Professional Documents
Culture Documents
Panitikan at Manunulat NG SOCCSKSARGEN
Panitikan at Manunulat NG SOCCSKSARGEN
Maraming iskolar ang nagkakaroon ng mataas na interes sa pag-aaral ng mga panitikan ng Mindanao. Ito ay dahil sa tila kakaunting impluwensiya ng maka-Kanlurang kultura dito. Dahil na rin sa kalayuan ng lokasyon sa
mga sentrong lungsod ng Pilipinas na target ng mga mananakop, hindi kaagad-agad napasok ang isla ng Mindanao. Ito na rin ang dahilan kung bakit magpasahanggang ngayon ay hirap pa rin tayong abutin ang kanilang mga
porma ng literatura.
Nakalulungkot man isipin, ngunit kakapiranggot ang nakatalang mga dokumento tungkol sa mga porma ng panitikan sa Mindanao. Ang pinakalutang na dahilan rito ay ang pagkakaroon nila ng malawak na pasalitang
tradisyon sa panitikan. Dahil na rin sa kakapusan sa mga dalubhasang nagkakaroon ng interes na magtala sa mga ito, hindi nabibigyan ng sapat na pangangalaga ang panitikang Mindanao. Ayon sa panimulang sulat tungkol sa
pantikan ng Mindanao ni Christine Godinez-Ortega sa librong Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions, hindi gaanong nasusulyapan ang impluwensiya ng indigenous natives ng Mindanao sa kanilang
literature; bagkus ang nakikita natin sa ngayon ay ang mga naging ambag ng mga karatig-bayan ng taga-Mindanao, gaya ng mga Tsino, mga Malay at mga Bombay na mangagalakal, mga misyonerong Kastila, at mga
historyador at antropologo.
Kung tutuusin napakayaman ng panitikang Mindanao. Kung sususriin at kikilatisin nang mabuti, mayroong natatanging ganda ang mga porma ng literatura ang bawat rehiyon, ang bawat probinsya, ang bawat pangkat-
etniko na napapaloob sa Mindanao.
Ilan sa tanyag na literatura ng Mindanao ay ang Ulahingan, ang epiko ng Livunganen-Arumanen Manobo ng Hilagang Kotabato, at ang Agyu, ang epiko ng mga Illanum ng Hilagang Kotabato.
Bukod sa mga nabanggit na epiko, ang SOCCSKSARGEN ay mayroon ring iba’t ibang porma ng panitikan. Halimbawa sa mga ito ay ang mga kasabihan, mga bayok o bugtong, mga mito, mga kwentong bayan, mga
alamat, at mga kantang rebolusyonaryo.
Sa kasalukuyan, ang mga manununlat na mula sa SOCCSKSARGEN ay nagsusulat gamit ang kanilang lingua franca, Ingles, Cebuano, at Binisaya. May iilang mga grupo ng manunulat ang matatagpuan din sa
SOCCSKSARGEN: ang Bathalad, Ludabi, at Magsusulat.
Ayon sa papel ni Corazon T. Martin-Roquero na pinamagatang Manobo Oral Literature, ang panitikan na makikita sa bahagi ng SOCCSKSARGEN ay madalas pasalita at naipasa-pasa na sa iba’t ibang henrasyon, gaya rin
ng sa iba pang mga pangkat etnikong sa bansa. Ang mga panitikan na matatagpuan dito ay repleksyon ng simpleng pamumuhay ng mga etnikong grupo sa lugar. Kung susuriin nang mabuti, ang kanilang buhay agrikultural,
industriyal, at komersyal ang siyang nakaaapekto at lumalaman sa mga kwento na kanilang ipinapasa-pasa. Ang kanilang relihiyosong mga paniniwala, panlipunang oryentasyon, pag-iibigan, pagkakaibigan at pakikidigma ay
nakadaragdag rin sa maraming paraan ng pagkwekwento ng mga grupong ito. Ngunit maraming hadlang sa mga grupong tulad ng mga Manobo upang lubusang maipalaganap ang kanilang panitikan. Ilan sa mga ito ay ang
illiteracy at ang mga di-kagandahang sitwasyon ng kanilang lipunan. Sa kabila nito, kamangha-mangha pa rin kung paano naipalaganap ng maliliit na grupo sa Rehiyon 12 ang kanilang panitikan.
Ang pag-aaral at pagsasaliksik sa mga pantikan ng isang grupo, dagdag ni Roquero, ay hindi lamang pagtatangkilik sa mga poetic methods ngunit higit sa lahat, ito ay isang pag-aaral sa ikinaunlad ng isang grupo. Ang
panitikan ng kahit anong grupo ay nagdadala ng mensahe ng nakaraan. Sabi nga ni Roquero, “It is forged from the sum total of human experience and interpreted in the light of local environment.”
Ayon kay Roquero, laganap ang paggamit ng mga kasabihan sa parte ng SOCCSKSARGEN, lalo na sa lugar kung saan maraming naninirahan na mga Manobo. Tinawag ni Roquero ang mga kasabihan na “the sacred
books of each nation, the sanctuary of the institutions” dahil ang mga ito ang siyang gumagabay sa mga tao patungo sa daan ng kaayusan. Gaya ng mga banal na iskripto, ang mga kasabihan ay nagpapayo o nagbibigay-
liwanag sa mga taong tila nababalisa o nawawala sa kanilang landasin. Dagdag pa niya, ang mga kasabihan ay “ang mga kristal ng karunungan ng isang lahi.” Ibig sabihin ang mga ito ang siyang ipinapasa-pasa ng iba’t
ibang salinlahi at siyang pumapatnubay sa lahat ng mga nangangailangan ng gabay.
Ang mga bayok o bugtong ay bahagi din ng napakayamang panitikan ng SOCCSKSARGEN. Bayok ang tawag sa pormang literatura kung saan may ibibigay na mga salita na hindi diretsong tumutukoy sa tamang sagot.
