bilang ng respondents na 300.

11
Teybol 4. Maayos ang daloy ng pera pag cash basis ang gamit sa pagtatala ng kita ng kompanya.
SAGOT BILANG BAHAGDAN
Lubos na sumasangayon 125 41.67

Sang ayon 124 41.33%

Hindi sang ayon 46 15.33%

Lubos na di-sumasang ayon 0 0%

Neutral 5 1.67%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 4 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Maayos ang


daloy ng pera pag cash casus ang gamit sa pagtatala ng kita ng kompanya. Pinapakita dito na
karamihan sa mga sumagot ay lubos na sumasang ayon na may bilang na 125 o 41.67% ng
kabuoang bilang ng respondents na 300. Kadikit naman nito sa bilang ng nakakarami ay ang
mga sumasang ayon na may bilang na 124 o 41.33% ng kabuoang bilang ng respondents na 300.

12
Teybol 5. Ang Cash basis ay dapat isama sa Generally Accepted Accounting Principle (GAAP)?
At bakit?

SAGOT BILANG BAHAGDAN


Lubos na sumasangayon 0 0%

Sang ayon 0 0%

Hindi sang ayon 37 12.33%

Lubos na di-sumasang ayon 263 87.67

Neutral 0 0%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 5 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Ang Cash basis
ba ay dapat isama sa Generally Accepted Accounting Principle (GAAP)? Pinapakita dito na
walang sumasang ayon sa pagsama ng cash basis sa GAAP. Nangunguna sa bilang ng mga sagot
ay ang lubos na di sumasang ayon na bilang na 263 o 87.67% sa kabuong bilang ng respondents
na 300.

13
Teybol 6. Ang cash basis ay mas pinipili ng mga negosyante sa pagtatala ng kanilang kita dahil
mas simple itong maunawaan.

SAGOT BILANG BAHAGDAN


Lubos na sumasangayon 37 12.33%

Sang ayon 156 52%

Hindi sang ayon 86 28.67%

Lubos na di-sumasang ayon 21 7%

Neutral 0 0

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 6 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na . Ang cash


basis ay mas pinipili ng mga negosyante sa pagtatala ng kanilang kita dahil mas simple itong
maunawaan. Pinapakita dito na karamihan sa mga sumagot ay sang ayon na may bilang na 156
o 52% ng kabuoang bilang ng respondents na 300. Sumunod naman sa bilang ng nakakarami ay
ang mga hindi sang ayon na may bilang na 86o 28.67% ng kabuoang bilang ng respondents na
300.

14
Teybol 7. Ang accrual assumption ay komplikado at may komplikasyon sa maraming aspeto sa
accounting
SAGOT BILANG BAHAGDAN
Lubos na sumasangayon 0 0%

Sang ayon 0 0%

Hindi sang ayon 272 90.67%

Lubos na di-sumasang ayon 28 9.33%

Neutral 0 0%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 7 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Ang accrual


assumption ay komplikado at may komplikasyon sa maraming aspeto sa accounting Pinapakita
dito na karamihan sa mga sumagot ay hindi sang ayon na may bilang na 272 o 90.67% ng
kabuoang bilang ng respondents na 300. Sumunod naman sa bilang ng nakakarami ay ang mga
lubos na di sumasang ayon na may bilang na 28 o 9.33% ng kabuoang bilang ng respondents na
300. Pinapakita din dito na walang komplikasyon sa maraming aspeto sa accounting ang accrual
assumption.

15
Teybol 8. Ang accrual assumption ay naaangkop lamang sa teorya subalit hindi ito gaanong
mabisa sa tunay na aplikasyon.
SAGOT BILANG BAHAGDAN
Lubos na sumasangayon 0 0%

Sang ayon 4 1.33%

Hindi sang ayon 233 77.67%

Lubos na di-sumasang ayon 25 8.33%

Neutral 38 12.67%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 8 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Ang accrual


assumption ay naaangkop lamang sa teorya subalit hindi ito gaanong mabisa sa tunay na
aplikasyon. Pinapakita dito na karamihan sa mga sumagot ay hindi sang ayon na may bilang na
233 o 77.67% ng kabuoang bilang ng respondents na 300. Sumunod naman sa bilang ng
nakakarami ay ang mga lubos na di sumasang ayon na may bilang na 25 o 8.33% ng kabuoang
bilang ng respondents na 300.

16
Teybol 9. Ang accrual assumption ay dapat itanghal na istandard ng tamang pagtatala ng kita ng
kompanya.
SAGOT BILANG BAHAGDAN
Lubos na sumasangayon 300 100%

Sang ayon 0 0%

Hindi sang ayon 0 0%

Lubos na di-sumasang ayon 0 0%

Neutral 0 0%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 9 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Ang accrual


assumption ay dapat itanghal na istandard ng tamang pagtatala ng kita ng kompanya. Malinaw
na ipinapakita dito na ang accrual assumption ay lubos na pinang sasangayunan ng lahat ng
sampol na may bilang 300 o 100% ng respondents na may bilang 300.

