You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI Kanlurang Visayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lungsod ng Iloilo
Ikalawang Markahang Pagsusulit

Filipino 7

I. MARAMING PAGPIPILIAN. Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kaisipang nais iparating ng saknong na nasa loob ng kahon?

Ako’y nagtanim ng binhi, tumubo at nabuhay.


Nang nabuhay ito’y namunga
Nang namunga ito’y yumabong pa.”

A. Ang kasipagan ay kaakibat ng kaginhawaan


B. Nakakapagod ang pagtrabaho sa bukid
C. Kailangang magtanim para may makakain
D. Mahirap ang buhay ng magsasaka
2. Ano ang simbolikal na pagpapakahulugan sa awiting “Ili-ili Tulog Anay?”
A. pagpapatulog sa mga sanggol
B. iniiwan ng mga ina ang kanilang sanggol sa kamag-anak
C. maraming tinapay na maaaring mabili sa tindahan ng bawat lugar
D. pagsakripisyo ng magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak
3. Rosas, gitara at pag-ibig. Ang mga salitang ito ay kaugnay ng _______.
A. talindaw B. soliranin C. kundiman D. diona

Para sa bilang 4-8: Tukuyin kung anong uri ng pahambing ang ginamit sa mga pangungusap
sa ibaba:
4. Ang Singapore ay kasing-unlad ng bansang South Korea sa larangan ng teknolohiya.
A. Magkatulad B. Pasahol C. Palamang D. Katamtaman
5. Di-hamak na matiwasay ang pamumuhay sa lalawigan kaysa sa lungsod.
A. Magkatulad B. Pasahol C. Palamang D. Katamtaman
6. Medyo maputi ang nilabhan kong damit gamit ang Tide kaysa sa Ariel.
A. Magkatulad B. Pasahol C. Palamang D. Katamtaman
7. Lalong masagana ang ani ng mga magsasaka noong nakaraang taon kaysa ngayon.
A. Magkatulad B. Pasahol C. Palamang D. Katamtaman
8. Di-gaanong mahal ang mga bilihin noong 2014 kaysa sa kasalukuyan.
A. Magkatulad B. Pasahol C. Palamang D. Katamtaman
9. Ang mga salitang isang araw at samantala ay mga salitang ginagamit sa:
A. pagkakasunod-sunod C. pangangatwiran
B. pagkukuwento D. pagsulat
10. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa maikling kuwentong
“Nemo, ang Batang Papek”?

a. Tinipon ni Nemo ang iba pang batang lansangan. Nang magkuwentuhan sila, nalaman nilang pare-
pareho pala ang kanilang gusto: mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, masayang paaralan,
at sapat na pagkain. Sabay-sabay silang tumingala sa pinakamalayong bituin sa langit at hiniling nila
ang lahat ng ito. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din Lahat kami’y gawing batang masayahin.”Sa isang
iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay gaan-gaan ng kanilang
pakiramdam. Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya, malupit na eskuwela, at
maingay na kalsada.
b. Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si
Nemo. Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na
siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang
mahagip ng humahagibis na sasakyan.

c. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata.
Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad, kailangang sabihin mo ito sa
pinakamalayong bituin sa langit. Nang makita niya ang mga bituin, sinabi niya ang kaniyang hiling.
“Bituin, bituin, tuparin ngayon din, ako’y gawing isang batang masayahin!” Pumikit nang mariin na
mariin si Nemo. Naramdaman niyang parang umiikot ang paligid at nagkakagulo ang mga busina ng
sasakyan.Totoong bata na si Nemo!

d. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo at ginawa ng mga bata para sa isang proyekto
nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak
siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop.

e. Malungkot na naglakad-lakad si Nemo. At sa maraming kalye ng marusing na lungsod, sa bawat sulok


ay may nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng sampagita. May nagtitinda ng sigarilyo at
diyaryo habang maliksing sumasabit-sabit sa mga sasakyan.

A. d-b-c-e-a B. b-c-d-a-e C. a-b-c-e-d D.d-c-a-b-e

11. Bakit malungkot si Nemo habang palakad-lakad sa kalye?


a. marami ang batang kalye c. wala dinsiyang mga magulang
b. isa siyang papel d. nahabag siya sa kalagayan ng mga bata

A. b at d B. a at c C. b at c D.a at d

12. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


A. Nemo B. papel C. batang lansangan D. batang malungkot

Para sa bilang 13-15: Piliin sa ibaba ang salitang nanghihikayat na bubuo sa sumusunodna mga
pangungusap. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

A. Ito na B. Siguradong C. Naniniwala akong D. Tunay


13. C____na mahalaga ang ating pagkakaisa para magtagumpay ang ating hangarin.
14. B____ ang edukasyon ay makatutulong sa lahat.
15. A____ ang simula nang pagbuti ng kanilang kalagayan.