Napakaraming bayok ang pumapaloob sa probinsya ng Cotabato. Ayon sa pag-aaral ni Roquero, ang mga bayok ay isa sa mga kumon na porma ng libangan sa mga okasyon na napupuno ng kasiyahan.
Tulad ng karamihan ng mga rehiyon sa Pilipinas, ang SOCCSKSARGEN ay mayroon ring mga mito. Ang mga mito ay ang sinasabing repleksiyon ng buhay ng isang lugar. Ipinapikita sa mga mito ang pag-usad ng paraan
ng pamumuhay, paniniwala, at kaisipan ng isang lahi. Ayon kay Roquero: “They represent a place of development above that which is ordinarily possible to the primitive peasant mind.” Sa mga mito di-umano natin makikita
ang pinagsamang galing ng isang malikhaing manunulat at ng isang pilosopo, sapagkat may arte ang pagsasatitik ng mga ito at mayroong malalim na mensaheng nais iparating. Isa sa mga sikat na mito ng rehiyon ay ang Mito
ng Mindanao.
Ang Mito ng Mindanao ay tungkol kay Prinsipe Maranao ng Lanao at kay Prinsesa Minda. Si Prinsesa Minda ay maingat na pinangangalagaan ng kaniyang ama na si Datu Dipatuwan. Ayon sa datu, ang lahat ng
magtatangkang manligaw sa prinsesa ay dapat munang dumaan sa tatlong matinding pagsubok: 1) maibalik ang ikinalat na monggo sa isang sako sa loob ng 12 oras, 2) makuha ang singsing ng datu mula sa ilalim ng dagat, 3)
ang makabalik sa ibabaw ng mundo mula sa isang malalim na underground kung saan walang makakapitang bato o puno sa pag-akyat.
Nang marining ni Prinsipe Maranao ang tungkol kay Prinsesa Minda, agad itong nagpaalam sa kaniyang magulang para ito’y puntahan. Hindi naging madali ang panliligaw ni Prinsipe Maranao kay Prinsesa Minda. Tulad
ng ibang manliligaw, hinarang ng datu ang binata at binigyan ito ng tatlong pagsubok.
Sa unang pagsubok pa lamang ay nahirapan na ang binata. Tatlompung minuto na lamang ang natitira ngunit wala pa siyang napupulot ni isang munggo. Hindi naglaon, nakarinig siya ng isang matinis na boses. Nang siya
ay napatingin sa lupa, isang pulang langgam ang tumatawag sa kaniya at nais maghatid ng tulong. Agad-agad dumami ang pulutong ng mga pulang langgam. Wala pang sampung minuto at napuno na ng prinsipe ang isang
sako ng munggo.
Ang pangalawang pagsubok ay mas mahirap kaysa sa nauna. Hindi magaling na maninisid ang prinsipe, kaya lubos itong kinabahan nang siya ay inihagis sa dagat para hanapin ang singsing. Ngunit nang oras na siya ay
itinapon sa dagat, siya ay napadpad sa isang malawak na daanan. Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ng malalim na boses ang binata. Ito ay ang Hari ng Kaharian ng mga Isda. Inutusan nito ang kaniyang mga isda na
hanapin ang singsing. Walang kahirap-hirap, nakuha ng prinsipe ang singsing.
Pinakamahirap sa lahat ng pagsubok ay ang pangatlong utos ng datu. Ihahagis ang prinsipe sa isang balon na walang puno o bato na mapagkakapitan. Kailangan niyang makabalik sa mundo para makuha ang prinsesa.
Nalaman ito ni Prinsesa Minda, at kaniyang kinasundo ang mga tauhan ng ama at agad sumama sa prinsipe sa ilalim ng balon.
Nang sila’y nasa baba na, dumating ang datu. Sa takot ng mga tauhan, pinutol nila ang tali. Takot na takot ang dalawang magkasintahan dahil alam nilang wala ng paraan para sila ay maka-akyat. Ngunit sila ay nakatagpo
ng isang ibon na tumulong sa kanila sa kanilang pag-akyat.
Nakita ng prinsesa ang kaniyang ama sa kanilang pagbalik at humingi ito ng kapatawaran. Tinanggap na ng datu ang prinsipe at pinayagang pakasalan ang kaniyang anak. Nang yumao ang datu, si Prinsipe Maranao at
Prinsesa Minda ang namuno sa naiwang kaharian ni Datu Dipatuwan.
Ang mga kwentong bayan ay tila bahagi na ng panitikan ng bawat rehiyon sa bansa. Saan ka man sa Pilipinas, may uusbong at uusbong na mga natatanging kwentong bayan. Iba’t iba ang katangian ng isang kwentong
bayan. Nariyan ang nakatatakot, nakagigimbal, nakamamangha. Isinulat ni Roquero na ang mga kwentong bayan ay ang pinagtagpi-tagping ispiritwal na paniniwala, tradisyon, at pangaraw-araw na pamumuhay ng mga tao.
Dagdag pa niya, ang mga kwentong bayan ay “the fabric upon which the people weave the pattern of the future.” Dahil sa mga mito ay nakabubuo ang mga tao ng kanilang kinabukasan. Nilalaman nito kung ano ang naiisip
na hinaharap ng mga tao sa isang komunidad.
Nabiyayaan din ang SOCCSKSARGEN ng maraming alamat. Ilan sa mga ito ay ang alamat ng mga katawang pangkalawakan at ang alamat ng Lawa Pinamaloy. Ang mga alamat na ito ay tungkol sa pag-ibig, pamilya, at
katapangan.
Ang alamat ng mga katawang pangkalawakan ay nag-uumpisa sa pagbubuo ni Azean kina Andaw (araw) at Bulaw (buwan). Sina Andaw at Bulan ang kinikilalang unang magkasintahan sa buong kalawakan. Hindi naglaon
ay nagkaroon ang dalawa ng kanilang sariling anak. Ngunit ang naging problema ay hindi ito mahawakan ni Andaw dahil sa napakainit niyang katawan. Lubos itong ikinalungkot ni Andaw dahil hindi niya maipakita ang
pag-aaruga ng isang ina. Sa kanyang pamamalagi sa tabi ng kaniyang anak, lagi lang tinititigan ni Andaw ang kanyang sanggol.
