You are on page 1of 30

Papel ng Pananaliksik

(Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral)

Ipinasa nina:
Dela Torre Bryan
Fabregas Joshua
Fabregas Roden
Lagrana Leah May
Mascarias Aya Mae
Mausig Famela Kaye
Tadeo Tenten
Zapata Ronel

Ipinasa kay:
Gng. Siony Buenafe
Guro
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I

 Panimula ……………………………………………………………….. 1
 Balangkas Teoritikal …………………………………………………. 3
 Layunin ng Pag – aaral ……………………………………………… 3
 Kahalagahan ng Pag – aaral ……………………………………….. 4
 Tesis na Pahayag …………………………………………………….. 4
 Saklaw at Delimitasyon ……………………………………………… 4
 Depinisyon ng mga Terminolohiya ……………………………….. 5

KABANATA II

 Mga Kaugnay na Pag – aaral at Literatura ………………………. 6

KABANATA III

 Metodolohiya …………………………………………………………. 9
 Instrumento …………………………………………………………... 9
 Respondente …………………………………………………………. 9
 Instrumentong Pampanaliksik ……………………………………. 9
 Tritment ng mga Datos …………………………………………….. 9

KABANATA IV

 Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ……………… 10

KABANATA V

 Lagom ………………………………………………………………... 14
 Konklusyon …………………………………………………………. 14
 Rekomendasyon …………………………………………………… 15
 Listahan ng Sanggunian …………………………………………. 18

KABANATA VI

 Sarbey – Kwestyuneyr …………………………………………….. 19


1
KABANATA I
PANIMULA
Ang social networking websites ay isa sa kinahuhumalingan ng napakaraming kabataan
ngayon. Ito ay maituturing na makabagong paraan ng komunikasyon sapagkat dito mo
mahahanap o matatagpuan ang mga taong matagal munang gustong makita pero wala naman
kayong kumunikasyon sa isa’t isa. Sa mga sites na ito ka din makakahanap ng bagong
kaibigan at kakilala at makakasagap ng mga bagong balita maging ito man ay international,
local, sports o entertainment. Wala na yatang kabataan ang walang account o di kaya ay
pamilyar sa mga websites na ito.

Ayon kina Boyd at Ellison 2007, ang mga social networking sites ay mga serbisyong
well – based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng mga pribado o
pampublikong profayl sa loob ng sistema, pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang
listahan ng kanilang koneksyon at makita ang ginagawa ng iba pang tagatangkilik.Tumutukoy
ito sa mga sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, Skype, Yahoo, at iba pa. Ilan lang ang
mga nabanggit sa napakaraming social networking sites na kumakalat ngayon sa internet. Ang
internet ay isang tsanel kung saan madalian kang makakasagap ng impormasyon at madali
ring makakapagbigay nito. Isa sa pinakapakinabang nito ay ang pakikipagkumunikasyon sa
mga taong malayo sa atin. Dahil sa pagkauso nito dala ng malakas na impluwensya, marami
sa mga kabataan ang lubos na nahuhumaling dito. Ganap na sikat ang mga nabanggit na
websites, ngunit ano nga ba ang epekto ng social networking websites sa pananaw, pag –
uugali at ideya ng mga tao, particular na ng mga kabataan ngayon?

Isa sa mabuting epekto ng mga nabanggit na websites ay ang easy access o madaling
paraan upang makapaglaganap o makapag bahagi ng impormasyon. Mga balita na
interesadong malaman ng lahat, kagaya ng suspensyon ng klase, mga balita tungkol sa
gobyerno o mga artikulo. Sa kabilang dako naman ay mas lalong nagiging bukas ang isipan ng
mga kabataan sa pakikipagkapwa o pakikipag kaibigan. Minsan kahit hindi nila personal na
kilala ay kanilang ina- add as friend o idinadagdag sa mga taong maaring makita ang laman ng
kanilang profile. Kaya nga minsan madalas na nagkakapikunan ang mga kabataan sa mga
post na hindi nila gusto, at madalas itong humahantong sa batuhan ng mga mararahas at
hindi kanais nais na salita Minsan naman ay nagiging masyadong mapanghusga ang mga
kabataan ngayon marahil na din samga nakikita nila sa social networking sites na kalayaan sa
pagpapahayag kahit nakakasakit na tayo.

