You are on page 1of 14

Panitikang Filipino

Mga Kasanayan:
1. Mababalangkas ang simu-simula at pag-unlad ng iba’t ibang anyo ng panitikang Filipino sa iba’t ibang panahon
simula noong panahon bago dumating ang mga kastila hanggang sa kasalukuyan.
2. Makilala ang akdang pampanitikan at mga may-akda na kinatawan ng bawat panahon na nag-iwan ng tatak
sa buhay ng kapilipinuhan.

Piliin ang titik ng tamang sagot’

1. Si Gaspar Aquino de Belen ay sumulat ng mahabang tula tungkol sa buhay ng ating Panginoong Jesu Kristo, nang
lumaon ay tinawag na pasyon. Ang kahawig nitong genre ay ang_____________________________.
A. Tibag B. Panuluyan C. Senakulo D. Doctrina Cristiana
2. Ang mga nagsisulat hindi upang basahin kundi upang pakinggan ay ang mga manunulat noong panahon ni
________________.
A. Balagtas B. AGA C. Mangahas D. Mabanglo
3. Ang panahong nagbigay pansin sa mga manunulat sa Kastila, Ingles at Tagalog ay _______________________.
A. Amerikano B. Hapon C. Kontemporaryo D. Kastila
4. Noong 1930 bumagsak ang pantanghalang pagtatanghal ng mga Tagalong dahil sa nagsimula ang pagpapalabas
ng _______________.
A. Pelikulang Pilipino B. Sarswelang Pilipino C. Komedya D. Stage show
5. Noong panahon ng aktibismo pinaksa ang ____________________________.
A. Kabulukan ng lipunan at pulitika C. kahilingan para sa reporma
B. Nasyonalismo D. karanasan ng mga tao ng nakaraang panahon
6. Ang nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak pagsulat ng maikling kuwento noong panahon ng Hapon ay ang
________________________.
A. Lupang Tinubuan C. Uhaw ang Tigang na Lupa
B. Kuwento ni Mabuti D. Lungsod, nayon at Dagat-dagatan
7. Ang gumamit ng kalipunan ng mga dasal satirical bilang panunuligsa sa mga prayle ay si _____________.
A. Marcelo H. Del Pilar C. Jose Rizal
B. Graciano Lopez Jaena D. Pedro Paterno
8. Ang tinaguriang Ama nng Maikling Kuwentong Tagalog ay si_____________
A. Valeriano H. Peňa C. Deograsya Roario
B. Lope K. Santos D. Severino Reyes
9. Ang aklat na isinulat ni Modesto de Castro na patungkol sa kagandahang-asal ay ang _____________.
A. Nuestra Seňora del Rosario C.Urbana at Feliza
B. Doctrina Cristiana D. Panubong
10. Ang ngalan panitik ni Emilio Jacinto ay ________________.
A. Dimas-Ilaw B. Dimasalang C. Plaridel D. Agapito Bagumbayan
11. Matulog ka na bunso
Ang ina mo ay malayo
Hindi naman masundo
May putik at may balaho
Ang awit sa itaas ay halimbawa ng awit ng ________________________
A. Pag-ibig B. pakikidigma C. pampatulog ng bata D. pamamangka
12. Ang awit sa itaas ay tinatawag na ________________.
A. Oyayi B. tikam C. kumintang D. soliranin
13. Pinalitan ng alpabetong Romano ang unang alpabetong Pilipino ng ________________.
A. Bokabularyo B. gramatika C. alibata D. sanskrito

14. Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas ay ang __________________.


A. Doctrina Cristiana C. Nuestra Seňora del Rosario
B. Barlaan at Josaphat D. Urbana at Feliza
15. Ang aklat na naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo ay ang ____________.
A. Tibag B. panuluyan C. Senakulo D. pasyon
16. Ang dulang batay sa alamat ng singsing ng dalaga na naihulog sa dagat ay ang _____________.
A. Karagatan B. duplo C. senakulo D. tibag
17. Salamat sa inyo
Belyaka’t belyako
Tapos ang nagbayo
Dala pati halo
Ang halimbawang ito ay bahagi ng ________________________.
A. Tibag B. dupes C. karagatan D. dalit
18. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.
Ang saknong na ito ay buhat sa tulang_______________________.
A. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa C. Katapusang Hibik ng Pilipinas
B. Huling Paalam D. Sa Mga Kabataang Pilipino
19. Ang El Filibusterismo ay inihandog ni Rizal sa ______________________.
A. Kanyang bayan C. kanyang kasintahan
B. Kabataang Pilipino D. GOMBURZA
20. Aking adhika makita kang sakdal laya
Ang taludtod ay mula sa “Bayan Ko” ni __________________.
A. Amado V. Hernandez C. Teodoro Gener
B. Ildifonso Santos D. Jose Corazon De Jesus
21. Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadiapng krus
Sa napakatagal na pagkakaluhod
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Ang persona sa tula ay _____________________.
A. makata B. halaman C. punungkahoy D. puntod
22. Kaputol na bakal galling sa bundok
Sa dila ng apoy, kanyang pinalambot
Sa ilang pandayang matiyagang pinukpok
At pinaghugis sa nasa ng loob
Ang kanyang tintutukoy sa saknong ay ang
A. Magsasaka B. mangingisda C. sundalo D. panday
23. Pinagkatakutan, kay daming nasindak
Umano, kung gabi ay may namamamalas
Na isang matandang doo’y naglalakad
Ang inilalarawan sa saknon ay ang _____________-.
A. Puntod B. lumang simbahan C. malaking bahay D. paaralan
24. Ang kauna-unahang itinanghal na Hari ng Balagtasan ay si _____________.
A. Ildefonso Santos C. Florentino Collantes
B. Lope K. Santos D. Jose Corazon de Jesus
25. Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang makata ng __________.
A. mangingisda C. magsasaka
B. manggagawa D. bilanggo
26. Ang sagisag ni Florentino Collantes ay ________________.Kuntil-butil
A. Kuntil-butil B. Huseng Sisiw C. Huseng Batute D. Verdugo

