You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lapaz, Lungsod ng Iloilo

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA FILIPINO 8

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at
isulat sa inyong sagutang papel.

Pagdapithapon, kata’y magbabalik sa pinanggalingan,


Sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon: Sa dagat man irog, ng kaligayahan,
Lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan…

1. Batay sa tulang “Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos, anong pangunahing kaisipan ang nakapaloob
sa saknong sa itaas?
a. Kakambal ng bawat nilalang ang mga pagsubok at paghihirap sa buhay.
b. Ang buhay ay puno ng kalungkutan at kaligayahan kaya magpakasaya na lamang.
c. Ang taong malayo na ang narating sa buhay ay magbabalik pa rin sa pinanggalingan.
d. Ang buhay ng tao ay puno ng pakikipagsapalaran na hahantong ang lahat sa kamatayan.

2. Ano ang payak na salita sa salitang maylapi na sinalungguhitan sa ikalawang taludtod ng tula sa itaas?
a. gata b. ugat c. sugat d. sugatan

3. Ano ang nais ipahiwatig ng taludtod na, “Pagdapithapon, kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
Sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw…”
a. Kung saan ka nanggaling doon ka rin babalik.
b. Ang kahirapan ng mga Pilipino sa tabi ng dagat.
c. Pangarap na mahirap abutin kaya luhaang magbabalik.
d. Paghihirap ng mga magulang sa paghahanap-buhay para sa mga anak.

4. Ano naman ang nais ipahiwatig nito, “Talagang ganoon: Sa dagat man irog, ng kaligayahan,
Lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan…”
a. Lahat ng bagay ay may hangganan.
b. Ang pusong nagmamahal ay napapagod din.
c. Ang buhay ay parang dagat na puno ng pakikipagsapalaran.
d. Ang taong nagmamahal ay hahamakin ang lahat masunod lamang ito.

5. Batay sa saknong sa itaas, anong damdamin ang nangingibabaw sa tula?


a. kabiguan b. kaligayahan c. kontento d. galit

6. Ano ang payak na salita sa salitang may salungguhit sa bilang 4?


a. ligaya b. gaya c. liga d. gayahan

Tinatawagan ko ang mga makata,


Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.

7. Sino ang nagsasalita sa saknong sa itaas?


a. Lakandiwa b. Mambabalagtas c. May-akda d. Manonood
8. Ano ang naging papel ng Lakandiwa sa saknong sa itaas?
a. nagbukas ng Balagtasan c. nagpapakilala sa mga kalahok
b. nagbibigay ng paksa d. naghuhusga sa dalawang makata
9. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa ikalawang taludtod ng tula?
a. taksil b. matalino c. kinatatakutan d. tanyag

Nang mamukadkad na ang aking kampupot


Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.

10. Ano ang katangian ng tauhan sa saknong batay sa kanyang pananalita?


a. maalalahanin b. mapagmahal c. mapagmatyag d. mapagbantay

11. Batay pa rin sa saknong ng tula sa bilang 9, anong damdamin ang nangingibabaw dito?
a. pagmamahal b. kasiyahan c. pagkamakasarili d. pagtataksil

12. Ano ang kasingkahulugan ng salitang “panibugho” batay sa saknong sa itaas?


a. kamatayan b. paghihirap c. selos d. kapahamakan

Hindi mangyayari at ang puso niya’y


Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.
13 Batay sa saknong sa itaas, ano ang nais ipakahulugan ng Eupemistikong pahayag sa huling taludtod?
a. Hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang taong nag-iibigan.
b. Gustong makasama ni Paruparo si Kampopot dahil mahal niya ito.
c. Parehong mamamatay sina Kampopot at Paruparo pag pinaghiwalay.
d. Mahal ni Paruparo si Kampopot kaya nararapat na pagsamahin silang dalawa.

14. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit sa itaas?


a. nasasaktan b. nakikilig c. naghihikahos d. nasisiyahan

15. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi magpaparaya sina Bubuyog at Paruparo?
a. Kung ako si Kampopot, kakaibiganin ko na lamang silang dalawa.
b. Sa palagay ko, walang pipiliin si Kampopot sa kanilang dalawa.
c. Ayon kay Kampopot, wala siyang iniibig sa dalawa,
d. Mas mabuti nang mag-iisa kaysa pinag-aagawan.

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog
na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpapaubayang anak; ang Ina natin ay
nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang
nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” aniya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa
pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong
sinasangayad: hindi dapat tulutang…mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may
medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya). Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng
puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung Siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-
sakaling irog ko’y masaktan, pahatid ka agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng
masaganang luhang sa mata’y nunukal.

Halaw sa “Walang Sugat” ni Severino Reyes

16. Ano ang sinisimbolo ng salitang “tanikala” batay sa binasang sarsuwela?


a. kadena b. kahirapan c. pagkaalipin d. pagkakaisa

17. Anong tono ang naghahari sa pahayag ni Tenyong?


a. naghihikayat b. paghihimagsik c. pagtutol d. pangamba
18. Ano ang mahihinuhang pahiwatig sa pahayag ni Julia?
a. Ang taong may malalim na sugat ay talagang mapapaiyak.
b. Tanging ang Diyos lamang ang masasandalan sa oras ng panganib.
c. Ayaw niyang makipagdigma si Tenyong kasama ang mga kalalakihan.
d. Binigyan niya ng garantilya si Tenyong sa paniniwalang makapagbibigay ito ng lakas.
19. Paano ikiklino ang mga sumusunod na salita: 1. kalunus-lunos, 2. kalagim-lagim, 3. kasindak-sindak,
4. katakot-takot
a. 1,2,3,4 b. 2,1,3,4 c. 4,3,2,1 d. 4,2,1,3
20. Ano ang elemento ng dula na itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula?
a. Iskrip b. Tanghalan c. Tauhan d. Tagpo

21. Batay sa akdang “Walang Sugat”, bakit kinailangang makipaglaban ni Tenyong laban sa mga Relihiyoso?
a. Dahil sa pagkamatay ng amang si kapitan Inggo.
b. Upang ipaglaban ang naaaping Inang bayan.
c. Sapagkat pinahirapan nang husto ang mga bilanggo.
d. Dahil ayaw magpaapi ng mga Pilipino.

(22-24) Panuto: Gamitin ang tamang Aspekto ng Pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.

22. “Guro siya ng ikalawang taon sa aming paaralan. Lahat ng aking kamag-aral ay (tuwa) tuwing sasapit
ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino na.”
a. natuwa b. natutuwa c. katutuwa d. matutuwa

23. “Diyan nga muna kayo at (tingin) ko lang kung sino ang napahikbi na ‘yon.”
a. tingnan b. Tumingin c. titingnan d. tiningnan

24. (Kain) lang ni Ana nang dumating ang kanyang panauhin sa bahay.
a. kakakain b. kakain c. kumain d.kakainin

