You are on page 1of 14

Nasyonalismo at Arkitekturang

Filipino
Edson G. Cabalfin

As nationalism in general promotes freedom, so must nationalism in archi-


tecture foster creative freedom. The genius of a nation can be expressed not
only in one form or in a few forms, but in a wealth of forms. . . . A distinctive
contemporary Philippine architecture can emerge only from the architecture’s
expanded and deepened awareness of the architectural heritage of his country
and from his empathy with the people whom his buildings serve.
— Leandro V. Locsin

Sa kasaysayan ng pagbubuo ng bansa, nagiging bahagi ng landas ng pag-


tuklas ng sarili ang pagbubuo ng kaakuhan. Parang tao na may identity crisis,
ang isang bansa ay kailangang sumailalim din sa isang proseso ng pagtuklas.
Ang pagtuklas ng identidad at kinalalagyan sa mundo ay madalas na nagi-
ging tema ng gayong paghahanap. Hindi kaiba ang sitwasyon ng Filipinas.
Dahil ang Filipinas ay maituturing na musmos pa lamang (isang daang taon
pa lamang, sa katunayan), dumaan ang sambayanan sa isang maikling pana-
hon upang makita ang “pagkabansa” bilang isang identidad. Dahil na rin sa
nakakabit ang kultura sa pagbubuo ng identidad ng isang bansa, kadalasang
naging kaugnay pa rin ang mga katanungan ng identidad sa mismong pag-
bubuo ng kultura ng bansa. Kaya nagiging bahagi ng usaping pangkultura
ang paghahanap na iyon. Hindi nakalalayo ang arkitektura sa mga usapin
ng kaakuhan. Sa katunayan, naging bahagi na ang arkitektura sa paghaha-
nap ng pambansang kaakuhan dahil na rin ang arkitektura ay isang malinaw
at klarong manipestasyon ng kultura (Vale 1992). Hinahanap ang kongkre-
tong katangian ng identidad sa arkitektura dahil nakikita ang arkitektura
bilang manipestasyon ng gayong kultura.
Ang paghahanap ng pambansang kaakuhan sa arkitektura ay napa-
paloob sa katanungang “Ano ang arkitekturang Filipino” o “Mayroon ba
tayong maituturing na arkitekturang Filipino?” May mahabang tradisyon

209
na ang gayong paghahanap ng kasagutan (Villanueva 1958, Alcudia 1966,
Klassen 1978, Klassen 1986, Perez III, Encarnacion at Dacanay 1989, Tiong-
son 1990, Locsin 1993, Encarnacion-Tan 1995, De Leon 1995, Fernandez 1995,
Lichauco 1995, Locsin 1996). Subalit, dahil tila walang nakasasagot sa tanong
na ito, marami ang nawawalan tuloy ng interes at pag-asa sa kung ano nga
ba ang ating kaakuhan. Dahil walang sagot, wala na nga ba tayong identi-
dad? Dahil hindi matanto ang katugunan sa tanong, nanatiling isa itong
pangarap, patuloy pa ring inihahanap ng katugunan. Ang tila hindi pagka-
karoon ng kasagutan, o ang hindi pagkakaroon ng iisang pananaw na pina-
niniwalaan ng nakararami, ay nagkakaroon ng implikasyon hindi lamang sa
kasalukuyang henerasyon ng mga Filipino kundi maging sa susunod na he-
nerasyon. Dahil hindi nakikita ang gayong pag-unawa sa sariling kaakuhan,
maaaring mabigyan ng maling mensahe ang mga kabataan na wala tayong
sariling kaakuhan. Sa madaling salita, hindi nabibigyan ang kabataan ng
posibleng pamamaraan ng pagtuklas ng kanilang identidad.
Sisikapin ng papel na ito na tuklasin ang mga hakang pumapailalim
sa katanungang “Ano ang arkitekturang Filipino?” Lilinawin ang mga po-
tensyal na suliranin ng gayong mga haka, bibigyan ng alternatibong pag-
unawa, at payayabungin ang usapin ng kaakuhan sa ibayong kritikal na
lapit. Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, inaasam na makauusad na
tayo sa usapin ng kaakuhan sa arkitekturang Filipino.

Problematisasyon ng Nasyonalismo
Ipinakita ni Roxas-Tope (1998) ang ilan sa mga nagiging suliranin ng usaping
nasyonalismo, kaugnay sa kontekstong Asyano. Dahil ang kaisipang nasyo-
nalismo ay bunga ng pangyayaring historikal sa Europa (sinasabi ng iba na
lumabas daw ito noong huling kalahating bahagi ng ika-18 siglo (Hutchin-
son 1994, 5–6), iba ang naging pangyayari sa Asia. Kung ang Europeong
konteksto ng nasyonalismo ay umaayon sa konsepto ng pagsasama-sama o
konsolidasyon, naging kontrakolonyal ang pagkiling sa Asia. Dahil na rin
sa magkatulad na karanasang kolonyal ng mga bansang Asyano, nagiging
magkatulad din ang naging pagbubuo ng nasyonalismo dito (Roxas-Tope
1998, 20–21). Bagaman may paglaban at katugunan sa puwersang kolonyal,
kadalasan ang mga itinuturing na bourgeois ang pumapalit, at siyang nagpa-
patuloy ng sistemang mapaniil ng mga kolonisador. Aniya:

It would renew and strengthen ties with the colonial center, perpetuating old
colonial structures, while gradually turning inward as it accumulated power
and wealth, losing its fragile ties with the masses whose exploitation would
continue unabated despite independence. (Ibid. 22)