27. Hila mo’y tabak…


Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo
Ang saknong ay halimbawa ng ______________.
A. Tanaga B. haiku C. karaniwang tula D. malayang tula
28. Ang kauna-unahang kwentong nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Palanca ay ang ______.
A. Kamatayan sa Gulod C. Batingaw
B. Pag-uugat… Pagsusupling D. Kuwento ni Mabuti
29. Ang Hulyo 4, 2954 A.D. na nagkamit ng unang gantimpala sa Gawad Palanca ay ang _______________.
A. Dula B. Tula C. maikling kuwento D. sanaysay
30. Nagpahinga
Ang Makina
Sa pabrika
Ang saknong ay tumutukoy sa mga ________________.
A. Artista B. manggagawa C. anluwage D. panday
31. Ang sumulat ng Duguang Placard ay si _____________.
A. Rolando Tinio C. Rio Alma
B. Ruth Mabangho D. Rogelio Mangahas
32. Ang tulang Pilipino: Isang Depinisyon na naluklok noong panahon ng Batas Militar ay sinulat ni ______________.
A. Ponciano Pineda C. Rolando Tinio
B. Edgardo Reyes D. Rio Alma
33. Ang unang panitikan natin ay ______________.
A. pasalin-dila B. pakuwento C. patula D. pasulat
34. May dalang sistema ng pamahalaan na tinatawag na Balangay ang mga ________________.
A. Indones B. Malay C. Intsik D. Baluga
35. Ang awit pangkasal ay tinatawag na ___________.
A. oyayi B. Kundiman C. diona D. soliranin
36. Ang Atin Cu Pung Singsing ay awiting bayan ng mga ________________.
A. Ilokano B. Waray C. Bikolano D. Kapampangan
37. Ginagamit sa pangkukulam, pang-ingkanto o pasintabi ang
A. bulong B. dalit C. dung-aw D. kundiman
38. Nabuo ang pangkat na tinatawag na “may-kaya” na may ari-arian at lupain noong panahon ng ______________.
A. Amerikano B. Hapon C. Kastila D. Komonwelt
39. Ang humalili sa alibata ay ang _____________.
A. sanskrito B. arabik C. Romano D. Griyego
40. Nagpapakita ng paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus ang __________________.
A. tibag B. panunuluyan C. senakulo D. pasyon
41. Ang melodrama o dulang musical na tatluhing yugto ay ____________.
A. sarswela B. moro-moro C. opera D. trahedya
42. Ang bersyong payak na binibigkas sa mga orasyon o lamayan ay tinatawag na ___________________.
A. duplo B. dung-aw C. dalit D. Ioa
43. Ang kilusang binuo ng pangkat ng mga intelektuwal sa gitnang uri na humihingi ng reporma o pagbabago ay ang
_____________.
A. propaganda B. KKK C. manggagawa D. estudyante
44. Hinggil sa katamaran ng mga Pilipino ang _______________.
A. Sobre La Indonecia delos Filipinos C. A La Juventud Filipino
B. Filipinos Dentro decien Años D. Mi Ultimo Adios
45. Kilalang akda ni Marcelo H. del Pilar ang ___________.
A. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas C. Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya
B. Katapusang Hibik ng Pilipinas D. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
46. Tumatalakay sa katiwalian ng mga prayle sa Pilipinas ang ____________.
A. Sobre La Indonecia delos Filipinos C. La Soberana en Filipinos
B. Filipinas Dento decien Años D. A La Juventud Filipino
47. Ang kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang kastila na sinulat ng isang Pilipino ay ang ______________.
A. Ninay B. A Mi Madre C. Noche Buena D. Ser Divisiten
48. Ang tinaguriang Ama ng Demokrasyang Pilipino ay si _______________.
A. Emilio Jacinto B. Apolinario Mabini C. Emilio Aguinaldo D. Andres Bonifacio
49. Ang Himno Nacional Filipina ay isinulat ni ______________.
A. Antonio Luna B. Pascual Poblete C. Jose Palma D. Jose Panganiban
50. Ang panitikan ay sumunod sa romantisismo sa Europa noong panahon ng ______________.
A. Amerikano B. Hapon C. Kastila D. Kalayaan
51. Ang tinaguriang Lola Basyang ay si ___________.
A. Patricio Mariano B. Hernandez Ilagan C. Lope K. Santos D. Severino Reyes
52. Ang kauna-unahang nobela na tumatalakay sa sosyalismo sa Pilipinas ay ang ____________.
A. Banaag at Sikat B. Bayang Malaya C. Madaling-araw D. Lihim ng Isang Pulo
53. Natigil ang panitikan sa Ingles noong panahon ng ______________.
A. Amerikano B. Hapon C. Kalayaan D. Aktibismo
54. Itinuturing na ginintuang panahon ng maikling kuwento ang panahon ng _____________.
A. Hapon B. Amerikano C. Kalayaan D. Aktibismo
55. Naging madugo at mapangwasak ang mga demonstrasyon at pagpapahayag noong panahon ng ____________.
A. Batas Militar B. Aktibismo C. Amerikano D. Hapon

Panitikang Filipino II

1. Mabibigyang-kahulugan ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na inilalarawan ng panitikan sa bawat


panahon.
2. Matukoy ang mga pagpapahalagang Pilipinong taglay ng mga akdang kinatawan ng bawat panahon na
nararapat panatilihin
3. Masuri ang mga akdang batay sa mga pamantayan ng pagsusuri
4. Mapili at magamit ang mga uri at halimbawa ng panitikang pambatang angkop linangin sa mga kabataan.