2
Ang Batas Republika Bilang 10175, o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act ng
2012, ay isang batas na tumutukoy at nagpaparusa sa cybercrime o mga krimeng nagaganap
sa pamamagitan ng internet upang pigilan at iwasan ang pagdami nito. Nilalayon ng batas na
ito na ganap na maiwasan at labanan ang maling paggamit, abuso at iligal na paggamit ng
internet sa pamamagitan ng pagtukoy, pag-iimbestiga at sa pagbibigay ng maayos na usapan
para sa mas mabilis at maaasahang pakikipag-ugnayang pandaigdigan. Para buuin at
ipatupad ang isang planong kaligtasang cyber o cyber security plan, bubuuin ang Cyber
Investigation and Coordinating Center (CICC). Dahil ang social networking sites, gaano man
kapribado ang iyong account, ay napapabilang sa public domain. Ang mga blog na iyong
nababasa – kahit pa personal blog ito – ay nasa pampublikong diskurso pa rin. Ang iyong
Facebook at Twitter account – kahit sandamakmak ang privacy settings niyan – ay
napapabilang pa rin sa public domain. Ibig sabihin, maaring makita ng kahit sino ang iyong
mga inilalagay na larawan at mga status.Pinalalabas ng rehimen na ang Cybercrime
Prevention Law ay laban sa mga krimen na isinasagawa sa internet tulad ng pornograpiya na
nambibiktima ng mga bata, pagnanakaw ng identidad at iba pa. Pero ang tunay na sinisikil ng
batas na ito ay ang karapatan ng mga ordinaryong mamamayan sa privacy sa internet, sa
kalayaan sa pagpapahayag at kalayaan sa pamamahayag. Gamit ang Cybercrime Prevention
Law, maaari nang ipasara ng rehimen ang mga website o harangin ang mga blog at account
ng mga Pilipino sa mga social networking site na hindi umaayon sa mga pamantayan.

Maraming epekto sa ating pag-uugali ang mga social networking sites kaya’t kung
maaari ay atin itong iwasan at limitahan, alamin ang hangganan kung makakasakit na tayo ng
kapwa. Maraming mabubuting epekto at pakinabang ito,nakadepende na rin minsan sa
gumagamit. Isa pa sa masasamang epekto nito ay ang pagbawas ng produktibidad ng mga
kabataan, ang sobrang pagkahumaling dito ay nakakabawas ng oras ng mga kabataan sa
mas importanteng bagay na mas dapat pagbuhusan ng pansin. Gaya ng pag-aaral, mga
gawaing pangbahay at iba pa. Isa pa sanegatibong epekto nito ay ang kawalan ng privacy
ngmga kabataan sa sobrang pagbibigay ng impormasyon sa kanilang profile.Sa kabila ng mga
negatibong epekto nito masasabing malaki ang tulong nito sa tao, lalo sa kabataan ngayon.

Sa kabuuan ng paksang ito masasabing ang pagamit ng mga website na nabanggit ay


nakadepende sa gumagamit. Dapat nating pag-isipan ang lahat ng ating gagawin sa mga
social networking sites lalo na kung maraming tao ang nakakakita nito ika nga nila “Think
before you click”.

3
4
5
KAHALAGAHAN NG PAG - AARAL

Naniniwala ng lubos ang mga mananaliksik na ang pag – aaral na ito ay mahalaga sa
lipunan. Ang pamanahong papel na ito ay makakatulong sa mga estudyante upang
maintindihan ang mga epekto ng mga internet site sa mga tao lalo na sa kabataan. Ito rin ay
makakatulong sa mga magulang upang malaman nila ang mga adbentahe at disadbentahe sa
pagbisita sa mga site na ito.

Idagdag pa dito, makakatulong din ang pag – aaral na ito sa iba pang mananaliksik na
may kaparehong paksa. Maaari ring makakalap ng mga mahahalagang impormasyon dito ang
mga guro at administrador ng paaralan para gamitin ang mga social networking website bilang
isang kagamitan sa pagtuturo.

6
BALANGKAS TEORITIKAL

Mabuting
Networking naidudulot
Napapadali Nakakakilala
Websites sa tao sa
ang ng mga Mapagkaka -
Kompyuter Internet (Facebook, Libangan pagsali sa
komunikas bagong kitaan
Twitter, Social
- yon kaibigan
Skype) Networking
Sites

LAYUNIN NG PAG – AARAL

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga positibo at negatibong epekto na dulot ng
social networking websites sa mga kabataan. Ito ay madalas na nabibigyan ng negatibong
kritisismo at hindi napapansin ng karamihan ang magagandang dulot ng mga ito.