210  Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular


Nangangahulugan, ang sariling mamamayan ng bansa ang siyang nag-
papalaganap ng mapaniil na mga operasyon at sistema. Kadalasan, itinatago
ang mga operasyong ito sa likod ng mga “programang pambansa” (ibid.,
23). Kaakibat din, kadalasan, ang pagnanasa ng “pagkakaisa” bilang isang
sistema ng homogenization. Dito, inaasam ang pagkakaroon ng “iisa” na ka-
saysayan, kultura, identidad, hangarin bilang integral sa “programang pam-
bansa.”
Ano ngayon ang nangyayari? Bakit ito nagiging masama?
Dahil may “iisa” na idealisasyong itinatakda, lahat ng hindi umaayon
sa gayong mga pamantayan ay isinasantabi. Ang sinuman o anumang hindi
umaayon ay hindi na, halimbawa, maituturing na Filipino, kapag hindi ito su-
musunod sa kategorya ng pagiging Filipino. Kaugnay sa homohenisasyong
ito ang kulturang sinasabi na “pambansang kultura.” Wika ni Ernest Gellner
sa kaniyang papel na “Nationalism and High Cultures” (1983), nakikita niya
ang nasyonalismo bilang pagpapataw ng isang kulturang kadalasan ay day-
uhan o taliwas sa mga aktuwal at nagaganap na kultura. Banggit niya:

The basic deception and self-deception practiced by nationalism is this: na-


tionalism is, essentially, the general imposition of a high culture on society,
where, previously low cultures had taken up the lives of the majority, and
in some cases of the totality, of the population. It means that generalized
diffusion of a school-mediated, academy-supervised idiom, codified for the
requirements of reasonably precise bureaucratic and technological commu-
nication. It is the establishment of an anonymous, impersonal society, with
mutually substitutable atomized individuals, held together above all by a
shared culture of this kind, in place of a previous complex structure of local
groups, sustained by folk cultures reproduced locally and idiosyncratically
by the micro-groups themselves. This is really what happens. (Gellner 1983
sin Hutchinson & Smith 1994, 65)

Ang pagpapataw ng “iisang pambansang kultura” ang siyang nagiging


madalas na sigaw ng mga nasyonalista. Ang diskurso ng nasyonalismo, sa
pagkakataong iyon, ay umaasa sa pagbubuo ng iisang kultura na pag-uus-
bungan ng iisang pambansang kaakuhan (Roxas-Tope 1998, 26). Dahil sa
iisang identidad na inaasam, walang lugar sa anumang kaakuhan na hindi
tumutugma sa pambansang identidad. Wika nga ni Roxas-Tope:

The totalized identity tends to eschew any form of alterity or malformation.


It is capable of imposing a silence and an invisibility on carriers of difference
by persecuting them or by constructing them as aberrants. Totalizing can
be a violent, invasive form of othering which may result in psychological
trauma or internal/external exile. (Ibid.)

Cabalfin · Nasyonalismo at Arkitekturang Filipino  211


Ang operasyon ng “othering” o ang pagsasantabi ay nagaganap sa anu-
mang identidad na hindi umaakma sa idealisasyong pambansa. Sa pagsasan-
tabi, ating itinuturing na hindi tugma, hindi bahagi, taliwas, kumokontra,
nasa labas, isang kontradiksyon ang mga bagay na inilalagay natin sa kate-
goryang “”iba.” Nagiging masama ang gayong operasyon dahil may naita-
takdang pribilehiyado. Nagiging elitista ang gayong pananaw.

Usaping Postcolonial
Dulot ng karanasang kolonyal at kadalasang mapaniil na bisa nito, naging
natural ang paghanap ng ibayong kaparaanan kung paano tutugunan ang
gayong puwersa. Kinailangan ngayon ang alternatibong pananaw at dis-
kurso na maaaring magligtas sa tila walang pag-asang sitwasyon ng mga na-
kakolonisa. Papasok ngayon ang diskursong postcolonial. Ang mga pag-aaral
ayon sa usaping postcolonial ay sinasabi na umuusbong at may malaking
kaugnayan sa usaping kolonyal. Kung may isang damukal na depinisyon
ang nasyonalismo, mayroon ding ilang pakahulugan ang postcoloniality. Sub-
alit para sa pag-aaral na ito, mas gagamitin ang depinisyon na ipinahayag
ni Ania Loomba (1998). Aniya, ang salitang postcolonial ay makikita sa
dalawang aspekto: una, ang salitang post- ay nagbabadya ng kapanahunang
matapos ang kolonyal na karanasan; ikalawa, ang post- sa salita ay tumutu-
koy rin sa pag-alpas sa usaping kolonyal (Loomba 1998, 7). Wika pa niya:

It has been suggested that it is more helpful to think of postcolonialism not


just as coming literally after colonialism and signifying its demise, but more
flexibly as the contestation of colonial domination and the legacies of colo-
nialism. (Ibid. 12)

Mahalaga para sa atin, sa aking palagay, ang operasyon ng pag-alpas


at ang pagbagtas tungo sa mga usapin ukol sa kung paano natin maaaring
usigin at hamunin ang mga estrukturang kolonyal na nanatili pa rin sa ating
bansa kahit wala na ang kolonisador. Mahalaga itong pagkakataon lalo na
sa mga tinatawag na neocolonization na laganap sa kasalukuyang lipunan at
kultura (Sartre 2001). Bahagi ng diskursong postcolonial ang pagtatakda ng
alternatibong mga pananaw at kaisipan laban sa mga kanonikong mga kai-
sipang umaayon sa Euro-Amerikanong tradisyon. Hindi naman sinasabi na
palibhasa’y galing sa “kanluran” ay maituturing na agad na “masama,” sub-
alit mas mabuting isipin na kailangan ang pagiging kritikal sa mga pananaw
na ipinapataw sa atin lalo na kung ang mga kaisipang ito ay nagsasantabi ng
mga sistemang pangkultura ng mga kinolonisa. Banggit ni Legasto:

212  Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular


Postcolonialism critiques Western hegemony which has legitimized colonial-
ism and has continued to marginalize cultural production/knowledge of co-
lonials and former colonials. (Legasto 1993, 6–7)

Mahalaga rin dito ang kaisipan ni Antonio Gramsci ng gahum


(hegemony). Para sa kaniya, hindi kailangang pinupuwersa ang pagtang-
gap ukol sa sariling identidad at pagkatao. Sa katunayan, mas lubos na
nagiging epektibo kung maluwag na tinatanggap ng tao ang sitwasyon.
Dito, tila pinalalabas na ang posisyon sa lipunan at ang pagpapalakad ng
pamunuan ay naturalisado. Isa itong impluwensiyang di-puwersado. Kada-
lasan sitwasyong pangkultura ang nagiging lunan ng pagtatagpo at tungga-
lian (Childs at Williams 1997, 231).
Sa pagtalakay ng postcolonial, isa sa madalas na lumalabas na tema ay
ang operasyon ng recuperation o ang pamamaraan kung paano natin naiba-
balik o nakukuhang muli ang dating lakas o kapangyarihan (Roxas-Tope
1998, 31). Dahil ang kolonyal na karanasan ay nakapagdulot ng mapaniil
at mapanupil na mga sistema sa lipunan, kailangang magkaroon ng pag-
tatamo muli ng dating lakas. Halintulad sa isang katawan na nawalan ng
lakas matapos ang patuloy na paglalabas ng enerhiya, kailangan ang ibay-
ong pagtatamo ng lakas upang maibalik ang dating kalagayan. Gayundin
sa kolonyal na karanasan. Ang postcolonial na diskurso ay isang proseso ng
rekuperasyon. Bukod pa dito, kung dati ang mga isinasantabi ay binawian
ng lakas, nakikita din ngayon ang kailangang pagbibigay ng kapangyari-
han. Kapangyarihang itaguyod at ipagpunyagi ang sarili, laban pa rin sa
dating sistemang mapanupil. Ang dating nawalan ng boses ay binibigyan
ng boses, ang dating isinasantabi ay ibinabalik sa loob, ang dating “iba” ay
nagiging bahagi muli ng nakararami (ibid. 39). Samakatwid, ang usaping
postcolonial ay kailangang tumalakay kung paano natin maaaring ibalik ang
nawalang kapangyarihan. Isa itong tahasang paghanap ng alternatibong pa-
nanaw at isang maláy na proseso ng pagtatamo ng nararapat na kapangyari-
han. Gayunman, mas lubos itong nagiging makabuluhan sa mga itinuturing
natin na “iba.”

Pagbalangkas ng Tanong
Hindi maipagkakaila na ang nasyonalismo ay isang mainit pa ring usapin
hanggang ngayon. Sa arkitektura, ang gayong layuning nasyonalismo ay
makikita natin sa katanungang “Ano ang arkitekturang Filipino?” Mata-
gal nang naihain ang katanungang iyon, simula pa noong dekada sesenta
nang manumbalik ang matinding pagmamahal sa sariling bayan, lumakas
ang kilusang nasyonalista, at sinimulan ang pagsusuri sa nananaig na mga

Cabalfin · Nasyonalismo at Arkitekturang Filipino  213


pamantayan at kaisipang pinalalaganap ng Amerika (Maceda 1986). Dahil
rito, lumabas rin ang matinding pangangailangan na unawain at tuklasing
muli ang sariling pagkatao ng mga Filipino, kung kaya nagkaroon din ng
biglaang pananaliksik at pagtuklas ng kaakuhang Filipino.

The search for cultural roots in order to be able to reconstitute the lines of
cultural development: the need to develop a national language that could
unify the people; the urgent task to redefine culture from a nationalist per-
spective—these became the overwhelming concerns of the nationalist move-
ment. At the same time the movement gave birth to cultural forms that ad-
dressed relevant political, economic, and social issues. (Maceda 1986)

Identidad ang naging partikular na pokus ng mga usapin. Maging sa


arkitektura, ang mga arkitekto, akademista, at kritiko ay napasailalim sa
masalimuot na talakayan ukol sa identidad sa arkitektura (Villanueva 1958,
Alcudia 1966, Klassen 1978). Para kay Locsin, isa sa ating National Artist
for Architecture, ang nasyonalismo sa arkitektura ay ang pagpapamalas ng
gayong pambansang kaakuhan. Banggit niya:

Nationalism in architecture may thus be defined as the expression of national


identity through architectural forms as influenced by history and culture. It
is also the response to political, economic, social and cultural concerns and
needs, a response that provides appropriate structures, expresses values and
ideals and endeavors to shape the future. (Locsin 1993)