Isang araw nang umalis si Bulan, nakita ni Andaw na umiiyak ang kaniyang anak. Nakita niyang aligaga ang kaniyang alaga sa kaniyang pinaghihigaan. Hindi nagtagal, tila malalaglag na ang bata. Walang pagdadalawang-
isip na sinalo ni Andaw ang kaniyang anak. Sa kasawiang-palad, nasunog ang bata at namatay.
Nang makabalik sa Bulan at nalaman ang kinahinatnan ng kanilang anak, lubos niya itong ikinagalit. Napagpasiyahan ni Bulan na sila ni Andaw ay maghihiwalay dahil sa nangyari. Ngunit bago iyon ay hinati-hati muna
nila ang katawan ng bata at ikinalat sa buong kalawakan. Ang mga pinutol na bahagi ng bata ay ang siyang naging mga katawang pangkalawan. Ang bahaging hindi nasunog ay ang siyang naging dunya o mundo.
Sa kanilang paghihiwalay, nagsalita si Andaw na: “Mula ngayon, hinding-hindi na magtatagpo ang ating mga landas. Akin ang umaga, sa iyo ang gabi.”
Ang alamat ng Lawa Pinamaloy ay tungkol sa isang binata mula sa lugar na kung tawagin ay Aruman. Ang binatang ito ay isang mangangaso na magaling sa paggamit ng sibat at dilek. Isang araw, siya ay nangaso sa
kagubatan na ang kasama lamang ay ang kaniyang aso. Sa kagubatan ay nakapatay siya ng isang baboy-ramo. Ngunit bago niya ito nagawa ay lubhang napuruhan rin siya nito. Pinutol ng binata ang mga tenga ng baboy-ramo
at inutusan ang kaniyang aso na dalhin ito sa kaniyang iniibig na dilag.
Nang marating ng aso ang dilag, ipinakita nito ang mga tenga ng baboy ramo. Nang tanungin ng babae kung ano ang nangyari sa minamahal, ayaw magsalita ng aso sa takot na mayroong mangyaring masama. Pinilit nanng
pinilit ng babae ang aso hanggang sa malaman niya ang totoo. Matapos sabihin ng aso ang tunay na nangyari, kumidlat nang malakas at nayanig ang kanilang bayan.
Nang ang bayan ay lumubog na dahil sa delubyong naganap, tumakbo pabalik ang aso sa kaniyang amo. Doon ay dinala sila ng isang diwata sa lumubog na bayan na tinawag na Ranaw Pinamboy.
Sinasabi na sa ibang mga gabi ay mayroong naririnig na babeing humihikbi at isang aso na tumatahol sa may lawa.
Tulang naratibo ang tawag sa mga tulang mahahaba at isinulat para basahin o di kaya’y kantahin. Ang pinakamagandang halimbawa ng isang tulang naratibo ay ang epiko na Ulahingan. Batay sa mga ulat, ang epikong
Ulahingan ay mas mainam di-umano basahin nang malakas kaysa sa basahin nang taimtim. Ngunit aabutin ang isang mambabasa ng halos 12 oras bago matapos ang panimula palamang ng epiko. Kung nanaising tapusin ang
kabuuan nito, aabot sa humigit kumulang na 612 na araw bago mabigyang wakas ang epiko.
Ayon kay Dr. Elena Maquiso, isang iskolar na nagtala ng Ulahingan, nakalulungkot man isipin ngunit hindi lubos na kilala ang epikong ito sa bahaging Kotabato. Ito na rin ang nag-udyok sa kaniya upang isulat ang epiko
ayon sa pagkakakanta sa kaniya ng mga katutubo. Sa kaniyang sanaysay na “The Ulahingan: A Manobo Epic”, isinulat niya ang kaniyang mga layunin sa pagtala ng epiko: una ang maipaalam sa madla na mayroong ganitong
uri ng epiko; pangalawa ay ang ipakilala sa madla ang epikong ito; at pangatlo ay ang pagpapakalat ng kayamanan ng epiko.
Ang epikong Ulahingan ay tungkol sa buhay ni Agyu noong narito pa lamang siya sa mundong ibabaw. Tungkol din ito sa Nalandangan nang mapunta si Agyu at ang kaniyang mga kababayan dito. Sa Ulahingan,
inilalahad ang pagpatay ng mga dayuhan sa mga tao ni Agyu, ang pagkukulong kay Agyu ng mga dayuhan, ang pagkakakulong ng kanyang mga kababayan sa Cagayan, ang kanilang pagtakas papunta sa Hilagang Mindanao,
ang kanilang pakikipagdigma laban sa isang datu ng Maguindanao, at ang kanilang mga sakripisyo at paghihirap.
Matapos ang kanilang paghihirap, lumibot si Agyu kasama ng kaniyang mga kasamahan sa kabuuan ng Mindanao. Sa kabutihang-palad, nakakita sila ng isang sakong bigas. Niluto nila ito at sa kanilang gulat ay nabusog
ang lahat mula sa mga sanggol hanggang sa matatanda. Ito ang nagdulot sa kanilang pag-akyat mula Aruman patungo sa Nalandangan.
Bago sila tuluyan umakyat sa Nalandangan, iniwan ni Agyu ang kanyang anak na si Bayuayan upang magsilbing tagapagsalaysay ng kanilang naging pakikipagsapalaran.
Dagdag ni Maquiso sa kaniyang sanaysay, mayroong tatlong ginagamit na musical na porma sa pagkanta ng epikong Ulahingan: ang undayag, ang likuen, at ang panahansan. Ang undayag ay ginagamit sa dalawang paraan.
Ang una ay ang umpisa ng kanta kung saan hinahanda ng manganganta ang kaniyang sarili. Sa kaniyang paghahanda, sinasabi ng mangangawit ang mga linyang aday aday mandaan and ay ay andaman na wala naming ibig
sabihin.
