You are on page 1of 3

Jonathan F.

Robregado 12/3/18
ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan
Ang Hirap sa ating mga Edukado
Reaction Paper

Malaki ang kakulangan ng mga Pilipino tungkol sa usapin ng paggamit ng mga tamang
salita upang mabuo ang isang pangungusap. Talamak din sa gayun ang kamalian sa paggamit ng
mga salitang isinalin sa Wikang ingles patungong Filipino. Isa itong nakakaalarmang bagay dahil
ito ay sumasalamin sa kawalang kaalaman ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika. Kaya naman
napakalaking tulong ang libro ng pambansang alagad sa literatura na si Virgilio Alamario. Ang
librong Filipino ng mga Filipino.

Sa unang bahagi ng libro na pinamagatang “Ang Hirap sa Ating mga Edukado” may piling
nakapaloob na paksa na tumalakay sa kahirapang binubuno ng mga Pilipino sa paggamit ng
kanyang wika. Ang unang paksa pinamagatang “Ang Krimen ng mga Edukado”. Dito tinalakay
ang kalimitang mga maling nagagawa ng mga edukado sa paggamit ng mga termino sa Wikang
Filipino. Sinabi ni Alamario, “Hindi sapat na dahilan ang pagiging burges o edukado para
palampasin ang nagyayaring pasalaula sa Wikang Pambansa”. Ang pangalawang paksa naman ay
pinamagatang “Tagapayo’ Beth Day”. Ito ay tumutuligsa tungkol sa isang manunulat na kana na
nagpapakalat ng kabalintunaan tungkol sa ating wika. Sa isang akda ni Beth day na “Even the
French are Learning English”, nagbahagi siiya ng kanyang saloobin sa pagtalikod ng Pilipino sa
paggamit ng Wikang Ingles upang mapalakas ang Wikang Filipino. Ani niya, “It seems ironic, in
the lights of efforts to replace the use of English with the national language, Pilipino (sic) that has
taken place in the past few years, than the other countries in the world are doing exactly reverse,
and adding English to their educational requirements.” Para sa akin hindi naman masamaang
gamitin ang Ingles bilang isang midyum ng pagkatuto mo bilang Pilipino pero mas kinakailangan
parin na bilang Pilipino mas may alam sa Wikang ng bansa mo. Isa sa ipinaalala ni Almario sa
kanyang akda na, “ Mainam na matuto ng Ingles Pero may mga palkinabang tayo sa paggamit at
pagpapalaganap ng Filipino na hindi na sa atin maibibigay ng Ingles.

Ang pngatlo namang paksa ay pinamagatang “Patayin ang Pilipinas”. Ito anaman ay
tumutkoy sa kalituhan ng mga mamamayan ng bansa sa tatlong pangalan ng kanilang bansa. Ang
“Filipinas na lumaganap ng panahon ng kolonisasyon ng mga Kastila, panagalawa naman ay ang
“Philippines” na itinawag sa atin ng mga Imperyalistang Amerikano bilang opistyal na katawagan
Jonathan F. Robregado 12/3/18
ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan
sa Wikang Ingles at pangatlo “Pilipinas” ito naman ay ibinatay sa mga orihinal na titik ng abakada
at tintawag na bersiyong Tagalog. Ibinalangkas sa usaping ito na dapat higit sa tatlo “Filipinas
dapat ang itawag sa ating bansa. Punaliwanag dito na Filipinas na ang tinwag sa ating bansa noong
panahon pa ni la Villalobos at Legaspi. Gayundin Filipinas ang ginawang pantukoy ng ibigay sa
atin ang kalayaan. Mariing makikita sa usaping ito ang kakulangan ng mga Pilipino sa pagtukoy
sa wastong titik na dapat gamitin upang tukuyin ang dapat itatawag sa kanilang salita. Sa mga tao.
At sa pangalan ng kanilang bansa. Ang ikaapat nan na paksa ay pinamagatang “ Mga Filipino-daw
Tayo”. Tinalkay naman dito ang pagkakiba ng pagkonsepto ng mga lalawigan sa mga salitang
gingamit nila. Gayundin ang paggamit ng mga pnlaping “mag” at “um” kung idudugtong sa mga
salitang ugat na “takbo” at “tawid”. Dito nadipina na gkamalian sa paggamit ng mga taga Visyas
sa paggamit ng panlaping um at mag kapag idinurugtong na sa mga salitang takbo at tawid. Sa
puntoong ito isinaad ni Almario na walang dapat pagtawanan sa kamaliaan ng mga taga Visayas,
Bikol at Mindanao sa paggamit ng mgapanlapi, bagkus kung anu man daw ang kanilang kamalian
ay siyang dapat itama at turuan ng nararapat. Ang ikalimang paksa ay pinamagatang “Ang Filipio
ay maingat” dito ipinaliwanag ang kawalan ng pag-iingat ng Pilipino sa paggamit ng mga salita
na nilalagay nila sa pangungusap. Ani ni Almario, “Ang ganitong kawalang –ingat ay sintomas ng
kawalang-galang sa wika. Totoo naman ang pahayag na ito ni Almarion dail kung iisipin mo, kung
ikaw ay isang edukado na nag-aral upang gumaling dapat malaman ang tamang gamit ng mga
salita na ilalagay sa isang pangunguusap na siyang bubuo sa isang bagay na mababsa ng madla.
Isa pang sabi ni Almario,“Ang mga edukado ngayong gumagamit ng Filipino ang pinagmumulan
ng mga problemang pangwika dahil sa kawalang-ingat.” Ang huli namang paksa ay pinamagatang
“Ang Filipino ay Tiyak”.Dito naman tinalakay ang kaulangan sa kaalaman ng mga edukadong
Pilipino sa pagsasalin ng mga salita mula ingles patungong Filipino. Isa sa ginawang halimbawa
ay ang salitang “lust”. Ang isang nagbigay ng pahayag ay nagsaad na dapat ang salitang “libog”
ang maging salin . Sa isang bahagi naman sina ing masyadong malaswa kaya naman sinabing dapat
“pagnanasa” ang salitang tutugma. Pero kung titingnan nang mabuti ang salitang libog ang sasakto
para sa salitang lust. Dahil ang kahulugan ng salitang pagnanasa ay sidhi ng matinding damdamin.
Sinabi ni Almario na mahalag ang gnitong usapin dahil sa usaping pangretorika. Pinaliwanag din
sa paksang ito ang ilang tamang gamit ng mga retorika na binigyang diin ni Almario.
Jonathan F. Robregado 12/3/18
ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan
Sa paglalahat, matutukoy kong kulang parin talaga ang kalaman ng Pilipino kahit ordinary
man siya o edukado. Ipinakita sa Mga sanaysay ni Almario ang katotohanan sa kaukulangan ng
mga Pilipino sa pag-aaral ng kanilang sariling wika. Bilang isang Pilipino kailangna pa nating
dagdagan ang tating bukablaryo sa mga salitang Filipino. Hindi dapat matapos sa diskursong
kulnag tayo sa kasanayan bagkus dapat bilnag isang edukado. Kailang pa nating magpursige na
galingan at itama ang pagkakamali natin sa paggamit ng Retorika, Gramatika at sa ating Wikang
Pambansa.

You might also like