You are on page 1of 2

Sa Pilipinas, ang kahirapan at karangyaan ay may malaking epekto sa plano ng

pagsugpo ng terorismo. Hindi dahil walang direktang linya na nagdudugtong sa


kahirapan at terorismo ay atin ng ipagpawalang bisa na ang kahirapan, pag-
unlad, at globalisasyon ay walang saysay sa stratehiya kontra-terorismo.

Ang ibang mga analyst ay gustong tanggalin ang considerasyon na ang


terorismo ay sanhi ng mga ito. Sa kanilang opinion, ang idolohiya, saykolohiya,
at ibat-ibang kultura ang siyang pangunahing sanhi ng terorismo sa Mindanao.
Ang idolohiya at saykolohiya ay importante sa bawat isa. Bagamat sa pag-iisip
na ang idolohiya lamang ang sanhi ng terorismo ay nagsasabi na ang mga
terorista ay nasa kamay ng mga walang pag-iisip, na sila ay napursigi lamang sa
pamamagitan ng kanilang relihiyon at kultura at hindi ito maipaliwanag ng halos
lahat ng tao. Ang terorista ay hindi idinulot sa pangkalahatan ng makasariling
idolohiya lamang kundi idinulot ito sa pangkalahatan sa pamamagitan ng
ekonomiya.

Ang terorismo siguro ay masasabi nating isang pulitika ng sobrang pagkabigo,


isang damdamin na gustong ibahin ang sitwasyon, bagamat walang
kapangyarihang gawin ang mga ito. Ang pagkabigo ay isang kapaki-pakinabang
na konsepto dahil ito ay pumuputok sa damdamin ng bawat isa dulot ng
kanilang sariling oportunidad at sirkumstansya. Ang pagkabigo minsan ay sagot
sa materyal na kakulangan, subalit ito ay maaari ring sagot sa pangmatagalang
kakulangan ng isang grupo o komunidad mula sa iniisip nilang kanila talaga.

Ang terorismo ay maari ring dulot ng kagustuhang makilala ang mga sangkot ng
lipunan, ang emosyong idinulot sa hindi pagkilala sa kanilang mga karapatan.
Para sa ibang mga teroristang grupo, ang makilala sa lipunan ay iniisip nilang
pagkapanalo. Kagaya nalang ng Irish Republican Army, o isang grupo ng mga
terorista na gumagamit ng taktika para sa kalayaan ng Algerya sa kamay ng
mga Pranses noong taong 1950’s, layunin din nitong makakuha ng pang-
daigdigang pagkakakilala sa kanilang mga tao.

Ang bawat nilalang na sumasapi sa terorismo o iba pang organisayong kontra sa


pamahalaan ay maaring walang laman ang kanilang mga bulsa, subalit ang
pagkakakilala sa kanila sa lipunan at sa larangan ng pulitika ay isa ng malaking
kapanalunan. Ang taktika ng mga terorista ay nakikitang may kabuluhan, at
kina-kailangan, sagot sa sitwasyon na nagpapakita ng pagka-walang kabuluhan.
Kahit si Osama bin Laden ay paulit-ulit na sinasabi sa kanyang mga talumpati
ang makasaysayang hindi makatarungang pagtrato ng iba sa mga muslim.

Ang tanong sa mga kasagutan ay hindi meron ba o walang nangyayaring hindi


makatarungan, sapagkat maraming sagot sa ganyang tanong pareho sa dami
ng tao at kanilang mga opinyon. Ang tanong ay, paano pagsabayin ang ibat-
ibang paniniwala sa isang walang terorismong lipunan? Ang unang hakbang ay
muling balikan ang nakaraan para maintindihan kung paano ang bawat isa, na
hindi mahirap sa materyal na mga bagay, ay makaramdam ng sobrang
kahirapan.

You might also like