Ang likuen at panahansan ay maaring magsalitan sa kanilang gamit para makapagbigay ng baryasyon sa pagkanta. Maraming anyo ang tono ng likuen, at ang mga ito ay may iba’t ibang melodyo. Ngunit ang parahansan ay
may iisang nota lamang, na ginagamit nang paulit-ulit sa isang malakas na pagbigkas. Ang dalawang ito ay ginagamit na lang sa mismong kwento, at hindi sa pamahra kung saan kinakanta ang likuen.
Sa libro na Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions, na tinipon ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura na si Bienvendio Lumbera, at kung saan si Christine Godinez-Ortega ang patnugot ng
parte ng panitikan sa Mindanao, unang naitala ang mga kantang rebolusyonaryo na kabilang sa mga anyong pampanitik ng Mindanao.
Ang mga kantang rebolusyonaryo ay ang mga awit na nilikha ng mga local na Muslim laban sa mga migranteng pumapasok at siyang nagdudulot ng kaguluhan sa kanilang lugar.
Ilan sa mga nailimbag na halimbawa ay ang O Papanok (O Bird) at ang Bangsamoro (People of Bangsamoro).
“O Papanok”
‘‘O Bird”
Bangsamoro
Bangsamoro, a baninindig
kanu inged
lila su ngiwa indi lugo
Mamagayon, mamagisa-isa
apas tanu su kandaludaya
Palaw ataw disdan
Pawas kadatalan
su kandaludaya
ataw pakuburan
People of Bangsamoro
Ang Parang Sabil ay isang awit na para sa mga bandido. Halaw mula sa salitang Malaysian ang ‘parang’ na ang ibig sabihin ay “giyera” at ang ‘sabil’ naman ay “sa paraan ng Diyos o ni Allah.” Isang halimbawa ng Parang
Sabil ay ang ‘Kissa kan Panglima Hassan’, na tungkol sa isang matapang na bayani na nakipagaban sa mga Amerikano na nais magpatupad ng sistemang
Mayroon ding iba’t ibang uri ng maikling kwento ang matatagpuan sa rehiyon. Sa katunayan, mayroong inilabas na libro ang DepEd na isang antolohiya ng mga kwentong pambata sa salitang Kotabato. Sa librong A Voice
from Mt. Apo: Oral and Written Essays on the Culture and World View of the Manobo, mayroon ding matatagpuan na koleksyon ng mga tula at mga maiikling kwento, na naisalin mula sa salitang Manobo patungo sa Ingles.
Ilan sa mga kwentong ito ay ang Molingling ni Tano Bayawan, Tilanduk woy dos Gungutan (Tilanduk and the Giant) ni Enagaro Bugcal, at Iddos Oggasi way dos Anak (The Ogre and the Child) ni Olinan Landas, at iba pa.
Sa mga libro at kwento na nabanggit, tila makabago na ang paraan ng pagkwekwento, ngunit naroroon parin ang mga elemento ng kababalaghan, ng supernatural, at iba pang mga paraang maaring ibinatay sa tradisyon at
kultura ng mga naninirahan roon. Naniniwala parin sila sa mga ispirito, sa mga halamang nakagagaling ng sakit, sa mga misteryo na dulot ni Inang Kalikasan. Pinapatotoo nito na mula noon magpasahanggang-ngayon, ang
pinagmulan ng mga porma ng panitikan ay konektado sa isa’t isa at magpasawalang hanggang magiging maimpluwensya sa kanilang mga tao.
Ilan ito sa mga tula at awit na matatagpuan sa librong A Voice from Mt. Apo: Oral and Wrigtten Essays on the Culture and World View of the Manobo:
Maandus
Manuel Arayam
Maandus
Sosoliman
Manuel Arayam
Oy, osiyoy, kahi rin, pullusow’k tongkuu ku, id tambod du du rut uu ku.
Patow rut Mondaangan patow ru to Tohovusow.
Oy, id sondit kut lawon Ungkoy, timbak nod kookollon, od pongondollon nod tiru.
Ini es konno rud en, konggin konno ru man.
Oy, antap ayut songnga ku, od liling ad ka-ay’t ingod, ossurad to bonuwa,
Bonuwon Moivuyan, ingod to Tohovusow.
Sud lonuhat Mondaangan, koogon konna rud en.
Soliman’s Song
Accept My Love
Molingling
Ang Molingling ay isang tradisyonal na kwento na inilahad ni Tano Bayawan. Ang kwentong Molingling ay kilalang-kilala sa mga Manobo na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng anit—ang mga ipinagbabawal na gawain
tulad ng incest at pakikipagrelasyon sa mga hayop at mga ispiritu. Ang mga Manobo ay dapat umiwas sa mga ipinagbabawal na mga gawain na ito, dahil kung hindi, sila ay mapaparusahan ng Inanit, ang ispirito ng anit. Gaya
ng kwento sa Genesis kung saan si Adan, ang ama ng santinakpan, ay nagkasala sa buong sambayanan, si Molingling ay nagkasala ng pakikiapid at naapektuhan ang buong bayan na ngayon ay napaparusahan ng anit.
Ang buwitre at ang inahin ay tungkol sa isang pagkakaibigan na nasira dahil sa pagiging banidoso ng inahin. Isang araw, ang inahin ay may pupuntahan na handaan. Nang dahil sa kagustuhan na maging pinakamaganda sa
handaan, pinuntahan niya aang kaibigang buwitre para hiramin ang isang gintong singsing. Agad naming ipinahiram ng buwitre ang kaniyang pinakaiingat-ingatan niyang singsing, at nagbiling na pakaaalagaan niya ito.
Nang dumating ang inahin sa handaan, siya ang itinanghal na pinakamaganda. Pinagkaguluhan siya ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit sa kaniyang pag-uwi, napansin ng inahin na nawawala na ang singsing na ipinahiram
ng buwitre. Ginalugad niya ang lahat ng lugar na kaniyang napuntahan, hinanap ang singsing sa bawat sulok na kaniyang dinaaanan. Pero hindi niya nakita ang singsing ng buwitre.