Tingnan natin ang isang pangyayari bilang halimbawa. Ipalagay nating heto ang isang batang Pilipino.
Ang kanyang pamilya’y kabilang sa mga may kaunting pribilehiyo sa buhay. Bagay na isinisiwalat ng
kanilang katayuang ekonomiko. Ang batang paksa ng kwento’y nakarinig sa unang pagkakataon at nanggaya
sa unang pagkakataon, sa pabulol na pamamaraan, ng mga salita ng kanyang ina’t ama. “That’s the light,”
sasabihin ng ina, sabay turo sa bumbilyang nagliliyab sa kisame ng bahay. “Now,” sasabihin ng bata, “where’s
the light.” Ituturo ng bata. “There!” sasabihin ng ina. Paulit-ulit. “That’s your Mommy”, sasabihin ng ama. “Say,
Mommy.” Gagayahin ng bata. “He’s your Daddy,” sasabihin ng ina. “Say, Daddy.” Gagayahin ng bata. Ganyan
ang simula.
Ang batang ito, pagsapit ng isang panahon, ay ipapasok sa kindergarten. Doon ay maririnig din niya
ang wikang naririnig sa kanyang Daddy at Mommy. Bibigyan siya ng manipis na aklat na may malalaking
drowing at nandidilat na mga letra. Ituturo sa kanya ng titser. “Apple”. “Epol,” wika ng bata. “Snow” sasabihin
ng guro. “Isno,” wika ng bata. “Eagle,” ang wika ng titser. “Igel,” gagad ng bata. Ang paaralang ito, nais kong
idugtong ay eksklusibo. Para lamang sa may kayang magbayad ng malaki. Ari ng dayuhan at pinamumunuan
ng mga relihiyoso.
Papasok ang bata sa regular na grado, sa paaralang ito rin: ari ng mga dayuhan; pinamumunuan ng
mga relihiyoso. Mababasa na niya ang mga librong bumabanggit ng mga daan sa New York at sa Washington,
D.C. Mamamasid niya ang Central Park at Times Square. Ang batang ito na nagsisimula pa lamang ay may
guniguni nang lumipad sa lupalop na malayo sa kanyang tinubuan.
Ang batang paksa natin ay lumalaki, mangyari pa at nagkakaisip. Tuwing kakausapin siya ng kanyang
Daddy at Mommy ay sa wikang Amerikano. Ngunit may mga ibang tao sa kanilang tahanan: ang mga taong
iyon ay alila o utusan kung tawagin ng kanyang Mommy at Daddy. Nakikita niyang ang mga ito’y tagapaglinis
ng bahay, tagapagluto sa kusina, tagapamili sa palengke, tagapagpaligo niya, at malimit na inaalimura ng
kanyang mga magulang. Ang mga taong ito, kung kausapin ng kanyang Daddy at Mommy ay sa Tagalog.
Hindi siya kinakausap sa wikang iyon ng kanyang Daddy at Mommy. Kaya, sa kanyang batang puso at utak ay
tila mandin napagbubukod niya ang kagamitan ng dalawang wika: Ingles ang ginagamit ng kanyang mga
magulang sa pakikipag-usap sa kanya; Tagalog sa pakikipag-usap sa mga alila o utusan. Ito’y kanyang
mapagkakalakhan at kahit na tumanda’y iisipin niya, ipamamansag niya sa katunayan, na ang wikang Tagalog
ay ginagamit lamang sa mga alila.
Halaw sa Amerikanisasyon ng Isang Pilipino

25. Ano ang nais ipahiwatig ng huling pangungusap sa huling talata?

a. Ang wikang Tagalog ay ginagamit lamang sa mga taong mahihirap.


b. Ang mga alila ay walang karapatang magsalita ng wikang Ingles.
c. Mas pinahahalagahan ng mga Pilipino ang wikang Ingles.
d. Ikinahihiya ng mga Pilipino ang wikang Tagalog.

26. Ano ang nais ipakahulugan ng parirala na may salungguhit sa unang talata?
a. may pinag-aralan c. may kaya sa buhay
b. may mataas na tungkulin sa lipunan d. lahat ng sagot ay tama
27. Anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakikita ng mga magulang sa akda?

a. mapagmataas sa mahihirap c. may pagmamahal sa kulturang Pilipino


b. may colonial mentalidad d. may pagmamalasakit sa wikang Filipino
28. “_______________ tama na ang wikang Tagalog ay para lang sa mga mahihirap bagkus nararapat
itong gamitin ng lahat.” Anong hudyat ng pagsalungat ang nararapat gamitin sa patlang?
a. Ayoko b. Hindi c. Tunay d. Huwag

29. Bibigyan siya ng manipis na aklat na may malalaking drowing at nandidilat na mga letra. Ituturo sa
kanya ng titser. “Apple”. “Epol,” sabi ng bata. Paano nakaapekto sa murang isipan ng bata ang paraan
ng pagtuturo sa kanya tungkol sa wika?
a. Nagdudulot ng pagkalito sa isipan ng bata.
b. Nakatutulong sa bata upang umangat sa mga kapwa bata.
c. Nalilinang ang tiwala sa sarili ng isang bata.
d. Napauunlad ang kaalaman ng bata.

