You are on page 1of 14

ANG POSIBILIDAD NG PAG-IMPROVE NG PERFORMANCE NG MGA

ESTUDYANTENG M.E. SA PAMAMAGITAN NG PAGBIBIGAY NG DAGDAG

NA EXPERIENCE SA LARANGNAN NG MAKINARYA

CHAPTER I

KAHULUGAN AT LAYUNIN

Ang Mechanical Engineering ay isang disiplina na isinasama ang prinsipyo ng

engineering, physics at material science para sa pag-didisenyo, paggawa at

pagmamanatili ng mga mechanical systems.

Ito ay isang branch ng engineering na may kasamang mag didisenyo, paglikha at

pag-opera ng mga machinery. Ito ay isa sa pinakamatandang sangay ng engineering.

Ang larangan ng Mechanical Engineering ay lumitaw bilang isang patlang sa

panahon ng industrial revolution sa Europa sa ika-18th siglo; gayunpaman ang pag-

unland nito ay maaring balikan ilang libong taon sa buong mundo. Ang patlang na ito ay

lumaki na upang isama ang mga bagong teknolohiya, at ang mga Mechanical Engineers

ngayon ay patuloy na pinapa-unland ang patlang na ito.

Makikita ang mga aplikasyon ng Mechanical Engineering na naka-ipon sa ibat-

ibang medieval societies. Sa ancient Greece, ang gawa ni Archimedes ay may malaking

epekto sa larangan ng mekaniko. Si Heron of Alexandria ang gumawa ng unang steam


engine. Sa China, si Zhang Heng mas pinaganda ang water clock at inimbento ang

seismometer, at si Ma Jun inimbento ang chariot na may ibat-ibang gears.

EXPERIENCE

Dapat mayroon ang isang mekanikal engineer nito dahil ito ang tumulong para

mapadali ang isang gawain at dahil dito ‘di kana maliligaw at alam muna ang mga steps o

hakbang sa paggwa ng isang gawain o project.Upang maisagawa ang isang mahirap na

gawain kailangan ng malawak na karanasan.

MACHINE

Isang bagay na nakapagpapadali sa mga trabaho ng isang tao. Bagay na kailangan

gamitan ng kuryente o gasolina.

MECHANICAL ENGINEER

Malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga mekanikal engineer tulad ng

paggawa ng mga produkto na galing sa mga ideya para sa marketplace. Sila rin ang

gumagawa at nagkukumpuni ng mga produktong gawa sa bakal.

SKILLS

Ito ay dapat taglay ng isang mekanikal engineer. Napapasok dito ang pagiging

mahusay sa mga larangan ng matematika, pagguhit, paghihinang, maging asa

pagkukumpuni ng mga kagamitan sa bahay,mga produktong gawa sa bakal,at maging sa

mga makinarya.
.WELDING

Ang pagpabrika ng mga materyales upang ito ay ma-ipagsama, na kadalasan na

gamit ay bakal o thermoplastics.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng pag-aaral na ito ay ang makapagbigay ng kaalaman tungkol sa field of

mechanics. Makatulong sa mga estudyante na nahihirapan sa pagma-makinarya sa

pamamagitan ng pagbibigay ng mga gabay na kailangang malaman para sa maayos at

magandang kakalabasan ng mga machine. Layunin na mas mahasa ang mga estudyante

pagdating sa iba't-ibang uri ng pagma-makinarya. Layunin din ng mga researchers ay

may matutunan ang mga estudyante sa ibabahaging mga kaalaman tungkol sa pagma-

makinarya.

Sa pagta-training ng actual o direkta, nahahasa at na lilinang ang kakayanan upang

magawa ng tama ang mga gawain sa makinarya, ngunit hindi lamang iyon, kasabay rin

naman ito ng pagkakaroon ng kaalaman kung ano ang dapat o hindi dapt gawin s pagma-

makinarya.