Nagdaan ang ilang araw at hindi pa rin nagpapakita ang inahin sa kaibigang buwitre. Nagtaka na ang buwitre dahil hindi pa naisasauli ang kaniyang singsing. Galit na galit itong sumugod sa bahay ng inahin, at itinanong
kung nasaan na ang kaniyang singsing. Nang sabihin ng inahin na nawawala ito, nagwala ang kaibigang buwitre. Nang wala ng magawa ang buwitre, sumumpa ito na hinding-hindi na sila magiging magkaibigan ng inahin.
Isinumpa rin ng buwitre na hanggat hindi naisasauli ang kaniyang singsing, habang buhay nitong kukunin ang mga anak na sisiw ng inahin.
Pituy
Ang kwentong Pituy ay isang tradisyonal na naratibo ng mga Manobo ng rehiyon 12. Si Pituy ay isang tamad na bata na walang ginawa kundi ngumuya ng nganga. Isang araw, pumunta si Pituy sa tabi ng ilog para hanapin
ang isang puno ng nganga. Sa kanyang paggagalugad, nakahanap siya ng isa. Sa kaniyang pag-aakyat, mayroon siyang narinig na boses ng palaka. Ito ay kilala bilang si Otatat, isang mapaglarong palaka.
Nang hindi niya ito Makita ay muli siyang umakyat. Mula sa kaniyang kinaroroonan, muli niyang narinig ang sigaw ng palaka. Muli siyang bumaba at inulit ang naunang ginawa.
Hindi pa rin niya makita ang palaka, kahit na paulit-ulit niyang gawin ang pagtatabas ng talahib at paghahanap. Nang napanisin ni Pituy na wala ng talahib sa kaniyang paligid, naisipan niyang taniman ang lupang
kinatatayuan. Magmula noon, nakaka-ani na siya ng mga produkto gaya ng mais, mga gulay, at iba pa.
Simula noon, nagtrabaho na nang nagtrabaho si Pituy at lubos niyang ikinatutuwa ang mga bagay na kaniyang naaani.
Ang kwentong ang Humuhining Ibon at ang Pusa ay isang tradisyonal na naratibo na inilahad ni Badette Pescadera. Ito ay tungkol sa isang pusa na nais patayin ang isang ibong humuhuni para kainin. Ngunit, sa kasawiang
pald, hindi niya ito mapatay-patay dahil hindi maabot ng pusa ang ibon.
Isang araw, lumanding ang ibon sa isang puno na may maraming bulaklak para kaniyang sipsipin ang sabaw ng mga ito. Agad siyang nakita ng pusa at sinabing, “Ibon, marahil maaring bumaba ka riyan, at aking didilaan
ang iyong mga pakpak.”
Dahil alam na ng ibon kung ano ang nais gawin ng pusa, alam nito kung paano magdahilan para hindi siya mahuli sa patibong. “Hindi maaari, pusa, dahil pinagbawalan ako ng aking mga magulang na bumaba sa lupa.”
Hindi mapilit ng pusa ang ibon.
Nagplano ang pusa kung paano mahuhuli ang ibon. Hindi mapakali ang pusa sa pag-iisip kung paanong paraan niya mahuhuli ang pusa. Nang dumating ang araw na nagkaroon siya ng ideya. Sabi niya, “Ayun yun; ngayon
alam ko na kung paano huhuliin ang humuhuning ibon dahil gusto ko talaga siyang kainin.”
Bumalik ang pusa sa kinalalagyan ng ibon. Nagulat ang ibon dahil nakita niya ang pusa na may dalang basket sa kaniyang bibig na mayroong mga hinog na bayabas. Ang sabi ng ibo,” Ku! Saan mo dadalhin ang bayabas,
pusa? Mukhang masasarap ang mga iyan!”
Sumagot ang pusa,” Te, ibinibenta ko ang mga ito, ibon, ngunit hindi pera ang aking gusto. Ang nais ko ay ang mga balahibo ng mga ibong marunong lumipad dahil natutuwa akong makahawak ng mga iyon. Ikaw, gusto
mo ba? Isang bayabas para sa isang balahibo. Na, bilisan mo magdesisyon dahil baka mapilitan akong ibenta ang mga ito.”
Dahil talagang gusto ng ibon ang mga bayabas, siya ay pumayag ngunit mayroon kung ano man ang pumipigil sa kaniya. Sinabi ng ibon, “Nahihirapan talaga ako magdesisyon dahil hindi talaga ako maaring umapak sa
lupa.”
Ang sabi ng pusa, “Hayaan mo na, ibon. Halika na lang dito sa loob ng aking basket na aking bitbit. Hayaan mo na kung nahihirapan ka; sa tuwing kakain ka ng bayabas, maari kang mamalagi dito at magtanggal ng iyong
balahibo.”
At ayun nga ang ibong sa loob ng basket. Kumain siya ng bayabas. Sa tuwing nakauubos siya nito, minumungkahi ng pusa na magpatuloy siyang kumain. Inulit nang inulit ng pusa ang pagkain, nang hindi niya na
namalayan na mayroon na lang siyang iisang balahibong natitira. Humalakhak ang pusa sa galak dahil nahuli niya na ang ibon. Kahit gaano subukan ng ibong lumipad, hindi na niya magawang makaalis sa lupa.
Ang Mga Paglalakbay ni Sunni ay isang tradisyonal na kasaysayan na ibinahagi ni Julian Tungcalan. Nagsisimula ang kwento sa isang mag-asawang sina Ombong at Tumomowan. Nakatira sila sa Dollag sa Tomoggow.
Mayroon silang isang anak na lalaki na nagngangalang Sunni. Nang dumating ang araw na kaya ng mag-isip ng wasto ni Sunni, gumawa siya ng isang plano. Sinabi niya sa kaniyang ina, “Nay, Tay, kung ayos lang po ba sa
inyo, gaya ng pagiging maayos nito para sa akin, maglilibot po ako sa buong bansa.” At iyon nga ang sinabi ni Sunni, at nagpatuloy siya sa kaniyang plano, dala-dala ang kaniyang backpack na gawa sa kawayan at ang
kaniyang mga sibat. At tuluyan niyang nilisan ang kanilang bayan.