7
Layon din ng pag – aaral na ito na matukoy at maipabatid sa lahat ang epekto ng
pagsali sa mga sites na ito. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw, kaugalian at ideya ng
mga piling mag – aaral sa unang taon ng Edukasyon ng Gingoog Christian College.

Nais ihatid ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na layunin. Kung ano ang
kadalasang kasarian ng mga gumagamit ng social networking sites, kung anong uri ng social
networking sites ang kanilang ginagamit at kung ilang oras ang kanilang nagugugol sa
pagbisita sa mga sites na ito. Nais din nilang malaman kung ang kanilang mga akawnts ay
pribado o pampubliko at na maaari itong makatulong upang maiwasan ang umiiral na
panloloko gamit ang social networking sites.

KAHALAGAHAN NG PAG - AARAL

Naniniwala ng lubos ang mga mananaliksik na ang pag – aaral na ito ay mahalaga sa
lipunan. Ang pamanahong papel na ito ay makakatulong sa mga estudyante upang
maintindihan ang mga epekto ng mga internet site sa mga tao lalo na sa kabataan. Ito rin ay
makakatulong sa mga magulang upang malaman nila ang mga adbentahe at disadbentahe sa
pagbisita sa mga site na ito.

Idagdag pa dito, makakatulong din ang pag – aaral na ito sa iba pang mananaliksik na
may kaparehong paksa. Maaari ring makakalap ng mga mahahalagang impormasyon dito ang
mga guro at administrador ng paaralan para gamitin ang mga social networking website bilang
isang kagamitan sa pagtuturo.

TESIS NA PAHAYAG

Ano ang positibo at negatibong epekto ng social networking sites sa mga piling
studyante ng 1st year studyante ng edukasyon ng Gingoog Christian College?

SAKLAW/DELIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy lamang sa mga networking websites na kagaya
ng, Facebook, Twitter, Instagram, Yahoo at Skype. Gayundin, ang mga respondante nito ay
limitado lamang sa mga mag – aaral sa unang taon ng Edukasyon ng Gingoog Christian

8
College at hindi aabot o lalampas sa iba pang kolehiyo. Gayunpaman, hindi nililimitahan ng
pag-aaral na ito ang kasarian at edad ng mga respondente.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Facebook - Ang Facebook ay isang social networking website na libre ang pagsali at
pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring
sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at
rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng
mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay
upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

Twitter - Ang Twitter ay isang social networking at microblogging na serbisyo na


nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na
kilala bilang mga tweets. Ang mga tweets ay ang mga text-based na mga post ng hanggang
140 mga karakter na ipinapapakita sa pahina ng profile ng may-kda at inihahatid sa mga
tagatangkilik sa may-akda nakilala bilang mga followers (tagasunod).

Instagram - Ang Instagram ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-


sharing at social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga
larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma ng social networking, gaya
ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr. Maaari ring maglapat ang mga gumagamit nito ng mga
digital filters sa kanilang mga imahe. Ang pinakamahabang oras para sa mga bidyo sa
Instagram ay 15 segundo.

9
Skype - Ang Skype ay isang pang-telekomunikasyon na produktong application
software para sa pagbibigay ng serbisyong video chat at pagtatawag galing sa mga
kompyuter, tablet, at kagamitang hinahawak sa pamamagitan ng internet. Ang Skype ay
itinatag noong Agosto 2003 nina Janus Friis at Niklas Zennström. Matatagpuan ang punong-
himpilan saLuxembourg. Ang Skype ay naging dibisyon ng Microsoft Corporation noong Mayo
2011.

Cybercrime Prevention Law - Ang Batas Republika Bilang 10175, o mas kilala bilang
Cybercrime Prevention Act ng 2012, ay isang batas na tumutukoy at nagpaparusa sa
cybercrime o mga krimeng nagaganap sa pamamagitan ng Internet upang pigilan at iwasan
ang pagdami nito. Nilalayon ng batas na ito na ganap na maiwasan at labanan ang maling
paggamit, abuso at iligal na paggamit ng internet sa pamamagitan ng pagtukoy, pag-
iimbestiga at pagsuplong ng kapwa sa lokal o pandaigdigang antas, at sa pagbibigay ng
maayos na usapan para sa mas mabilis at maaasahang pakikipag-ugnayang pandaigdigan.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA
Ayon kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga serbisyong
pangpublikong nagrerehistro (ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system,
pinahihintulutan na makita ang mga profile ng isang idibidwal na kasama niya sa system.
Idinagdag pa ng mga manunulat na ang social networking ay nagiging patok sa publiko dahil
pinapayagan nito ang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.

Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring maging


basehan para sa interaksyong sosyal na pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa
pakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang pagtayo ng isang websayt kung saan
ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase at magkaroon ng
komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang University (2007), si Randy Conrads ang
gumawa ng websayt na ito. Sa karagdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito
ay pinagkikita muli ang mga residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-
aral o kasama nila noong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa
militar. Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na
SixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawa
ng kaibigan. Pagkatapos naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad ng

10
SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong 2002,
Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003 at ang Facebook.com naman noong 2004.

Mga Uri ng Social Networking Sites

1. Facebook

Ang Facebook ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at
pag-aari ng Facebook, Inc. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito ayon sa lungsod,
pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao.
Itinatag ni Mark Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya sa agham
pangkompyuter at kasama sa kuwartong sina Dustin Moskovitz at Chris Hughes habang mag-
aaral pa siya ng Pamantasan ng Harvard. Nang kalaunan, lumawak pa ito at napabilang ang
kahit sinong mag-aaral ng isang pamantasan, pagkatapos mataas na paaralan at, nang
tumagal pa, kahit sinong nasa gulang na 13 pataas. Sa kasalukuyan, mayroon na ang
Facebook ng higit sa 200 milyong aktibong tagagamit sa buong mundo.

. 2. Twitter

Ang Twitter ay isang social networking at microblogging na serbisyo na nagbibigay


kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang
mga tweets. Ang mga tweets ay ang mga text-based na mga post ng hanggang 140 mga
karakter na ipinapapakita sa pahina ng profile ng may-kda at inihahatid sa mga tagatangkilik
sa may-akda nakilala bilang mga followers (tagasunod). Maaaring rendahan ng tagagamit ang
pagpapadala sa kanilang mga kaibigin, o sa pamamagitan ng default, kung saan maaaring
makita ng lahat.

Mga kagamitan para magkaroon ng Social Networking

1. Kompyuter

Ayon sa Wikipedia, ang kompyuter ay isang uri ng mekanismong ang ginagawa ay


mangasiwa ng mga datos ayon sa mga panuto. Sa karagdagan, ang programa na isang
termino sa pag-iimbak at pangangasiwa ng mga panuto ay isang katangian ng
kompyuter.Isang magandang katangian nito ay ang pagsasa-ayos ng mga impormasyon sa
iba’t ibang lugar. Ang kompyuter network na nabuo ay tinawag na internet. Sa pamamagitan
ng koneksyon sa internet, maaaring makapasok o makapagbigay daan sa mga website na
may kinalaman sa social networking.
11
2. Internet

Ang Internet ay malawakang pangmadlang daan na pinagsama-samang kompyuter


networks na naghahatid ng datos sa pamamagitan ng pocket switching na gumagamit ng
pamantayang Internet Protocol(IP). Ito ay isang “network of networks” na binubuo ng milyon na
maliliit na networks sa larangan ng pantahanan, pampaaralan, pangangalakal,
pampamahalaan at sosyal na nagdadala ng iba’t ibang impormasyon at paglilingkod katulad
ng e-mail, online chat, file transfer o paglipat ng salansanan at pinagdugtongdugtong na web
pages at iba pang mapagkukunan ng impormasyon ng World Wide Web. Maraming tao o
kumpanya ang gumagamit ng web logs o blogs na pangkaraniwang ginagamit bilang online
diaries o talaarawan. Mahalaga ang ginagampanang papel ng Internet sa pagpapalawak ng
social networking.

Mga Ibinunga ng Social Networking Sites

1. Epekto sa Sarili (Acting Out)

Dahil ang internet ay isang sosyal na midyum, ito ay nahihiligan ng mga teenagers
bilang isang bagay o maaaring pangyayari upang mapag-usapan ang isang isyung
pangmadla. Kadalasan, ang komunikasyon sa internet ay nauugnay sa madalas na paggamit
ng mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita. (Wallace,2000). Sa karagdagan, ang SN
ay nagdudulot ng adiksyon sa sarili at ito ay ipinapakita sa dalawang klase ng gumagamit ng
Internet, ang dependent at independent. Ayon kay Young(1996), ang dependent ay
gumugugol ng 39 oras sa Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo.
Samantala, ang independent naman ay kumokonsumo ng 5 oras para sa netsurfing o e-mail
lamang. Kadalasan ay ang mga malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangang
sosyal ang apektado ng adiksyong ito. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa rin na mas
mahina itong adiksyon na ito kung ikukumpara sa mga lasenggo o durugista.

