You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Rehiyon VI- Kanlurang Visayas


Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Iloilo

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 11

Paaralan: Jalandoni Memorial National High School Baitang/Antas: 11


Guro: Tessahnie S. Serdeña Asignatura: Komunikasyon at
Petsa: Hulyo 2-4, 2018 Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Markahan: Unang Semestre (1st Quarter)

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at


gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
C. Kasanayan:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan
(F11PS-Ib-86)

II. Paksa: Mga Konseptong Pangwika (Barayti ng Wika)


Sanggunian: Taylan, D., Petras, J., & Geronimo, J. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. REX Book Store.
Espina, B., Borja, F., Cabiles, NV., Cepeda, E., Denusta, J., Espedion, R., Magtulis, E., Pama, H., &
Quidato, JG. (2012) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. WVSU Publishing House & Bookstore
Dayag, A., del Rosario, M.G. (). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Phoenix Publishing House.

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo:

 Laptop
 Projector
 Batayang Aklat
 Mga kauganay na babasahin
 Metacards
 Power Point Presentation
IV. Pamamaraan

A. Pagganyak
 Tumawag ng isang mag-aaral na maituturing na bibo o mahusay sa pag-arte.
Ipagawa at ipasabi ang magiging pagbati at reaksiyon niya para sa sumusunod na
sitwasyon.
 Nasalubong mo ang isa sa pinakamalapit mong kaibigan o kabarkada.
 Habang naglalakad kayo ng kaibigan mo ay nasalubong ninyo naman ang
principal ng inyong paaralan.
 Patuloy kayo sa paglalakad nang masalubong mo ang isa sa mga kaklase
mo.
 Maya-maya pa’y heto at dumarating naman ang crush mo.

 Pagkatapos marinig ang magiging reaksiyon ng mag-aaral na pinaarte ay sabihing


sila naman ay gagawa rin ng tulad ng ginawa niya. Ituon ang pansin ng mga mag-
aaral sa Simulain Natin, pahina 42.
 Sabihin sa kanila ang sitwasyong nakalahad sa pahina 42 at makikita rin sa ibaba:
 Lunes ng umaga, tulad ng dati, maraming tao kang makakasalubong at
makakausap. Pano mo sila kakausapin o babatiin? Isulat ang sasabihin mo sa
bawat isa.
 Sa kaibigan mong coño o sosyal
 Sa isa sa mga guro mo
 Sa kaibigan mong “beki” o bakla
 Sa kaibigan mong jejemon
 Sa lolo mong kagagaling sa probinsya nyo.
 Ipabahagi sa kanilang pangkat ang mga isinulat nilang pagbati. Ipaalalang sasabihin
nila ang pagbati sa pinaka-natural na parang tila nasa tabi lang nila ang binabating
tao.
 Tutukuyin kung bakit nagkaiba-iba ang mga paraan ng pagbating inilahad nila
gayong iisa lang naman ang sitwasyon. Itanong ang sumusunod:
 Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging
paraan mo ng pagbati o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?
 Ano ang pinatutunayan nito sa paggamit natin ng wika?

B. Gawain
Ipapabasa ang teksto tungkol sa barayti ng wika.

D. Pagtalakay sa Aralin
Pagtalakay sa binasa
Mga Tanong:
1. Ano-anong sallik ang pinagmumulan ng pagkakaiba o ng mga barayti ng wika?
2. Paano nalilikha ang iba’t ibang barayti ng wika?
3. Ano ang diyalek? ang idiyolek? ang sosyolek? ang etnolek? ang register?
4. Paano nagkaiba ang pidgin at creole?
5. Paano mo mailalarawan ang iyong idiyolek? Paano naiiba ang paraan mo ng
pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita rin ng wikang ginagamit mo?
6. Sa anong sosyolek naman nabibilang ang pagsasalita mo? Ipaliwanag.
7. Ano ang Jargon? Paano mo malalaman ang propesyon o gawain ng mga taong nag
uusap base lang sa knilang jargon?

E. Paglalahat
Sa ano-anong pagkakataon sa buhay mo maaaring makatulong ang mga kaalaman ukol
sa mga barayti ng wika? Magtala ng limang paraan.
F. Paglalapat
Upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa mga barayti ng
wika at upang maiugnay nila ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan ((F11PS-Ib-86)) ay magsagawa ng pangkatang gawain tulad ng sumusunod:
Papiliin ang pangkat ng barayti ng wika gusto pa nilang higit na mapalalim.
Maaari silang pumili sa sumusunod:

 Dayalek
 Idyolek
 Sosyolek
 Etnolek
 Register
 Pidgin at creole
Papag-isipan nila kung paano ito higit na mabibigyang buhay sa klase at higit na
maunawaan at mapahalagahan ng iba pang mag-aaral. Mahalaga ring maiugnay nila ang mga ito
sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
Ang gagawing paglalahad ay dapat nakatuon sa sumusunod:

 Pag-uugnay ng mga konsepto ng barayting napili sa sariling kaalaman,


pananaw, at mga karanasan
 Pagpapapalalim upang higit na maunawaan at mapahalagahan ang kaugnayan
ng mga barayti ng wika sa ating lipunan at kultura
 Pagbibigay ng angkop na halimbawa at paghimay sa mga halimbawang ito
 Pagiging malikhain at hindi kabagot-bagot ng pagtatanghal na hindi dapat
lumagpas sa limang minuto.

G. Pagtataya
Isulat kung anong varayti ng wika ang mga ss. na pahayag.

1. Naulan na naman. Hindi na tumitigil ey.


2. Ang mahal pero. Bibilhin ko sana ay.
3. Guys, may pagsusulit tayo sa Filipino ngayong araw.
4. Ipapasa ninyo ang inyong proyekto sa susunod na lingo. Ang hindi makakapagbibigay sa
takdang araw ay hindi na tatanggapin.
5. What’s up yo? Break it down.
6. Pagkaganda palá ng anák ng mag-asawang aré, ah!
7. Hindi pa siya nangan ng hapunan. Nagsasakit na ang tiyan niya.
8. You’re so… Whatever
9. Pagkatagal mo ga.
10. Ryan Bang: I lilly lilly like it!
V. Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa homogenous at heterogenous na wika.

Inihanda ni:

TESSAHNIE S. SERDEÑA

Checked and Noted by:

LALICE JOY J. ARQUINTILLO


SSHT III, FILIPINO Department

You might also like