You are on page 1of 1

#1

“Ang Magagawa Ko Sa Pagpapaunlad Ng Turismo sa Pilipinas”


( ni Yolanda Panimbaan- Canatan Learning Center)

Turismo… mga tanawin na nilikha ng Poong Maykapal. Mga magagandang


tanawin at magagandang pasyalan na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng ating
bansa. Katulad ng “Boracay Beach ng Aklan, Underground River ng Palawan,
Mayong Volcano ng Albay at marami pang iba. Kasama rin dito ang iba’t ibang
selebrasyon, halimbawa rin ang “ Bangus Festival” ng Dagupan, Lechon Festival
ng Batanggas at marami pang selebrasyon na dinaraos taun-taon dito sa ating
bansa. Anu-ano ang magagawa natin upang mapanatiling maganda at kaaya-aya
ang ating turismo? Ano ba ang magandang maidudulot ng turismo sa ating bayan?
Ang magagawa natin upang mapanatiling maganda at kaaya-aya ang ating
turismo ay una panatilihin ang katahimikan o dapat laging may “peace and order”
dahil kung hindi ligtas ang isang lugar lalo na ang pook-pasyalan ay magulo ang
paligid, matatakot na ang mga turistang dadayo sa lugar na walang kaligtasan sa
mga krimen. Pangalawa, kailangan palaging malinis ang kapaligiran nito dahil
walang dadayo sa isang pasyalan na madumi ang paligid. Ang magandang
maidudulot ng turismo sa ating bayan ay mapapaunlad ang ating ekonomiya,
magkakaroon ng hanapbuhay ang mga nasa paligid nito. Kung ang isang “tourist
spot” ay maganda, kaakit-akit at malinis siguradong hindi mawawalan ng turista
tapos at kung magugustuhan nila ang isang lugar siguradong babalik at babalik sila
dahil nabighani sila sa taglay nitong ganda. Ang “tourist spot” o pasyalan ay
malaking tulong sa ating mga mamamayan dahil dito kikita at sisikat ang isang
lugar lalo na kung tahimik at malinis ito.
Kaya sa ating turismo dapat ingatan upang ang mag susunod na henerasyon
ay may maaabutan pa. Ingatan natin kung anu man ang bigay at gawa ng Diyos
dahil kung ito ay ating sasayangin lang wala tayong mapapala. Kung may pag-
iingat, may matatamo at mapapala tayo muli sa Kanya. Suklian natin ng kabutihan
ang mga kabutihan Niya sa ating lahat.

You might also like