Kung babalikan natin ang tanong na “Ano ang arkitekturang Fili-


pino” bilang kumakatawang kaisipan sa usapin ng identidad sa arkitektura,
mahihinuha natin ang ilang mga palagay. Ito mga hakang nakatago sa likod
ng tanong. Ang tanong ay hindi rin basta-basta nasasagot gawa ng mga na-
kakawing pang mga isyu at usapin. Ipinakikita rin dito ang nagiging proble-
matisasyon ng mga inihayag na palagay.
Una, ang identidad sa arkitektura ay nakikita bilang isang depinisyon.
Sa paghahanap ng identidad sa arkitektura, ang madalas na ginagamit ay
yaong katangiang umaayon sa iisang partikular na depinisyon. Maging ang
paggamit ng kaisipang depinisyon ay nakapagbibigay ng implikasyon. Ang
depinisyon, na siyang galing sa Ingles na salitang definition, ay nagmula
sa Latin na definere, o “ang pagtataya ng hanggahan.” Sa dahilang pagta-
takda ng hanggahan ang nagiging pinakadiwa ng “depinisyon,” gayundin
ang kaisipan sa identidad bilang isang depinisyon: ang identidad ay ang
katulad ding pagtatakda ng hanggahan. Kung gayon, ang paghahanap ng
identidad sa arkitektura ay isang proseso ng paghanap ng gayong hangga-
han ng identidad. Ang anumang bagay na umaayon sa partikular na para-
metrong inihanay ng isang depinisyon ay umaayon samakatwid sa identidad

214  Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular


na iyon. Halimbawa, ang paraan natin ng pag-intindi sa estilo ng renaissance
sa Europa, maging sa naging kaanyuan nito sa Filipinas. Dahil ang estilo ng
renaissance ay nagbunsod sa iba’t ibang ehemplo sa pagdaan ng panahon,
ginagamit ang mga partikular na elementong makikita sa isang gusaling re-
naissance bilang palatandaan ng gayong estilo. Yamang ang mga elemen-
tong naitakda bilang partikular sa estilong renaissance, ang mga mag-aaral
na gusto pa ring gumamit ng estilong renaissance ay maaaring mag-angkin o
humalaw mula sa elementong iyon at ilagay sa kanilang sariling disenyo. Na-
giging mahalaga pa rin ito sa pagsasakategorya ng mga gusali ayon sa estilo.
Lumalabas ngayon ang mga bansag sa mga gusali bilang nabibilang sa estilo
o anyong, halimbawa baroque o dili kaya’y neo-classic dahil sa napupunang
mga elemento na ginamit ng nagdisenyo. Makikita natin ito madalas sa his-
toryograpiyang pang-arkitektura ayon sa isang estilisadong kategorisasyon.
Ano naman ang nagiging suliranin dito? Ang pagtingin sa identidad
bilang isang depinisyon ay siya mismong nakahahadlang sa patuloy pa ring
pagtuklas ng sariling kaakuhan. Ang implikasyon ng paglagay sa isang de-
pinisyon ay ang paglalagay ng identidad sa isang kahon. Ang identidad, sa-
makatwid, ay pinipilit nating ilagay sa isang estado o pangangatawan na
hindi nagbabago. Estatiko ang pagtingin sa identidad.
Ikalawa, ang pagka-Filipino sa arkitektura ay nakasalalay sa iisang pam-
bansang identidad. Tulad din ng nabanggit na, ang paghanap ng identidad
ng pagka-Filipino sa arkitektura ay maitatali natin sa kilusang nasyonalista
noong dekada sesenta. Maiuugnay natin, kung gayon, ang mga nakatagong
balakin na ipahayag ang “iisang pambansang identidad” sa pamamagitan ng
pagtatalaga ng mga sistemang nagbubuo ng kaakuhan. Ang pamahalaan ay
nagtatalaga ng mga kasangkapan o sistema upang mapalaganap ang isang
pambansang identidad at kultura. Ang arkitektura ay isa sa gayong mga
kasangkapan o sistema. Ang lehitimisasyon ng isang pambansang kaaku-
han ay maluwalhating natatanggap ng nakararami, dahil na rin ito ay na-
naturalisa o naituring na “natural” na pangyayari. Ang arkitektura bilang
isang konkretong obheto at produkto na nakikita at bahagi ng karanasang
pang-araw-araw ay maaaring magsilbing kasangkapan sa pagpapalaganap
ng gayong kaisahan. Kaugnay din ng gayong nasang pambansang identidad
ang identidad sa arkitektura bilang “iisa” rin. Hinahangad, maging sa arki-
tektura, ang isang homoheneisadong identidad.
Ikatlo, ang kaakuhan sa arkitekturang Filipino ay nakatuon sa mga “bu-
kod-tangi” na elemento at katangian. Makikita natin ang hangarin para sa
homoheneisadong identidad sa mga komentaryo at sa madalas nang pagko-
kompara ng arkitektura sa mga mas “buo” daw na kultura. Tulad ng Hapon at
Tsina, ang mga “dakilang sibilisasyon,” na mas madali raw makita ang parti-
kular at kaibang katangian ng kanilang arkitektura. Dahil sa paghahambing

