You are on page 1of 2

PANIMULA

Ang kahalagahan ng wika sa mga tao rito sa mundo ay hindi maitatanggi. Ito ang

naging daan upang maibahagi sa isa’t isa ang kanikanilang mga ninanais at niloloob. Ang

wika ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin

at kaisipan (Espina at Borja 1999). Ang kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa

isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng

kanyang karanasan, kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga

pangarap at mithiin.

Ang isang interbyu sa trabaho ay isa-sa-isang pakikipanayam na binubuo ng isang

pag-uusap sa pagitan ng isang aplikante ng trabaho at isang kinatawan ng isang employer

na isinasagawa upang masuri kung ang aplikante ay dapat tanggapin sa trabahong

inaaplayan nito. Ang pag-iinterbyu sa mga aplikante ay isa sa mga pinaka-popular na

ginagamit na mga paraan para sa pagpili ng mga empleyado. Nagsimula ang pagkakaroon

ng interbyu sa paghahanap ng mga empleyado noong 1921 nang gumawa si Thomas Edison

ng isang pagsusulit para sa mga kandidato para sa trabaho. Maraming uri ng interbyu sa

trabaho ang ginagamit, depende sa kung anong trabaho ang paggagamitan nito. At dahil

isa itong interbyu o pakikipanayam at isa itong uri ng komunikasyon sa pagitan ng

aplikante at kinatawan ng isang employer, ito ay gumagamit ng wika. Ang wikang Ingles,

bilang ang unibersal na wika, “business language” at ang pangalawang opisyal na wika ng

bansa, ang isang wikang madalas na gamitin ng mga employer sa pag-iinterbyu sa kanilang

mga aplikante. Sinasabi na 93.5% ng mga Pilipino ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng

wikang Ingles ng mabuti (Department of Tourism, 2009).


Ngunit sa kabilang banda, kahit na masasabing mas ginagawang handa ng K-12

Curriculum ang mga mag-aaral para sa ganitong pagkakataon, may iba’t ibang saloobin at

pananaw ang mga mag-aaral na sa mga susunod na mga taon ay isa na sa mga magiging

aplikante at iinterbyuhin para sa kanilang inaaplayan na mga trabaho.

Sa huli, ano mang wika ang gamitin sa pag-iinterbyu ng mga aplikante sa isang

partikular na trabaho, ito ay makakatulong sa mga employer upang malaman kung

karapatdapat nga ba sa isang posisyon ang isang aplikante.

You might also like