Upang malinang ang estudyante sa mga industriyang ito, nararapat lamang na bigyang

pansin ng guro o instructor ang ginagawa ng estudyante. Bagkus na malaking tulong ang

mga lecture at mga modules na pinag aaralan at ipinapaliwanag nila, hindi sapat ang lahat
ng iyon. Mas maganda at mas makakatulong sa paglinang ng kakayahan ng estudyante

ang mga hands-on activities gaya ng sa shop, edraw at maging sa iba pang asignatura.

Isa rin sa paraan upang mapataas ang kalidad ng estudyante ay ang mapataas ang kalidad

ng pagtuturo ng mga guro at instructors. Kailangan niyang malaman ang mga feedback sa

kaniya ng estudyante niya ukol sa kaniyang pagtuturo. Kung nagugustuhan ba o hindi ng

mga bata ang paraan ng pagtuturo niya, o kung may mga kailangan pa siyang idagdag

para mas maintindihan ng mga estudyante ang kaniyang tinuturo.

Para manatili ang mga kakayahan at karunungan ng mga Engineers ng isang bansa, ito ay

nagbibigay ng kaniya-kaniyang pagsubok upang makita ang kanilang mga kakayahan

base sa resulta ng kanilang gawa. Isang halimbawa nito ay sa U.S., kinakailangan na

ipakita na ang kanilang mga estudyante ay maaaring mag trabaho ng propesyonal sa

parehong thermal at mechanical na larangan.

Ang isang estudyante na nag-aaral bilang mechanical engineer ay may ibat-ibang mga

paksa na kailangan na matutunan. Upang, balang araw ay magamit ang karunungan na

nakuha sa pag-aral sa tunay na trabaho. Kasama rito ang sa pagsasa-ayos at paglikha sa

mga makina. Ibig sabihin ay kailangan ng maraming karanasan tungkol sa makinarya ang

isang engineer noong siya ay estudyante pa lamang.

Kaya ang layunin ng pag-aaral na ito ay malinang at mahasa ang mga kakayahan ng

estudyante sa industriyang kaniyang pinag aaralan.


Malaman ang kakulangan ng guro at maging ng estudyante sa bawat isa.

Malaman ang nararapat at mga mas makabagong paraan ng pagtuturo upang mapataas at

mas lalong humusay ang bata sa kaniyang napiling larangan.


CHAPTER II

SULIRANIN AT EPEKTO

SULIRANIN

Maraming suliraning masasagupa sa pagmamakinarya, isa na dito ang pagkakaroon ng

paso lalo na sa iba’t-ibang parte ng ating katawan dahil sa init nito, at ang mga hindi

inaasahang mga pangyayari dahil sa kawalan nang pag iingat.

At ang pagkasira ng mga mata dahil sa kakulangan ng welding mask na dapat kumpleto

ang bawat estudyante para nakikita nila ang actual na pag-gawa nang kanilang instructor

na ginagamit sa welding upang maging ligtas sa nagbabagang bakal na bumabagsak

galing sa kanilang winewelding.

Minsan din ang mga makina ay nasisira dahil sa kawalan nang pag iingat at sa sobrang

kalumaan nito na dapat responsable ang instructor sa pag-iingat sa mga ito.

Ang ibang makina naman na ginagamit sa welding ay ginagawang palamuti at hindi

ipinapagamit sa mga estudyante kaya mabagal ang pag dunong nang estudyante dahil sa

kawalan ng mga kagamitan.


Sapat ba ang pagbasa lang ng mga libro o reperens kung paano maisasagawa ang mga

gagawin sa shop?

Hindi.

Isa din ito sa mga suliranin na kinakaharap nang mga istudyante sa kanilang instructor,

mas mapapabuti kung ipabasa ito sa mga istudyante at i-actual niya ito sa pamamagitan

ng pag dedemo kung papaano ito magagawa upang mas malinaw sa mga istudyante kung

bakit ganun ang mga nakalagay sa kanilang libro.

May iba pang suliranin ang kinakaharap ng mga istudyante tulad nang kakulangan sa

makina na dapat mas madami upang maging aktibong manggagawa ang mga estudyante.