Pagsasanay

Inang,
Malaki ang paghahangad kong maging reyna ng karnabal. Ngunit nakikini-kinita kong tagumpay kong iyon ay
magiging panghabang-buhay na tali ng aking kalayaan. Natitiyak kong hindi ako makatatagal sa katayuang pagdadalhan
sa akin ng tagumpay na iyon kung sakali.
Tangi sa rito’y nakilala kong si Tomas na maaari kong katalian sa sandaling mahirang ng reyna ay di ko iniibig.
Kaya po ako’y sumamang magtanan kay Danding. Tinanggap ko po ang kanyang alok na maging reyna ng kanyang
tahananan.
Inang, igawad sana ninyo sa amin ang inyong patawad at ang inyong bendisyon.
Humahalik ng kamay,
Nora
(Halaw sa Kuwentong “Reyna ng Tahanan” ni Amado V. Hernandez)

1. Anong magandang katangian mayroon si Nora nang isulat niyang “Malaki ang paghahangad kong maging Reyna
ng Karnabal”?
A. Mayabang B. may pangarap sa buhay C. maganda D. makasarili
2. Sa pahayag na …. “Ang tagumpay kong iyon ay magiging panghabang-buhay na tali ng aking kalayaan,” si Nora ay
_____.
A. May tiwala sa sarili C. walang kasiyahan
B. madaling masiraan ng loob D. may pag-aalinlangan
3. Ang paglayo kay Tomas at pagsama kay Danding na magtanan ay nagpapakilala kay Nora na siya’y _____________.
A. Matapat sa sarili B. taksil C. madaling matukso D. madaling magbago sa isip
4. Sa paggamit ng “po at inyo” na tumutukoy sa kanyang ina, masasabing si Nora ay _________.
A. Maalalahanin B. maaasahan C. masunurin D. magalang
5. Sa kabuuan ng liham, si Nora ay maikokonsiderang anak na ______________.
A. Magalang B. maalalahanin C. malungkutin D. matapat

Ipinaaayos ngayon ni ama ang kanyang hapag


Nilinis ko ang kanyang makinilya.
Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang
Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.
(Halaw sa Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo)

6. Inilalarawan sa talata na ang nagsasalaysay ay _________________.


A. masipag B. masinop C. maaasahan D. mapagmahal
7. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan sa ama bilang manunulat?
A. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag.
B. Nilinis ko ang kanyang makinilya
C. Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang
D. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.
8. Ang papel na tinutukoy sa huling pangungusap ay
A. Draft ng kuwento C. pinagbalutan ng pagkain
B. Blanking papel D. pamunas ng mesa’t makinilya
9. Ang pagsasalaysay ay isang ____________.
A. Makata C. nobelista
B. Manunulat D. bilanggo
10. Alin sa mga salita ang nagpapatunay na ang nagsasalaysay ay bilanggo?
A. Mapalad C. makasulat
B. Makabasa D. sasamsamin
11. Bakit kinakailangang samsamin ang mga isinusulat ng bilanggo?
A. Upang walang ibang makabasa C. upang maiwasang makatakas ang bilanggo
B. Upang sirain ang kredibilidad ng sumulat D. upang huwag nang magtangka pang sumulat ang bilanggo.
12. Sa pagsasam ng mga isinulat ng bilanggo ay nagpapakita ng _____________________.
A. Paglabag sa kanyang karapatang pantao C. pagkatakot ng militar
B. Paglapastangan sa kanyang akda D. pag-iwas sa sasabihin ng nakararami

Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa


Bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan.
Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man
Lamang nang hapon iyon.
-(Mula sa “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute)

13. Ang taong tinutukoy sa talata ay isang _______.


A. Guro B. mag-aaral C. janitor D. prinsipal
14. Ang nagsasalaysay ay isang ____________.
A. Mag-aaral B. guro C. principal D. janitor
15. ANg hindi pagtingin ng mag-aaral sa kanyang guro ay pagpapatunay lamang na siya’y __________ sa kanyang
guro.
A. Nagtatampo B. nagagalit C. napopoot D. nasusuklam
16. Ang pokus sa kuwento ay isang relasyong ___________________.
A. Guro-mag-aaral C. guro- prinsipal
B. principal-mag-aaral D. mag-aaral-magulang
17. Sa ginawa ng mag-aaral ay naapektuhan ang guro sa paraang _______________.
A. Pisikal B. mental C. sikolohikal D. sosyolohikal
18. Sa kabila ng pagtatampo ng mag-aaral ay nagawa pa rin ng mag-aaral na Gawain ang kanyang dating ginagawa
dahil ________________--.
A. Likas siyang matulungin C. tanggap niya ang kasalanang nagawa
B. Mahal niya ang kanyang guro D. gusto niyang pumasa sa pagsusulit

Hinalay ako ng kanilang maanghang na salita


Niluray ako ng kanilang matatalim na tanong
Dinurog ako ng kanilang di-masikmurang pamumuna
Habang doon, sa dako pa roon
Sa lugar naming tanging sikat ng araw ang nabubuhay
Ay limang bibig ang sa aki’y naghihintay at umaasam

Ay wala na
Wala nang bias ang pakiramdam
Wala nang ritmo ang awit ng aking pagsusumamo

Sa gabi at bukas ng gabi at sa sususnod pang mga gabi


Habang binabagabag ako ng pudpod na puwit ng saingan at atungal ng aking bunso
Ang binabanig ko’y lungkot, ang inuunan ko’y hapis ang kinukumot ko’y luha
Habang sa aking tabi, ang aking asawa’y nangingiki sa lagnat, pagkalam ng sikmura
-(Halaw sa : “ Manipesto ng ISang Dayo” ni Pat V. Villapuerte)