Cabalfin · Nasyonalismo at Arkitekturang Filipino  215


sa gayong “buo” na kultura, nakikita na ang arkitektura natin ay sinasabi na
walang identidad, dahil walang makitang “buong identidad.” Mamamalas
natin dito na nakakawing pa rin ang pagtingin sa pagiging “buo at homo-
heneisado” na kultura upang magkaroon din ng isang “buo at homohenei-
sado” na arkitektura. Madalas gamitin ang mga kapuna-punang katangian
ng arkitektura bilang batayan ng “buong” identidad. Halimbawa, kapag
sinabing arkitekturang Hapones, madalas na pumapasok sa isipan ang mga
elemento ng Torii, ang imahen ng isang dambanang shinto, shoji iskrin, ang
mga banig na tatami, at iba pa. Kung arkitekturang Thai naman, palaging
lumilitaw ang spires, ang mga lilok na ginto, ang patong-patong na bubong
bilang pangunahin at tampok na mga katangian. Hinahanap ang “kakaiba”
o “bukod-tangi” na mga elemento bilang pagtukoy sa kaakuhan.
Subalit mapapansin natin sa gayong pagkakategorya ang nagaganap na
stereotype. Sa stereotype, inilalagay ang isang bagay o identidad sa isang par-
tikular na imahen o kaisipang madaling maproseso at maunawaan (Loomba
1998, 59). Kung kaya, upang madaling maunawaan at matukoy ang isang
arkitekturang Hapones, madaling natatandaan ang pinaka-“diwa” nito
dahil sa natukoy na mga elemento. Ang nagiging problema nito, tulad sa
iba pang pag-stereotype, ang isang bagay ay nailalagay pa rin sa isang esta-
tikong imahen o kaisipan. Hindi napapayagan ang anumang hindi umaayon
sa gayong imahen.
Kawangis sa arkitekturang Filipino, pilit ding hinahanapan ito ng “likas
at katangi-tanging” mga elemento upang madaling matukoy ang pagka-Fil-
ipino. Sumasailalim ito sa operasyong pag-stereotype. Kailangan daw matu-
koy rin sa arkitekturang Filipino ang mga elementong ito, upang masabi na
mayroon din tayong “buong” kaakuhan. Dahil hindi ito ang katotohanan
at ang tunay na umiiral, nahihirapan tuloy makakita ng partikular at ka-
tangi-tanging mga elemento sa kondisyong Filipino. Kaya sinasabi na wala
raw tayong “dakilang tradisyon sa arkitektura.” Kung wala bang kakaiba
at katangi-tanging mga elemento ang arkitektura natin, wala na ba tayong
maituturing na Filipino sa ating arkitektura? Nakaankla pa rin ang konsepto
ng “pagkakaiba” sa ibang kultura bilang pundamental na operasyon ng pag-
tatakda ng sariling kaakuhan.
Ikaapat, ang “arkitekturang Filipino” ay nakaugat sa usapin ng “kaaku-
hang Filipino/pagka-Filipino.” Upang masagot natin ang katanungang
“Ano ang arkitekturang Filipino?” haharapin muna natin ang katanungang
“Ano ang pagka-Filipino?” o “Paano natin maituturing na ang isang bagay ay
Filipino?” Ang usapin ng kaakuhan sa arkitektura, kung gayon, ay nakatali
sa usapin ng kaakuhan ng pagkataong Filipino.
Ang tanong ng “Ano ang arkitekturang Filipino?” ay isang masalimuot
na tanong, na hitik at mayaman sa iba pang mga isyu at usapin na kailangang

216  Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular


salain at usisain bago pa man ito mabigyan ng sagot. Ipinahahayag ng
tanong ang masalimuot na pagtalakay sa identidad ng Filipino. Hindi natin
ito basta-basta masasagot kung titingnan din natin ang pagka-Filipino bilang
isang depinisyon. Bukod pa dito, ang katugunan sa “pagka-Filipino” ay isa
pa ring proseso na nagbabago sa pana-panahon at sumasailalim sa isang
proseso ng transpormasyon. Ang usaping identidad ay nakakawing sa kon-
tekstong sosyo-historikal na ginagalawan ng gayong identidad. Samakatwid,
dapat tayong tumaliwas sa kaisipan ng pagka-Filipino bilang isang diwa o
essence na hindi nagbabago at matatagpuan sa ilalim ng lahat na itinuturing
natin na Filipino. Banggit ni Priscelina Patajo-Legasto:

Filipino-ness or the cultural identity of the Filipinos is conventionally associ-


ated with the rhetoric of traditional politicos, nationalistas and academics.
This rhetoric of Filipino-ness assumes the existence of an essential Filipino
belonging to a homogeneous Filipino community, belonging to one Filipino
nation. (1998, xv)

Bilang pamalit na kaisipan sa identidad ng Filipino bilang isang “es-


sence,” ipinapanukala niya ang kaisipan ng identidad at yaong kaugnay sa
bansa bilang bunga ng mga pangyayaring pangkultura at iba’t ibang cultural
practices tulad ng teatro, sining at mass communication (ibid.). Pagpapalawak
ito ng identidad ayon na rin sa mga bagay na kadalasan nating itinuturing
na nasa labas ng “karaniwang” pagkakaunawa sa identidad.

Paghahalili ng Balangkas
Dahil sa ipinahayag na mga punto ukol sa mga nakatagong palagay at haka
kaugnay ng tanong na “Ano ang arkitekturang Filipino?” hindi gayon ka-
simple ang magiging sagot. Maaari nating ipakita ang iba’t ibang aspekto
ng pagbabago, o ang mga posibleng transpormasyon ng usapin. Isa itong
pagbabago mismo ng batayang kaisipan na ating ginagamit sa pagtatanong
ukol sa pagsulong ng arkitekturang Filipino.
Una, mula sa identidad bilang isang produkto o obheto tungo sa identi-
dad bilang isang proseso at dinamikong pangyayari. Hindi na natin titing-
nan ang identidad bilang isang estatikong kaganapan, bagkus ay uunawain
nating isang proseso ito. Lubos itong mas mapagpalaya, maunawain, at
bukás sa sarisaring kaanyuan at kaibhan ng identidad upang maisama natin
bilang identidad ng Filipino. Bilang proseso, kinikilala nating ang identi-
dad ay hindi isang end product o kahahantungang produkto, kundi isang
pagbabagong-anyo, isang pangyayari na patuloy pa ring nagbabago. Kung
dati, ang identidad ay nakikita bilang iisa, konkreto at nailagak sa isang iki-
nahong depinisyon, ang identidad ay mas mabuting unawain bilang malaya,