2. Epekto sa Pamilya (Pagbukod at Depresyon)

Dahil sa pagiging tapat ng relasyon sa internet, ang mga potensyal na pakinabang at


disadbentahe ng internet ay kaduda-duda. Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan
(1998), sa isang longitudinal na pag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng
12
internet ay may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga
kaibigan at pamilya.

3. Epekto sa Lipunan

Maraming epekto ang social networkingsa lipunan. Una, mas malalaman ng mga
teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo sa ibang mga komunidad. Sa
karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas ng kamalayan at oportunidad sa mga teenagers na
parte ng mga binubukod na grupo at sumasali sa SN. Mayroon rin itong mga masasamang
epekto, isa na dito ay ang pagtaas ng aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal. Isama pa natin
ang cybercrime na ayon sa isang report ng BBC, ay laganap sa buong mundo at mahirap
tugisin. Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime and Security(2000), sinasabi na 79% ng mga
empleyado ang umaabuso ng Internet sa Estados Unidos at isa sa mga abusong ito ay ang
pagdownload ng pornograpiya. Sa karagdagan, sa isang sarbey na ginawa ng NOL poll ng
ICM, sinasabing halos lahat ng respondente ay humihiling ng karagdagang control upang
maiwasan at panloloko, pornograpiya at pedopilya.

KABANATA III

Metodolohiya
A. Instrumento:

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang sarbey na naglalaman ng sampung mga


katanungan na maaaring "open" o "close ended". Ang "close ended" na mga katanungan ay
naglalaman ng kwantiteytib na sagot. Ang tagatugon ay maaari lamang sumagot gamit ang
mga nakalistang pagpipilian at hindi na maaaring lumampas pa doon. Sa kabilang dako
naman, ang "open ended" na mga katanungan ay ginagamit kung ang sariling opinyon ng
tagatugon ay kinakailangan.

B. Respondente

Ang naturang sarbey ay ipinamahagi sa 20 na mga tagatugon na kinabibilangan ng


mga mag – aaral sa unang taon ng kurosng Edukasyon ng Gingoog Christian College. Sa
kabuuan, naibalik ang lahat ng papel sa sarbey. Ang datos ay binigyan ng interpretasyon. Sa
karagdagan, ang datos ay nilagay sa mga bahagdan para sa mas magandang pagkakaiba ng
mga resulta.

13
C. Instrumentong Pampanaliksik

Sa pamamagitan ng sarbey isinagawa ng mga mananaliksik ang pag – aaral na ito.


Naghanda ang mga mananaliksik ng sarbey – kwestyuneyr na ipinamahagi nila sa mga
estudyanteng nasa unang taon ng kursong edukasyon. Sumangguni rin ang mga mananaliksik
sa iba pang mga reperens. Tumungo sila sa internet shop upang kumalap ng karagdagang
impormasyon.

D. Tritment ng mga Datos

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ay sinuri lamang sa pamamagitan ng


pagta – tally at paggawa ng mga kaakbay na grap. Ang mga ito ay batay sa mga tanong na
sinagutan ng mga respondente. Simple lang ang ginawang pagsusuri sapagkat ito ay isa
lamang panimulang pag – aaral.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan ng pag – aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

Ipinapakita sa grap 1 ang distribusyon ng mga respondente ayon base sa kung


gaano sila kadalas bumibisita sa mga social networking sites. Sa dalawampung (20)
respondente, labindalawa (12) ang madalas na bumibisita at pito (7) ang minsan lang
bumibisita sa kanilang mga social networking accounts at walang sumagot na hindi.
Samakatuwid, mas marami sa respondente ang nagsasabing madalas silang bumisita
sa kanilang social networking akawnts at konti lang ang miminsan lang bumibisita.