19. Ang persona ay isang lalaking ________________________.


A. Ninakawan ng dangal C. inalisan ng karapatan
B. Hinamak ang pagkatao D. nawalan ng asawa’t mga anak
20. Ang pahayag na sa lugar naming tanging sikat ng araw ang nabubuhay ay pahiwatig na ang mga tao sa lugar nna
nabanggit ay _____________________.
A. Mahihirap C. hindi magkakakilala
B. Nakaririwasa sa buhay D. may mga sakit at karamdaman
21. Ang persona sa tula ay ____________________.
A. Namamalimos C. nagtatrabaho nang marangal
B. Nagbebenta ng kidney D. naghahanap ng trabaho
22. Ang magpapatotoo sa sagot sa bilang 21 ay ang isinasaad sa taludtod na ______________.
A. Hinalay ako ng kanilang maaanghang na salita
B. Habang doon, sa dako pa roon
C. Ay limang bibig ang sa aki’y naghihintay at umaasam
D. Ay, wala na.
23. Ang limang bibig ay tumutukoy sa bibig ng ______________________.
A. Asawa’t apat na anak C. asawa, anak at iba pang kamag-anak
B. Limang anak D. asawa,a nak at inaalagaang hayop
24. Ang pahayag na ay, wala na ay pagpapahiwatig ng ______________.
A. Pag-asa B. pagkatao C. pagkabigo D. panghihinayang
25. Ipinahihiwatig sa pamagat ng tula na ang persona sa tula ay_________________________.
A. Dayuhang naninirahan sa Pilipinas
B. Pilipinong dayuhan sa ibang bansa
C. Aktibistang Pilipino
D. Maralitang taga-lungsod
26. Sa panunudla ni Limbas ay bihirang usa, baboy-damo, unggoy at malaking ibon ang nakaliligtas
-Halaw sa “Alamat ng Banahaw”
Si Limbas ay isang ________________.
A. Pintor B. makata C. manunulat D. mangangaso
27. Hala, gaod tayo pagod ay titiisin,
Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin,
Palayu-layo man, kung ating ibigin
Dain gang malapit na ayaw lakbayin.
-Halaw sa “Ang Soliranin”
Ang umaawit ay mga ____________________
A. Mangingisda B. mangangaso C. bangkero D. maninisid
28. Nang nasa kalahitnaan na siya ng kanyang paglalakbay, nasalubong niya si Sumarang, isang higanteng ang mga
mata’y kasinlaki ng pinggan at ang ilong ay dalawang talampakan. –Halaw sa “Biag ni Lam-Ang”
Inilalarawan sa pahayag na ang taong tinutukoy ay ___________________.
A. Manlalakbay B. mapaghamon C. malapit sa kapahamakan D. matatakutin
29. Nang dumating ang mga kastila, kanilang pinalitan ang katutubong Abakada ng abakadang Romano.
Inilalarawan sa pahayag na ito na ang mga kastila ay ____________.
A. Adbenturero B. sosyalista C. pagano D. repormista
30. Inilalarawan ni Hernandez ang kanyang kalagayan sa loob ng _______________.
A. Bilangguan B. kuwadra C. lumang gusali D. bartolina

“Paris niyang Amerika kunwa e tagapagtanggol ng mga karapatan ng maliliit na bansa ng paris ng Pilipinas
bagkus e siyang mangangamkam na de primera klase.”
-Halaw sa “Hulyo 4, 1954 A.D” ni Dionisio Salazar
31. Ang nagsasalaysay ay dumaranas ng matinding _______________.
A. Kahirapan B. kabiguan C. kawalang-pag-asa D. Kawalang-katarungan

“Saksi ang bubungang butas at maraming botelya


Ng gamut kung pa’nu nagbuto’t balat ang matanda”
-Halaw sa Dugo’t Dalit sa Pagdaralita” ni Lamberto E. Antonio
32. Inilalarawan ng makata ang ________________.
A. Kahirapan B. kamatayn C. panganib D. kawalang katarungan

“Ngunit Diyos… ang hustisya ay may piring


Habang hawak ang timbangan
Ang timbanan na kayliit
Magwasak ng katarunga!
-Halaw sa “ Ang Mga Langgam na Pula sa Kapirasong Puto-Seko” ni Rodolfo Salandanan
33. Ang persona sa tula ay humihingi ng ____________.
A. Kalayaan B. kayamanan C. karunungan D. katarungan

“Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si ina. Nahihiga
rin siya pagdating ng mga sandal ng pamamahinga at kung nakatulog siya o hindi ay hindi ako matiyak.”
-Halaw sa “Uhaw na Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo
34. Isinasalaysay ng tauhan kung gaano kabala ang kanyang ama sa _________________.
A. Paghahanap-buhay C. paglilimayon
B. paghahanap ng trabaho D. pag-aaral

“Ngunit tingnan ninyo ang aking narrating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw,
Naging kurus ako sa pagsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.”
-Halaw sa “Isang Punungkahoy” ni Jose Corazon de Jesus

35. Dahil sa sinapit na kapalaran, ang persona sa tula ay may bahid ng _______________________.
A. Pagsisisi B. paghihiganti C. pagkapoot D. pagpapatawad

“Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa’t kawalan ng pagmamahal ay makaaalam
din sa kawalan kong katarungan. Ngao’y paalis na siya nang may kapaitan sa puso.”
-Halaw sa “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute
36. Ang nagsasalaysay at ang batang tinutukoy ay may
A. Inalisan ng karapatan C. magkatulad na kapalaram
B. Inagawan ng kabuhayan D. sineseryoso ang buhay

Ay, ang kuwarta


Bagong dating pa lamang
Namaalam na.
-Halaw sa “Haikung Pilipino” ni Jose Villa Panganiban
37. Inilarawan sa haiku ang _______________.
A. Kabuhayan B. karalitaan C. kasabikan D. kapalaran

Bubuyog na laging may ungol at bulong


Ay nakayayamot saan man pumaroon
At ang katawan mong mayroong karayom
Pano kang lalapit, di naduro tuloy –Halaw sa “Bulaklak ng Kalinis-linisan” ni Jose Corazon De Jesus
38. Ang persona sa tula ay _______________.
A. Palapintasin B. mapagmasid C. kritiko D. mapunahin

Buong kataimtimang inaalagaan ni Gloria ang kanyang ama hanggang ito ay naglubha at namatay.
-Halaw sa “Veronidia” ni Cirio H. Panganiban
39. Inilarawan ng may-akda si Gloria bilang anak na ________________.
A. Makatao B. maalagain C. matulungin D. masunurin
Ceiling: Sinungaling! Ano bang natalo? Kung natalo ko, nanalo naman si kulas
Ngunit natalo si Kulas, samakatuwid, nanalo ka.
-Halaw sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Soc Rodrigo
40. Si Ceiling ay maituturing na ______________.
A. Walang tiwala sa sarili C. makuwenta
B. Walang tiwala sa kapwa D. mapagsamantala

Ang Luha ng Buwaya ay maituturing ay maituturing na isang magandang panagimpan ng isang


manunulat ba sumangkot sa mga isyung pambansa at sa isyu ng pagbabagong lipunan at kalayaan.
41. Sa pahayag na ito, ang manunuri ay masasabing may _____________________.
A. Ginamit na pananagisag C. kalinisan ng wika
B. Magandang paksa D. nahagap na susulating paksa