Paano ba namang hindi ka magsasaya? Siya ang parak na pinakamahusay humawak


ng boga. Madali niyang napapaamin ang mga gumagamit ng damo at naghihithit ng ibang
klaseng yosi. Pati ang mga tomador sa kanto ay napapatino niya. Idagdag mo pa ang mga
nagbabalak pumuga sa loob. Kaiba talaga si erpat sa ibang lespu sa aming bayan. Isang
malaking kagalakan para sa akin ang siya ay mahandugan ko ng mamahaling tsikot.

16. Nasa anong antas ng wika nabibilang ang mga salitang nakalimbag ng pahilis sa loob ng
kahon?
A. Balbal B. Kolokyal C. Pampanitikan D. Pambansa
17. Alin sa mga salita sa ibaba ang katumbas ng parak at lespu sa pampanitikang antas?
A. alagad ng batas B. pugad ng tulisan C. hepe D. pulis
18. Ano ang kahulugan ng salitang damo batay sa pagkakagamit sa texto?
A. uri ng halaman C. marami C. adik D. bawal na gamot
19. Ang pariralang haligi ng tahanan ay nasa antas ng:
A. Pabalbal B. Kolokyal C. Pampanitikan D. Pambansa
20. Ano ang itnuturing pinakamababang antas ng wika?
A. Pampanitikan B. Lalawiganin C. Balbal D. Pambansa
21. Ano ang mensahe ng bahaging ito ng alamat?
Batid nilang ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa
matitigas na bato sa Bungad na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito magtitipon ang
matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban
sa mga tulisang-dagat at upang mamatyagan ang paparating na mga vinta.

A. Kailangang matapang ang namumuno sa isang pangkat


B. Nasa tamang pag plano ang ikatatagumpay ng grupo.
C. Makakamit ang tagumpay kung lahat ay nagkakaisa.
D. Kailangang maging handa sa lahat ng oras.
22. Tinuruan din siya ng kanyang ama ng iba’t ibang karunungan. Ano ang salitang-ugat ng
salitang nakasalungguhit.

A. marunong B. madunong C. runong D. dunong

23. Sa Epiko ni Aliguyon, bakit inihahanda si Aliguyon ng kanyang ama sa pakikidigma?


A. Upang maipaghiganti siya ng anak sa matagal na nitong kaaway
B. Para maipagtanggol ni Aliguyon ang kanyang sarili
C. Dahil si Aliguyon ang papalit sa ama sa pamumuno
D. Upang manakop ng ibang nayon

24. Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi
ko inalis ang aking tingin sa kanya. Ang pahayag na may salungguhit ay nangangahulugang
_______________ ang mga mata.
A. nanlilisik B. namumula C. mapupungay D. lumuluha
25. Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan ng sikat ng
araw. Ang salitang-ugat ng salitang nakalimbag ng pahilis ay_______________.
A. kintab B. makintab C. nangintab D. napakakintab
26. Ang nagingintab ay nangangahulugang ________________.
A. matulis B. matalim C. kumikislap D. nag-aapoy
Para sa bilang 27-29: Anong elemento ng maikling kuwento ang mga nasa pahayag sa ibaba?
27. Nagpunta ako sa kisinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko
ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat.
A. tauhan B. tagpuan C. suliranin D. wakas
28. Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang mga matang tumingin
sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin.
A. tauhan B. tagpuan C. suliranin D. wakas

29. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat
ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang
aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal.
A. tauhan B.tagpuan C. suliranin D. wakas
30. Anong kulturang Bisaya ang nakapaloob sa awiting-bayang nasa ibaba?

Itong puno’y ating kaibigan


Kasama tuwing mag-iinuman
Isakbat ang kawit, punuin ng tuba ay
Tuba, lamang ang tunay na kasiyahan
Ako, nanginginig, ako’y nanginginig
Sa gabing malamig
hanap koy di banig
Nais ko’y piling mo,
Inday siya kong ibig
A. Ang pag-inom ng tuba ay naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino
B. Tuba ang iniinom noong una dahil mahal ang mga inumin
C. Ang puno ng niyog ay mahalaga sa buhay ng tao
D. Simple lang ang buhay ng mga tao noon
31. Ang pagkakapareho ng tunog ng mga huling salita sa bawat linya ng awit ay tinatawag na:

A. talinghaga B. tayutay C. tugma D. sukat

32. Ang bilang ng pantig sa bawat linya ay tinatawag na _______

A. talinghaga B. tayutay C. tugma D. sukat


33. Mga nakatagong kahulugan ng pahayag ay_____

A. talinghaga B. tayutay C. tugma D. sukat

Para sa bilang 34-36: Piliin ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan nito (clining):

34. A. poot, galit, inis, suklam C. inis, galit, suklam,poot


B. poot, galit, suklam, ini D. inis, poot, suklam, galit

35. A. hikbi, nguyngoy, iyak, hagulgol C. hagulgol, nguyngoy, hikbi, iyak


B. hikbi, hagulgol, iyak, nguyngoy D. hagulgol, nguyngoy, iyak, hikbi

36. A. paghanga, pagmamahal, pagliyag, pagsinta C. pagmamahal, pagsinta, pagliyag, paghanga


B. paghanga, pagsinta, pagliyag, pagmamahal D. pagmamahal, pagsinta, paghanga, pagliyag

37. Lasing na naman si Tatay, pinagbuhatan niya ng kamay si Nanay. Ang kasingkahulugan ng
salitang nakasalungguhit ay___________.