Cabalfin · Nasyonalismo at Arkitekturang Filipino  217


hindi estatiko, maramihan at iba’t iba ang maaaring magtakda ng kabulu-
han. Wika nga ni Roxas-Tope (1998, 213): “Identity therefore must be re-
garded as a process rather than an artefact or outcome.”
Ikalawa, mula sa identidad na nagmumula sa itaas tungo sa isang pam-
bansang identidad na nagmumula sa nakararami. Ang pambansang identi-
dad na noong una ay sumusunod sa programa ng pamahalaan upang pala-
ganapin ang ideolohiyang pinili ng gobyerno ay binabago ngayon bilang
isang tunay na artikulasyon ng pambansang hangarin. Pambansa: nang-
angahulugang buong bansa. Ang turing sa buong bansa ay isang pagkilala
sa lahat ng aspekto at bahagi ng bansa. Ibig sabihin din nito, ang pamban-
sang identidad ay hindi dapat nanggagaling sa isang maliit at piling grupo,
hindi mula sa elite lamang. Kinakailangang nagmumula ito sa nakararami.
Wika ni Alice Guillermo:

In order to recuperate the concept, national identity must be articulated into


the people’s discourse and be aligned with their interests. . . . Furthermore
in its revolutionary meaning, the national identity which is not a petrified
concept is linked up with a large project of social change. Thus it has a class
articulation, as it aligns itself with the interests and causes of the majority of
the Filipinos who constitute the working class and the peasantry (Guillermo
1999, 12).

Sa pa­mamagitan ng identidad na tunay na kumakatawan sa mayorya,


ang nasyonalismo, kung gayon, ay binabago bilang isang pagpapayaman at
pagpupunyagi ng adhikain ng nakararami.
Ikatlo, mula sa identidad sa arkitektura bilang mga “katangi-tangi” na
mga elemento at katangian tungo sa identidad sa arkitektura na tumutukoy
sa mga kontekstong Filipino. Tataliwas na rin tayo sa pagtutumbas ng iden-
tidad sa arkitektura bilang “bukod-tangi/distinct” na mga elemento at katan-
gian. Samakatwid, mas uunawain natin ang pagkaiba ng isang arkitektura,
hindi dahil sa mga panlabas na kaanyuan lamang nito at sa halip ay mas
kumikiling sa partikular na proseso ng pagbabago at pakikibagay ng arki-
tektura sa kontekstong kinapapalooban nito. Gayunman, ang arkitekturang
Filipino ay hindi nakatali sa pagkakaroon ng kakaibang elementong panla-
bas, bagkus ay nakaugnay sa mga ispesipikong kondisyon ng karanasang
Filipino. Mga karanasang umuusbong sa mga partikular na kondisyong pi-
sikal, pang-ekonomiya, pampolitika, at pangkultura ng Filipinas at ng mga
Filipino.
Ikaapat, mula sa identidad na homoheneisado at iisa, tungo sa identi-
dad na hybrid, iba’t iba, magkasalikop, at magkadaop. Bilang alternatibong
kritikal na lapit sa isang identidad na iisa at homoheneisado, ipinapalit na
kaisipan ang hybridity sa kultura at identidad. Ang konsepto ng hybridity ay

218  Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular


nagmumula sa teknikal na depinisyon ng pagsasanib at pagtatagpo ng da-
lawang uri ng ispesi (Loomba 1998, 173). Subalit sa diskursong postcolonial,
inangkin ngayon ang hybridity bilang paghamon sa mga operasyon ng essen-
tialism at mapanglahat na mga lapit: “Hybridity resists essentialism by recov-
ering and reinscribing previously suppressed voices and by encouraging new
and unlikely combinations of cultural forms” (Roxas-Tope 1998, 212). Kung
dati-rati, pilit na hinahanap ang isang “puro” at “orihinal” na identidad, bi-
nubuwag na ito at inuunawa ang identidad bilang isang proseso na hindi pa
tapos at buo (ibid.). Kung uunawain natin ang kultura bilang isang pangy-
ayaring hybrid, tinatanggap na rin natin ang mga pagtatagpo ng mga kul-
tura. Samakatwid, ang kulturang Filipino ay hindi na nakikita bilang isang
purong katutubong kulturang “nabahiran” ng dayuhang kultura, bagkus
ay mas mabuting tingnan bilang kultura na naging lunan ng pagtatagpo ng
iba’t ibang kultura. Madalas na nga nating marinig na ang Filipinas, sa katu-
nayan, ay binubuo ng napakaraming kultura. Mas tumitingkad ngayon ang
kahalagahan ng pagkilala ng gayong dibersidad at pagiging magkakaiba ng
kulturang Filipino.
Katulad sa kontekstong pang-arkitektura, ang arkitekturang Filipino ay
dapat sumailalim sa gayong pagkilala ng pagkakaiba at pagsasanib ng kul-
tura. Ang arkitekturang Filipino, ayon sa mga nabanggit na pag-unawa, ay
maaaring intindihin bilang pagdadaop ng iba’t ibang pangyayaring pang-
kultura. Ang arkitekturang Filipino ay hindi lamang yaong tumutukoy sa
katutubo. Ang sarisaring katugunan at ekspresyong pang-arkitektura ng Fi-
lipino sa pagdaan ng panahon ay bahagi ng kabuuan at itinuturing nating
arkitekturang Filipino.