Si Monleon ang ang nagsabing ang tula at ang siyang lumalagom sa kabilang daigdig at iniuugnay iyo sa
ibang mga sining.
Sa pahayag na ito, masasabing sining at tula at ang sining ay bunga n gating kaisipan at kasanayang
nagbinhi, nagpunla, sumibol at inani sa daigdig na ating ginagalawan.
42. Ang pagkakasuri ay __________________________.
A. May matibay na kaisahan C. may mahusay na balangkas
B. Makapangyarihan ang paggamit ng wika D. lahat ng sagot
43. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng ______________________.
A. Katapatan sa sarili C. masinop na pag-uugnay ng mga sangkap sa pagsulat
B. Katapangan sa pamumuna D. sariling teoryang pampanitikan na sinusunod
44. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng
tapat na _______________.
A. Mithi ng kalayaan C. sariling pagpapahalaga
B. Bunga ng kalayaan D. tapang at sigasig
45. Ayon sa kritikong si Ruben Vega, ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ibig
sabihin, ang sining ng pagsulat ng tula ay nasa ________________-.
A. Panloob na at hindi sa panlabas na katangian C. manunuri
B. Ubod at laman D. makata
46. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng makata kundi ang kung paano
ang ________________________.
A. Pananagisag C. paggamit at tayutay
B. Pagsukat at pagtugma D. pagkatula
47. Ang pangunahing instrument sa pagtalunton ng pamanang literaring pambata ay matatagpuan lamang sa mga
____________________.
A. Aklat pambata C. museong pambata
B. Silid-aklatan D. patimpalak pagkukuwento
48. Ang mga mananaliksik sa panitikan ay kinukunsedara ang panitikang pambata bilang behikulo para sa pagkatuto
ng halagang sosyal at pagbabago ng ________________.
A. Ugali B. layunin C. interes D. kasanayan
49. Ang isa sa mga katangian ng maikling kuwentong pambata ay _____________________.
A. Nagpasalin-salin sa bibig ngmga bumabasa C. may iba’t ibang tagpuan
B. May kaunting tauhan D. nakakaaliw
50. Ang nangunguna sa mga nagugustuhang basahin ng mga bata ay mga kuwentong ______________.
A. Parabola C. historikal
B. Pabula D. mitolohiya

Majorship:
Area: Lingwistika (Part I)

1. Natatalakay ang paglinang ng Wikang pambansa at pag-unlad nito


2. Natutukoy ang ebolusyon ng Surian ng wikang Pambansa
3. Nailalahad ang pagbabagong naganp sa alpabetong Filipino
4. Natitiyak ang mga batas pangwikang kaugnay sa pagsulong ng wikang Filipino
5. Nagagamit ang batayang kaalaman sa Linggwistika sa mabisang pamamahayag sa pagsusuri ng mga
pangungusap/sugnay/salita/pantig/titik
6. Nagagamit nang wasto ang mga salita, parirala sa pangungusap
7. Mabisang nagagamit ang mga matalinghagang pananalita/tayutay sa pakikipagtalastasan o komunikasyon

