You are on page 1of 4

HOME EC0 Pangangalaga sa Sariling Kasuotan

Aralin 2

NILALAMAN:

Tatalakayin sa araling ito ang pangunahing paraan ng pangangalaga ng damit. Ang


pagsusulsi ay isnag paraan upang upang maisuot muli ang isang damit na napunit o nasira.
Ang iba’t ibang paraan ng pagsusulsi na dapat isagawa ng mga mag-aaral ay pagsusulsi ng
tuwid nap unit, at may sulok na punit. Ang bahaging malaki na ang punit at nagging manipis na
ang damit ay maaring tagpian upang maging matibay muli ang damit.

LAYUNIN :

1. Natutukoy ang mga pamamamaraan ng pagsasa-ayos ng mga payak na sira ng


damit.
2. Naisasa-ayos ang payak na sira ng damit sa pamamagitan ng pananahi sa kamay
(Hal. Pagsusulsi ng punit sa damit o pagtatahi ng tastas
3. Naisasagawa ang pagsusulsi ng iba’ tibang uri ng punit

ALAMIN NATIN

Ang Pagsusulsi
Ang damit na may sira, tastas o punit ay kailangang kumpunihin agad bago
labhan o itago upang maisuot pang muli. Ang pagsusulsi ay ang pagdurugtong ng
mga sinulid na naputol sa bahagi ng damit sa pamamagitan ng pagtahi na
gumagamit ng pinongsinulid, matulis at matalas na karayom, at pagtututos ng
dalawang magkahiwalay na bahagi ng nasirang damit.

Mga Uri ng Punit ng Damit at ang Paraan ng Pagsusulsi

1. Tuwid na punit – sa tuwid nap unit ay pagtatapatin at tatahian ng pampatibay na


tahi na tinatawag na palipat-lipat. At simulant ng tahing tutos, ito’y pinong tahi na
salit-salit at pantay-pantay, ngunit sa mga dulo ng tahi ay hindi papantayin ang
hilera upang hindi pagsimulan ng sira.
2. May sulok – pagtapatin ang mga gilid ng punit at ang sulok na bahagi. Tahiin ng
pampatibay na tahing palipat-lipat. Gawing lapat at may sapat na luwag o sikip
ang tahi. Ilampas ang tusok ng karayom sa pagsisimula ng mga tahing tutos. Ang
bahagi ng sulok ay dapat na may magkapatong na mga tutos mula sa pahalang at
pahabang tahi. Ang mga tutos ay dapat salit-salit at pantay-pantay ngunit hindi
tuwid ang mga dulo ng mga tutos upang hindi pagsimulang muli ng punit.
3. Paihilis – ang pagsusulsi ng pahilis na punit ay maari mo na ring subukin sa mga
punit ng iyong sirang damit. Iakma ang mga gilid ng hilis nap unit at tahian ng
pampatibay na tahing palipat-lipat. Ilampas na bahagya ang tusok ng karayom
upang magsimula ng tahing tutos sa pahilis nap unit. Iayon ang mga tahing tutos
sa hibla ng tela ng damit. Tahiang muli ng pabalik.

 Pagtatagpi - Ang wastong pagtatagpi ay dpat naaayon sa hilatsa ng damit, kakulay,


katugma ng dibuho hangga’t maari. Kung ang punit ng damit ay pabilog at may himulmol,
linisan at gupitin ang mga sinulid na naklawit upang di ito kumalat muli sa paglalaba.
Gupitan ang mga gilid upang matiklop ito at maging parisukat o parihaba.

LINANGIN NATIN

Isagawa ang sumusunod na pangkatang Gawain.


1. Bibigyan ang bawat pangkat ng retaso ng tela na may punit.
2. Tukuyin ang uri ng punit
3. Mula sa mga natalakay na pamamaraan ng pagsasa-ayos ng sira ng kasuotan at
sulsihan.

Pangkat ! - Tuwid na punit


Pangkat 2 – May sulok/ tatlong sulok na punit
Pangkat 3 – Pahilis na Punit
Pangkat 4 - Pagtatagpi

TANDAAN NATIN

Ayusin ang payak na sira ng kasuotan sa pammagitan ng pananahi sa


kamay upang maging kaaya-aya itong tingnan kapag isusuot muli ang damit.

GAWIN NATIN

Pag-aayos ng mga bata ng kanilang dalang damit na may sira.


Hayaang pahalagahan ng mga mag-aaral ang ginagawa sa pamamagitan
ng pagmamarka sa tseklis..
Mga Pamantayan Oo Hindi
1. Natapos ba ang proyekto sa tumpal na panahon?
2.Nasunod ba ang wastong pamamaraan sa
pagkukumpuni ng damit?
3. Nagawa ba nang tama ang pagsusulsi sa mga punit
at pagtatagping butas?
4. Nakumpuni ba ang mga punit at butas nang
wasto?
5. Malinis ba ang pagkagawa sa Gawain?

You might also like