Arkitekturang Filipino sa Hinaharap


Dahil sa mga ipinahayag na pagbabagong-anyo ng mga batayang kaisipan,
bumubukal ang mga panibagong alternatibo sa pamamaran ng paglinang
ng arkitekturang Filipino. Paano natin bubuuin ang tanong na “Ano ang
arkitekturang Filipino?” tungo sa ibayong katanungan?
Naniniwala ang sumulat na may kailangang pagbagtas mula sa dating
nakasanayang tanong. Sinasabi dito na kailangan tayong magkabit ng mga
panibagong tanong sa lumang tanong. Mahalaga pa ring tuklasin ang sagot
sa “Ano ang arkitekturang Filipino?” subalit ipinanukala dito na maaari din
nating itanong ang isyu na “Ano ang tutunguhin ng arkitekturang Filipino?”
Ibig sabihin nito, kailangan na nating umusad maging sa pagtatanong. Sa
dahilang dinamiko ang pagtingin sa identidad, gayundin ang magiging pa-
nanaw sa hinahangad nating identidad. Hindi natin maipapako ang identi-
dad sa iisang panahon, kaya’t isang continuum din ang magiging pagtingin

Cabalfin · Nasyonalismo at Arkitekturang Filipino  219


sa arkitekturang Filipino. Isa itong patuloy na proseso ng transpormasyon at
pagtatagpo. Samakatwid, kailangan nating patuloy na tuklasin ang mga po-
tensyal at posibleng landasin na maaaring tahakin sa arkitekturang Filipino.
Kailangan ang isang maláy na pagtuklas. Kailangan ang pagtutulungan at
partisipasyon ng lahat upang tayo ay makaabot sa inaasam nating kahihi-
natnan. Ang arkitekturang Filipino ay kailangang mabigyan ng pagkakata-
ong lumago at malinang. Kailangang umusad ang pananaw sa arkitektura.
Kailangang maging malayuan ang pagtanaw sa arkitektura. Ang lahat ay
bahagi ng pagbubuo ng ating kaligiran, kung kaya’t nasa ating mga kamay
ang pagbubuo ng arkitektura. Ang lahat ng ating mga lapit at pamamaraan
ng pagbubuo ng arkitektura ay kinikilala bilang mga lehitimong paraan ng
pagbubuo. Ang arkitekturang Filipino ay kailangang unawain din sa ating
mga sariling pamantayan. Bahagi ng paglago ng arkitektura ang pagbalang-
kas ng mga pamantayang nararapat para sa atin. Kaya’t ang arkitekturang
Filipino ay kailangan sumailalim sa patuloy na pagkilatis. Sa hinaharap, ang
nakikitang arkitektura ay yaong may kabuluhan para sa ating mga Filipino.
Samakatwid, sa pagtatanong ng patutunguhan ng arkitekturang Filipino,
kailangan din nating sagutin kung ano ang mahalaga at may kabuluhan
para sa atin. Kung gayon, huwag na tayong magpapatali sa katanungang
“Ano ang arkitekturang Filipino?” bagkus ay lakipan pa natin ito ng ibayong
mga katanungan na “Ano ang potensyal ng arkitekturang Filipino sa hinaha-
rap?” at ang kaisipan na “Ano ang mahalaga at may kabuluhan sa ating mga
Filipino?” Sa pagpapalawak ng ating mga pamantayan, ating mapalalago at
mapayayabong ang sarili nating kabihasnan tungo sa ating pagharap sa mga
pagsubok ng panahon at ng realidad.

Paglalagom
Ipinahayag sa papel na ito ang pagtatagpo ng nasyonalismo at kaakuhan sa
arkitekturang Filipino. Ang nasyonalismo, bilang pagtuklas ng identidad, ay
nakapaloob sa kung paano din natin titingnan ang kasaysayang pang-arki-
tektura. Sa pamamagitan ng usaping postcolonial, ating kinikilala ang mga
operasyon ng rekuperasyon, pagliligtas at pagdait ng kapangyarihan bilang
mga lapit sa usapin ng nasyonalismo. Tumitingkad ang konsepto ng hybrid-
ity bilang kritikal na pag-unawa sa kultura at identidad. Kaalinsabay nito,
kinikilala na rin ang kasaysayang pang-arkitektura bilang lunan ng gayong
rekuperasyon.
Mula pa rin sa gayong mga katotohanan, ang arkitekturang Filipino ay
tinitingnan sa ibayong pananaw at kaisipan. Nagkakaroon ng paglipat mula
sa arkitekturang Filipino bilang isang produkto lamang tungo sa isang pros-
eso na patuloy pa ring gumagalaw. Ang arkitekturang Filipino ay iniisip din

220  Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular


ngayon hindi lamang bilang pagtatamo ng isang estilo kundi mas marapat
na tingnan bilang dinamikong pagtuklas ng identidad ayon na rin sa mga
nagaganap na pagtatagpo, pamamagitan, at pagbabagong-anyo. Hindi rin
ito isang obhetong pasibo na tumatanggap ng kung anu-anong impluwen-
sya kundi isang lunan ng transpormasyon. Sa dahilang ang arkitekturang
Filipino ay binubuo nating lahat na mga Filipino, lahat tayo ay bahagi at
kawaksi sa pagbubuo ng ating sariling kaligiran at kinabukasan. Hindi natin
maipagkakaila, samakatwid, ang pamamaraan na ang arkitekturang Filipino
ay marapat na magsilbing lunan ng karanasan, daluyan ng kalayaan, at in-
strumento ng pagbabago sa ating Inang Bayan.