Dapat nilang pag tuunan ng pansin ang pagkukulang sa gamit upang maka habol sa

kalidad ng mga kagamitan.

Napapatagal ang kanilang paggawa dahil hindi sapat na makinarya at equipments sa

kanilang Shop. At ang iba ay may kalumaan na din na nagiging dahilan ng pagkakaroon

nito ng depekto.

At kung maari ay bigyang ingat kapag gumagamit ng makinarya upang tumagal ito. At

kung maari ay palitan na o ayusin din ang mga gamit na may depekto dahil sa kalumaan

upang hindi na ito makapagdulot ng iba pang problema.

Oo nga't maraming mga suliranin sa pagmamakinarya, ngunit sa pag-aactual na pagtuturo


ng mga professor, madadagdagan sa mga kaalaman ng estudyante kung pano gamitin ang

ibat-ibang equipments sa pagmamakinarya at mahahasa ang mga kakayahan ng mga

estudyante sa paggawa ng isang makina kung mas ma-ayos nilang ma-ipapasa ang

kanilang kaalaman sa pag-gamit at pag-gawa ng makina. Mas malalaman kung paano

gamitin ang mga kasangkapan sa machinery shop.

Mas matututo nga ang mga estudyante kung gagawin ng actual demonstration, lalo na

nga at pagmamakinarya ang pinag-uusapan. Mas madali kasing makukuha at

maiintindihan kung ipapakita ng actual ang paggawa at hindi lang puro libro ang

pagbabasihan.

Nakakapekto ba ang paraan ng pagtuturo ng mga instructor sa pag-aaral ng mga

estudyante?

Ang paraan ng pagtuturo ng mga instructor ay isang malaking factor na nakakaapekto sa

pag-aaral ng estudyante. Dapat maipaliwanag niya ito ng maayos upang maunawaan ng

mga estudyante.

Ayon sa mga i-sinurvey nakakaapekto nga ang paraan ng pagtuturo ng instructor. Dahil

dapat mahusay silang kumuha ng atensyon ng mga estudyante. Dapat din gawing mas

interesado ang kanilang mga aralin ituturo upang maganahang makinig ang mga

estudyante sa tinuturo nila. Sa mga instructor bumabatay ang mga estudyante kung ano

ang mga dapat gawin at kung paano nila maituturo ng maayos ang dapat nilang ituro.
Ngunit bakit nga ba mas magandang i-actual kesa i-lecture na lamang ang

pagmamakinarya? Ano ba ang madudulot nito sa atin?

Mas magandan i-actual ito dahil karamihan sa mga istudyante ay walang ganung alam sa

makina, kaya kung lecture lang ang pag babasihan nila, walang matututuhan ang isang

istudyante, hindi tulad pag actual mas madali nilang maiintindihan dahil nakikita nila

kung paano ayusin ang isang makina kumpara sa lecture na nakasulat lamang.
EPEKTO

Madami ang magiging epekto sa mga estudyante dahil sa mga nabanggit na mga

suliranin.

Dahil ang pag-aaral ang susi sa pintuan sa bahay ng kaalaman. At sa kaalaman na iyon

tayo ay inihahanda sa hinaharap.

Kaya sa simula pa lang ng pag-aaral kinakailangan na ma-ituturo sa mga estudyante ang

mga kailangan na matutunan upang pag-dating ng estudyante sa kaniyang trabaho ay

alam na niya ang kung paano iyon gawin.

Alam naman na ang pagmamakenarya ay hindi lamang nadadaan sa salita, ngunit

kinakailangan ng aksyon. Kung ang mga estudyante ay matututo sa pamamagitan lamang

ng mga reperens sa mga libro at walang wastong karasan sa paggamit ng mga napag-

aaralang makinarya, maaring mawalang-bahala lang din ang kanilang mga natutunan

sapagkat hindi pa rin nila ito nararanasan.

Isang suliranin din na hinaharap ng mga estudyante ay ang kakulangan ng mga

kagamitan. Ang epekto nito ay hindi lahat ng estudyante ay nakakapag-participate ng

maayos sa oras ng pagtuturo ng hands-on activities.


