You are on page 1of 1

ANO ANG PAGBASA?

Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo o sagisag ng


nakalimbag at pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga ideya o
kaisipan na gustong manunulat na ilipat sa kaisipan ng mambabasa
Kahalagahan ng Pagbasa
Nadadagdagan ang kaalaman
Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan
Nakararating sa mga pook na hindi pa nararating
Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
Nakakukuha ng mga mahahalgang impormasyon
Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin
Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita nag iba’t ibang antas ng
buhay at anyo ng daigdig
Teoryang Itaas – Pababa:
Ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon
nangdating kaalaman at karanasan.

Teoryang Ibaba – Pataas:


Ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita,
pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.

Teoryang Interaktibo:
Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang
interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito ay nabubuo mula sa
kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawasa teksto

Teoryang Iskema:
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o
memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito ay
nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o
hindi alam ng mambabasa.

You might also like