You are on page 1of 3

Jonathan F.

Robregado 1/03/19
ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan
Bulaklak ng Katutubong Dila
Reaction Paper
Malaki ang kakulangan ng mga Pilipino pagdating sa pagpapahalaga sa kanilang
katutubong dila. Dahil sa mabilis na pag-agos ng oras ang mga bawat salita maging ang mga
pananda ay unti-unting naglalahong parang bula. Gayundin kaiakibat ng mga pangyayring
nagaganap ay nakalimutan din naman ng mga Pilipino ang ilang tamang tawag sa mga
masimbolismong terminolohiya. Maaaring sabihing ang mga pagkukulang ito ay sanhi ng
mababang intelektwalisasyon ng mga Filipino sa usaping politikal, kultural at maging sa usaping
lipunan.

Sa libro ni Virgilio Almarion na Filipino ng mga Filipino nakapaloob ang isang seksyon
na pinamagatang “Bulaklak ng Katutubong Dila”. Sa parte ng librong ito ay mayroog limang piling
paksa na kailangan dalumatin. Una sa listahan ay ang paksang pinamagatang “Pagtuklas ng
lumang Haraya”. Dito tinalakya ang pagkalimot at kakulangan ng kaalaman ng mga Pilipino sa
paggamit ng mga salitang atin. Isa sa hinalimbawa dito ang salitang “salapong”. Nakakalungkot
lamang isipin na dahil sa pag-unlad ng mundo ay nakakalimutan ng tandaan ng mga tao ang mga
mahahalagang detalye na nakapaloob sa maliliit na libro na tinatawag nating diksyonaryo. Para sa
akin napakahalagang buklatin at siyasatin ang bawat salitang nakapaloob sa diksyonaryo. Dahil sa
bawat saklitang nakaimpok doon ay ang tilamsik ng nakaraang kultura na mayroon ang isang bans
tulad na lamang ng Pilipinas. Ani nga ni Almario, “ang pagbubuklat ng diksiyonaryo ay maaaring
maging isang gawain ng pagtuklas”. Kung gayon bilang isang Pilipino kailangan nating dalasan
ang pagbuklat ng disksiyonaryo ng sa gayon ay patuloy nating matuklasan ang mga lumang haraya,
ang lumang kultura na maaaring maging sagot sa mga katanungan natin kung paan pauunlarin ang
hinaharap.