Ngunit bago niya napagtanto, siya ay nasa kalagitnaan na ng kagubatan. Ngayon, habang naglalakad siya sa kasukalan ng gubat, napansin niya ang kaniyang napagdaanan. Napansin niyang may mga puno na mayroong
mga bunga; mayroong mga nakakain at mayroon din iyong mga hindi. Sa bawat oras na siya ay nagpapahinga at kumakain ng bunga, dahan-dahan niyang nilalagay ang mga buto sa kaniyang backpack. Sa tuwing mapapansin
niyang walang katulad na puno ang bungang kinain niya, itinatanim niya ang mga butong nakuha hanggat sa naikalat na niya ang mga iba’t ibang uri ng puno sa kagubatan.
Unti-unti nakita niyang nalibot ang bansa at kung paano ito nabuo. Nalaman niya na ang bansa ay binubuo ng iba’t ibang mga pulo, tatlong malalaking isla, at napaliligiran ng mga katawang-dagat. Sa tuwing dumidilim
ang paligid, matutulog siya sa ilalim ng puno.
Nang malibot na niya ang buong bansa, bumalik siya sa kanilang bahay sa Dollag. Nagiging kulay abo na si Sunni at kumukuba dahil na rin sa haba ng kaniyang inilibot sa bansa. Ipinamahagi niya sa kaniyang mga
kababayan ang kaniyang mga karanasan sa paglibot sa bansa: ang itsura nito, ang korte nito, ang mga nakakaing bunga sa kagubatan, at iba pa.
Ngayon, ang mga sumunod kay Sunni ay hindi na nagugutom kapag sila ay pumupunta sa kagubatan, dahil alam na nila kung anong mga bunga ang maaring kainin at hindi. Sabi ni Sunni, “Ang punong ito ay mayroong
bungang nakakain; ito naman ay hindi.” Magmula noon, alam na ng mga naninirahan sa kanilang bayan na hindi sila mamatay sa gutom dahil sa kayamanang taglay ng kagubatan.
Ang Unggoy at ang Pagong ay isang tradisyonal na naratibo na isinalaysay ni Montira Sia. Tungkol ito sa magkaibigang unggoy at pagong. Isang araw, naglalaro ang pagong sa isang matinik na halaman. Ang sabi ng
pagong, “ Mamaya lolokohin ko ang taong nasa likod mo. Pero pansamantala, kakanta muna ako.” At kumanta nga ang pagong, “Ngiya, ngiya may gagwin muna ang pag-i-ihaw, nga, nga, at ako muna ay gagawa ng isang
pag-i-ihaw ngiya, ngiya.” Iyon ang ginagawa ng pagong.
Nang narining ng kaibigang unggoy ang pagong, nagsalita ito ng, “Sino naman ang nasa taas? Maaring iyon ang pagong.” Umakyat ang unggoy, inagaw ang lugar ng pagong ant sinabing, “Paano mo nagawa iyon?”
“Ah,” ang sabi ng pagong, “hindi mo malalaman kung paano gawin iyon, kung hindi mo kayang gawin ng pareho, mahuhulog ka.”
“Akin ngang masubukan,” ang sabi ng unggoy.
“Ayan,” ang sabi ng pagong, “iyang matinik na halaman, itulak mo sa iyong gilid. At mag swing-swing ka papunta at pabalik.”
“Okay,” ang sabi ng unggoy. Ano na, nagpa-swing-swing ang unggoy papunta at pabalik.
“Ngayon, kailangan mong kumanta ng ganito,” sabi ng pagong. “Ngiya, ngiya, ako ay mag-iihaw, nga, nga ako ay mag-iihaw, mogkissok.” Ano ang susunod na mangyayari ay sisigaw siya mamaya dahil sa sakit. Ang
nangyaring sumunod ay nahulog ang unggoysa lupa, lumabas ang mga lamang-loob, at namatay.
Bahagi rin ng panitikan ng SOCCSKSARGEN ay ang pagdaraos nila ng mga kapistahan. Bahagi ito ng kanilang pag-alala sa mga tradisyon at kultura ng kanilang nakaraan.
Gaya ng ilang pangkat dito sa Pilipinas, ang mga Manobo ng Kotabato ay mahilig din magpista. Isa sa pinakamasayang piyesta nila ay ang bulang. Ayon kay William Olson sa kanyang librong Beyond the Plains, na
tungkol sa pamumuhay ng mga Manobo sa Kotabato, ang bulang ay isang pasasalamat na idinaraos sa una hanggang ikapitong araw sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre. Sinusundan nito ang panahon ng tag-ani.
Ang mga kolektor ng mga folk songs ay makakatagpo ng mayaman na koleksyon ng mga awit mula sa mga Manobo. Ayon kay Wilson, sa pamamagitan ng kanilang mga awit at sayaw, naipapakita ng mga Manobo ang
kanilang pagmamahal, paghahanap, pagdadalamhati, at ang pagsalaysay ng kanilang kasaysayan. Ang pinakasikat na kanta ay ang epikong Ulahingan, na nagsasalaysay sa buhay ng isang bayaning nagngangalang Agyu nang
siya ay naninirahan pa lamang sa mundo; ito rin ang naglalarawan ng mala-langit na lungsod ng Nalahingan na kanyang natagpuan matapos silang kunin ng isang sarimbar, isang diyos.
