You are on page 1of 3

PAGPAPATIWAKAL

sa pagitan ng 38% hanggang 55% ng mga pagpapakamatay. Ang

mga beterano sa digmaan ay may mas mataas na panganib na magpakamatay

dahil sa bahaging mas mataas ang bilang ng mga karamdamang pangkaisipan

at problema sa pisikal na kalusugan na may kaugnayan sa digmaan.

Kadalasan, may mga karamdamang pangkaisipan sa panahon ng

pagpapakamatay na tinatantiyang nasa hanay na mula 27% hanggang sa

mahigit sa 90%. Sa mga nananatili sa psychiatric unit, ang panganib ng

kanilang pagsasakatuparan ng pagpapakamatay sa buong buhay nila ay

humigit-kumulang 8.6%. Ang kalahati ng lahat ng taong namamatay sa

pagpapakamatay ay may major depressive disorder o masyadong malubhang


karamdamang depresyon; ang pagkakaroon nito o ng isa sa ibang mga mood

disordertulad ng bipolar disorder ang nagpapataas ng panganib ng

pagpapakamatay ng 20 beses. Kasama sa ibang mga kondisyong nauugnay

ang schizophrenia (14%), mga karamdaman sa pagkatao (14%), bipolar

disorder, at posttraumatic stress disorder. Ang humigit-kumulang 5% ng

taong may schizophrenia ang namamatay sa pagpapakamatay. Ang

mga karamdamang may kaugnayan sa pagkain o eating disorder ay ibang

kondisyong may mataas na panganib.

Ang pag-abuso sa droga o alak ang ikalawang pinaka-

karaniwang salik ng panganib para sa pagpapakamatay pagkatapos

ng malubhang depresyon at bipolar disorder. Ang kapwa pabalik-balik na

pag-abuso ng alak o droga pati na rin ang malubhang paglalasing ay

nauugnay. Kapag naisabay sa personal na pagdadalamhati, tulad

ng pagluluksa, ang panganib ay mas lalo pang tumataas. At saka dagdag pa

rito, ang maling paggamit ng substansiya (droga o alak) ay nai-uugnay sa

mga pangkaisipang karamdaman.

Ang problema sa pagsugal ay nauugnay sa pinatinding imahinasyon

ng pagpapakamatay at mga pagsubok nito kumpara sa pangkalahatang

populasyon. Sa pagitan ng 12 hanggang 24% ng mga sugarol ang sumubok

na magpakamatay. Ang bilang ng pagpapakamatay sa kanilang mga asawang


babae ay tatlong beses na mas mataas kaysa sa pangkalahatang

populasyon. Kabilang sa mga ibang salik na nagpapataas ng panganib sa mga

problemang sugarol ang pangkaisipang karamdaman, pagkalulong sa alak at

droga.

You might also like