You are on page 1of 2

Article II.

The Teacher and the State (FB)


Ang social media ay ginagamit upang makapaghatid ng impormasyon at tulay sa
komunikasyon ng mga tao upang mapag-ugnay ang bawat indibidwal sa ating bansa.
Gaya ng guro na siyang tagahatid ng impormasyon atnagsisilbing boses sa lipunan
bilang naninilbihan sa kanyang bansang sinilangan.
Article III. The Teacher and the Community (TULAY)
Ang tulay ay ginagamit upang mapagdugtong ang isang bagay. Gaya ng tulay, ang
guro ang siyang nagsisilbing tulay upang makatulong sa lipunan at maging huwaran
sa anumang bagay na makabubuti sa kanyang kapwa.
Article IV. A Teacher and the Profession (PISARA)
Ang pisara ay gamit sa pagtuturo. Gamit ang pisara sa pagtuturo ng guro ay
napakahalagang bagay upang matugunan ang pangangailangan ng mag-aaral. Ang
pisara ang nagsisilbing pangunahing kagamitang pampagtuturo ng guro maliban sa
kanyang sarili, kaya’t nararapat lamang na magamit ito sa maganda at mabuting
pamamaraan.
Article V. The Teachers and the Profession (KANDILA)
Ang gamit ng kandila ay magpaliwanag sa madilim na kapaligiran. Gaya ng guro na
nagsisilbing kandila sa mga taong kanyang natutulungan sa pag-aaral upang matuto.
Habang ang kandila ang nakasindi ay parang guro na sinisikap ang pagtuturo araw-
araw upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang mag-aaral. Habang paubos
na ang liwanag ng kandila ay para ring guro na sinakripisyo ang buong buhay sa
buong araw niyang pagtuturo. At kapag tuluyan nang namatay ang liwanag ng kandila
ay hudyat nito na namamahinga na ang guro. Pagsapit ng umaga ay sisindi na naman
ito ng panibagong kandila para makapagpaliwanag muli sa kapwa.
Article VI. The Teacher and the High Authorities in the Profession (HAGDAN)
Ang gamit ng hagdan ay para maakyat ang isang bagay. Isa sa hangarin ng isang guro
ang tumaas ang kanyang posisyon. Gaya ng hagdan na hindi ka agad-agad
makatungtong ds hinahangad mong posisyon bagkus marami kang pagdadaan o
hahakbanging pagsubok upang ito’y makamit at mapagtagumpayan.
Article VII. School Officials, Teachers, and Other Personnel (WALIS)
Ang walis ay pinagbugkos upang magamit sa paglilinis. Kasangga ng guro ang mga
opisyal at ibang personel ang pagtulong sa pagpapatupad ng polisiya, pagpapalawig
ng samahan, marangal na panunungkulan, at may responsableng pamamahala o
pamumuno upang mapakinabangan at magamit sa kasalukuyan at hinaharap.
Article VIII. The Teacher and Learners (LAPIS)
Ang lapis kapag hindi tinasahan ay walang silbi. Ang tulong ng guro sa mag-aaral ay
parang pagtasa sa lapis na hindi pa natatasahan. Ang guro ang gumagabay sa
pagtuklas ng kaalaman ng mga mag-aaral upang mapalawak ang kanilang kaalaman.
Article IX. The Teacher and Parents (KUTSARA’T TINIDOR)
Ang kutsara at tinidor ay magkasangga sa kainan. Ang guro at magulang naman ay
magkasangga sa pag-aaral at pagkatuto ng kanilang mga anak o mag-aaral. Ang
kutsara ay ginagamit sa masabaw na mga pagkain at ang tinidor sa mga maaaring
matusok. Ang guro ay nagtuturo sa loob ng paaralan samantalang ang magulang ay
ang guro sa tahanan.
Article X. The Teacher and Business (ALKANSYA)
Ang alkansya ay isang bagay na ginagamit na paglagyan ng ipon. Ang pagnenegosyo
ng isang guro ay dapat maihiwalay sa kanyang pagtuturo. Maaaring magnegosyo
upang may maidagdag sa iniipon at may magagamit sa hinaharap.
Article XI. The Teacher as a Person (KRUS)
Kung ang guro ang gumagabay sa mga mag-aaral, ang Poong Maykapal naman ang
gumagabay sa mga guro bilang isang tao o indibidwal. Ang guro ay nararapat na
kinikilala ang Poong Maykapal bilang tagagabay sa anumang pagsubok na
kinahaharap niya sa pagtuturo at tagagabay sa kanyang patutunguhang direkson

You might also like