You are on page 1of 1

sulat, punit, ulit.

ni Vianca June Louise L. Balcita


AD 12 -1
sulat, punit, ulit.

patuloy na isusulat mga salitang hindi nasambit.

punit ng punit, natatakot sa mga sakit at bakit.

ngunit patuloy na uulit, hanggang ang mithi'y makamit.

natutong magpinta gamit ang liptint,

harap sa salamin, ito ba ay sining o ilusyong pinilit?

ito ba ang solusyon sa imahinasyong pangit?

Nabawasan ba nito ang iyong mga bakit?

balat ng kendi, supot ng mani, balot ng biskwit,

ballpen na walang tinta, maging mga papel na punit

- mga bagay na walang silbi bakit sayo pari'y nakatabi?

itapon na bago pa dumami, ito pa'y daragdag sa mga pagsisisi.

Pakiusap sa may gunting

pakiputol nitong sinulid na nag-uugnay sa pusong dumadaing

pagka't alam kong hindi ka na dadating

nais na ng puso'y magpahinga at gumaling

sulat, punit, ulit.

hanggang ang kwaderno'y maubusan na ng pahina,

hanngang ang lapis ay maubusan ng tasa,

hanggang ang mga luha ay tuyo na

hanggang sa handa ng humarap sa buhay na wala ka.

You might also like