You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS

LEYTE NORMAL UNIVERSITY


Tacloban City, Philippines 6500

____ Agosto 2023

Sir/Ma’am:
Pagbati!
Kami po ay mga mag-aaral mula Leyte Normal University na kumukuha ng kursong Bachelor of
Secondary Education na may lawak ng pagpapakadalubhasa sa Filipino. Kaugnay nito, nais po
naming hingin ang inyong pahintulot na makapanayam para sa pagtugon sa gawain ng aming
asignatura na FIL120 Technology for Teaching and Learning 2 – Filipino (TTL2). Layon po ng
gawaing ito na bigyang oryentasyon ang mga mag-aaral ng kurso hinggil sa kaligiran ng kurikulum
ng Filipino sa antas sekondarya kaugnay sa mga pangunahing kahingian na nagbibigay-tuon sa
paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng Filipino tungo sa paglinang ng kasanayang ICT ng mga
guro at mag-aaral.
Ang asignaturang TTL2 ay isa sa mga esensiyal na kabahagi ng kurikulum na nagbibigay-diin sa
pagkilala, pagtukoy, at paggamit ng iba’t ibang ICT sa parehong proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
Kaugnay nito, ninanais po ng inyong lingkod na makakalap ng datos mula sa inyong personal at
aktuwal na karanasan upang maging lunsaran sa pag-unawa sa kaligiran ng kasalukuyang sistema
ng makabagong paraan ng pagtuturo. Dagdag pa, ang gawaing ito ay hinalaw mula sa inilatag na
kahingian ng kurso: (1) matukoy ang mga kompetensi sa Filipino na nagagamit ang ICT; at (2)
matukoy ang iba’t ibang ICT na ginagamit ng guro sa pagtuturo ng Filipino.
Tinitiyak ng inyong lingkod na ang ano mang impormasyong makukuha, personal o akademik ay
bibigyan ng malalim na pagpapahalaga ayon sa panuntunan ng Republic Act 10173 o ang Data
Privacy Act of 2012. Kumpedensiyal at pribado ang lahat ng impormasyon at ang paggamit ay
limitado lamang sa layunin ng gawaing ito.
Lubos naming inaasahan ang inyong positibong pagtugon sa kahilingang ito.
Maraming Salamat po.

Lubos na gumagalang,

WALLY O. CONCEPCION
JANNAH SAI EMBERSO
KYLE IVAN MISA

Binigyang-pansin:

GILBERT C. GALIT, MAEd-FLT


Instruktor

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagpapasya:
[ ] Sumasang-ayon Lagda: _______________________
[ ] Hindi Sumasang-ayon Petsa: ________________________

You might also like