17
Teybol 10. Sa pangkalahatan , ang accrual assumption ang mas mabisang paraan sa pagtatala.
SAGOT BILANG BAHAGDAN
Lubos na sumasangayon 63 21%

Sang ayon 209 69.67%

Hindi sang ayon 0 0%

Lubos na di-sumasang ayon 0 0%

Neutral 28 9.33%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 10 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Sa


pangkalahatan , ang accrual assumption ang mas mabisang paraan sa pagtatala. Pinapakita dito
na karamihan sa mga sumagot ay sang ayon na bilang na 209 o 69.67% ng kabuboang bilang ng
respondents na 300. Sumunod naman sa bilang ang mga lubos na sumasang ayon na may bilang
na 63 o 21% ng kabuoang respondents na 300. Malinaw na pinapakita dito na walang hind
sumasang ayon sa tanong na ito.

18
Teybol 11. Sa pangkalahatan , ang cash basis ang mas mabisang paraan sa pagtatala.
SAGOT BILANG BAHAGDAN
Lubos na sumasangayon 0 0%

Sang ayon 0 0%

Hindi sang ayon 10 3.33%

Lubos na di-sumasang ayon 282 94%

Neutral 8 2.67%

TOTAL 300 100%

Ang Teybol 11 ay nagpapakita ng sagot ng mga respondents sa tanong na Sa


pangkalahatan , ang cash basis ang mas mabisang paraan sa pagtatala. Pinapakita dito na
karamihan sa mga sumagot ay lubos na di-sumasang ayon na bilang na 282 o 94% ng kabuboang
bilang ng respondents na 300. Sumunod naman sa bilang ang mga di sang ayon na may bilang na
10 o 3.33% ng kabuoang respondents na 300. Malinaw na pinapakita dito na walang sumasang
ayon na ang cash basis ay mas mabisang paraan ng pagtatala.

19
Diskusyon

Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita nang persepsyon ng mag aaral ng accountancy sa

Accrual assumption at Cash basis. Pinapakita sa resulta ng sarbey na ang accrual assumption pa

din ang mas benepisyal na paraan ng pagtatala ng kita. Ito ay kaparehas din ng pananaliksik ni

Biswas at Rahman (2015) ang accrual assumption ay mas nagagamit kumpara sa cash basis

sapagkat ito ay nagpapakita ng mga datos na pwedeng tignan sa pag gawa ng desisyon ng

kompanya para sa hinaharap. Ganito rin ang pinapakita sa pananaliksik ni Maurits Brandon

(2007) na hindi lamang ang pera ang kailangan ng isang kompanya, nararapat din na malaman

ang mga mahahalagang impormasyon na kinakailangan ng negosyo, sa kadahilanang ito mas

nararapat na gamitin ang accrual assumption sapagkat ito ay nagbibigay ng sapat na datos na

makakatulong sa pag gawa ng desisyon ng kompanya.

Ipinapakita sa pananaliksik na ito na mas kinikilingan ng mga accountancy ang accrual

assumption. Ganito din ang resulta sa pananaliksik ni Danescu at Rus (2013) na ang cash basis

ay nagpapakita lamang ng datos sa pangkasalukuyang panahon. Samantalang, ang accrual

assumption ay nagpapakita ng datos sa pangkasalukuyan at hinaharap. Parehas din ng aming

pananaliksik ang resulta sa pananaliksik ni Porntip Chotkunakitti (2005) na ang pag gawa ng

desisyon sa hinaharap may mas mahalaga sa kita na natatanggap mo sa kasalukuyan, kaya naman

ang accrual assumption ang mas kailangan gamitin kumpara sa cash basis dahil ito ay

nagpapakita ng daloy ng pera na makakatulong sa pag buo ng desisyon para sa kinabukasan ng

kompanya. Ganito din ang lumabas sa pananaliksik ni Carmen Joosten (2012).

20
Kongklusyon

Batay sa pananaliksik na ito, maaaring ipagpalagay na ang accrual assumption ay dapat

na itanghal na istandard na paraan na pag rekord ng kita sapagkat ito ay nagbibigay ng mga datos

at impormasyon na makakatulong sa pag buo ng desisyon para sa ikabubuti ng negosyo sa

hinaharap. Ito ay mahalagang kaalaman na dapat sinusunod natin ang tamang paraan ng pag

rekord na kita dahil sa negosyo hindi lamang ang pera na natatanggap ang importante, nararapat

din na alamin natin ang magiging lagay ng negosyo sa pang hinaharap upang hindi ito malugi.

Bukod pa dito, pinapakita din ng pag aaral na ito na ang cash basis ay hindi mabisang

paraan ng pagtatala dahil sa kakulangan nito sa impormasyon. Pinapakita din dito sa

pananaliksik na ang cash basis ay hindi nararapat na isama sa Generally Accepted Accounting

Principle (GAAP) dahil ang accounting ay ginagamit sa pag buo ng desisyon at hindi

nakakatulong ang cash basis sa pagbuo nito sapagkat ito lamang ay nagpapakita ng lagay at

daloy ng pera o kita sa pangkasalukuyan, hindi nito nasasabi kung hanggang kalian lamang ang

kayang itagal ng negosyo.

Rekomandasyon

Para sa mga negosyante, nirerekomenda ng mga mananaliksik na pag isipan ng mabuti

ang paraan ng pagtatala ng kita dahil ito ay isang kritikal na bagay na dapat tutukan pag ikaw ay

magtatayo at magpapatakbo ng isang negosyo.

Para sa iba pang mananaliksik, nirerekomenda ng mga mananaliksik ang mas malawak

pa na sakop ng pag-aaral. Isa ring punto na nararapat na tingnan ay ang pagsukat sa epekto ng

accrual assumption at cash basis sa mga negosyo na nakatayo.

21

You might also like