30. Ang batang ito na nagsisimula pa lamang ay may guniguni nang lumipad sa lupalop na malayo sa
kanyang tinubuan. Ano ang nakakubling kahulugan ng talinghagang may salungguhit?
a. May pangarap na mangibang bansa c. May matayog na adhikain
b. May mataas na ambisyon d. Gustong umangat sa buhay
31. Iklino ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi ng kahulugan. 1. nagniningas, 2. nag-aapoy,
3. nag-liliyab, 4. naglalagablab
a. 4,3,1,2 b. 4,1,2,3 c. 3,4,1,2 d. 1,2,3,4
32. Ang batang ______________ ay may guniguning lumipad sa lupalop na malayo
sa kanyang tinubuan. Ano ang angkop na salitang nagpapahayag ng pagsasalaysay sa patlang?
a. Masayahin b. nag-iisip c. nangangarap d. masipag

“Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng
gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!”

Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.

Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang
pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang
guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang,
wasak-wasak.

Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali niyon. Umalagwa ang saranggola.
Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag.

“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon ‘yan, nawasak na dahil sa laki.
Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga.
Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung
bumagsak, laging nawawasak.”
Halaw sa “Saronggola” ni Efren Abueg

33. Bakit hindi binilhan ng malaking saranggola ang anak sa kabila ng katayuan nila sa buhay?
a. Dahil nagtitipid ang kanyang ama.
b. Dahil nais ng amang matuto siyang makontento.
c. Sapagkat nais ng ama na matuto siyang tumayo sa sariling mga paa.
d. Upang matuto siyang pahalagahan ang pagsakripisyo ng kanyang pamilya.
34. “Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga”. Ano ang inyong
opinyon batay sa pahayag?
a. Kung ako ang tatanungin, anumang bagay ay tumatagal sa itaas kapag ito’y pinahalagahan.
b. Ayon sa kanyang ama, ang malaki ay madaling tumaas pero madaling bumagsak.
c. Anumang bagay kapag dinaan sa bilis at sumubra ay nagiging masama.
d. Ang paghahangad ng labis ay nakapagdudulot ng kabiguan.
35. Anong kahulugan ng eupimistikong pahayag na may salungguhit na makikita sa huling talata?
a. Ang saranggolang maliit ay mataas ang lipad at hindi madaling bumagsak..
b. Huwag mangarap nang sobrang taas dahil sa ilalim pa rin ang bagsak.
c. Sipag at tiyaga ang kailangan upang pangarap ay makamtan.
d. Huwag mangarap nang gising upang maabot ang mithiin.

36. Kinakantiyawan ako sa bukid ____________ maliit ang saranggola ko. Ano ang angkop na salitang
nagpapahayag ng pagpapaliwanag?
a. kapag b. dahil c. kung d. bagamat
37. Ano ang katangian ng ama batay sa akdang “Saranggola”?
a. matipid b. mabait c. masinop d. masipag

38. “Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” Anong salitang balbal ang maaaring ipalit sa
salitang nasalungguhitan.
a. amay b. amain c. itay d. erpat

Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan.

“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!”

May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na machine shop sa dulong
bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay
ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales.
Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang ginagamit.

“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon.


Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili mong pagsisikap.”

Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang. Dumabog siya sa harap ng
ama.

“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan
ako?”

“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang mabuhay sa mundo,
anak.”

Halaw sa “Saranggola” ni Efren Abueg

39. Anong pangunahing kaisipan ang ipinahahayag sa kuwentong “Saranggola”?

a. Matutong magsumikap c. Maging masipag at matiyaga


b. Iwasan ang kumpetisyon d. Maging masunurin sa mga magulang

40. Ano ang payak na salita sa salitang may salungguhit sa akda sa itaas?
a. kalimutan b. nakalimot c. limot d. utan

41. ______________ na may paninindigan ang ama sa kuwento. Anong angkop na hudyat ng pagsang-ayon
ang dapat gamitin?
a. Tunay b. Baka c. Sapagkat d. Ayoko

“Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong
nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na
kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.”

