You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Capas West District
CRISTO REY EAST ELEMENTARY SCHOOL
Capas, Tarlac

KASUNDUAN

Bilang tugon sa Dep Ed Order #105 na kung saan nakasaad dito ang
mga dapat sundin ng mga magulang, mag aaral at mga bisita sa paglabas at
pagpasok sa loob ng paaralan lalo na sa opisyal na oras ng klase, ang mga
opisyales ng GPTA at mga guro ng Cristo Rey East Elementary ay nagkaisa
na ipatupad ang nasabing DepEd order para sa siguridad at kapakanan ng
ating mga mag aaral.

Kaugnay nito, nabuo ang mga sumusunod na alituntunin na


ipapatupad simula sa Lunes, Setyembre 18, 2017;

1. And paaralan ay may tatlong gate at gagamitin sa lang ayon sa mga


sumusunod;
a. Gate 1 (Main Gate) – ito ay gagamitin lamang para sa mga service
vehicle ng mga guro at at iba pang mga sasakyan ng mga bisitang
may opisyal na layunin sa loob ng paaralan.
b. Gate 2 (Blue Gate) – gagamitin lamang ang service gate bilang
pasukan at labasan ng mga batang magaaral.
c. Gate 3 (Bahaging Likod) – pasukan at labasan lang ng mga batang
magaaral lalo na sa mga nasa Grade II.
2. Lahat ng mga bisita/magulang ay kailangang lumagda sa log book
bago pumasok sa paaralan. Sila ay pinapayagang makipag usap
pagkatapos ng opisyal na oras ng klase ng mga guro. Sila rin ay
hinihikayat na magpaalam muna sa punong guro bago pumunta sa
gurong nais nilang puntaha/kausapin.
3. Hindi pinapayagan ang mga batang mag aaral na lumabas sa paaralan
sa oras ng kanilang klase.

You might also like