Pagsasanay: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Pilipino ay binubuo ng may 7, 107 mga pulo na pinanahanan ng milyun-milyong mamamayang may humigit-
kumulang na 87 iba’t ibang wikang sinasalita. Hindi sila nagkaroon noon ng isang wikang katutubong masasalita
sanhi marahil na rin sa pagkakabukod-bukod sa mga pulo. Ang hakbang tungo sa paglinang ng wikang pambansa
ay nagsimula noong _________________.
A. Panahon ng Kastila C. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Propaganda at Himagsikan D. Panahon ng Malasariling Pamahalaan
2. Ang wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng batas na gagamitin ng pamahalaan sa pakikipagtalastasan sa
kanyang mga mamamayang nasasakupan sa larangan ng edukasyon, pamamahala at pangangalakal.A lin ang
nagtakda sa paglinang ng isang wikang pambansa?
A. Batas Komowelt Blg. 184 C. Artikulo IV, Pangkat 3 ng Saligang Batas 1935
B. Batas Komonwelt Blg. 570 D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
3. Ang unang lupon na itinatag upang pag-aralan kung aling wikang katutubo ang pagbabatayan ng wikang pambansa
ay gumamit ng mga panukatan. Alin ang hindi kasama sa panukatang ginamit?
A. Pangunahing wikang sinasalita at nauunawaan ng higit na nakararami
B. Ang wikang sinasalita ng maraming kasapi sa lupong nag-aaral sa mga wika.
C. Wikang may mayamng panitikang nasusulat
D. Wikang sinasalita at ginagamit sa sentro ng pamahalaan, komersyo at edukasyon
4. Nang malinang ang wikang pambansa batay sa Tagalog, iba’t ibang pangyayari ang naganap upang patuloy itong
paunlarin. Aling panyayari nang magkaroon ng daluyong ang langit-langitan ng wikang pambansa?
A. Nang binubuo ng mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyunal 1972 ang bagong saligang Batas.
B. Nang nasakop ng Hapon ang kapuluan na di pa natatagalang ipinatuturo ang wikang pambansa.
C. Nang panahon ng Bagong Lipunan na ipinatupad ang Batas Militar.
D. Nang pairalin ang patakarang Edukasyong Bilinggwal noong 1974 sa mga paaralan.
5. Ang wikang pambansa ay patuloy na nililinang upang patuloy na umunlad sa edukasyon. Aling Kautusang
Pangkagawaran ang nakapagbigay ng pinakamalaking pagkakataon na sumulong ang Wikang Filipino?
A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962
C. Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987
D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974
6. Ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1963) ay lumikha ng isang lupon at itinakda na siyang pipili ng isang katutubong
wika na pagbabatayan ng wikang pambansa. Nagpatuloy ito sa tungkulin ng pagpapaunlad ng wikang pambansa
at nakilala sa iba’t ibang pangalan ang tanggapang ito. Alin ang wastong pagkakasunud-sunod na pagbabago sa
pangalan nito hanggang sa kasalukuyan?
A. Lupon Surian ng Wikang Pambansa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas Komisyon sa
WIkang Filipino
B. Surian ng Wikang Pambansa Linangan ng mg Wika sa Pilipinas Komisyon sa Wikang Filipino
C. Linangan ng mga Wika sa Pilipinas Surian ng Wikang Pambansa Komisyon sa Wikang Filipino
D. Komisyon sa Wikang Filipino Surian ng wikang Pambansa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
7. Aano ang pangkalahatang layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino upang mapaunlad, mapalaganap at mapanatili
ang Filipino at iba pang wika?
A. Magsagawa, mag-ugnay at magtaguyood ng mga pananaliksik
B. Magsagawa ng mga seminar at palihan
C. Makaipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya
D. Maglimbag ng mga aklat at diksyunaryo
8. Bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap sa wikang pambansa ang alpabeto ng wikang
Filipino ay umagapay rin sa pagbabago. Alin ang nagpapakita ng wastong pagbabagong nagaganap sa alpabetong
Filipino?
A. alibata abakada alpabetong Filipino
B. alibata abakada abecedario alpabeto
C. alibata alpabeto abakadang Tagalog
D. Alibata abecedario abakada alpabeto
9. Ang kautusang pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 na may pamagat na “ Ang alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino” ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kaugnay sa gawaing ortograpiya ng isang wika?
A. Kung paano ang pagbasa at pagsulat sa wikang ito
B. Kung ilan ang mga letrang binubuo sa alpabeto nito
C. Kung paano tatawagin o ngangalanan ang mga letrang ito
D. Kunga no ang mga tuntunin dapat sundin sa ispeling gamit ang mga letra ng alpabeto
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa pagbabagong ipinasok na reporma sa ortograpiyang Filipino noong
1987?
A. Ang pagbaybay sa Filipino ay di papantig kundi patitik
B. Ang bigkas ng letra ay bigkas Ingles ng mga Filipino maliban sa enye (ñ) na bigkas Kastila
C. Ang 8 letrang hiram ay gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salita nab ago pa lang ginagamit
D. Ang 8 letrang hiram ay gagamitin sa pantanging ngalan, salitang teknikal at mga salitang may unikong
katangiang cultural mula sa iba’t ibang katutubong wika.
11. Upang mapabilis ang pagsulong ng wikang Filipino, ang pangulo ng bansa ay nag-atas o nagproklama. Alin ang atas
na nagpapahayag na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto taun-
taon?
A. Proklama Blg. 12 (1954) C. Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972)
B. Proklama Blg. 186 ( 1955) D. Atas ng Pangulo Blg. 335
12. Ang probisyong pangwika ng Saligang Batas 1987 sa Artikulo XIV Sek. 6 ay nagsasaad: Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino, Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika
sa Pilipinas at sa iba pang wika. Bakit kaya naging ganito ang unang pangungusap ng probisyon. “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
A. Sa Saligang Batas 1983 ang probisyon ay nagsabing wikang pambansa ay patuloy na lilinangin at tatawaging
Filipino na nagdulot ng kalituhan.
B. Marami kasi ang naniniwala na upang maging malinaw na ang Pilipino ay tawag sa tao at ang Filipino ay tawag
sa wika.
C. Ang letrang F ay matatagpuan sa iba pang katutubong wika tulad ng Ilokano, Tiruray,Itawis, Ivatan kaya, upang
ipakita na ang Filipino ay pinauunlad din ng iba pang katutubong wika.
D. Ang wikang pambansa, nang ito ay malinang, ay nakilala sa tawag na Tagalog at nang malaunan ay ginawang
Pilipino at sa patuloy na pag-unlad ay tinawag ng Filipino.
13. Maraming mga salita na nagkakaiba ng kahulugan dahil sa isang titik. Aling salita ang dapat gamitin sa mga patlang
sa pangungsuap?
