Professional Documents
Culture Documents
Pahiwatig NG Bawat Kabanata (El Filibusterismo)
Pahiwatig NG Bawat Kabanata (El Filibusterismo)
Pahiwatig NG Bawat Kabanata (El Filibusterismo)
Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga pahiwatig ng mga iba't ibang kabanata ng El
Filibusterismo.
-Ang bapor Tabo’y larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang pagtakbo at
maraming balakid sa landas na ang ibig sabihi’y mahina ang pag-unlad. Marami pang dapat
gawin upang sumulong ang bansa.
-Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta at ang ilalim nito.
Ang pamahalaan ay nagpapalagay na may mataas at mababang uri ng tao.
-Si Simoun, ang mayamang mag-aalahas na siyang tagapayo ng kapitan heneral, ay walang iba
kundi si Ibarra.
-Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan upang
maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.
-Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan si Simoun gayung
ang pagkakakilala nila’y malapit sa kapitan heneral.
-Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat ng bayan pati na ang
pinagmulan ng mga bagay, halaman o tao.
-Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes. Sila ang
makapangyarihan sa bayan.
-Sa kabanatang ito’y napabulaanan ang kasabihang kung ano ang puno’y soyang bunga. Si
Basilio ay may mga mabubuting katangiang kabaligtaran ng sa ama.
-Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito’y mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa,
kaisipan, damdamin at mga mithiin ng may akda para sa kaniyang bayan.
-Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng pagbabago. Ang
isa’y humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at ang isa nama’y nagnanais
humiwalay upang maging ganap na malaya.
-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng Salaping
inaasahang ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang
gawa at nasa Diyos ang awa.
-Si Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus ay ipako sa krus. Siya’y naghugas ng kamay
at sinabibg siya’y walang kasalanan.
Kabanata X: Kayamanan at Karalitaan
-Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa ang
pasiya ng mga prayle.
-Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa pamamalakad at pamamaraan
ng pagtuturo sa pamantasan. Sila’y naghain ng kahilingan upang magkaroon ng pagbabago.
-Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing darating at hindi sa
pag-aaral. Isa ito sa sakit ng ating lipunan-ang pakitang tao.
-Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa
mga Pilipino.
-Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan, na wari’y
nalulusaw sa init ng kabataan at karunungan. Magandang halimbawa si Sandoval, isang
Kastilang naging kasama’t kamag-aral nina Isagani at Makaraig.
-Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring nagaganap noong panahon
ng Kastila.
-Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa huli upang
maghimagsik.
-Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad tayong humahanga.
Hindi na natin sinusuri ang kanilang mga tunay na pagkatao at kakayahan.
-May paniniwala si Rizal na ang tao’y pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang puti at
kayumanggi.
-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang
natin ito sa mga Kastila.
-Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain. Maging ano mang bagay
na gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin.
Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang katunayang ang
kabataan ay hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay na ikauunlad ng sarili at ng
bayan.
-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang anumang
kilusang labag sa kanilang kapakanan.
-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang pagnanasang manatili
sa Pilipinas.
-May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at di-mabuting
pagkilala sa mga Pilipino.
-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari. Kalimitan,
pag-nagpasalin-salin, ito’y marami nang dagdag.
-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang aring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.
-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng
mga mananampalataya.
-Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging ang
mga may tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan.
-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na may ilan ding
Kastilang ,ay ugaling marangal.
-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng
katarungan sa ating bansa.
-Si Paulita’y larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni Isagani. Hindi
siya makapaghintay sa katuparan ng mga “pangarap” ng binata.
-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang maipaghiganti ang sariling
kaapihan.
-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa mga
maruruning at mayayaman. Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan.
-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi
baling masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito’y labag sa
alituntunin ng kagandahang-asal.
-Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan at ano mang
pisata dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya. Ang iba’y kahit na
mangutang.
-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa mga piling panauhin.
Sinasabing “Bilang na, natimbang na, hati ang inyong kapangyarihan.” Nangangahulugang
nabibilang na ang araw ng mga maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat
natagpuang nagkulang at nakgkasala.
-Magnum Jovem- Dakilang Jupiter. Si Jupiter ay ang Diyos ng kalangitan, ayon sa relihiyong
Romano.
-Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon.
-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi
nahahayag.
-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.