Distribusyon ng mg Respondente Base sa Kung


Gaano sila Kadalas Bumisita sa mga Social
Networking Sites
15
12
10
7
5

14 0
0
Madalas Minsan Hindi
Sa grap 2, ay ang distribusyon ng mga respondente ayon sa edad. Apat lang ang edad
dalawampu hanggang dalawampu’t – tatlo (20 – 23). Habang pinakamarami ang bilang ng
mga edad labing – anim hanggang labing – walo (16 – 18) na may kabuuang bilang na labing
– anim (16). Samakatuwid, mas maraming kabataan na edad 16 – 18 ang may social
networking akawnts kumpara sa kabataan na may edad 20 – 23. Pero inaasahan na ang
ganitong resulta sapagkat nasa unang taon pa lamang ng kanilang kurso ang mga
respondente.
Grap 2
Distribusyon ngmga Respondente
ayon sa Edad
20 16
15
10
4
5
0
20 - 23 16 - 18

Sa grap 3, makikita na sa dalawampung (20) respondente, lahat sila ay sumagot na


nagsasabing bumubisita sila sa mga social networking sites na nabanggit. Samakatuwid, lahat
ng respondente ay mayroong akawnts sa mga nabanggit na sites at marami na talaga ang
nahuhumaling rito.
Grap 3
Nosyon ng mga Respondente sa
Pagbisita sa mga Social Networking
Site
00
0

20

Bumibisita

15
Makikita rin natin sa grap 4, ang pinakamabisitang mga social networking sites ayon sa
dalawampung (20) respondente na nagsasabing sila ay bumibisita sa mga site na ito.
Nangunguna ang facebook na may pinakamarami na umabot ng labing – siyam (19).
Pumapangalawa dito ang Skype na may siyam (9) at pangatlo ang Twitter na may anim (6).
Panghuli ang Yahoo at Instagram na may apat (4) at tatlo (3) ayon sa pagkasunod – sunod.
Samakatuwid, mas marami ang may akawnts sa facebook kumpara sa ibang mga sites na
nabanggit.

Grap 4
Mga Pinakamabisitang Social Networking Sites
ayon sa mga Respondente
20 19
18
16
14
12
10 9
8 6
6 4
4 3
2
0
Facebook Twitter Instagram Skype Yahoo

Sa grap 5, makikita ang ditribusyon ng oras na iginugol ng respondente sa pagbisita


kanilang akawnts sa social networking sites sa loob ng isang linggo.Sa dalawampung (20)
respondente, siyam (9) ang sumagot na nakakagugol lamang sila ng 1 – 2 oras. Pito (7)
naman ang sumagot na bumibisita sila ng mahigit 3 – 4 na oras sa pagbisita sa kanilang mga
akawnts. At lima (5) ang sumagot na umaabot sila ng 5 – 8 oras sa pagbisita sa mga social
networking sites na nabanggit. Samakatuwid, mas konti pa rin ang oras na kanilang nauubos
sa pagbisita sa kanilang akawnts kada linggo, ito ay ayon sa mga respondent. Dahil ditto, mas
nabibigyan nila ng oras ang iba pang mga importanteng gawain.

Grap 5
Oras na Iginugol ng mga Respondente sa
Pagbisita sa Social Networking Sites Kada
Linggo
10
9
7
5
5

0
1 - 2 oras 3 - 4oras 5 - 8 oras
16
Tungkol naman sa pangunahing dahilan kung bakit bumibisita ang mga respondente sa
mga social networking sites na ito. May labinlima (15) ang sumagot na ang dahilan ay upang
makipag – ugnay sa mga kaibigan at pamilya. Tatlo (3) ang nagsasabing upang humanap ng
bagong kaibigan at 3 ang sumagot na bumibisita sila sa social networking sites upang maglaro
ng mga kaugnay na obline games. Samakatuwid, pinakapangunahing dahilan pa rin ng
pagbisita nila sa social networking sites ay upang makipag – ugnay sa pamilya at kaibigan
kaysa sa maglaro ng mga online games.

Grap 6
Mga Pangunahing Dahilan sa Pagbisita sa
Social Networking Sites ayon sa mga
Respondente
20 15

10
3 3
0

Upang makipag - ugnay sa kaibigan at pamilya


Upang humanap ng bagong kaibigan
Para maglaro ng mga kaugnay na online games

Hinggil naman sa mabuting naidudulot ng pagbisita sa social networking sites, labing –


apat (14) ang nagsabing nagdudulot ito ng mabilis na komunikasyon at impormasyon tungkol
sa kaibigan, pamilya at kakilala sa pamamagitan ng status o tweets. May tatlo (3) ang
nagsabing mas madali silang nakakapagbahagi ng litrato, musika at video. Bukod dito, anim
(6) ang nagsabing ang mga social networking sites ay isang kapaki – pakinabang na tool sa
edukasyon sa pamamagitan ng onlayn na grupo at furom. Samakatuwid, malaki ang
kinalaman ng social networking sites upang mas mapabilis ang kumunikasyon ng tao sa
kanilang pamilya at kaibigan at malaking tulong din ito para sa kanilang pag – aaral.