Ang artikulong ito ay unang nailimbag bilang “Nasyonalismo at Arkitektura: Post-


colonial na Paglilinang sa Arkitekturang Filipino” Bulawan 3: Journal of Philip-
pine Arts and Culture. National Commission for Culture and the Arts (2001).

Talasanggunian
Abueva, Jose, ed. 1998. Filipino nationalism: Meanings, goals and relevance. Mula
sa Nasyonalismong Filipino: Sari-Saring kahulugan, patuloy at nagbabagong mga
layon at dumadaloy na ugnayan, inedit ni Jose Abueva. Quezon City: University
of the Philippines Press.
Alcudia, Paterno. 1966. Can we develop a native architecture. Philippine Institute of
Architects (PIA) Journal. Philippine Institute of Architects. Volume no.:????
Chaterjee, Partha. 1993. National history and its exclusions. Mula sa Nationalism,
inedit nina John Hutchinson at Anthony Smith. 1994. Oxford University Press.
Childs, Peter, at R.J. Patrick Williams. 1997. An introduction to post-colonial theory.
Prentice-Hall.
De Leon Jr., Felipe. 1995. The unity of spatial concepts in Philippine architecture
and other arts. National Symposium on Filipino Architecture and Design, Disy-
embre 7–9, Sentro ng Arkitekturang Filipino, University of the Philippines.
Encarnacion-Tan, Rosario. 1995. Appreciating perceptions of Filipino space. Na-
tional Symposium on Filipino Architecture and Design, Disyembre 7–9, Sentro
ng Arkitekturang Filipino,
Fajardo, Brenda. 1995. Pag-unawa sa espasyong Filipino. National Symposium on
Filipino Architecture and Design, Disyembre 7–9, Sentro ng Arkitekturang Fili-
pino.
Gellner, Ernest. 1983. “Nationalism and High Cultures.” Mula sa Nationalism, inedit
nina John Hutchinson at Anthony Smith. 1994. Oxford University Press.

Cabalfin · Nasyonalismo at Arkitekturang Filipino  221


Guillermo, Alice. 1999. Identity: Stasis or struggle. Manuskrito.
Hutchinson, John, at Anthony Smith, mga editor. 1994. Nationalism. Oxford Univer-
sity Press.
Hutchinson, John. 1987. Cultural Nationalism and Moral Regeneration. Mula sa
Nationalism, inedit nina John Hutchinson and Anthony Smith. 1994. Oxford
University Press.
Klassen, Winand. 1986. Architecture in the Philippines: Filipino building in a cross-cul-
tural context. Cebu City: University of San Carlos.
  ——. 1978. Towards a Filipino architecture. Mula sa Philippine Quarterly of Culture

and Society, no. 6 (Disyembre): 218–27.
Lichauco, Danilo. 1995. A comparative analysis of western and Philippine spatial
systems: Towards the development of Philippine architecture. Mula sa National
Symposium on Filipino Architecture and Design, Disyembre 7–9, Sentro ng
Arkitekturang Filipino.
Locsin, Leandro, 1993. Cultural nationalism is concerned with the expression of a
people’s soul. Mula sa Nasyonalismong Filipino: Sari-Saring kahulugan, patuloy
at nagbabagong mga layon at dumadaloy na ugnayan, inedit ni Jose Abueva. 1998.
Quezon City: University of the Philippines Press
Locsin, Leandro. 1993. Nationalism and architecture. Philippine Panorama, Agosto
22: 10–12, 58–59.
Loomba, Ania. 1998. Colonialism/postcolonialism. Routledge.
Maceda, Teresita. 1986. Creative intervention: Towards a people’s alternative culture.
Mula sa Nasyonalismong Filipino: Sari-saring kahulugan, patuloy at nagbabagong
mga layon at dumadaloy na ugnayan, inedit ni Jose Abueva. 1998. University of
the Philippines Press.
Nalbontoglu, Gulsum Badyar. 1996. Writing postcoloniality in architecture: Discov-
ering Sir Banister Fletcher’s History of Architecture. Journal of Southeast Asian
Architecture 1. National University of Singapore.
Nelson, Robert, at Richard Schiff, ed. 1992. Critical terms for art history. The Univer-
sity of Chicago Press.
Patajo-Legasto, Priscelina, ed. 1998. Filipiniana reader. University of the Philippines
Open University.
Perez III, Rodrigo, Rosario S. Encarnacion, at Julian Dacanay. 1989. Folk architecture.
Quezon City: GCF Books
Roxas-Tope. 1998. (Un)framing SouthEast Asia: Nationalism and the postcolonial text in
English in Singapore, Malaysia and the Philippines. Quezon City: Office of Re-
search Coordination, University of the Philippines.
Sartre, Jean Paul. 2001. Colonialism and neocolonialism. Isinalin ni Azzedine Haddour,
Steve Brewer at Terry McWilliams. Routledge.
Tiongson, Nicanor, ed. 1990. CCP Encylopedia of Philippine Art, Volume III: Philippine
Architecture. Manila: Cultural Center of the Philippines.
Vale, Lawrence. 1992. Architecture, power, and national identity. Yale University Press
Villanueva, Daniel. 1958. Toward a Filipino architecture. Sunday Times Magazine, April
6: 42-45.

222  Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular

You might also like