Ang mga awit ay tinuturing kumon sa buhay ng mga Manobo. Ginagamit nila ito sa mga piyesta, habang nagtratrabaho sa bukid, habang nanliligaw, tuwing may patay, at sa iba pang mga okasyon ng kanilang buhay. Batay
sa libro ni Wilson, wala di-umanong eksaktong scale sa mga awit ng mga Manobo; ang tempo ng kanilang mga kanta ay madalas mabilis at ang pitch ay madalas mataas. Sa librong Beyond Plains, isinulat ni Wilson na ang
mga awit ng Manobo ay nahahati sa: kantang pantrabaho, kantang pandigma, kantang panligaw, kantang panghele, kantang sagrado, at kantang pandalamhat. Natutuhan di-umano ng mga Manobo ang mga ganitong kanta sa
pamamagitan lamang ng pakikinig rito.
Mahilig din sa sayawan ang mga Manobo. Mayroon silang sayaw para sa ligawan, sayaw para sa kanilang pag-ani ng pulupukyutan, sayaw para sa mga ispirito, at sayaw para sa digmaan. Kadalasan, sinasamahan ng mga
instrument gaya ng gong o ng lata na tinitira ng isang kahoy.
Uso rin sa mga Manobo ang sayaw na kung tawagin ay Shamanistic. Itong sayaw na ito ay ginagawa ng isang walian para sa isang relihiyoso o sagradong okasyon. Ang mga walian ay nakasuot ng puting damit at putting
turban habang sumasayaw. Kabaligtaran nito ang mga mananayaw tuwing digmaan, na madalas nakasuot ng pula mula ulo hanggang paa.
Sa mas kilalang sayaw ng panliligaw, ipinapakita na ang lalaking mangingibig ang siyang mas agresibo; kabaligtaran nito ang mananayaw na babae na mahiyain at madalas tumatanggi dahil narin sa kanilang batas na
bawal ipakita ng babae ang kaniyang emosyon sa lalakeng nanliligaw.
Mga Manunulat
Francis Macansantos
Si Francis Macansantos ay ipinanganak noong Oktubre 30, 1949 sa Cotabato City. Naging estudyante siya ng AB English sa Mindanao State University at Ateneo de Zamboanga University. Nagtapos siya ng MA Creative
Writing sa Silliman University. English, Literature, Philippine at Comparative Literature ang ilan sa mga subject na itinuro niya bilang guro sa MSU, SU at UP Baguio. Nagturo rin siya ng Literature sa graduate school ng
Baguio Colleges Foundation na ngayon ay kilala na bilang University of Cordilleras.
Mababasa ang kanyang mga tula sa mga antolohiyang A Habit of Shores, Kamao at Versus. Itinampok na rin ang kanyang mga tula, personal at kritikal na sanaysay sa Flippin’ Filipinos na inilathala sa U.S., sa Bulawan ng
NCCA at sa halos lahat ng pangunahing magasin sa Pilipinas. Pinamagatang The Words and Other Poems ang kanyang koleksiyon ng tula. Ito ay inilabas ng UP Press noong 1997.
Ilang ulit na naglingkod si G. Macansantos bilang panelist sa Dumaguete Writers Workshop kung saan siya ay naging fellow mismo taong 1972. naging Local Fellow for Poetry rin siya sa UP ICW noong 1999.
Isang Maguindanao na “Datu” mula sa Cotabato City. Nagtapos mula sa Notre Dame Boys’ Department, Cotabato City noong 1969. Nagtapos din siya ng Economics at Bachelor of Laws noong 1978 mula San Sebastian
College Manila. Naging Administrative Officer, Head of Assistance to Nationals, Signing Officer and Attaché of the Philippine Embassy, Muscat, Sultanate of Oman, mula Setyembre 25, 2004.
Ang kanyang mga tula ay nailimbag na sa Philippine Department of Foreign Affairs DFAPA Gazette, mga antolohiya ng International Library of Poetry, U.S.A., publikasyon ng Philippine Consulate General, Jeddah, K.S.A,
Arab News ng Saudi Arabia, at marami pang iba.
Nanalo siya ng Editors Choice Award noong 1997 mula The National Library of Poetry for his poem entitled "Reconciliation".
Miyembro rin siya ng Philippine Department of Foreign Affairs Writers Club noong 2003.
Kumukuha ng law sa Ateneo de Davao University. Siya ay nagtapos ng BA English (Creative Writing) sa Unibersidad ng Pilipinas, Mindanao. Isang residente ng Mindanao, pangalawang anak ng yumaong judge Sahara
Silongan, isang Maguindanaon, at ni Malalah Jauhali, isang Tausug.
Farida D. Mending
Ipinanganak at lumaki sa Cotabato City. Nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, siya ay nagtatrabaho bilang isang marketing professional at kasalukuyang naka-base sa Manila.
Gutierrez Mangansakan II
Ipinanganak sa Cotabato City taong 1976, and taong pinirmahan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro National Liberation Front ang Tripoli Agreement, na nagtapos ng digmaan sa Mindanao. Siya ay isang Journalist,
mananaliksik sa kultura at isang award-winning documentary film-maker.
Zainudin Malang
Isang Maguindanaon, dating taga Cotabato. Bago magtapos ng elementarya ang pamilya niya ay lumipat sa Maharlika village, isang Komunidad ng mga Muslim sa Metro Manila, dito siya tumira sa sumunod na 20 taon.
Matapos maging abugado, siya ay tumuloy manirahan sa Metro Manila at doon nag ensayo ng kaniyang propesyon ng limang taon. Siya ay nangibang-bansa para ipag-patuloy ang post-graduate studies sa Japan, Malaysia, at
Spain. Pagbalik niya nagpasiya siyang bumalik sa pinanggalingan at naging consultant at lecturer sa Bangsamoro affairs. Siya ay patuloy na may op-ed kolumn sa isang lokal na diyario sa Cotabato kung saan siya ay
nagsusulat ukol sa ibat-ibang sosyal, kultural, at public policy issues.
http://litera1no4.tripod.com/maguindanao_frame.html
Maguindanao verses are expressed through such forms as the ida-ida a rata (children rimes sung in chorus), or through the tubud-tubud (short love poem). For
instance:
Composed in metaphorical language, the bayok is resorted to when a cautious and euphemistic expression is required. An example (Wein 1983:35-36):
Salangkunai a meling
A malidu bpagimanen,
Ka mulaun sa dibenal
Dun-dun ai lumaging
A paya pagilemuan
Ka mumbus sa hakadulat
Na u saken idumanding
Sa kaludn pun na is
na matag aku 'ngka maneg
di ku mawatang galing.