Grap 7
Mga Mabuting Naidudulot ng Social Networking
Sites sa mga Respondente
20
14

10 6
3
0 17
Mabilis na komunikasyon at impormasyon sa mga kakilala at pamilya
Mabilis na nakakapagbahagi ng litrato, video at musika
Tool sa edukasyon
Sa kabilang dako naman ay ang mga di – mabuting naidudulot ng social networking
sites sa mga respondente. Sa dalawampung respondente, sampu (10) ang sumagot na
naniniwala silang ang pangunahing masamang epekto nito ay labis na oras ang nagugugol sa
pagbisita sa site na ito, pangalawa ay ang kawalan ng fucos sa pag – aaral na may pito (7) at
panghuli ay ang adiksyon sa mga larong kaugnay ng social networking sites na may anim (6)
na bilang. Samakatuwid, dapat isaalang – alang ng mga respondente ang tamang oras upang
maiwasan ang labis na paggamit nito. Para hindi maadik at masakrapisyo ang pag – aaral.

Grap 8
Pangunahing Di - Mabuting Naidudulot ng Social
Networking Sites sa mga Respondente
20

10
7 6

0 Kawalan ng focus sa pag - aaral


Labis na oras ang nagugugol sa pagbisita sa social networking sites
Adiksyon sa mga larong kaugnay ng social networking sites

KABANATA V

LAGOM
Ang pag – aaral na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga
mabuti at di mabuting naidudulot ng social networking sites sa mga estudyanteng nasa unang
taon ng kursong edukasyon ng Gingoog Christian College.Ang pag – aaral ay gumamit ng
disenyong deskriptib – analitik. Para makakalap ng mga datos, nagdisenyo ang mga
mananaliksik ng sarbey – kwestyuneyr para sa dalawampung (20) respondente.

KONKLUSYON
Sa pagwawakas ng pag-aaral na ito tungkol sa pagsali sa mga Social Networking
Websites, nais ilahad muli ng mga mananaliksik ang mga pag-aaral mula sa mga nakalap na
mga datos. Ang pag-aaral na isinagawa ay ang paraan ng pagkuha ng pananaw sa mga piling
mag – aaral ng unang taon ng kursong Edukasyon ng Gingoog Christian College sa
pamamagitan ng sarbey. Napakalaking porsyento ng mga mag-aaral ang may kaalaman at

18
gumagamit ng mga Social Networking Site. Isang simpleng dahilan ng pagkakaroon ng bawat
kabataan ng Social Networking Site ay upang makihalubilo sa ibang mga tao sa internet. Sa
mga uri ng Social Networking Sites, may kanya-kanya ring preperensya ang mga tao, higit na
ginagamit ng mga mag-aaral ang Facebook ngayon kumpara sa Twitter, Skype at Yahoo. Ito
ay tumugma sa mga unang mga pag-aaral sa Social Networking, na ang Facebook ay isa na
sa pinakapopular na Social Networking Site sa Pilipinas.

Matalino pa ang mga kabataan tungkol sa kung gaano kalaki ang oras na kanilang
ilalaan para sa mga SN sites pero minsan ay masyado talang nasasayang ang oras nila dito.
Pero nabibigyan pa din nila oras ang mga mas mahahalagang bagay na dapat nilang unahin
gaya na lamang ng pag-aaral at pakikihalubilo sa pamilya at mga kaibigan. Nagiging maingat
din ang higit sa mga mag-aaral sapagkat nililimita lamang nila ang mga impormasyon na
kanilang inilalathala sa internet; hindi nag-iimbita ng mga taong hindi nila kakilala.

Sa kabuuan, ang Social Networking ay may higit na mabuting naidulot sa mga mag-
aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral, napagtitibay ang
relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga kaibigan, napagbubuti ang
buhay-sosyal, nagtatagpo ulit ang mga dating mga kaibigan na matagal ng walang
komunikasyon sa isa’t-isa at higit sa lahat, naipapahayag sa buong mundo ang sariling ideya
at pananaw sa buhay.

