You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao- Grade 9

January 22, 2019

I. LAYUNIN: Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:


• Natutukoy ang mga pagbabago sa iyong pansariling salik mula sa
baitang 7 hanggang ngayon at naiugnay ang mga ito sa pipiliing track o
kurso sa hinaharap;
• Naipaliliwanag ang batayang konsepto; at
• Nakagagawa ng hakbang upang paghandaan ang pipiliing track o
kurso.

II. NILALAMAN
1. Paksa: : Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko
o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay
2. Kagamitan: Tulong biswal, larawan at Video
3. Sanggunian: Modyul 13 p.p 218-229

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Pagbati ng guro
b. Pagdarasal
c. Pagtala ng liban
2. Paglinang ng Aralin
a. Unang Gawain: Magpapakita ng isang larawan at pagbibigay
ng tanong sa mga mag-aaral:
Tanong: Ano ang kahulugan ng ipinapakita sa larawan?
Ano ang koneksyon nito sa iyo bilang isang mag-aaral?
b. Pagpapakilala sa paksa at sa mga layunin na inaasahan
magawa ng mga mag-aaral pagkatapos ng aralin.
c. Pagpapakita ng isang video patungkol sa pagpili ng kurso sa
kolehiyo.
d. Pag pili ng guro sa mga mag-aaral na magbabahagi ng
kaisipan na kanyang na tutunan sa video na napanuod.
e. Pagtatalakay:
Tatalakayin ng guro ang patungkol sa mga salik na tamang
pagpili ng kurso.
e.1 Mga salik tulad ng talent, kasanayan, hilig,
pagpapahalaga at Mithiin.
e.2 Multiple intelligences ayon kay Howard Gardner
f. Pag sagot at pag bibigay ng interpretasyon sa resulta ng MI
survey form.
3. Paglinang ng kaalaman
Pagbuo ng grupo para sa pangkatang Gawain:
g.1 Bawat grupo ay mag kakaroon ng gawain nag papakita
ng kanilang talento
Tanong: Paano mo ngayon pipiliin ang kurso na iyong kukunin
sa senior high o sa kolehiyo?
4. Panapos na pagtataya:
Babasahin at sasagutin ng mga mag-aaral ang mga
katanungan sa pisara. Isusulat ang sagot sa isang sangkapat
na papel.
5. Takdang Aralin:
Sagutin ang Tseklist ng kasanayan sa pahina 212-213. Isulat
ang sagot sa isang buong papel.

Inihanda ni: Charlie C. Tocmo


ESP 9 Teacher

Inobserbahan ni: Mrs. Luzviminda C. Catigara


RSD-JHS Head

You might also like