Ang panagalawa namang paksa ay pinamagatang “Bangayan sa barangay”. Kilala ang


termenolohiyang barangay bilang pinakamaliit na yunit ng isang lipunan. Ngunit lingid sa ating
kaalaman ay mas malalaim pa ang pinagdaanang diskusyon sa katawagang “barangay” na alam
natin ngayon. Sa paksang tinalakay ni Almario madadalumat natin ang pagkupas ang tuluyang
paglimot sa tamang ispeling at pantigan gayun din ang baybay sa salitang “barangay”. Dito
ipinaliwanag kung paaano ang katutubong salita na “ba/la/ngay/” ay naging “ba/ran/gay” sa anyo
na pantigan, pagbaybay at sa ispeling nito. Mas lumala pa ang usaping pagpapalitan ng itakda ng
Jonathan F. Robregado 1/03/19
ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan
dating president Marcos ang paggamit ng salitang “barangay”. Sa aking palagay marapat na sundin
kung ano ng aba ang orihinal. Marahil nagkakaroion ng konting pagkalito sa pagbabago ngunit
mahalagan mapanatili ang kung ano ang nakasanayan at ang orihinal. Lagi nating tandaan na
kabalikay ng wika ang kultura. At kung ano ang sinasalamin ng salita tulad ng “ba/ra/ngay” ay
malaking rehisytro sa kultura nating mga Pilipino. Ang pangatlong paksa ay pinamagatang “Bad
Words’. Sa parteng ito ng pagtatalaky ay naisiwalat ang kamaliaan nagaganap kapag gumagamit
tayo ng mga salitang. Umikot ang talakayan sa halalan sa pagka president na pinaglabanan noon
nina dating pangulong ramos at ng yumaong Senador na si Miriam. Dito naipahayag ang mga
salitang kadalasang ginagamit sa halalan. Tulad ng salitang “bulusok”, “trending” at “quick
count”. Ang mga sumusunod na salita ay masasabing “Bad Words” dahil ang dalawa ay hiram at
ang isa anman ay tila pinaikling baybay sa salitang pagbulusok. Masasabing madumi ang halalan
ng panahon nila dahil maging sa paggamit nila ng mga salita bilang termio ay talaga namang “Bad
Word”. Ang pang-apat naman na paksa ay pinamgatang “Mag-ng at hindi mag-NANG?” Sa paksa
naman na ito ay tinalakay ang kalituhan ng mga Pilipino sa paggamit ng “ng” at “nang”. Dito
ipinaliwang kung paano nagkakaiba nag dalawang gamit ng salita. Nabanggit din ang wastong
gamit ng “nang” sa mga pangungusap. Isa sa halimbawa at ang “nang bilang kasingkahulugan ng
noong”, Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyo ay nagkasakit si Pedro. Gaya ng nasa
akda ako ay sangayon na dapat ay pasimplehinang ang pagpapaliwang kung paano gagamitin ang
dalawang salitang magkaiba. Kung sasagutin ang paksa kung ng o nang/ marahil mas lamang ang
sa ng dahil ito ang nakasanayan. Ngunit hindi pa naman huli ang lahat. Maari paring ituro sa
henerasyon ngayon ang dalawang gamit ng mgkaibang salita na pinaghalintulad na lamang ng
panahon. Nang sa gayun ay hindi kailanganin pang pumili bagkus gamitin nalamang sa kanya-
kanyang wastong pamamaraan. Ang huli namang paksa ng talakayan ay pinamagatang “Kung
hindi pa panahon”. Dito tinalakay ang pagtatanggal ng kudlit sa mga salitan tulad ng “bagama’t”.
Tulad ng nakasanayan ay hindi dapat nati itong kasanayan. Bakit? Kung dadalumatin ang
talakayan sinasabi dito na dati pa lamang ay mayroon ng iilan na nagmumungkahing alisin ang
kudlit sa mga salita. Ang rebulusyong tanggalin ang kudlit sa mga salita ay pinasimulan ni
Alejandro G. Abadilla kung saan itinanghal niya ng mga salitang ngunit, subalit at datapwat na
kanya namang pinalanunan. Ngunit noong dekada 70 naman ang nagpatuloy sa paggamit ng mga
salitang “Nguni”, “subali” at “Datapwa”. Na di klaaunan ay hundi rin naman nagtagal. Ani ni
Almario, masyadong nagmamadali ang mga berdugo na tanggalin ang kudlit sa mga piling salita
Jonathan F. Robregado 1/03/19
ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan
dahil mayroon daw umanoong buhay na buhay na anyo ang mga saliang “basta”, “bagaman”,
“anupa”, “kaya”, “dangan”, at “hangga”. Itong mga salitang ito ay isiniwalat ni Almarion ana
maaring gamitin parin bilang salita dahil ito ay nakatatyo mag-isa. Kung ako ang tatanungin para
sa akin ang pagpapalitan at pagtatangal ng mga imortanteng bagay na siula pa lamang ay nandiyan
na ay nagpapagulo lamang sa kaisipan ng mga guro at mag-aaral. Kung ating titingnan. Hindi pa
aman talaga panahon para tanggalin ang kudlit bakit dahil ang mga salkitang gingagamitan nito ay
malaki parin ang ginagampanang tungkulin sa kultura sa pangaraw-araw na buhay ng mga
Pilipino. Tila tinatanggalan lamang nila ng karapatan ang mga susunod na henerasyon na
matutunan ang yaman ng ating wika. Kaya naman itgil na ang kaisipang pagtatangal bagkus
paunlarin ang kaisipang pagpapayabong sa mga salita.

Sa paglalahat hindi maikakaila na marami parin talagang problemang pang wika ang
kinakaharap ng henerasyon natin sa ngayon. Gayundin ang mga iskolar noon. Hindi naman
masamang magmungkahi para sa ikauuunlad ng isang salata ngunit hindi naman kailangan
baguhin ang mismong isensya ng pagkakabuo nito. Dahil sa huli ang wika ay kabuhol parin an
gating kultura. Hindi maitatatwa na kailangan ng dalaw ang isa’t-isa. Kaya naman bilang Pilipino
kailangan nating paghusayan ang pag-alam sa tamang gamit ng mga salita, tmang baybay nito
tamang ispeling. Nang sa gayun hindi malimot ang mga lumang haraya na matatgpuan natin sa
pagbubuklat ng ating diksiyunaryo.

You might also like