REKOMENDASYON

Iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:

a. Para sa mga mag – aaral – dapat magkaroon ng time management upang


magkaroon ng pocus sa pag – aaral. Mayroong oras sa paglilibang at mayroon ding
oras para sa trabaho at edukasyon. Dapat na bigyan ng prayoriti ang mga
mahahalagang bagay sa buhay.
b. Para sa mga magulang – dapat maintindihan nila ang adbentahe at disadbentahe ng
teknolohiya ngayon. May mabuting naidudulot ang social networking site lalo na sa
sosyal na aspeto ng isang indibidwal. Pero dapat ding mag – ingat, dahil
nakakasama ang anumang sobra.
c. Para sa administrador ng paaralan at mga guro – maaari nilang gamitin ang social
networking sites bilang makabagong feature bilang kasangkapan sa pagtuturo.

19
d. Para sa mananaliksik sa hinaharap – maaari pang magsagawa ng mga pag – aaral
hinggil sa social networking sites at ang epekto nito sa edukasyon, komersiyo at
siyensya.

Pangalan: ________________________ Kasarian: __________


Edad: __________ Petsa: __________
Direksyon: Lagyan ng tsek ang kahon na angkop sa iyong sagot. Pwedeng magtsek ng maraming
kahon ayon sa iyong kasagutan.
1. Gaano ka kadalas bumibisitasa iyong mga Social Networking accounts?
Madalas Minsan Hindi
2. Anong klaseng mga Social Networking Sites ang mayroon ka?
Facebook Twitter Instagram Yahoo Skype
3. Ilang oras ang ginugugol mo sa pagbisita sa iyong mga account sa loob ng isang linggo?
1 – 2 oras 3 – 4 oras 5 – 8 oras
4. Ano sa palagay mo ang pangunahing dahilan kung bakit ka bumibisita sa mga site na ito?
Upang makipag – ugnay sa kaibigan at pamilya
Upang humanap ng mga bagong kaibigan
Upang maglaro ng mga kaugnay na online games (Farmville o Cityville)
5. Para sa iyo, ano ang pangunahing mabuting naidudulot ang SN sites sa iyong buhay?
Mabilis na konunikasyon at impormasyon tungkol pamilya (Kaarawan, Status)

20
Pagbabahagi ng video, litrato at musika
Tool sa edukasyon (katulad ng mga online tests, forum, group)
6. Ano naman ang pangunahing di – mabuting naidudlot ang SN sites sa iyong buhay?
Kawalan ng focus sa pag – aaral
Labis na oras ang nagugugol sa pagbisita sa SN sites
Adiksyon sa mga larong kaugnay ng SN sites
7. Naranasan mo na ba ang makotya dahil sa post mo sa iyong account?
Oo
Hindi
8. Sa iyong palagay, bakit maraming kabataan ang nahuhumaling ngayon sa mga SN sites?
Nakikisabay sa uso
Nadadala sa impluwensya ng barkada
Para makahanap ng mapaglilibangan
9. Sa iyong sariling assessment, ano ang antas ng iyong kaalaman tungkol sa SN sites?
Alam na alam
Katamtamang kaalaman
Walang kaalaman
10. Sa iyong palagay, gaano kahalagang alamin ang tamang paggamit ng SN sites?
Napakahalaga
Mahalaga
Walang halaga

BALANGKAS TEORITIKAL

Mabuting
Networking naidudulot
Napapadali Nakakakilala
Websites sa tao sa
ang ng mga Mapagkaka -
Kompyuter Internet (Facebook, Libangan pagsali sa
komunikas bagong kitaan
Twitter, Social
- yon kaibigan
Skype) Networking
Sites

21
LISTAHAN NG SANGGUNIAN

About Classmates Online, Inc., Classmates.com, Nakuha noongFebruary 12, 2008 from

Bryan Mendoza, January 23, 2013, Pananaliksik Tungkol sa Epekto ng Social


Networking Sites sa mga Tao

Dexby P. De Guzman, November 17, 2012, Pamanahong Papel – Social Networking


Sites

http://www.classmates.com/cmo/about/;jsessionid=RIVWXDQ2MEVJ4CQKWZSSVRQ
KBK1GMIV3?s=74606&_requestid=171457,

http://www.scribd.com/doc/113603282/Pamanahong-Papel-Social-Networking-
Sites#scribd

22
http://en.wikipedia.org/wiki/Classmates.com

http://michaelvale19.blogspot.com/2014/02/mga-epekto-ng-social-networking-sites.html

Ivaughnn.blogspot.com, February 2009, Thesis Filipino

Jean Glovio, February 27, 2013, Sarbey – Kwestyoneyr – Epekto ng Social Networking

23

You might also like