42. Batay sa talata mula sa akdang “Paglalayag sa Puso ng isang Bata”, ano ang nais ipahiwatig
ng pangungusap na nakasalungguhit?
a. Ang bata ang nagsilbing guro o nagturo sa kanya kung paano ang pagpapakumbaba.
b. Ang kakulangan ng respeto ng estudyante sa kanyang guro dahil sa pagsigaw nito sa kanya.
c. Ang paghanga ng guro sa mabait at mapagkumbabang mag-aaral.
d. Ang pagtanggap ng guro sa kanyang kahinaan at kakulangan.

43. _____________ perpekto sa mundong ating ginagalawan. Alin ang angkop na hudyat ng pagsalugat
ang nararapat ipuno sa patlang?
a. Walang c. Hindi
b. Ayaw d. Ayoko
44. Anong katangian ng guro ang ipinakita sa akda?
a. bukas ang isipan c. may magandang kalooban
b. maalaga sa mga mag-aaral d. may paninindigan
Kung gusto Mo,
para mabawasan ang galit Mo,
pulbusin Mo ang dibdib ko
nang maisuka ko na rin
ang lason sa katawan kong ito.

45. Alin sa sumusunod ang nakakubling kahulugan ng talinghagang may salungguhit sa tula?
a. pukpukin ng martilyo c. saktan ang puso ko
b. alagaan ang puso ko d. ingatan ang damdamin

46. Anong katangian ng tauhan sa tula batay sa kanyang pananalita?


a. naguguluhan b. nagdadalamhati c. naninibugho d. nagagalit

Heben, mula ng ikosa Mo ako,


sa pagkaklase ba.
Pero nang magdisaper Ka,
nagkawatak-watak lahat
Kasalanan ko!
Sinira ng pagwawala ko
ang pagtitiwala Mo
Pati ng barkada
kaya sising-alipin ako.

47. Ano ang katumbas sa salitang pormal ng salitang may salungghit sa unang taludtod ng tula?
a. upaapaw na kaligayahan b. langit c. alapaap d. tugatog ng kasiyahan

48. Ano ang angkop na salitang lalawiganin sa salitang may salungguhit sa ikatlong taludtod ng tula?
a. nadula b. nawala c. naglaho d. naglakat

49. Anong pangunahing kaisipan ang nakapaloob sa tula?


a. Ang pag-amin sa kasalanang nagawa. c. Umalis na walang paalam.
b. Ang pagtalikod sa kaibigan. d. Pagsisisi sa pagkakamali.

50. Bakit dapat pahalagahan ang pagtitiwala ng kapwa tao?


a. Upang magkaroon ng maraming kaibigan.
b. Sapagkat ang pagtitiwala ay hindi nabibili.
c. Dahil mahirap ibalik ang nasirang pagtitiwala ng kapwa.
d. Likas sa tao ang pagtitiwala ngunit maaaring mawala pag hindi iningatan.

INIHANDA NI: NIREBISA NI:


LORLYN T. GALIEMBA LORJIE D. SUMALDE
SST 1 – OTON NATIONAL HIGH SCHOOL MT I – DUMANGAS NHS
SUSING SAGOT

1. D
2. C
3. A
4. A
5. C
6. A
7. A
8. A
9. C
10. B
11. A
12. C
13. B
14. D
15. B
16. C
17. B
18. B
19. D
20. A
21. B
22. B
23. C
24. A
25. A
26. D
27. B
28. B
29. A
30. A
31. D
32. C
33. C
34. A
35. B
36. B
37. C
38. D
39. C
40. C
41. A
42. A
43. A
44. A
45. C
46. D
47. B
48. A
49. D
50. C

You might also like