You are on page 1of 2

Dilay, Bernalyn DP.

EDUC 1-A

OBSERBASYON SA PAGTUTURO SA MAPEH

Noong ika labing isa ng Marso taong dalawang libo't


labinsiyam ako at ang aking kagrupo nagpunta sa silid aralan ng
mag-aaral sa baitang isa upang mag-obserba ng tinuturo ng
kanilang guro sa MAPEH ngunit hindi nakapagturo ang kanilang guro
dahil pnagre’review lamang sila sa darating na pagsusulit. Masasabi
ko na unang-una maganda ang pakikitungo ng guro sa mga bata
dahil mapagpasensya kahit magulo ang mga bata ay nagagawan
nya ng paraan sa pamamagitan ng pagpapanood ng masasayang
kwentong pambata. Nakakatuwa din ang mga bata dahil
sumasabay sila sa pagkanta katulad nung sa Alpabetong Pilipino.

Maganda rin ang silid aralan nila dahil maaliwalas itong


tignan. Ang mga bata ay marunong sumunod kaagad kapag
nagagalit na ang kanilang guro ay tumatahimik lamang sa kanilang
kinauupuan dahil doon nadidisplina ng guro ang mga bata. Ang
mga mag-aaral sa baitang isa ay masisipag dahil pagkatapos nilang
kumain ay ang iba sa kanila ay nagwalis ng sahig. Dahil doon
nakikita ko na kung sino pa yung bata ay masisipag at nakikitaan na
ng kagandahang loob dahil marunong sila kaagad sumunod sa
kanilang guro. Samakatuwid karaniwan sa mga bata ay madaling
pagsabihan.

Masasabi ko na ang pagkuha ng edukasyon sa


elementarya ang pinamahirap na kurso dahil kailangan dito ng
mahabang pasensya at pagsasakripisyo sa mga bata dahil hindi
lahat ay mababait may iba sa kanila ay makukulit ngunit para sakin
masaya naman maging isang guro sa elementarya dahil bata pa
lamang ako ay pangarap ko na talagang maging isang guro dahil
nais kong maibahagi ang aking mga nalalaman sa kanila.
Gawason, Argelyn A. EDUC 1-A

OBSERBASYON SA PAGTUTURO SA MAPEH

Noong ika labing isa ng Marso taong dalawang libo't


labinsiyam ay nag-obserba kami sa silid-aralan ng baitang isa upang
alamin ang etratehiya ng kanilang guro sa pagtuturo ng asignatura
sa MAPEH ngunit hindi ito nakapagturo sa kadahilanang may
pagsusulit sila sa susunod na araw kaya ang mga bata ay tanging
pagre’review lamang ang kanilang ginawa.

Masasabi ko na madisplina ang kanilang guro dahil madali


niyang mapasunod ang mga bata at ang iba sa kanila ay masipag
dahil pagkatapos nila kumain ay may nagwawalis. Nagpanood din
ang kanilang guro ng mga pambata na palabas katulad ng
Alpabetong Pilipino masaya naman ang mga bata dahil sila ay
sumasabay sa pagkanta nito.

Para sakin, ang kurso ng edukasyon sa elementarya ang


pinakamahirap dahil kailangan dito ng mahabang pasensya sa mga
bata dahil hindi lahat ng bata ay mababait karaniwan sa kanila ay
makukulit at pasaway. Pero masasabi ko sa sarili ko na
nakadepende ito sa pagdidisiplina ng isang guro dahil kung tama at
may magandang loob ito ang mga bata ay mapapamahal sa isang
guro.

You might also like