Ang ng dating ng mga mamimili dahil sa taas ng bilihin ngunit may araw namang
ang dating.
A. baling B. dalang C. galang D. salang
14. Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit ng praksyon, ginagamit ang ,
A. Kudlit B. gitling C. tuldik D. gatlang
15. Sa sumusunod na mga pahayag, alin ang nagpapakita ng tamang kayarian ng paglalarawan sa katangian ng kilos?
A. Iba magmahal ang kapamilya C. Iba ang magmahal ang kapamilya
B. Ibang magmahal ang kapamilya D. Iba, magmahal ang kapamilya
16. Aling pahayag ang nagpapakita na pamuno sa simuno?
A. Si Pedro ay mangingisda nang dumating ako kahapon.
B. Si Pedro ay nangisda at dumating kahapon.
C. Si Pedrong mangingisda ay dumating kahapon.
D. Si Pedro, ang mangingisda, ay dumating kahapon.
17. Alin sa mga pahayag-pandamdam ang nagpapahayag ng “walang katiyakan?”
A. Ay, saying! B. A, ganoon!? C. Bahala na! D. Este,…..
18. Ibig ng ina na pumunta ang anak sa lola niya pagkagaling sa eskwela. Aling pangungusap ang dapat niyang asbihin?
A. Huwag kang dumaan sa lola mo.
B. Huwag na hindi ka pumunta sa lola mo.
C. Huwag kang makalilimot sa pagpunta sa lola mo.
D. Huwag kang pumunta sa lola mo kung wala siya roon.
19. “Kukuha ako ng bulaklak sa hardin sa iyo.” Aling pahayag ang kasingkahulugan nito?
A. Ipangunguha kita ng bulaklak sa hardin.
B. Kata ay mangunguha ng bulaklak sa hardin
C. Ikukuha nita ng bulaklak sa hardin
D. Ang kanitang bulaklak ay kukunin ko sa hardin.
20. Tiniyak niya sa kausap kung kalian talaga niya nakita ang kaibigan nila. Alin ang angkop niyang sabihin?
A. Nakita ko talaga si Ruby noong Lunes C. Noong Lunes ay nakita ko si Ruby
B. Nakita ko si Ruby noongLunes D. Nakita ko noong Lunes Si Ruby.
21. Mahirap talagang kasama sa grupo ang taong higad ng higad na ay utakbiya pa. Ano ang ibig sabihin ng kanyang
sawikaing binitawan?
A. Mahirap at bobo C. Ubod ng damot at masayahin
B. Kuripot at mahina ang ulo D. Masamang tao at palaboy
22. “Talagang iba ka. Yumanig ang gusali sa iyong mga yabag.” Ano ang ginamit niyang tayutay?
A. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) C. Pagmamalabis (hyperbole)
B. Pawangis (metaphor) D. Pagbibigay-katauhan ( personification)
23. “Siya’y parang isang ahas sa kasukalan, gumagapang ang bukid niya’y tulad ng paraiso at ang pananalita niya’y
wangis ng kamandag na namamatay.” Anong matalinhagang pananalita ang kanyang ginamit?
A. Pagtutulad ( simile) C. Pagwawangis ( metaphor)
B. Paghahalintulad (analogy) D. Pagpapalit-tawag (metonomy)
24. “Magtigil ka na, basa na ang papel mo, buwaya sa katihan.” Ano ang matalinhagang salita ang ginamit sa pahayag?
A. Personipikasyon C. Sawikain (idyoma)
B. Tayutay (Figure of Speech) D. Salawikain (proverb)
25. “Ibig hingin ni Carlos ang kamay ng dalaga.” Anong uri ng tayutay ito?
A. Paghahalintulad B. pagmamalabis C. pagpapalit-tawag D.pagpapalit-saklaw
26. Sino ang nagpahayg ng sumusunod: “ Ang isang bayang bumubuo sa isang kabansaan at isang estado ay dapat
magkaroon ng isang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
A. Pangulong Mckinley C. Pangulong Magsaysay
B. Pangulong Quezon D. Pangulong Marcos
27. Sino ang nagpahayg ng sumusunod: “Ang pangarap ko ay makausap ko nang tuwiran ang pinakaabalang
mamamayan saan mang sulok n gating bansa sa pamamagitan ng ating katutubong wika…. Ito sa wari ko ay unti-
unti nang nagaganap sa pamamagitan ng wikang Filipino.”
A. Pangulong Quezon C. Pangulong Diosdado Macapagal
B. Pangulong Magsaysay D. Pangulong Marcos
28. Alin nang lagdaan ito bilang isang kautusang pangkagawaran ang nagdulot ng isang napakalaking hakbang sa
pagsulong ng Filipino at sa pagpapalaganap nito sa edukasyon?
A. Saligang batas 1987 C. Patakarang Bilinggwal
B. Ang Komisyon ng Wikang Filipino D. Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
29. Nang itinadhana sa artikulo sa Artikulo XIV, Seksyon 9 ng Konstitusyon ng 1987 na magtatag ang Kongreso ng isang
komisyon ng wikang pambansa, ano ang bubuo nito?
A. Mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at disiplina
B. Mga opisyal ng pamahalaan at mga edukador
C. Mga kinatawan ng tatlong sangay ng pamahalaan
D. Mga kinatawan mula sa pamahalaan at mga akademikong institusyon
30. Ano ang tawag sa unang tanggapan ng pamahalaan kaugnay sa paglinang ng wikang pambansa ng Pilipinas at
pagpapaunlad nito?
A. Lupon ng Mag-aaral sa Wikang Pambansa C. Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
B. Surian ng Wikang Pambansa D. Komsiyon sa Wikang Pambansa
31. Ayon sa ortograpiyang Filipino ng 1987, ano ang unag dapat pagkunan ng mga panumbas sa mga salitang hiram
buhat sa Ingles?
A. Kunin muna sa Ingles C. Kunin sa leksikon ng kasalukuyang Filipino
B. Kunin sa katutubong wika D. Kung mayroon sa Kastila at ingles, kunin muna sa Kastila
32. Batay sa patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino, alin ang nagpapakita ng wastong pagpapantig?
A. A-alis tuk-tok tok-wa eks-por-tas-yon
B. To-too pan-tig sob-re eks-klu-si-bo
C. I-a-ak-yat buk-buk-san kop-ya eks-pe-ri-men-to
D. Ma-a-ga buk-san ka-pre trans-por-ta-syon
33. Ano ang ibig sabihin nitong probisyong pangwika sa Saligang Batas ay 1987?
“ Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.”
A. Ang wikang gagamitin ng pamahalaan sa opisyal na transaksyon ay Filipino at Ingles
B. May pagkakataong unahin muna ang paggamit ng Filipino bago Ingles sa usapang opisyal.
C. Sa opisyal na komunikasyon, Filipino ang gamitin at kung magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan, gamitin
ang Ingles.
D. Ang mga wikang gagagmitin ng pamahalaan sa opisyal na transaksyon ay Filipino at Ingles, subalit sa
pagkakataong magkaroon ng pagbabago sa batas, maaaring Filipino o Ingles lang ang maging wikang
opisyal.
34. Isa sa nilalayong marating ng wikang Filipino sa kanyang pag-unlad ay ang intelektwalisasyon nito. Aling ang hindi
dapat taglaying katangian ng Filipino upang maging intelektwalisado ito?
A. Ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang disiplina.
B. Maraming aklat o babasahing nasusulat sa wikang ito.
C. Ginagamit sa buong bansa pati na sa iba’t ibang panig ng daigdig
D. Lubusang ginagamit sa tatlong sangay ng pamahalaan pati na sa edukasyon
35. Alin sa mga sumusunod na mga dahilan ang posibleng makamit agad sa pagnanasa nating paunlarin ang wikang
Filipino?
A. Mapalitan ng Filipino ang Ingles sa iba’t ibang larangan.
B. Magamit ang Filipino para sa pambansang pagkakaisa
C. Gamitin ang Filipino upang magkaroon ng kabayanihan at pagkamakabayan.

Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng bahagi ng pangungusap na may
mali sa wastong gamit at kayarian. Isulat ang titik E kung walang mali sa pangungusap.

Halimbawa:
A B C D
1. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensyon hinggil sa pagpapabahay sa mga mahihirap.
A B C D
36. May mga taong may iba’t –ibang antas ng kahusayan sa wika sa maraming larangan
A B C D
37. Hindi totoo na sapagkat Filipino ang kasalukuyang na lingua franca ay maaari na itong gamitin sa larangan ng

mataas na edukasyon.
A B C D
38. Nagkakasakit si ate oras na maging di-tapat sa kanya ang mangingibig niya.
A B C D
39. Nang matanda na ang reyna pambihira nang siyang maglakbay sa kaharian kaya hinahanap siya ng kanyang

nasasakupan.
A B C D E
40. Kumain na tayo para makarating ako sa istasyon nang maagang-maaga.

A B C D
41. Madalas silang dumadalaw sa lola kapagka naglalakad sila buhat sa eskwela.
A B C D
42. Kapangunguha pa lang ng makisig na binata ng mga manggang manibalang nang sadarating ang dalaga.

A B C D E
43. Pinagahahaluan ni Rose ng asukal sa kape ang kapiterang puti.

A B C D
44. Ipinambili nila ng kanilang kasangkapan ang kahirapan nilang di na matagalan.

A B C D
45. Ibig nilang mag-alis nang maaga upang sila raw ay makarating nang maaga.

Piliin ang wastong titik ng uri ng tayutay na ginamit sa bawat pahayag.

46. Magandang gabi, Bayan.


A. Personifikasyon B. Metonomiya C. Metapora D. Pagtutulag

47. Pinawi ng tsunami ang ilang bansa ng Asya.


A. Paghahalintulad B. Sinekdoke C. Personifikasyon D. Pagmamalabis

48. Para kanga song-ulol na sunud nang sunod sa kanya.


A. Paghahalintulad B. Pagwawangis C. Pagtutulad D. Pagmamalabis
49. Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga.
A. Pagpapalit-saklaw B. Pagpapalit-tawag C. Pagbibigay-katauhan D. Pagmamalabis
50. Si Hesus ang aking pastol simula pa noon at hanggang ngayon.
A. Pagtutulad B. Paghahalintulad C. Pagwawangis D. Pagmamalabis
Area: Linggwistika (Part II)
LET Kompetensis:
1. Nagagamit ang batayang kaalaman sa Linggwistika sa mabisang pahayag.
2. Nasusuri ang mga pangungusap/sugnay/parirala/salita/pantig/titik
3. Nagagamit nang wasto ang mga salita, parirala sa pangungusap
4. Mabisang nagagamit ang mga matalinhagang pananalita/tayutay sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.

Piliit ang titik ng wastong sagot.

1. Aling lawak sa linggwistika ang tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita
at parirala upang bumuo ng pangungusap?
A. Ponolohiya B. Morpolohiya C. Sintaksis D. Semantika
2. Anong suprasegmental na ponema ang ipinakikita sa sumusunod na pahayag, “Pare, ang tatay ko.?”
A. Tono B. Haba C. Diin D. Antala
3. Alin sa sumusunod ang ponemang segmental na hindi inirerepresenta ng letra kung nasa hulihan ng salita
ngunit kung nasa posisyong inisyal at midyal ay sinisimbolo ng letra?
A. /h/ B. /c/ C. /ŋ/ D. /n/
4. Alin sa mga sumusunod na mga tinuldikang salita ang nagtataglay ng kahulugan “batadebanyo”?
A. batá B. báta C. batâ D. batà
5. Alin ang dahilan ng pagkakaroon ng pagbabago sa mga morpema kapag ang mga ito ay pinagsama-sama
tulad sa pang+ bansa = pambansa, magsing-+taba=> magsintaba
A. Matipid ang wika C. Naimpluwensyahan ng kaligiran
B. Magaan ang bigkas D. Kakanyahan ng wika
6. Anong suprasegmental na ponema ang ipinakikita ng mga salitang “kasama at kasama” na nagkaiba ng
kahulugan dahil dito?
A. Tono B. Haba C. Diin D. Antala
7. Sa pagpapahayag, ang tao ay may nakamihasnan ng pagbigkas sa pag-uulit ng pantig sa kailangang maipakita
rin sa pagsulat. Alin ang hindi dapat gawin sa pag-uulit ng pantig ng nominal na pantangi?
A. Mag-Ford B. Magfo-ford C. Magpo-ford D. magfoford
8. Nagkaroon ng maling kaisipan na ang pagbaybay sa Filipino ay dapat na papantig at hindi patitik. Saan
nanggaling ang ganitong namayaning kaisipan?
A. Ang pagbasa ng papantig ay angkop sa wikang Filipino.
B. Sa Filipino, kung ano ang bigkas ay siyang sulat.
C. Naimpluwensyahan ng matandang baybayin at ebecedario
D. Konsistent kasi ang bigkas sa mga letra ng abakada
9. Sa pahayag sa ibaba, anong uri ng salita ang mga may salungguhit?
Nagpadala ng maikling kalatas ang namumuno.
A. Salitang pangnilalaman C. Salitang nilapian
B. Salitang pangkayarian D. Bahagi ng pananalita
10. Aling pangungusap ang may sugnay na nagbibigay-turing sa isang pandiwa?
A. Nakita ni Carlos na narito na ang mga bisita.
B. Sinuwag ng kalabaw niya ang puno sa bakuran
C. Nag-udyok sa kanya na itatag ang klinika ng bayan
D. Nirebisa ng Kagawaran ng Edukasyon ang kurikulum nang maiagapay sa panahon.
11. Aling pangungusap ang may wastong gamit ng pandiwang irregular na may kahulugang palayo sa nagsasalita.
A. Bilhin mo ang tinapay sa tindahan. C. Dalhan mo ng pagkain ang maysakit.
B. Bilhan mo ng tinapay ang tindahan. D. Dalhin mo ang pagkain sa maysakit.
12. Aling pangungusap ang nagtataglay ng pandiwang may kasidhian?
A. Paliko nang paliko ang lakad ng matanda. C. Pakain sila nang pakain ng kendi sa mga bata.
B. Palakas nang palakas ang kanilang pagtawa. D. Padalas nang padalas ang pag-alis niya sa bahay
13.

You might also like