Talking Salangkunai
T'is hard to trust in you,
For untrue leaves could sprout
Dun-dun fond of chatting
T'is hard believing you
For cheating buds may show
Once I [start to] fondle
From the sea
You would just hear from me
My darling, close to me.
Salsilas or tarsilas are family heirlooms that trace one's line of descent; they are used to ascertain noble lineages that may go back to the days of the
Kabungsuan. For example, a tarsila recounts the adventures of Datu Guimba who leads the first group of Maguindanao to Labangan. According to the account,
he marries the local princess Bai-alibabai and adopts the title Datu sa Labangan. The next to arrive at Labangan is Datu Buyan Makasosa Kanapia, an
adventurer, who marries a Maranao. Together, Datu Guimba and Kanapia rule Labangan. Other datu arrive in time, namely: Datu Maulona Taup Consi and Datu
Canao Sultan Maputi (Alfanta 1975:4-5).
The Maguindanao Luwaran is a set of encoded adat laws that deal with murder, theft, and adultery, as well as with inheritance and trade. The laws apply to
all regardless of class, and has since become the basis of modern Islamic jurisprudence (Darangen 1980:33).
The Hadith are the sayings and practices of the prophet Muhammad, collected, compiled, and authenticated by Islamic scholars. Hadith constitute one of the
sources for Islamic law and jurisprudence. They are also used to explain and clarify certain points in the Quran. The language used is Arabic.
Religious quiza are stories written in Arabic, and are used by the imam to teach Islam to children. An example is the "Izra-wal-Miraj", which tells the story of
why Muslims pray five times a day. The Prophet Muhammad is awakened one night by the angel Diaba-rail. The Prophet then rides on a burrak and travels to
Masjid-el-Agsa in Jerusalem, where he sees a bright light that leads to heaven. Each layer of heaven has a different color. On the seventh layer, he hears the
voice of God, and sees heaven and hell. On the way down, he is instructed by Moses to ask God that the number of prayers be reduced from 50 to 5 times daily.
His request is granted.
Maguindanao tudtul (folktales) are short stories involving simple events. Two examples are presented.
The "Lagya Kudarat" tells the adventures of the two children of Lagya (rajah) Mampalai of Lum who are blown away after Mampalai laments the lack of viable
partners for his children. These two children are Lagya Kudarat and Puteli (princess) Sittie Kumala. Puteli Kumala is blown to a forest where she meets a
kabayan (in all Maguindanao stories, this character is associated with an old unmarried woman). The kabayan adopts her, as she earlier did the prince named
Sumedsen sa Alungan. Although Kumala and Sumedsen live in the same house, they never speak to each other. Later, because of peeping toms, Kumala leaves
and Sumedsen goes with her. They find their way to Lum, where a happy reunion takes place. Sumedsen eventually marries Kumala. Meanwhile, Lagya Kudarat
is blown to Kabulawanan. There he meets another kabayan who allows him to live with her. One day while hunting, Kudarat hears the game of sipa (rattan ball
kicked with the ankle) being played. He proceeds to the direction of the game and is invited to play. Not knowing how to play, he accidentally causes the sipa to
fall in front of the princess who is sitting beside the window. She throws him her ring and handkerchief. The marriage between the princess and Kudarat is then
arranged. After the wedding, Kudarat feels homesick; his wife then suggests that they go back to Lum. There is a happy reunion. A week later, Kudarat and his
wife returns to Kabulawanan to live with his in-laws (Notre Dame Journal 1980:3-6).
"Pat-I-Mata" narrates the story of two brothers -- Pat-I-Mata and Datu sa Pulu. The former rules Kabalukan while the latter reigns over Reina Regente. Pat-I-
Mata is so-called because he has four eyes; when his two eyes sleep, his other two are awake. He is also known for his cruelty to women, marrying them when
they are beautiful and returning them after they have gone ugly. Because of this, the people of Kabalukan can no longer tolerate Pat-I-Mata's cruelty. They
approach his brother and ask for his help. The Datu sa Pulu tries to advise his brother but to no avail. He then decides to kill Pat-I-Mata. So he builds a cage.
Seeing the cage, Pat-I-Mata asks what it is for. The Datu replies that it is constructed to protect them from an incoming storm. Being greedy, Pat-I-Mata asks for
the cage saying that the Datu can make his own anytime. The Datu pretends to hesitate but later accommodates his brother's wishes. When Pat-I-Mata and his
followers enter the cage, the Datu orders the door shut. Realizing that he is tricked, he says before being thrown into the river: "Never mind, my brother. We
would always be enemies -- and we will never be reconciled till eternity. I would die but I pray that whenever you go riding on a boat in the river, my spirit will
capsize it" (Notre Dame Journal 1980:7-8).
Maguindanao epics are chanted and antedate Islam, the elements of which were later incorporated. The epic Raja Indarapatra deals with various characters,
many of whom are imbued with supernatural powers. One portion of the epic tells the story of how two brothers, Raja Indarapatra and Raja Sulayman, save
Mindanao from terrible creatures (Gagelonia 1967:288). Another portion deals with the birth of Raja Indarapatra, who is said to come from the union of Sultan
Nabi and his cousin. The plot revolves around a trick the cousin, who is well versed in black magic, plays on the Sultan.
Raja Madaya is believed to be an original Maguindanao work since many of its elements -- language, metaphor, objects in the tale -- are Maguindanao. On
the other hand, other elements in the epic point to foreign origins (Wein 1984:12-13). The epic involves various narratives one of which tells about the childless
Sultan Ditindegen. In his despair, he prays for a child, promising to give it to a dragon. His wish is granted; but in time, a dragon appears to claim the now grown
Princess Intan Tihaya. Hearing about Intan's plight, Raja Madaya comes to the rescue (Wein 1984:14).