Ang ibang estudyante lamang ang nakakahawak ng mga kagamitan at ang iba naman ay

naghahanap na lamang ng ibang gawain upang libangin ang kanilang sarili habang ang

pagtuturo ay isinasagawa.

Dahil dito ay hindi gaano nadadagdagan ang karanasan ng estudyante at posibleng

magkaroon ng masamang epekto pagdating nang estudyante sa field of mechanics.

Ayon sa isinigawang surbey sa mga higher year at kay si Olaya, mas mataas ang passing

rate ng Bataan Peninsula State University na 81.67% kaysa sa Heroes na ang passing rate

ay 71%. Masasabing mas mataas ang kalidad ng pagturo ng Mechanical Engineering sa

BPSU kaysa sa Heroes dahil sa result ng nakaraang Board exam na nakasama ang BPSU

sa top ten na may mataas na passing rate pagdating sa larangan ng Mechanical

Engineering.
CHAPTER 3

Buod:

Kung sasamahin, maraming suliraning nakakasalamuha ang mga estudyante sa panahong

ito. Ang mga ito ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa pag-huhubog ng kaalaman

ng mga estudyante. Ang kadalasang suliranin ng mga estudyante ay ang kakulangan sa

mga materyales, kakulangang aksyon ng mga instructor at higit sa lahat ay

pagpapasawalang bahala ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Hindi sa lahat ng oras

ay nakatutulong ang libro. Ngunit hindi lahat ng impormasyon ay nasa libro kaya malaki

ang maitutulong ng mga hands-on activities dahil kailangan din ng mga estudyante na

makita at maranasan ang mga itinuturo ng instructor. Ang madalas din na problema ng

mga estudyante ay ang klase ng pagtuturo ng mga instructor na kung saan nawawalan sila

ng gana makinig. May nakakaantok, nakakatamad at nakakainis. Malaki kasi ang epekto

nito sa mga mag-aaral dahil may nakakatulog at imbes na makinig ay nakikipagusap sa

mga kamag-aral kaya’t nawawala ang kanilang atensyon sa pag-aaral. Kaya ang epekto

samin nito ay negative kung hindi matutunan ng maayos ang mga itinuturo samin ng mga

instructor ay walang mangyayari sa kinabukasan ng mga estudyante na kung saan ang

pag-aaral ang susi sa pintuan ng kaalaman. Kung ang lahat ng ito ay maaksyunan ng mga

mag-aaral ng Mechanical Engineering kami ay gagaling sa field of mechanics.


KONKLUSYON

Base sa mga nakolektang impormasyon na nakuha sa survey, ang mga sumusunod ay ang

mga konklusyon na nagawa:

1. May roong malaking epekto ang paraan at husay ng pagtuturo ng professor sa

kaniyang estudyante sa kanilang magiging hinaharap na trabaho.

2. Ang pagkakaroon ng kulang na materyales ay nakapagbibigay ng limitasyon sa

estudyante at hindi masusulit ang pagtuturo sakaniya

3. Ang pagbabasa lang sa mga libro ay hindi sapat para makasanay, kaya’t

kinakailangan din ng sapat na oras upang ma-isagawa rin ng aktuwal upang

makadagdag sa karanasan ng estudyante.


REKOMENDASYON

Mas makakabuti ng gawin ng paaralan ay magdagdag ng mga makina at

kagamitan na gagamitin ng mga estudyante upang maging isang aktibong

manggagawa at mas malaki ang magiging tulong nito sa mga estudyante para sila

ay makasabay sa kalidad ng ibang matataas na unibersidad gaya ng mga gayon sa

Manila. Gawing kapaki-pakinabang ang lahat ng gamit na maaari pang gamitin,

mapa-luma man ito o bago. Mas maging aktibo ang mga propesor sa pagtuturo

upang sa gayon ay lalong ganahan ang mga estudyante sa pakikinig.

You might also like