A. sinaktan B. hinawakan C. kinamayan D.inakbayan

Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa mga
batong adobe.
Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring
mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.

38. Ano ang kahulugan ng mga salitang nakalimbag ng pahilis?


A. tirahan B. tanggapan C. pasyalan D. taguan

39. Aling kaisipang ang masasalamin mula sa Alamat ng Baysay?


I. kultura at tradisyon ng mga ito III. kasaysayan ng lugar
II. paglilipat ng pangkat ng mga tao mula sa isang lugar IV. hindi maiiwasan ang mga delubyo

A. I at II B. II at III C. I at IV D. III at IV

40. Ano ang tagpuan ng kwentong “Nemo ang Batang Papel”?.”


A. paaralan B. silid-aralan C. bahay D.lansangan

Para sa bilang 41-45: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig upang mabuo ang
pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

41. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat
ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
42. (Datapwat, Subalit) nasasabi niyang siya’y nakararaos sa buhay, hindi pa rin
maipagkakaila ang lungkot na kanyang nararamdaman.
43. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.

44. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, salahat ng ito), hindi na niya
alinta na ang darating pa.
45. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya)
mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabahong malapit sa kanyang pamilya.
Para sa bilang 46-50: Tukuyin kung anong uri ng awiting – bayan ang hinihingi sa bawat bilang.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
46. Awit ng pagpapatulog ng bata.
A. Dalit B. OyayI o Hele C. Kundiman D. Soliranin
47. Awit ng pag-ibig.
A. Kundiman B. Suliranin C. OyayI o Hele D. Dalit
48. Awit sa kasal.
A. Soliranin B. Dalit C. Oyayi o Hele D. Diona
49. Awit sa diyos-diyusan ng mga Bisaya
A. Dalit B. Soliranin C. Kundiman D. Diona
50. Awit ng mga manggagawa
A. Dalit B. Suliranin C. Kundiman D. Oyayi o Hele
51. Anong ugali ang masasalamin sa bahagi ng dula ?

Dolying: Kawawang nilalang. Tuluyan nang nasira ang kanyang isipan. Ayon sa doktor
ay nabaliw siya dahil sa isang babae. Sa kanyang mga isinisigaw, maaaring siya‘y naloko
sa pag-ibig. Wala siyang nabanggit kundi ang tungkol sa kaniyang kasintahan. Nagtataka
ako kung sino ang babaing naging dahilan ng kanyang pagkabaliw.

A. pagpahalaga sa mga bagay na ibinigay ng minamahal


B. wagas na pagmamahal at pagtiwala sa kasintahan
C. pagkasira ng buhay kapag nabigo sa pag-ibig
D. pagkaawa sa kapwa

II. PANGHIHIKAYAT. Para sa bilang 52-55: Gamit ang mga pang-ugnay na nanghihikayat, sumulat ng tatlo
hanggang apat na pangungusap na nagpapahayag kung paano mo mahihikayat ang kapwa kabataan na
pahalagahan ang aral na nakapaloob sa mga binasang alamat. ( 4 puntos)

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_
III. PAGGAWA NG SALAYSAY. Para sa bilang 56-60: Sumulat ng isang salaysay na naglalahad ng proseso o
pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng paglagay ng impormasyon sa kahon.Pumili sa mga paksang:
Paglalaba, Pagluluto o Pagbabalik-aral. (5pts)

Una Ikalawa Ikatlo

Sa huli, Dagdag pa rito Halimbawa

Inihanda ni:
JOCELYN ESMALLA

Igbaras National High School


SUSING SAGOT SA FILIPINO 7, IKALAWANG MARKAHAN

1. A
2. D
3. C
4. A
5. C
6. D
7. C
8. B
9. A
10. A
11. D
12. C
13. B
14. C
15. A
16. A
17. D
18. D
19. C
20. C
21. C
22. D
23. A
24. C
25. A
26. C
27. B
28. A
29. D
30. A
31. C
32. D
33. A
34. C
35. A
36. B
37. A
38. D
39. B
40. D
41. KAYA
42. DATAPWAT
43. SA WAKAS
44. KAYA
45. KUNG GAYON
46. B
47. A
48. D
49. A
50. B
51. D
52. – 55
56-60

You might also like